Chapter 2: Truth Or Dare

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella's Pov

Im here sa canteen kumakain while waiting for something to happen at ayun happen ba ka mo? ayan sweet sweetan sila kuya sa harap ko.

"Kuya pwedeng magtanong??"

"pwede, ano ba yun??"

"anong meron ngayon? valentine's day ba or monthsarry nyo?"

"huh? hindi po valentine's ngayon at next month pa monthsarry namin"

"yun naman pala eh. wala naman pala tapos umaapaw sa kasweetan kayo jan. mahiya kayo sa langgam."

"kaya nga JAMS mahiya kayo kinakagat na kame ng langgam dito oh! duh! magkakapantal na kame oh!" maarteng sabi ni shiella

"arte mo!" sigaw ni kris

"tsk" saltik este saltak ni carlos

"mga kontrabida." inirapan ni shiella yung dalwa

"nakakabagot naman" sumubsob si Ann sa mesa.

"anong gagawin natin mamaya?" pagbubukas ng topic ni carlos

uy nagsalita sya himala ata? kaya niyugyog ko sya katabi ko lang naman kase sya eh. 😀 di naman sya nagrereklamo. akala ko naman magagalit sayang! 😕 HAHAHA

"huy! niyugyog mo na yan baka maalog utak nyan"

"guys kase naman nagsalita sya at----" binitin ko ang sasabihin ko.

"HIMALA YUN!" sabay sabay na sabi naming mga babae. Himala nga kase di ba? i mean Once in a Blue Moon lang yun!

"MANAHIMIK NGA KAYO!! KONTING SALITA KO LANG ANG O-OA NYO!!" singhal sa amin ni carlos

hays :/ ayan na naman po sya masungit na naman. 😑 makasigaw eh noh? buti sana kung ang layo nya sakin kaso hindi ei katabi ko lang sya 😑 ansakit sa tenga. Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi nya 🙂

"ARA---"angal nya

HAHAHA 😀 di na nya naituloy yung sasabihin nya tinakpan ko kase yung bibig nya.

"Don't shout again or else lalagyan ko nang scatch tape yang bibig mo" pananakot ko.

tapos inalis ko na ang kamay ko sa bibig nya sumimangot sya saka nanahimik. Akala ko aangal sya, sayang! 😀

"WAIT! GUYS MAY NAISIP AKO!!" sigaw ni princess

"Gusto mo ng scatch tape?!" inis na tanong ko sa kanya.

"ayaw ko. 😕" nakangiwing sabi ni princess

"ano bang naisip mo??"

"mamayang uwian dun tayo sa bahay nyo janella" nakangiting sabi ni princess

"NO!!! DI PWE---" panic na sigaw ko.

Nagpapanic na ako ng maputol ang sasabihin ko dahil sa bwiset na katabi ko 😣 kita nyo este nabasa nyo?? di ko na napagpatuloy ang sasabihin ay di pala isisigaw ko kase tinakpan ni carlos ang bibig ko. Gumaganti ata toh eh!

"Great idea princess." segunda ni carlos

anong great dun? tapos mag-oovernight pa sila sa bahay gosh maawa naman sila sakin noh. 😕 nagkakaphobia ako dyan sa mga yan eh. 😭 Gusto nyong malaman bakit ayaw ko or let me say na tumututol ako? Lemme tell you 😕

💔 FlashBack 💔

17 years old kame nun and actually nung last year lang yun at kagaya ng nakagawian overnight. Hindi ko naman inaakala na mag-iinom silang mga lalaki nasa resort kame ng tita ko that time dagat yun, pagkatapos nilang mag-inom yung iba na tulog na, nagsi-swimming kame nun tapos natangay ako ng malakas na alon papunta sa malalim ei hindi ako marunong lumangoy kaya ayun! nalunod ako -_- nawalan ako ng malay as in nagblock-out yung paningin ko. Nang magising ako nasa hospital na ako ang sabi nila erick dinala daw ako sa hospital dahil nataranta daw sila and too make sure na okey daw ako sabi pa nga nila ilang oras daw akong tulog. Kaya ayun kapag may overnight ayaw ko na ikaw ba naman malunod di ka matatakot?

"sige" pagsang-ayon ni kuya

Halaaaa 😮pumayag si LPA-----este si kuya tapos itong mokong na toh di pa tanggalin ang kamay nya 😑 kagigil! kagatin ko kaya ang kamay nitong isang toh? 😣

(A/N:wag naman)

edi wag. 😣 Maya-maya may bumulong sa akin.

"Don't worry, I am here for you, di na mauulit yung nangyari noon"

wow 😮 nice! nagspeech pa ang mokong.

sana si erick na lang ang nagsasabi nyan kaso hindi eh! si carlos ang nagsabi nyan. 🙁 hayssss. 🙁 tapos inalis na nya yung kamay nya na nakatakip sa bibig ko. Tiningnan ko sya, ayun nakatingin pala sa akin tapos nginitian pa ako, taasan ko nga ng kilay. Nag-iwas kaagad sya ng tingin.

"sige payag na ako"

"yehey!!!" pumapalakpak na sabi ni Ann

"pero may isang kondisyon ako."

"sige, anong kondisyon?" tanong ni kuya.

"basta ba di kayo magpapakalasing."

"di namin mapapangako" nakangiwing sabi ni kuya.

"ewan, di ka naman talaga marunong mangako eh" inirapan ko sya.

"ouch, grabe ka naman" umakto pa syang nasasaktan.

"true naman kase." singit ni maria

"double ouch, pinagtutulungan nyo akooo.🙁 " nakasimangot na sabi ni kuya.

Biglang nagring ang bell meaning tapos na ang 1hour breaktime namin.

"Guys nagbell na so tapos na ang breaktime back to room na and be ready for our afternoon class." sabi ko sa kanila.

"okey" tumango lang sila

"una na ako kita na lang tayo mamayang uwian" paalam ko sa kanila

"okey" nagsipagtayuan na sila at kanya-kanya ng pulasan palayo.

Tumayo na ako at naglakad na palabas ng canteen ng maramdaman kong nasa tabi ko pala si carlos.

"pupunta ka ba mamaya?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"hmm. Oo"

"okey"

"ikaw pupunta ka?" tanong nya.

kunot noong tiningnan ko sya 😑

"hala sya! 😕 bahay ko po yun malamang andun ako."

"tsk" saltak nya.

*katahimikan*

*katahimikan*

*katahimikan*

"Janella?" tawag niya sakin.

Ayan binasag na nya ang katahimikan ng earth. Napatingin ako sa kanya aba ang mokong nakangiti! 😑

"Kelan ka pa natutong ngumiti? atsaka nice! marunong ka ng magsalita ngayon! sinong nagturo sayo? bibigyan ko ng award."

"sus! Yun lang award agad?"

"kase eh! atsaka parang ang unfair kapag kaharap mo sila puro saltik---este saltak ka lang, pag ako ang kaharap mo ang daldal mo may sakit ka ba?"

"sakit agad?"

"ay! bakit mo nga pala sinabi yun kanina?"

"alin?" kunot noong tanong nya sa tanong ko 😑

"yung speech mo"

"Ah. yun ba? naisip ko lang kase na siguro panahon na para bumawi naman ako sayo."

"bumawi? para san?" wala akong maalala na may utang na loob sya sakin.

"para sa pagtulong mo sakin dati."

"huh? di kita gets."

"yung kay kristel."

"Kristel?" tanong ko pero tumango lang sya.

Kristel?? hmmmm.. parang pamilyar yung name. sino ba yun? di ko maalala.

"yung ex ko two years ago." sabi nya. napansin nya ata na nagkanda-buhol-buhol ang ekspresyon ng mukha ko. Ei sa hindi ko talaga maalala.

"di ko maalala." sabi ko.
kinuha nya sa bulsa nya ang cellphone nya at may kinalkal sya doon.
maya maya iniharap nya sa mukha ko ang cellphone nya.

"sya yan." tipid na sabi nya.

kumunot ang noo ko at kinuha sa kamay nya ang cellphone saka tinitigan ang larawan.

"Halaaa! 😮Jusme! nakalimutan ko na si bessy!" kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"bessy? kelan pa?"

"d-dati! ba't ba?!"

"sa pagkakaalala ko hindi kayo ayos di ba?" taas kilay na tanong niya.

"luh? di ba?" napakamot ako sa noo ko.

"don't tell me may hindi ka sakin sinasabi?" pinanliitan nya ako ng mata.

"huh? wa-wala ah!" umiwas ako ng tingin.

"talaga lang ha?"

"hays oo! yung speech mo baka mamaya mag-inom ka lang."

"hindi ako mag-iinom."

"promise??"

"promise"

"pinkyswear?"

"pinkyswear mamatay man si erick!" sinamaan ko sya ng tingin.

"ansama mo!"

"joke lang!" iniwan ko sya at nagpatiuna ako sa paglalakad.

"uy! joke lang!"

"ewan!" 😣 minsan na nga lang sya magsalita nipatay pa nya si bebeloves ko.

Hays :( I remember noon sya ang pinakalasing sa lahat ng lalaki nung nag-Overnight at nangyari yung pagkalunod ko. Anyways magkaklase kase kame ni carlos sa afternoon classes kaya lagi kameng sabay.
Nairaos ko naman ang afternoon classes ko ng hindi dumudugo ang utak ko. At ngayon pa punta na kame, oo kame kasabay ko na naman si carlos ang seryoso nga nyan kanina sa afternoon classes namin pano eh favorite subject nya ang physics at science.

Nadatnan namin sila kuya at guess what? kame na lang ang hinihintay

"ang tagal nyo naman sis siguro---" bitin ni erich sa sasabihin nya

"NAGDATE KAYO!!!"-sabay sabay na sabi nila

"NO" sabi ko

"Tsk" saltak ni carlos

saltak lang ang tangi nyang sagot sa kanila at pagkatapos nun nagsipagsakayan na sila sa kanya kanyang sasakyan at nagdrive na, ako naman pumasok narin sa pink car ko at nagdrive. okey lang naman mag-overnight kase bukas walang pasok, bakit? kase po may seminar ang mga teachers three days yun at ang usapan namin sa bahay na lang ni mama kame magkita-kita, yup bahay ni mama because may bahay kame ng tropa, ipinundar namin yung mansyon malapit sa dagat, bakasyunan namin yun pag mag-oovernight or bakasyon at dun ang punta namin mamaya, sa kasalukuyan kapag may pasok or okasyon dun kame sa bahay ni mama nag-ii-stay palagi, di din kase ako sanay na mahiwalay kay mama close kami nun eh.

anyway highway dumaan ako sa isang convience store bumili ako ng tatlong galong ice cream takaw ba?? di naman ako lang ang kakain nyan noh, syempre bibigyan ko rin ang tropa. 😃

---after 15 mins---

nakarating na ako sa bahay mukhang wala pa si kuya, baka andun pa sa gf nya inilagay ko muna sa ref yung ice cream, pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at ihanda na yung dadalhin ko mamaya, tapos bumaba na ako, ang suot ko?? simple lang pink pants,white sando at pink jacket panigurado kaseng mamaya malamig dun tapos ternohan pa nang white ribbon na nakatali sa dulo ng buhok kong nakatirintas, bongga 😃 anyways kumuha ako ng strawberry flavored ice cream syempre hindi yung isang galon namaos ako nyan kapag nilantakan ko yun, tapos lumapit ako sa bintana, sarap ng hangin, ang bintana kase namin may space sya na pwedeng upuan ng tao ang haba nga nito eh kasya ang dalwang matangkad na tao sumalta ako dun at naupo habang nakaunat ang mga binti.
Anyway highway dumating na si kuya kasama si maria.

"Uy Janella ano yan?? ice cream ba yan??" lumapit si maria sakin.

"yup"

"pahinge"

"marami dun sa ref."

"may chocolate??"

"meron. kaso wag mong ubusin baka mamaos ka kakanta pa tayo mamaya" bilin ko sa kanya.

"okie"

maya maya dumating na sila Erich,Nicky,Shiella,Princess at Ann

"Uy mga sis. ice cream gusto nyo??" alok sa kanila ni maria

"yup"

"uy wag magpakapaos may concert pa tayo mamaya." paalala ko sa kanila

"opo"

After some minutes dumating na ang mga boys except Carlos, Jerome at Winston

Hanggang sa may dumating na taxi sa harap ng gate. Tanaw na tanaw ko mula dito sa kinauupuan ko ang pagbaba ni carlos sa taxi. Aba? nagtaxi lang sya? nakasimple short at t-shirt na green lang sya, kinawayan ko lang sya, aba ngumiti sya! 😮 naku! masamang symtoms yan, ipadala ko kaya sa hospital toh? napapadalas ang pagngiti ah?? oa ko, hays ei sa nakakapanibago eh. 😑

pagpasok ni carlos sa pinto lumapit agad sya sakin.

"gusto mo?" alok ko sa kanya. kinuha nya sa kamay ko ang kinakain ko.

"sabi ko kung gusto mo hindi ko sinabing kunin mo!" inis na sabi ko. dinedma nya ako. 😕

"uy! akin na yan!! penge akuuu!"

"nah. kanina ka pa ata kumakain nito baka magkatonsil ka." sinimangutan ko sya.

"gwapo natin pare ah??" puna sa kanya ni andrie. tiningnan nya lang ang nagsalita.

"oo nga yan pa naman ang nakakapagpaibig ng babae simple look" segunda ni kuya

"tsk" saltak lang ni carlos saka ipinagpatuloy ang paglantak sa ice cream kooo😣

teka? ano daw? nakakapagpaibig? Sa babae? simple look? dami alam 😕

"dami mong alam kuya" asik ko sa kanya.

"totoo yun" proud na sabi nya.

"naku! bakit nagawa mo na ba yang pasimple simple look na sinasabi mo?" taas kilay na tanong ko.

"Oo, tumalab nga eh, kita mo napaibig ko si maria"

"yabang mo! maawa ka sa mga single makapagyabang ka na may lovelife ka mahiya ka may nasasaktan dito oh."

"kaya nga!" singit ni shiella

"atlis kame may forever" sabi ni kuya

"Eh kung isaksak ko sa baga mo yang forever mo? mapapakain ka ba ng forever na sinasabi mo? suntukan na lang tayo oh, may papore-forever ka pang nalalaman walang forever noh."

"Kapatid, Ang bitter mo, Alam mo my dear princess magkakaforever ka rin basta ba pansinin mo lang yung taong nasa paligid at nagmamahal sayo ng hindi mo napapansin wag kang maging stick to one lalo na't hindi ka mahal wag kang manhid" kumakamot sa batok na sabi ni kuya.

"woohhh!! nice speech pre! hugot! parang may malalim na pinaghuhugutan" hiyaw ni kris

Tumayo ako at naglakad papuntang garden, napansin nila ako at tinawag pero dinedma ko sila naupo ako sa swing

Bwiset naman itong LPA kong kafatid, pero tama si kuya bakit nga ba masyado akong stick to one? bakit nga ba kay erick ako na fall? di ko din alam ei 😑 antanga ko masyado😭tapos di naman nya ako sinalo ei kase nga may mahal syang iba😭bakit ba ang tanga tanga ko? all this time umaasa parin akong mamahalin nya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Buti pa yung bayad sa jeep nasusuklian yung love ko hindi 😭 kaasar 😣 di pa nga ako naamin parang nafriendzone na agad ako, parang sinampal ako ng sinabi ni kuya. hays 🙁 tumutulo na ang luha ko pinahid ko lang ito gamit ang kamay ko😭maya maya may nag-abot ng panyo sakin, pagtingala ko si carlos lang pala. Naupo sya sa kabilang swing. Inilagay nya sa kamay ko yung panyo.

"ganyan talaga" napatingin ako sa kanya

"ganyan kasakit talaga di pa nga yan ang mas masakit eh" patuloy nya.

"what do you mean?"

"I mean is mas masakit pa jan ang mareject kase yan katotohanang dapat mong marealize pa lang yan" tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay

"bakit nareject kana ba?"

"hindi pa pe--" hindi ko na pinatapos pa sya na magsalita.

"eh? bakit parang alam mo ang nararamdaman ko?"

"easy, patapusin mo muna ang speech ko"

"hindi pa ako narereject pero i think ngayon nareject na ako kase may mahal na pala syang iba" seryosong sabi nya.

"sino ba yung girl?" usisa ko.

"sicret."

"hays☹️ang drama, carlos salamat ha? kase kahit ang sungit mo andyan ka para pakinggan ako"

"you're always welcome" nakangiting sabi nya

"tara na nga at baka dumating na sila jerome"

"okie ☺️ " tumango sya.

inalalayan nya ako kaso napahiwalay agad ako sa kanya. Ei kase naman nung hinawakan nya ako parang may kuryente, shems😕san galing yun?

"bakit?" nakatingin sya sakin.

"huh? w-wala."

naglakad na ako papasok nakasunod naman sya sakin. pagpasok namin sa loob great😑kame na lang ang hinihintay.

"oh? lets go na" aya ni kuya

van ang sasakyan namin.
kukunin ko na sana yung bag ko kaso kinuha ni carlos

"ako na☺️" nakangiting prisinta nya.

"okie"

halaaa😮 ngumiti na naman sya! ipapamental ko talaga ang mokong na toh.😑

pumasok na kame sa van magkatabi kame ni carlos, nasa may likod kame ng driver at passenger's seat. Si Carlos ang nasa may pintuan ng van katabi naman nya ako tapos katabi ko sa kabila si kuya katabi naman nya si Maria. Nasa likuran namin sila Erich,Erick,Nicky,Winston sa likod naman nila sina Shiella,Kris,Ann,George at dahil late si Jeome sya ang nagdrive, nakaupo naman sa passenger's seat sina Andrie at Princess
Bigla namang kumanta si maria.

Now Playing: Ikaw by: Yeng

"🎤🎶Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw🎶🎤" simula ni maria

"🎶🎤Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig na puso🎶🎤" segunda ni erich

"🎶🎤Pagkat nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sakin ng tunay🎶🎤" dugtong ni princess

my turn, nagtaasan sila ng kamay at iniwave nila pati si carlos ganun din

"🎶🎤Ikaw ang pag-ibig nahinintay puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko bigay at pag-ibig ko'y ikaw🎶🎤" kanta ko

"🎶🎤humihin--" di na napagpatuloy ni Ann ang pagkanta.

"wait lang" pigil sa kanya ni kris.

"epal ka naman turn ko na eh." nakasimangot na angal ni Ann

"wait nga lang diba?"

"ano ba yun?" singit ko para kaseng di na sila matatapos sa pagsasagutan eh.

"Kase ang bagyo sumasabay." sabi ni kris

"Bagyo?" kunot noong tanong ko.

"i mean is si Pareng M" pagtatama ni kris

"Pareng M? sino yun?" tanong ni Ann

"ang slow nyo.😕" nakangiwing sabi ni Kris.

"sino ba kase ang letsheng M na yan?" pikon na tanong ni Nicky

"Pareng M. means---" pabitin ni kris

"PARENG MASUNGIT" sabay sabay na sabi ng mga boys

"ahh, so you mean si carlos?" paninigurado ni princess

"bakit anong meron kay carlos?" tanong ko.

"Himala, kase nung kumanta ka sumabay sya sa pagwave ng hand pero nung iba ang kumakanta tahimik at wala syang pakealam." paliwanag ni kris

"Kaya ang tanong anong meron sa inyo?" nang-iintrigang tanong ni andrei

"samin? wala ah!"

"tangek! tanga mo andrei tinatanong pa ba yan? halata namang epekto yan ng pag-ibig." singit ni Jerome na nakipag-apir pa kay princess

"Pag-ibig? You mean may lovelife na si Mr.Masungit? wow😮inlababo pala si Mr.M" namamanghang sabi ni Ann

"kanino??" kunot noong tanong ni Erich

"Ay! gusto nyang malaman" pang-aasar ni Princess

"Kaya nya tinatanong kase baka may pag-asa pa sya" segunda ni maria

"ewan" umirap pa si erich bago humarap sa bintana.

"pero seriously sino yung girl??"

"tanong mo sa kuya mo bes." sabi ni Winston

"kuya" tawag ko kay kuya

"Hindi ako dapat ang tanungin mo pero sige, Hindi ako magmemention nang name basta ang masasabi ko lang ang girl na yun eh malapit lang sa kanya but may iba na itong mahal at ang mahal nitong girl is yung bff nito." sabi ni kuya

"so you mean one sided love?"

"parang ganun na nga" tumatangong sabi ni kuya

"ouch" react ni erich

"double ouch" segunda ko

"triple ouch" deadmang sabi ni carlos

"ouch and ouch and ouch and ouch😕" nakangiwing sabi ni erick

"kitams? nagreact ng ouch ang mga one sided lovers." sabi ni Andrei

"bahala kayo kakanta na lang ako." pag-iiba ni Jerome

"anong kakantahin mo?" tanong sa kanya ni kuya

"Maka 'mo' kasama kayo mga pre! Dedicated para sa sawing puso ni Mr. M HAHAHA" tumatawang sabi ni Jerome. Lakas ng tama netoh ba!😑

"okie"

Now Playing: Tinamaan by: Anne Curtis

"🎶🎤Nang ikaw ay makilala na katulo ang laway ko binti ko ay nangatog ako'y sumemplang at na untog, ewan ko ano bang meron ka at ako'y napaamo mo nabihag mo ang puso kong pihikan agad nainlove sayo🎶🎤"panimula ni Jerome

"🎤🎶Ikaw ba ay isang droga at naaadik ako, isang kindat mo lang na totorete na ang puso ko🎤🎶" segunda ni kuya

"oh! pre! ikaw na!" tawag ni winston sa katabi ko.

"ayoko" deadmang pagtanggi ni carlos

"dali na!" pangungulit nila dito sa katabi kong deadma

"tsk" saltak nya.

"Please carlos?" malambing na pakiusap ni Erich

Di din sya pinansin ni carlos, nanatiling nakatahimik ang katabi ko.
Sinilip ko ang mukha nya nakaharap kase sya sa bintana.

"Ba't ba ayaw mo?" bulong ko sa kanya

"ba't gusto mo ba?" ganting tanong nya.

"Marinig ang boses mo? Opo. Pleaseee?😀 " nginitian ko sya ng malapad

"Fine🙂 " tumingin sya sakin saka ngumiti

Isa na lang ipapamental ko na toh! pangiti ngiti pa😑tsk! Halaaa😮nahawa na tuloy ako sa kasasaltak nya.😑

"Ayun oh!😮isang 'please' lang nya payag agad? iba na this." pang-aasar ni kris

"Inlove na si Pareng M." segunda ni Winston

"Ang galing talaga ni kupido mamana sapul na sapul ang puso mo pre" sumisipol na sabi ni erick myloves

Maya maya kumakanta na sya pero nakatingin sya sa bintana ng van

"🎶🎤Tinamaan nga ako, walang hiya ka kupido, nasira schedule ko putris na ka baliwang itohhh, tinamaan ako hmmm. puso ko'y iyong iyo hmm🎶🎤" kanta ni carlos

"🎶🎤sabihin mo lang sa akin nakahanda ako ililibre ko ang tropa mohhh...🎶🎤" segunda ko.

"🎶🎤Tinamaan nga ako, walang hiya ka kupido, nasira schedule ko putris na ka baliwang itohhh, tinamaan ako hmmm. Puso ko'y iyong iyo hmm🎶🎤" duet naming dalwa

"Wow😮wala ba kayong kamay?? palakpak naman jan" sabi ni kris

At nagpalakpakan nga sila HAHAHA😂
And just great ^_^ maganda rin pala ang boses nya eh, masyado lang syang tahimik kaya di naririnig ang boses nya di katulad ni princess nakalunok ng megaphone, pagkatapos ng kantahang yun nanahimik na ang lahat nagdrive na ng seryoso si jerome sila princess at andrei nagkukwentuhan, si maria tulog na nakasandal na ang ulo kay kuya si kuya naman gising, sila erich ayun tulog na rin samantalang itong katabi ko nakatingin parin sa bintana.

"di ka ba nagsasawa sa katitingin dyan sa bintana?" tiningnan nya lang ako.

"may problema ka?" umiling lang sya.
sabi ko nga ei mananahimik na lang ako. wala naman akong makuhang sagot sa kanya. kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka nag-earphone. Kinuha nya sa akin yung isa tapos isinalpak nya sa tenga nya. humilig sya sa balikat ko. Tapos sinasabayan nya yung kanta.

"Maganda naman pala ang boses mo ei."

"Thanks" tipid na sabi nya.

Maya maya nakaramdam na ako ng antok, para akong minamagnet ng antok ko.
Maya maya ang pag-iling ko para di ako makatulog.

"Inaantok ka?" tanong nya tapos umayos sya ng upo, tumango lang ako.

"Then Sleep." sabi nya. tumuwid ako ng upo.

"Hindi ko sinabing ganyan." inis na sabi nya.
hinila nya ako at pinahilig sa balikat nya ang ulo ko. Pumikit na lang ako. Aangal pa ba ako? aarte pa ba? sya na nagsabi ei.

---after 1hour---

Nagising na lang ako ng may narinig akong boses.

"gising na andito na tayo"

Nagmulat ako ng mata saka nag-unat tapos kinuha ko yung panyo at pinunas sa bibig ko.
Pagtingin ko sa kanila kuya wow😮 nakatingin silang lahat sa amin.

"bakit?" tinaasan ko sila ng kilay

"wala ganda nyo kaseng tingnan kanina😃 " sabi ni kuya na nakangiti pa.

dinedma ko na lang saka ako humarap kay carlos

"paabot"

nakasampay kase sa bintana yung jacket ko
inabot naman nya saka ibinigay sa akin.

"thank☺️"

bumaba na ako ng van kasunod ko si carlos

"akin na" prisinta nya.

sabay kuha nang bag ko.

"thanks"

naglalakad na kame

"ah. carlos pwedeng patulong?" tawag sa kanya ni erich.

"grabe sis sa kanya pa eh may bitbit sya oh." puna ni maria

"so?" taas kilay na sabi ni erich

"Jusme erich! san ba kase ang lakad mo? dinala mo ba pati yung appliances sa bahay mo? andami nyan ah!" puna din ni princess

Tumingin muna si carlos sa akin parang humihingi ng permiso, wow 😮 may karapatan ba ko? para hingan ng permiso? tumango na lang ako at kinuha yung bag ko sa kanya, ako naman naglakad na papasok ng mansyon

"Everyone! specially you! Erich! kailangan pa ng permiso ni Janella bago ka nya tulungan" sabi ni nicky

"wala ka ng pag-asa" segunda ni Ann

"Great! kitams di mo ba napapansin?? close sila, ikaw ni isa wala pa. tsk.tsk. pano ba yan? talo kana" pang-aasar ni kris

"ewan manahimik ka" inirapan lang sila ni erich

Nang makapasok na ako sa loob ng mansyon nakita ko si nanay, nanay ang tawag ko sa yaya ko sya ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako. I transfered her in this mansion para maiwasan na ang maraming gawain pag-andun kase sya sa bahay masyado syang napapagod. Pag-andito sya pwede syang magpahinga at isantabi muna yung mga gagawin nya hindi tulad nung nasa manila sya jusme! ayaw nyang magday off.

"Hi nay😀" bati ko sa kanya

"oh? nak kamusta ang biyahe??😀 " nakangiting bati sakin ni nanay.

"okey lang naman po. medyo pagod sa biyahe." tapos niyakap ko sya

"I miss you nay" kiniss ko sya sa pisngi.

"I miss you too nak. Tangkad mo na ah?" puna sakin ni nanay

"nay killer heels lang yan, pandak parin ako"

"HAHAHA Teka sino sya? nobyo mo?"

Huh? nobyo? napabitaw ako sa pagkakayakap kay nanay napalingon ako sa likod ko, si carlos lang pala

"oh? anyare sayo? bakit ang dami mong bitbit? ba't ang dami nyan? kay erich ba lahat yan?" sunod sunod na tanong ko.

"easy ka lang, isa lang ang kay erich dito." kalmadong sabi nya

"sasakalin ko talaga ang mga toh!!"

"huy! easy ka lang anak" hinawakan ako ni nanay sa braso

"wait lang nay ha."

"okie."

humarap ako sa direksyon ng main door saka huminga ng malalim.
One....
Two....
Three....

"GUYS!!!!! MAGSIPUNTA NGA KAYO DITO!!!!!!" sigaw ko

Nagsipagpasukan sila sa loob ng mansyon kung nasaan ako. Sinamaan ko sila ng tingin.
Napasinghap sila.

"KUYA!!!"

"why?" patay malisyang tanong ni kuya

"MAAWA NAMAN KAYO!!! MAHIYA NAMAN KAYO!!! NAHIHIRAPAN NA YUNG TAO OH!!! ANONG FEELING NYO?! MAY UTUSAN KAYO?! LINTIK NA YAN! DI SANA NAGDALA KAYO NG KANYA KANYANG MGA ALALAY!! DI YUNG GINAGAWA NYONG ALALAY ANG KAIBIGAN NYO!!! KUHANIN NYO NA YANG MGA GAMIT NYO KUNG AYAW NYONG MAY LUMIPAD NA MGA KUTSILYO!!!" inis na sigaw ko sa kanila.😤

"opo 🙁 " nakasimangot na sabi nila

"good gusto nyo pang sigawan bago kumilos"

Nagkanya-kanya na silang kuha ng gamit nila, try lang nilang wag sumunod lilipad talaga ang mga kutsilyo.

"thanks :-) " nakangiting sabi ni carlos

" ☺️ " nginitian ko lang sya.

"oh? nak di mo ba ipapakilala ang nobyo mo sa akin?" napalingon ako kay nanay

hays 😑 makanobyo naman itong si nanay wagas. 😑

"HAHAHAHA---aw!" kurutin ko nga si carlos

"tawa ka?!" inis na angil ko sa kanya.

"HAHAHA. opo nobyo nya ako, I am carlos montes😀 " tumatawang pakilala nya kay nanay tapos nagmano pa sya kay nanay. Letche! pinagtitripan pa ata ako nito😣

"nay di ko po sya nobyo, kaibigan ko lang po sya." pagtatama ko.

"wag kang maniwala jan nay"

Teka ano daw?! tama ba pagkakarinig ko? tinawag nyang 'nanay' ang nanay ko? kyaaaah? anong trip mo?! 😣

"Nay di totoo yun, wag kang maniwala dyan." pangungumbinsi ko kay nanay

"Nak alam mo wag ka nang mahiya sa akin atsaka wag mo nang isikreto na may nobyo kang gwapo😊 saka bagay naman kayo eh." nakangiting sabi ni nanay

"naman eh.🙁 " napakamot na lang ako sa batok ko, bwiset na yan napagtripan ako ng mokong ☹️ isang iglap napaniwala nya si nanay kaasar. 😣 nagpaalam na lang ako kay nanay saka umakyat ako sa kwarto ko, nagbihis lang ako ng white short,pink sando at white jacket pinalitan ko yung ribbon ko ng pink. Tapos bumaba na ako dumiretso ako sa garden naupo lang ako at nagswing ng dumating si maria.

"kakain na" tumango lang ako saka sumunod sa kanya papasok sa bahay.

kumain lang kame kasabay ng mga maid at ni nanay pagkatapos kumain nagprisinta akong maghugas ng pinagkainan na miss ko rin kase ang gawaing bahay.

"marunong ka palang maghugas?"

napatingin ako sa nagsalita. Jusme si carlos na naman. Hays. 😥 nakasandal sya sa pader habang umiinom ng tubig.

"yung-----never mind." naghugas na lang ulit ako. Ipapaalala ko sana yung promise nya kaso naisip ko kung talagang totoo yun di na kailangang paulit ulit at ipaalala pa sa kanya.

"Yung promise ba? di ko po nakakalimutan.☺️ "

"sabi mo ei. kahit ayain ka nila?"

"opo. promise 🙂 "

"okey may tiwala at naniniwala naman ako sayo eh."

"thanks"

"para saan??"

"thank you kase naniniwala ka at pinagkakatiwalaan mo ako"

tapos lumalapit na sya sa akin

"dyan ka lang anong gagawin mo??" panic mode alert! 😮

ngumiti lang sya mommy help me naku po kinakabahan ako.

"Jan ka lang wag kang lalapit" ulit ko.

sheeeetttt 😮 major sheetttt 😮 talagang lumalapit sya. Nang makalapit na sya sa akin jusme! hinila nya ako palapit sa kanya, napapikit tuloy ako at------teka nga? ba't ang oa ko? erase! erase! ano ba? oa ko naman niyakap nya lang naman ako ei.

"thank you"

after some minutes humiwalay sya sa pagkakayakap.

"huy."

alugin daw ako?

"huy! bhest."

wow 😮 triple wow😮 saan nya nakuha ang salitang bhest na yun??

"huh??"

"mukha kang nashock"

baliw di lang nashock triple shock

"huy ayos ka lang??"

"huh?? o-oo" bwiset bakit nauutal ako??

"teka? anong sabi mo??"

"alin??"

"yung bhest saan mo na pulot ang salitang yun??"

"sa tabi tabi"

"ang alien mo"

"HAHAHA, bakit ayaw mo?"

"kitams alien ka! tatawa tapos magiging seryoso ngingiti tapos sisimangot magsasalita tapos tatahimik, anong pinagsasabi mong ayaw ko??"

"HAHAHA i mean ayaw mo bang maging bestfriend ako??"

"pag-iisipan ko pa kung kaya kong magkaroon ng bestfriend na alien."

"okey. pag-isipan mo muna pero im sure kaya mo alien ka rin eh."

"di ako alien noh! ikaw lang yun."

"alien ka rin kaya."

"ewan"

papalabas na ako ng kichen nang akbayan nya ako tinatanggal ko yung braso nya pero ang bigat ng lesheng toh.😣

"ano ba? tanggalin mo nga toh!"

"ayaw ko"

hays kaasar😣

"oh? anyare sa inyo?" lumitaw sa harap namin si kuya

"kayo na ba?" pang-uusisa ni maria na lumabas mula sa may likuran ni kuya

"ayieee" pang-aasar nila

"NO!! hinde kame mga pinagsasabi nyo? manahimik nga kayo!" inis na sabi ko.

"eh? ano yan?" turo ni ann sa braso ni carlos na nakaakbay sa akin.

"wala" dedmang sabi ko, naupo na lang kame sa silya sa harap nila.

💖JACK ERICK MARCO BARRAMEDA'S POV💖

Hello guyz 😀 just call me Erick haba kase ng pangalan ko eh. 😑

Napag-usapan ng tropa na mag-inuman pero bago yun maglalaro daw muna.

Napansin kong biglang lumabas si Janella, bestfriend ko sya since elementary. Sinundan sya ni carlos, ano kayang meron sa dalwang yun?? masundan nga pero bago yun ang unang sumunod sa kanila ay si erich.

Pagdating sa labas nagdire-diretso sila Janella patungo sa buhanginan at naupo tinabihan sya ni carlos pagtingin ko sa may gilid ko nakita ko si erich.

"ayos ka lang??"

"hindi."

"mahal mo sya noh??"

"oo eh"

Aray. minsan antanga ko tinatanong ko pa eh alam ko na naman ang sagot sa tanong ko. Ang sakit 😥 parang sinasaksak ang puso ko. Sige nga kayo? di ba kayo masasaktan kung ang taong minamahal mo eh may iba palang mahal.😥 oo mahal ko si erich, mahal na mahal. Noon crush ko lang sya pero habang tumatagal hindi na lang basta crush yung nararamdaman ko.

inakbayan ko na lang sya at hinila pa alis sa lugar na yun, palayo sa lugar kung saan sya nasasaktan.

"sakit sa mata" kinusot-kusot pa nya ang mata nya. psh! mata daw pero yung puso nya ang masakit.😥

"tara kain na lang tayo sa loob."

"sige"

Tiningnan ko sya, aba'y tumutulo ang luha. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinunas sa mata nya.

"tahan na, wag ka nang umiyak.----" nasasaktan ako.

"ha?"

"wala"

syempre hindi ko pinarinig yung sinabi ko noh.

💖Janella's POV💖

hays. -_- nakaupo ako ngayon sa buhanginan.

"BOOOOHHHHH!!!"

"Ay butiking palaka!!!"

"HAHAHAHA"

gulatin daw ba ako?! tapos ngayon tatawa sya? bwiset na alien toh! ansarap ipakain sa pating.😣

"so ano napag-isipan mo na??"

"hmmm. oo atsaka napag-isipan ko na and my answer is no."

HAHAHA ^_^ Ssshhhh!! pagtitripan ko muna sya😀

"ganon? ayaw mong maging bestfriend ako??"

"ayaw---"

di ko na natapos ang pagsasalita ko kase tumayo na sya nalungkot ata HAHAHAHA

"aalis kana di pa nga ako tapos magsalita eh."

di nya parin ako pinansin at patuloy parin sya sa paglalakad.

"sige go umalis ka 'My bestfriend.' "

tapos tumayo na ako pagharap ko sa kanya, ayun nakatayo lang sya tapos maya maya naglalakad na sya papunta sa akin.

"akala ko aalis kana??"

napakamot na lang sya sa batok nya.

"so payag kana na maging friend ko??"

"ayaw"

"tsk"

"ayaw ko ng friend kase ang gusto ko bestfriend"

"okey. so bestfriend??"

tapos inabot nya sa akin yung kamay nya

"para saan yan??"

"siguro sign toh na magbestfriend na tayo"

At ayun nga nag-apir kame tapos pagkatapos ng apir may matching intertwin fingers pa kaya yan kinalabasan holding hands while walking, daming alam😑 tapos na kasalubong namin sila maria a kuya.

"what's the meaning of that?" puna ni kuya

sabay turo sa kamay namin, napabitaw tuloy ako, tapos napatingin ako kay carlos, nakatingin din pala sya sa akin nagpeace sign na lang ako.

"wala yun kuya"

"anyway pumasok na kayo sa mansyon hinihintay na kayo dun."

"okie."

tapos umalis na sila kuya naglakad na rin kame papunta sa mansyon

"pasensya na kinabahan ako eh."

"okey lang.☺️may next time pa naman eh."

"ah. ganon may balak ka pa talagang ulitin?!" angil ko

"meron, kase remember?? sign natin yun ano nga pala callsign natin??" daming alam ansarap nyang kutusan😣

"kailangan pa ba nun??"

"oo"

"next time pag-iisipan ko pa."

"okie😃"

Pagpasok namin sa mansyon nadatnan namin sila na nakaupo sa sahig.

"Anong trip nyo at sa sahig kayo naupo?? samantalang madami namang upuan??"

"Kase po maglalaro tayo ng truth or dare." paliwanag ni Ann

"ah, Okie, pero wala pa sila kuya."

"ayan na sila oh." turo ni nicky kanila kuya na papalapit na rin samin.

Tapos umupo na kame at dahil huling dumating sila kuya sya ang nagpaikot ng bote, first na tinuro ng dulo ng bote si nicky.

"Woohh! malas ko ngayon ah😕" nakangiwing sabi ni nicky

"Truth or Dare???" tanong ni kuya

"Dare."

Ayan ah! antapang😃

"Ah. ge itext mo si rio😃 "

"anong sasabihin ko?"

"break na kayo.☺️ "

natigilan si nicky,

"a-ayoko!"

"ano ba kuya! wag nga yun! epal ka naman ei!" saway ko sa epal kong kuya.

"okey sabi nyo ei. ito------"

"ako na lang magtatanong! wala kang kwenta Jams!" bulyaw sa kanya ni maria.

"Are you still loved him?"

"O-of course!"

"ei? ba't nauutal?" singit ko.

"w-wala!" asik nya samin.

Feeling ko may something ei. ano kaya yun?

pinaikot na agad ni nicky ang bote at tinuro ng dulo ng bote si erich

"truth or dare??" walang ganang tanong ni nicky

"truth"

"para madali for you what is love??"

"paktay tayo jan." react ni kuya

"ang galing ng tanong mo nicky, what is love?? HAHAHA" tumatawang sabi ni Ann

"Tsk, tsk! ang galing mo tinanong mo pa talaga sa kanya eh halata namang broken yan, baka maging bitter pa yan HAHAHAHA" pang-aasar ni kris

"Manahimik nga kayo" saway ni maria

"siguro for me love is so powerful." panimula ni erich

"why??" taas kilay na tanong ni nicky

"kase para sakin love is the most powerful feelings that someone can feel, aminin nyo man o hindi pero alam ko na sa love natutunan nating magmahal unconditionally, magmahal ng walang hinihintay na kapalit, magsakripisyo kahit masakit, magpakamatatag kahit mahirap, maging masaya kahit deep inside umiiyak ka na, tumawa kahit sa loob loob mo hindi mo na kaya, sa love natutunan nating maging selfless at selfish. Sa love tayo natutong magpanggap para lang maitago yung sakit. At higit sa lahat kaya rin ng love na gawing malakas ang mahina, gawing tanga ang matalino at gawing manhid ang tao kahit na nasasaktan na ito. Yan ang love para sa akin"

Nagpalakpakan kame wow😮 just great nice speech came from the heart☺️

"wow😮" nanlalaki ang mga mata nila.

"Nice speech.☺️" nakangiting sabi ko.

Nang paikutin na ulit ang bote tumapat ang dulo nun kay jerome

"truth or dare??" tanong ni erich

"dare" matapang na sagot ni jerome

"hmmm? magholding hands kayo ni ann in 10 minutes."

"ba't ako??" angal ni ann

"ops! bawal umangal." sita ni erich

"ang dali lang nun erich dapat yung mahirap." angal ko

"edi ano pala dapat??"

"hmmm? what if jerome ikiss mo si ann sa pisngi? bright idea right?"
tumango tango si erich.

"okey" balewalang sabi ni jerome

Tapos lumapit sya kay Ann kaso itong si Ann saktong lumingon kay Jerome ayun! dapat sa pisngi lang naging sa lips HAHAHA 10 seconds kissing scene HAHAHA🤣nice idea di ba??

"ayieeeeee!!!" hiyawan at tilian silang lahat.

"HAHAHA Oh! diba? ang nice ng idea ko??" tumatawang sabi ko.

"nice na nice🙂" segunda ni erich

Tapos si Ann namumula ang mukha,😍
Si Jerome naman namumula ang tenga HAHAHA cute nila☺️
Yang dalwang yan parehas namang may gusto sa isa't isa kaso ayaw pang mag-aminan.

After nun kung kaninong tropa pa ang tinuro ng dulo ng bote puro dare tapos sigawan sila ng sigawan hanggang sa ang tinapatan ng bote ay si erick kaya. Napalingon ako sa gawi nya tinatanong na sya kung truth or dare at dare ang pinili nya inutusan nila si erick na yakapin si erich tapos niyakap nga nya.
Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko saka pinagring iyon.

"ah? guys? sasagutin ko lang itong tawag."

tiningnan nila ako na parang hindi satisfide sa excuse ko, di ko na hinintay na magsalita pa sila nagdire-diretso na ako palayo sa kanila.

pagliko ko sa isang pasilyo pumasok ako sa cr.
inilock ko ang pintuan ng cr at dun nag-iiyak ewan ko ba? ang sakit sa heart eh, pagkatapos ko mag-iiyak nagpulbos ako para di halata na umiyak ako pagbukas ko ng pinto nakita ko si carlos na nakasandal sa pader

"okey ka lang??" sabi nya ng hindi nakatingin

"hindi ako okey."

nilagpasan ko sya at nagdire-diretso sa garden pero hinawakan nya ako sa braso

"bakit?"

"saan ka pupunta?"

"malamang sa garden"

"pwedeng sumama??"

"pwede"

pagdating ko sa garden nakita ko si nanay na nag-iihaw ng barbeque

"penge ako nay"

binigyan nya ako ng dalwa ibinigay ko ang isa kay carlos nanahimik lang ako habang kumakain tapos ng makatapos akong kumain naglakad na ako pabalik sa loob

"wait"

i forgot kasama ko pala ang alien huminto ako at nilingon sya may dala syang plato may laman yung barbeque

"hintayin mo ako"

nang makalapit sya sa akin hinawakan nya ang kamay ko samantalang hawak naman nya sa kabilang kamay yung plato

pagdating namin sa loob nakaupo na sila sa silya at nagse-select naman si ann ng kanta magko-concert ata ang bruha, may mga alak rin sa ibabaw ng mesa meaning mag-iinom sila inilapag ni carlos yung plato na may lamang barbeque sa mesa

"bro. Inuman tayo." aya sa kanya ni kuya.

"Pass muna ako."

"bakit?"

"nakapangako ako ei."

"di pwede yun!" singit kris

"oo nga pre! andaya!" segunda ni andrie

"may magagalit ei."

"sino?" kunot noong tanong ni erick
tiningnan lang ako ni carlos

"ah. uma-Andres de-saya pala si Mr.M😆 " nakangiting sabi ni george

kumunot ang noo nila sa pagkakatingin sa amin maya-maya naghiyawan at tilian sila.

"ayun! oh! may holding hands pa!" turo ni kris sa amin.

dinedma ko lang sila saka naupo sa silya. tapos nagkakanta lang si ann hanggang sa tumigil sya kaya napatingin ako sa kanya nakatingin din sya sa akin at inaabot nya sa akin ang microphone tinaasan ko sya ng kilay.

"anong gagawin ko jan??"

"kakainin mo." tinaasan nya din ako ng kilay

di ko na lang pinansin

"malamang kukuhanin tapos kakantahin yung kanta Sa screen."

"akin na nga."

kinuha ko na sa kanya yung mic, pagtingin ko sa screen natulala ako.
Bakit? kase yung kanta na pinakakanta nya sa akin ay ang kantang halos ayaw kong pakinggan.
Yung kantang halos tagos sa puso ko.😭😭

Tumayo ako at kinanta na lang kahit tinatamaan na ako, sapul ang heart ko dahil sa lyrics.

Now Playing: Paano na ang puso ko

🎶🎶🎶Umiiyak ang puso ko lumuluha dahil sayo kay hirap palang umibig sa katulad mo.🎶🎶🎶

feeling ko nahahati ang puso ko.

🎶🎶🎶Ka'y hirap sabihin na minamahal kita sinta ngayong nakikitang may mahal ka nang ibaaaa, sana'y pagbigyan, pagbigyan ng pagkakataon ang tanong sa isip ko nasasaktan ang puso kooooo🎶🎶🎶

naiiyak talaga ako pero kaya ko toh! di nya dapat makitang nasasaktan ako.

🎶🎶🎶Paano na ang puso ko na umiibig sayooooo, ngayong ikaw ay mayroon nang ibang gusto sana noon pa sinabi ko na naminamahal kita baka sakali pang naging tayong dalwa🎶🎶🎶

Damang dama ko talaga yung kanta.

Hays bwiset ka kupido papana ka nalang di mo pa inayos pinana mo nga yung puso ko pero yung puso nya di mo pinana para mahalin nya rin ako pag ikaw nakita ko humanda kang kupido ka papanain din kita para maramdaman mo kung gano kasakit ang one sided love kaasar yan na nga lang ang trabaho mo di mo pa inaayos... Grrrrr...Kainis ka kupido!!!!!!!!😑

"patay ka ann pinaiyak mo si janella" sabi ni erick

letche kung alam mo lang na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"Hindi naman ako umiiyak ei."

pinipilit kong pigilan ang luha ko. Tapos biglang hinila na naman ako ni carlos at niyakap, teka?? bakit ba ang hilig neto mang hila at mangyakap??

"ayieeee" sigawan nila

feeling ko nawala lahat ng pagpipigil ko na umagos yung luha ko.

"okey kana ba??"

tumango tango ako

"magpahinga kana."

"Opo. Salamat🙂"

"you're always welcome☺️ " ngumiti sya nang napakatamis nilanggam tuloy ako HAHAHA

"wag kang mag-iinom ha??"

"opo, promise is promise☺️ "

nginitian ko na lang sya at umakyat na ako sa kwarto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro