Chapter 40: That 5days After Christmas (Part 2)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

George Pov

Inayos nya ang baril na hawak nya na ginamit nya sa pagpapahinto sa dalwang ulol na nag-aaway kanina.

"Tutal nandito na rin naman tayong lahat, ayusin na natin lahat ng naungkat na nakaraan." Dagdag ni Janella.

Parang bigla akong kinabahan at nagbalik sa akin ang lahat ng nangyare.

Flashyback

Naglalakad ako sa may field ng school ng makita ko si Nicky na nakaupo sa may silya at nag-iisa lalapit na sana ako kaso katulad ng typical cliché scene may lalakeng naunang lumapit sa kanya kaya napahinto ako sa paglapit at pinagkasya na lang ang sarili sa pagtingin sa kanila mula sa kinatatayuan ko.

Mula noon madalas ko na silang makitang magkasama. Sa room, sa may field, sa fountain, sa library, sa cafeteria at tuwing uwian.

Nalaman ko na Rio ang pangalan nung lalake at pinsan sya ni Janella at Jam. Hindi din naman nagtagal nakakasama na namin sya sa grupo dahilan para mas lalo silang mapalapit ni Nicky.

Dun ako nakaramdam ng selos. Nagselos ako dahil sobrang close na nila samantalang ako hanggang tingin lang dahil natatakot ako kay Nicky, kasalanan ko naman at aminado ako doon na ang torpe ko nung mga panahong yun.

Hanggang sa isang araw hindi nya kasama sila Janella. Nung araw na yun kinausap ko na ang mga bubugbog sa kanya dahil nalaman kong popormahan nya si Nicky. Nang makarating sa akin ang balitang iyon nakaramdam ako ng galit kaya nakabuo ako ng masamang plano.

"Uy George! San punta?" Bungad ni Erich.

"Si Erich ka o si Eracha?" Birong tanong ko.

Sumimangot ang batang babaeng halos kaedad ko lang din.

"Si Erich ako! Minsan talaga nakakairita ka na George! Palagi ka na lang nagkakamali sa amin ni Eracha."

"Ay oo nga pala si Eracha tahimik ikaw madaldal."

Hinampas nya ako sa braso.

"Hindi ako madaldal!"

"Oo na lang."

"Nga pala si Rio ba nakita mo? May kailangan kase ako sa kanya ei."

"Ah oo nasa Chemlab."

"Ah sige salamat." Nakangiting sabi nya saka nagtatakbo paalis."

Pumunta ako sa likod ng school para silipin ang nangyayare.

"Ano ba?! Wala naman akong ginagawa sa inyo ah!" Sigaw ni Rio.

"Anong wala? May kasalanan ka!" Sigaw nung lalake.

Maya-maya binugbog na sya ng sunod-sunod. Hinayaan ko na sya thinking na deserve nya iyon nung mga panahong yun.

----------------

Nung mga panahong yun wala akong ibang nasa isip kundi ang pahirapan sya para bumalik na sya sa kung saan man sya nanggaling not thinking na masama at mali ang ginawa ko.

Sobrang nagsisisi ako sa mga kasalanan ko.

Kung sana hindi ko plinano yun edi sana nakasali sya sa team na pangarap nya.

Kung sana hindi ko pinapunta ng Chemlab si Erich edi sana buhay pa sya. Inilayo ko nga sya sa dereksyon ni Rio para di madamay, namatay naman sya ng dahil sa nangyare sa Chemlab/Science lab.

Napabuntong hininga ako.

"Pero Ms, baka mabugbog ako ni Rio." Tutol ko.

"Mabubugbog o habang buhay tayong mag-aaway away sa nakaraang matagal na dapat na patawad at kinalimutan?" Tanong nya sakin.

Pero tama sya ei.

Kung hindi ngayon kelan? Kung hindi ako sino?! Isulong ang katarungan para kay ka-dencio!----ay teka iba pala yun.

"Bugbog na nga lang." Napapakamot sa ulong sagot ko.

"Sige na guys mag-usap usap na kayo, alam ko hindi madali pero kung paiiralin nyo na naman ang pagtahimik mabuti pang maghiwa-hiwalay na tayo."

Napabuntong hininga ulit ako.

Sa totoo lang natatakot ako kay Rio. Alam ko kaseng kahit na civil ang pinakikita at pakikitungo nya sa akin dahil nga nasa iisang circle of friends kame alam kong may galit parin sa puso nya dahil muntikan ko lang namang masira ang pangarap nya.

Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko na ba sya pero nagulat ako ng lumapit sya at akbayan ako saka hinila papunta doon sa kabilang dulo. Nang makarating agad syang bumitaw saka sumandal sa pader.

"Bro." Mahinang tawag ko.

"Bakit mo ba talaga ginawa yun?"

Napabuntong hininga ulit ako saka naupo sa lapag.

"Totoo yung mga sinabi ko noon, nagselos ako sayo ng dumating ka. Sa totoo lang hindi naman talaga dapat aabot sa puntong ganoon pero nang malaman kong may balak ka ng pormahan si Nicky nagalit ako."

"Bakit hindi mo ako kinausap?"

"Walang tanga ang kokomprontahin ang karibal nya."

"Pero George naman, hindi ka man lang nag-isip? Muntikan akong malumpo!"

"Nadala ako ng nararamdaman ko at hindi ko na naisip ang pwedeng maging consequences ng gagawin ko."

"Tang-ina mong gago ka, kung lumaban ka ng patas at niligawan mo si Nicky edi sana natanggap ako sa Team na dapat sasalihan ko."

"Wala akong lakas ng loob Rio. Alam mong pagdating kay Nicky taob ako, ni hindi ko magawang magtapat noon ei."

"Ngayon meron na?"

Umiling ako. "Iniintay ko si Max."

"Oo nga pala."

Tumayo ako saka inabot ang kamay ko para makipag-shake hands.

"Sorry bro."

Ngumisi sya at bigla akong sinuntok.

"Damn! Nakikipag-ayos na ako oh!" Reklamo ko pero ngumiti sya.

"Wala na yun. Magpasalamat ka na lang na hindi ako natuluyang malumpo kung hindi baka nasa ilalim ka na ng lupa ngayon." Sabi nya dahilan para mapahinto ako.

"Hindi ka na galit?"

"Bro nangyare na ei. May magagawa pa ba ang galit ko?"

Agad akong tumayo at akmang yayakap ng itulak nya ako.

"Pa-hug lang ei!"

"Tantanan mo ko sa kabadingan mo, baka tuluyang hindi ka na balikan ni Max pag-di mo inayos ang sarili mo."

Napatuwid ako ng tayo. Tumawa sya saka nilagpasan ako.

"Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya na nababading ka na."

"Gago!"

Hindi na sya nagsalita at lumapit na kay Winston.

Rio Pov

Antagal na din ng panahong yun. Oo muntikang masira ang pangarap ko pero kuntento naman na ako sa nangyayare sa buhay ko ngayon. Hindi man ako nakasama sa Team na pangarap ko pasok pa din naman kaya ayos na ko dun. Kuntento na ako sa kung anong meron ako sa ngayon.

Oo nahirapan ako noon to the point na nawalan ako ng gana sa buhay pero come to think of it may magandang naidulot din naman ang nangyare. Naging kame ni Nicky at nakasama ako sa isang Team, hindi man yung Team na pinapangarap ko pero nakatapak naman ako sa pangarap kong court.

Matapos makipag-usap kay George naglakad ako palapit kay Winston at naupo sa tabi nya.

"Magda-drama ka din?" Tanong nya dahilan para umiling ako.

"Gusto ko lang sabihing nagsisisi ako sa ginawa ko."

Tumango sya saka tumayo.

"Tara." Sabi nya.

"Saan?"

"Kay Anna."

Sumunod ako sa kanya at lumapit kame kay Anna na nakaungko sa lamesa.

"Anna." Tawag ni Winston.

Hindi gumalaw ang babae kaya niyugyog ko sya dahilan para sumimangot si Winston.

"Tulog ei." Dahilan ko pero sumaltak lang sya saka naupo sa tabi nito.

Nag-angat ng tingin ang babae saka tumuwid ng upo at nag-unatan.

"Problema nyong dalwa?" Tanong nya.

Naupo ako sa silyang kalapit ko.

"About kay Amy." Simula ni Winston.

Nagulat ang babae at hindi nakapagsalita.

"Nandito kame para humingi ng tawad. Alam naming kame ang dahilan kung bakit sya nawala sayo."

Umiling sya.

"Wala kayong kasalanan. Hindi kayo ang dahilan kung bakit sya nagpakamatay."

Sabay na kumunot ang noo namin ni Winston.

"Hindi kame?" Tanong ni Winston.

Tumango sya. "But I really appreciate you guys. Alam kong na-gi-guilty kayo dahil well partly nasaktan nyo sya pero hindi kayo ang dahilan kung bakit namatay sya. She took her own life dahil nalaman nyang buntis sya."

"Damn!" Tiningnan ako ng masama ni Winston. "Nabuntis mo sya?!" Galit na sigaw nya sa mukha ko.

Itinaas ko ang mga kamay ko.

"Kahit natukso ako walang nangyare sa amin wag kang OA."

"Tsk."

"Hindi si Rio, si Albert yung boyfriend nyang siraulo."

"Si Albert?!" Halos sabay na react namin ni Winston.

Tumango sya. "Right after nyong magbreak Rio dumating sa buhay nya si Albert, after 3months naging sila then bago matapos ang taon may nangyare sa kanila tapos after a month nalaman nyang buntis sya. That time nasa US ako at ng umuwi ako nalaman kong nagpakamatay sya dahil iniwan sya ng gago."

Hindi kame nakaimik parehas ni Winston.

"Kaya wag nyo nang sisihin ang mga sarili nyo, wala kayong kasalanan."

"Pero Sorry pa din." Sabi ni Winston na unang nakahuma kesa sa akin.

"Sorry. Wala man lang kameng kaalam alam." Segunda ko.

"Wala na yun. Tahimik na sya kung nasaan man sya ngayon." Nakangiting sabi nya saka tumayo. "Puntahan ko lang si Kristel." Paalam nya.

Tumango kame parehas ni Winston.

"Sayang si Amy ano?" Sabi ko.

"Tantanan mo ko may asawa na ko." Sabi nya saka tumayo.

"What?! Ito ang siraulo! Ang sinasabi ko sayang sya kase kung buhay pa sana sya ngayon edi may first ever baby na ang tropa."

"Ewan ko sayo." Sabi pa nya saka umalis.

"Ewan ko rin sayo." Nakasimangot na sabi ko.

Umungko ako sa mesa saka pumikit. Tapos na ako, nagawa ko na silang kausapin at naalis na rin ang mabigat sa loob ko.

Anna Pov

Flashyback.

"Mom anong nangyayare? Asan si Amy? Bakit umiiyak kayo?"

"W-wala na sya Anna nagpakamatay ang kapatid mo."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako sa kanila.

Pano nangyare yun? Bago ako umuwi nagkausap pa kame. Nagkwentuhan pa nga kame ei.

Lumunok ako saka tumakbo paakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ni Amy.

Pagpasok ko tumambad sa akin ang magulong kwarto may naiwan pang bakas ng dugo sa lapag.

Nangingilid ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang kabuoan ng kwarto nya. Ayokong maniwala pero totoo ei, wala na talaga sya.

Lumabas agad ako at pumunta sa kwarto ko pero napahinto ako ng may makita akong malaking box sa kama ko. Agad akong lumapit doon at naupo saka binuksan ang box.

Tumambad sa akin ang ilan sa mahahalagang gamit ni Amy. Tuluyan na akong naiyak.

Kinuha ko yung diary nya at binuklat isa isa hanggang sa makarating ako sa dulo.

Dear: Ate Anna.

           Yiee alam ko gusto mong marinig yan mula sa akin. Hindi kase kita tinatawag na Ate dahil pakiramdam ko kambal tayo. Salamat ah?  Salamat sa lahat lahat, Ikaw yung palaging nandyan tuwing kailangan ko ng masasandalan. Sorry ah? Alam kong masasaktan ka kapag nalaman mong wala na ako pag-uwi mo pero kase hindi ko na kaya ei. Sana wag kang magalit dahil mas pinili ko yung ganito kesa lumaban alam ko sasabihin mong 'Amy naman antanga masyado! Lumaban ka! Andito ako!' pero Ate hindi ko na kaya. Ni hindi ko alam kung matatanggap ba ako nila Mommy ang gaga ko kase ei nagpauto ako sa kanya. Ate sorry ah? Hindi mo na makikitang lumaki ang pamangkin mo isasama ko sya dahil natatakot akong baka walang tumanggap sa kanya. Oo Ate buntis ako, may nangyare samin ni Albert pero after nyang malamang magkakaanak na kame iniwan nya ako. Naglaho sya bigla at iniwan ako. Hindi ko na kaya, natatakot akong masaktan sila Mommy, natatakot akong magalit at ma-dissapoint sila pagnalaman nila. Ate wag kang magagalit kay Winston at Rio ah? Wala silang kasalanan.

                 I Love You Ate, Ingatan mo lagi sarili mo ah? Babantayan kita lagi. Mahal ko kayo nila Mommy pero pagod na ako. Sorry.

Nagmamahal: Amy <3

Humagulgol ako ng iyak matapos kong mabasa ang huling entry ng diary nya. Iyak ako ng iyak habang pinagmamasdan ang picture naming nakasabit sa may dingding ng kwarto ko.

-----------

Pinunasan ko ang mga mata ko at saglit akong huminto sa paglalakad saka tumingala sa langit.

Amy miss kana ni Ate.

"Ayos ka lang?" Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Kristel.

"T-tel..."

Ngumiti sya. "Hindi ka dapat umiiyak nana." Sabi nya.

Yumakap ako sa kanya at tuluyang umiyak.

Masakit pa din sakin na maalala ang nangyare kay Amy. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa tuwing maaalala kong wala na sya pakiramdam ko anlaki ng pagkukulang ko sa kanya.

Kung sana nasa tabi nya ako noong mga panahong yun sana hindi sya nawala. Sana hindi sya natakot na harapin ang problema.

"Tahan na. Gusto mo bang bugbugin ko sila Winston? Ipinaalala na naman nila si Amy ei!"

Umiling ako. "Wala naman silang kasalanan."

Humiwalay na ako sa kanya at pinunasan ko ang mga mata ko.

"Tel....."

Umiling sya saka ngumiti. "Wala na sakin yun Nana, wag mo ng isipin yun wala ka saking kasalanan. Nung gabing yun kung hindi ka tumakbo palayo baka wala ka na ngayon."

"S-sorry, ang selfish ko."

"Hindi ka Selfish Nana, nung gabing yun tama ang desisyon mo, oo mali sa tingin ng iba pero para sa akin tama dahil kung hindi ka tumakbo palayo at tinulungan mo ako baka dalwa tayong napahamak or worst namatay ka ng dahil sa akin kaya wag mo ng isipin yun."

Mas lalo akong naiyak.

"S-sorry."

"Wag ka ng umiyak, May mga bagay na masama o mali man sa tingin ng iba nakabubuti naman para sa sarili. Sa mga ganoong pagkakataon wag kang magdadalawang isip na gawin kung ano ang sa tingin mong tama para sa sarili mo. Tao tayo at hindi superhero. Hindi masamang iligtas ang sarili kesa sa iba."

"P-pero kase-----"

"Ayos lang ako, wala namang nabuo ei."

Natawa ako. "Gaga, hawang hawa ka na talaga sa jowa mo."

Natawa din sya. "Kaya piliin mo kung kanino ka didikit, tingnan mo nahawa ka na din sa pagiging iyakin ni Jerome."

Napailing na lang ako. Niyakap nya ako pero bumitaw din agad.

"Ayos na tayo ah?" Sabi nya.

Tumango ako. "Salamat." Sabi ko.

Ngumiti na lang sya. Nagpaalam na akong pupuntahan ko muna si Insan, magpapaalam akong matutulog muna sa loob.

Kristel Pov

Flashyback

Galing ako sa school at naisipan kong mag-commute na lang dahil hindi ako nasundo ng driver namin. Naglalakad ako sa gilid ng daan ng biglang may apat na lalakeng sumulpot at hinila ako sa isang madilim na lugar.

"Bitawan nyo ko ano ba?!"

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila pero hindi ako makawala.

"Bitawan nyo ako!"

Sinubukan kong isipa ang paa ko at nang matamaan ko ang isa sa mga lalake namilipit ako sa sakit ng sikmuraan nya ako.

"A..ray! Tuloong! Tulungan nyo ako!"

Sapilitan nila akong inihiga sa malamig na lupa at sinira ang suot kong uniform.

"Tuloong! Tulungan nyo ako!"

Nangingilid na ang luha ko dahil sa takot. Natatakot ako sa pwedeng mangyare.

"Tulong! Tulungan nyoo----"

Naputol ang pagsigaw ko ng busalan nung isa ang bibig ko. Nagwala ako at nanlaban pero hindi ako nakawala sa hawak nilang apat.

Iyak ako ng iyak habang kumakawala sa pagkakahawak nila pero hindi sapat ang lakas na mayroon ako para labanan sila.

-------------

"Kristel."

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong may tumawag sa akin. Nilingon ko yun at nakita ko si Jam.

"Bakit?"

"Pwede ka bang makausap?"

Tumango ako. Naglakad kame papunta sa may silya at naupo.

"Tungkol saan?" Tanong ko pero bumuntong hininga sya saka tumingin sa langit.

"Bakit hindi mo sinabi?"

Napayuko ako. "Kapag ba sinabi ko papayag ka?"

"Ginamit mo si Kristen para lang makakita ako, kaya naman pala galit na galit sa akin ang parents nyo."

"Yun ang gusto ng kapatid ko. Bago sya mamatay ibinilin nya sa akin na kung sakaling wala ka pang donor gusto nyang ibigay ang mga mata nya sayo."

Nagbaba sya ng tingin at tiningnan ako.

"Ang tagal ng panahon pero ni minsan hindi mo sakin sinabi."

"Ayokong isipin mong ginawa ko yun dahil may gusto ako sayo."

"Hindi nga ba?"

Umiling ako. "Labas doon ang nararamdaman ko."

"Sorry."

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan sya.

"Para saan?"

"Dahil iniwanan kita kung kelan kailangan mo ko."

"Tang-ina mo naman, sa tagal ng panahon ngayon mo lang naisipan yan?"

"Walang lakas ng loob ei."

"Lagi naman."

"Kung sana hindi ko piniling samahan si Maria sa kanila at inihatid kita pauwi edi sana hindi nangyare yun sayo, kung sana pinili kong samahan ka para masiguradong makakauwi ka ng ligtas edi sana-----"

"Edi umasa na naman ako."

"Pero kaibigan kita at maling pinili ko sya over you na kailangan ako."

"Sinasabi mo bang nagsisisi ka?"

"Oo."

"Recorded, ipaparinig ko toh kay Maria."

Binatukan nya ako. "Parehas kayong siraulo ni Andrei."

"Hoy wag mo kong itinutulad sa bugok na yun ah!"

"Sus."

Napailing na lang ako saka ngumiti. Narinig ko namang tumawa sya.

"Sa tagal ng panahon ngayon na lang tayo nagkausap ulit."

"Umiiwas ei."

"Hindi ka naman kase dapat umiwas."

"Kailangan. Ayokong maging kaalyado ni Andrei sa pag-iisip ng plano sa pagsira ng engagement party nyo ni Maria."

"Siraulo." Natatawang sabi nya pero agad din syang sumeryoso saka tiningnan ako ng mabuti.

"Ano?"

"I miss you."

Sinuntok ko sya. "Tantanan mo yan, gusto mo bang ikaw naman ang maging ka-sparring ni Kennedy?"

"Pake ko? Talo naman sya sa muscle ko."

"Yabang mo."

"Gwapo ko kamo."

"Tss. Ang hangin naman."

Tumawa na naman sya saka hinila ako.

"Ano?!" Gulat na sigaw ko.

"Salamat."

"Kaibigan ei."

"Kaibigan na naging crush mo."

"Kapal talaga ng mukha mo noh?"

"Asus miss mo din ako aminin mo."

"Hindi, tantanan mo ko."

"HAHAHA!"

Ginulo nya ang buhok ko. "Ano ba Jam?!"

Naglean sya bigla. "Aminin mo."

"Tang-ina mo naman!"

"Aminin mo."

"Di ka titigil?"

"Hindi."

"Isusumbong kita kay Maria!"

"Sumbong ka alam naman nya."

Lumingon ako sa gawi ni Maria at nakita kong tumayo si Kennedy mula sa tabi nya saka umalis tapos lumapit naman si Andrei.

"Selos ka kaagad."

"Hoy hindi ah!"

"Sinungaling."

"Hindi nga!"

"Miss mo ko."

"Hindi din."

Sinimangutan nya ako. "Hindi na tatalab yan." Nakairap na sabi ko.

"Sus patay na patay ka kase kay Kennedy samantalang dati effective naman."

"Dati yun."

Maya-maya huminto na din sya sa pangungulit sa akin at nagpaalam na pupuntahan muna si Maria, Inasar ko pa nga na nagseselos sya kay Andrei kaya pupuntahan na nya si Maria pero binatukan nya lang ako.

Maria Pov

After Jam left para makipag-usap kay Kristel sumulpot naman si Kennedy at naupo sa tabi ko.

"Hindi ko alam kung dapat pa ba natin itong pag-usapan pero-----"

"Yun naman pala, bakit nandito ka pa?"

"Galit ka parin ba?"

"Tingin mo? Bakit sino bang matutuwa sa nangyare, for pete's sake Kennedy ginamit mo ko!"

"Sorry."

Tumayo sya at aalis na sana ng pigilan ko sya. Napalingon sya sakin.

"But do I have a choice? After all ikakasal na ako at isa pa napatawad na din kita."

Hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ko.

Totoo naman talagang napatawad ko na sya after nya akong gamitin para malimutan na nya si Princess nung umalis ito noong mga bata pa kame.

"M-Maria."

"Sana lang Ken sa susunod ayusin mo na, huwag mo ng ulitin ang mga pagkakamaling nagawa mo. Hindi kase tamang nanggagamit ka ng iba para lang makatakas sa problema mo."

Naupo ulit sya sa tabi ko.

"Sorry."

"Pero partly kasalanan ko din naman, umasa kase ako na totoo yung kung ano mang meron sa atin noon."

Umiling sya. "Sinubukan ko naman kaso hindi talaga ei."

Hindi na ako nagsalita, hindi ko naman kase alam kung anong sasabihin.

"Alam ko galit ka parin sakin-----"

Sumimangot ako. "Hindi na nga ei."

"Sorry ah?"

"Wala ka na bang ibang masabi kundi sorry?"

"Hindi ko kase alam kung pano ka kakausapin tungkol sa bagay na ito."

"Do me a favor na lang."

"Ano?"

"Siguraduhin mong hindi mo na sasaktan ulit si Kristel."

Tumango sya saka ngumiti. "I will."

"Good."

Then umalis na din sya, ewan ko ang awkward ko pa talaga pagdating sa kanya siguro dahil nga sa nangyare sa pagitan namin kaya naiilang pa din akong kausapin sya lalo na kung tungkol sa bagay na yun.

"Maria----"

"Ano?!" Iritang tanong ko saka bumaling sa tumawag sa akin. "Sorry!" Panic na sabi ko ng makitang si Andrei pala yun.

"Ah wala sige alis na ko." Sabi nya.

Aalis na sana sya ng hilahin ko ang damit nya.

"Mag-uusap pa tayo ba't ka aalis?"

"Ano kase....."

"Rei."

Napabuntong hininga sya saka naupo sa tabi ko.

"Ano na?" Tanong ko ng hindi sya kumikibo.

"Galit ka ba sakin?"

"Mukha ba?"

"Sorry."

"Di ko lang kase maintindihan Rei magbestfriend tayo di ba? Magbestfriend tayo kaya bakit mo nagawa yun? Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ang bagay na yun. Alam mo kung gaano kaimportante sa akin ang engagement party na yun."

"Sorry, Alam kong mali yung ginawa ko pero gusto ko lang namang pigilan kang magpakasal sa kanya dahil umaasa akong baka may pag-asang maging ako."

"Pero alam mong mahal ko sya di ba? Alam mong masasaktan ako kapag ginawa mo yun."

"I know pero sinubukan ko parin that's why I'm so sorry."

"Ayokong magalit sayo ng husto to the point na mag-friendship over tayo pero Andrei please lang tigilan mo na, ikakasal na ako oh. Tama na."

Tumango sya saka ngumiti ng tipid.

"Gagawin ko. Ayoko na rin namang guluhin kayo, kaibigan kita pati si Jam, isa pa yan yung pangarap mo di ba? Ang makasal sa taong mahal mo kaya di na ako hahadlang."

"Sorry kung nasasaktan kita, pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay."

"I understand."

Ngumiti ako sa kanya.

Natahimik kame after sakto namang dumating na si Jam kaya tumayo ako at hinayaan silang mag-usap.

Andrei Pov

"Kamusta pag-uusap nyo?" Tanong nya ng makaalis si Maria.

"So far, medyo ayos naman."

"Magkaibigan parin naman kayo di ba?"

"Siguro. Hindi na ako sigurado, gusto ko muna sanang lumayo sa kanya."

"Invited ka parin sa kasal ah?"

"Subukan kong pumunta baka masakit pa din pagdating ng araw na yun."

Binatukan nya ako. "Siraulo makaka-move-on ka rin, makakahanap ka rin ng babaeng para sayo."

"Kelan pag-twenty na ko? Antagal nun!"

"Maghintay ka lang darating din yun."

"Bro sorry ah?"

"Para saan?"

"Sa ginawa ko sa mata mo."

Flashyback

"Rei nakita mo ba yung pambura ko?" Tanong ni Jam sa akin matapos kaming pag-draw-wingin ng teacher namin para sa isang activity.

"Hindi ei. Teka hahanapin ko."

Sumuot ako sa ilalim ng desk namin at hinanap yung pambura nya. Nang makuha ko ibinigay ko sa kanya.

"Salamat."

Magsasalita pa sana ako ng tumunog na ang bell. Hudyat na recess na.

"Uy Jam mauna ka na may dadaanan lang ako."

"Sige kita na lang tayo sa canteen."

Tumango ako. Nauna syang lumabas, inayos ko muna ang gamit ko saka umalis.

Nang matapos ang recess at nasa room na ulit kame pinagdrawing ulit kame ng teacher namin.

"Rei nawawala na naman yung pambura ko." Sabi nya.

Tumayo ako at hinanap yung pambura nya.

"Ang burara mo naman Jam, teka ito na oh."

Saktong pagtayo ko may bumangga sa akin.

"Aray!"

Napatingin ako kay Jam ng sumigaw sya. Nagulat ako ng makitang nagdurugo ang mata nya.

Sumisigaw na ang mga kaklase namin at tinatawag si teacher pero nakatayo pa din ako doon habang hawak hawak sa isang kamay ko yung pambura nya.

"Anong nangyare?" Tanong ni Teacher ng lumapit sya.

"Sinaksak ni Andrei si Jam sa mata gamit yung hawak nyang lapis!" Sigaw ng kaklase namin.

Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko yung lapis na sinasabi nilang pinansaksak ko sa mata nya, hawak hawak ko yun habang nanginginig ang mga kamay ko.

------------

Noon hindi ko matanggap na ako ang gumawa nun sa kanya hanggang sa nilayuan nya ako. Nang lumaki na ako dun ko natuklasang may problema pala sa akin. Sabi ng mga magulang ko may Anger management daw ako probably nakuha ko sa masamang karanasan ko noon. But it already treated, nako-control ko na sya ngayon.

Nang magkaayos kame ni Jam saka ko lang nalaman kung bakit ginawa ko sa kanya yun. It was because of jealousy. Nagselos ako sa kanya dahil nalapit sya sa bestfriend ko. Naging possessive ako to the point na nakasakit ako dahil ayokong mawala sa akin si Maria not knowing na ng dahil sa nangyare mas lalo syang nawala sa akin.

"Ayos ka naman na di ba?"

Tumango ako. "Nako-control ko naman na sya."

"Good."

"Ayos na talaga tayo di ba?"

Tumango sya. "Hindi naman talaga ako nagalit sayo noong mga panahong iyon, alam kong may problema saiyo noon at mali ako ng mag-triggered ko ang Anger Management Issues mo. Hindi din totoong kaya ako nakipag-ayos sayo dahil kay Maria. Kaya ako nakipag-ayos dahil kaibigan kita Rei."

"Salamat."

"Sana lang pagnakilala mo na yung babaeng mamahalin mo wag mo syang masaktan ng dahil sa Issues na yan."

"I won't at kung hindi ko man maiwasan andyan ka naman di ba? Ipapaalala mo saking mahal ko ang babaeng yun."

"Of course! Best buddies tayo di ba?" Sabi nya saka tumayo. "Teka Rei nawawala yung pambura ko." Biro nya.

Binatukan ko sya. "Siraulo napakaburara mo."

"Joke lang."

Naiiling na natawa na lang ako.

Jerome Pov

Hindi ko alam kung bakit kailangan pag-usapan pa ang bagay na toh kase sa totoo lang after ng nangyare tinanong ko si Mommy and she confessed. Totoong magkapatid kame ni Erick. Anak nya si Erick sa una nyang asawa at mas matanda ito sa akin ng taon.

Tatayo na sana ako para kausapin si Nicky dahil hindi pa talaga ako handang kausapin si Erick ng dumating sya at tumabi sa akin.

"Kamusta si Mommy?" Bungad nya.

"Aren't you supposed to ask about me? I mean me as your stepbrother."

"Gago ka ba? Araw araw tayong magkasama tapos tatanungin kita ng tungkol sayo. Ang weird mo."

"Tsk, ba't ba kita kinakausap ei galit pa ko dahil sa ginawa mo kay Janella."

"Di ka pa rin nakaka-move-on little brother?"

"Tang-ina kinikilabutan ako sayo."

"Little brother?"

"Isa pang ulit basag sakin yang mukha mo."

"Little brother?" Ulit nya saka lumayo sa akin.

Tumayo ako at hinabol sya ng suntok.

"Ayieee! Ang kyooot nyong magkapatid."

Napahinto ako at nilingon ang nagsalita.

"Oh damn, I love you but please baby wag mo kong asarin sa damuhong yan."

Tumawa sya. "Edi wag."

Hinalikan ko sya sa noo, humikab naman sya.

"Pasok muna ako sa loob, inaantok ako ei." Paalam nya.

"Samahan kita?"

"Nah, makipagbonding ka na lang sa kapatid mo."

Sumimangot ako. Hinalikan nya lang ako sa pisngi saka umalis na.

"Answeet nyo naman ni Anna, Little Brother." Rinig kong sabi nya.

Agad akong bumigwas para suntukin sya.

"Damn! Nagbibiro lang naman ako! Ang pikunin mo." Daing nya.

"Hindi kase ako nagbibiro kuya."

Napatingin sya sakin saka inakbayan ako.

"Kung maaga ko lang nalamang ikaw pala ang kapatid ko sana napigilan kita noong muntikan kang magpatiwakal."

"Bwisit ka alam mo yun? Kaya nalang ayaw sayo ni bestfriend ei napaka-drama mo."

"Walang personalan."

"Tsk. Bitawan mo nga ako!"

"Nah ah, ayoko nga atsaka kailangan nating mag-bonding, you know getting to know each other."

"Kita mo! Ikaw ang weird! May pa-getting to know ka pa lagi naman tayong magkasama."

"But seriously hindi ganoong ka-close, hindi ba ko pwedeng magpaka-kuya sayo?"

"You know what mas gusto ko yung buddies."

"Good! Naiilang din ako. Di ko alam kung pano magpapaka-Kuya sayo."

Siniko ko sya sa tagiliran. "Weirdo."

Natahimik kame bigla at sabay na napabuntong hininga.

"Hindi na ba kayo nagkakausap ni Mommy?"

"After nilang maghiwalay ni Daddy? Madalang na kameng mag-usap."

"Nagkikita?"

"Madalang. Nagba-bonding kayo?"

"Madalang din."

"Nagkakausap kayo?"

"Pag-umuuwi sya."

"Asan ba?"

"Laging out of the country or out of town, madalas puro office."

"Tsk. Seriously para lang silang nagbuo para may connection tapos di naman pinapansin."

"Sinabi mo pa, kaya di ko masasagot yang tanong mo kung kamusta sya."

Napailing sya. "Nung nagpatiwakal ka asan sya?"

Nagkibit-balikat ako. "Out of the country ata, donno."

"Hayaan mo na. Basta simula ngayon nandito na ako. Kasangga mo na ako Little Brother."

"Hindi talaga ako masasanay dyan."

"Masasanay ka din."

Sumimangot na lang ako at binatukan sya.

Nicky Pov

Nakatingin ako dun sa dalwang ugok na nagba-bonding ata. Naghihintay ako ng tyempo para makalapit sa kanila para kausapin sila.

Nang maupo sila sa may silya napabuntong hininga ako saka naglakad palapit.

"Hey! Nicky." Bati ni Erick ng mapansing palapit ako. "Uy little bro, kausapin mo na sya." Sabi nya kay Jerome.

"Actually gusto ko kayong makausap." Sabi ko.

"Kung yung tungkol sa ginawa mo sakin? Ayos na ko, naiintindihan ko naman." Sabi ni Erick saka tumayo.

Tinapik nya sa balikat si Jerome. "Maiwan ko muna kayo." Sabi nya saka naglakad palayo.

Hinila ko yung isang silya saka naupo.

"Nicky...."

"No need to say sorry, wag na tayong magplastikan."

"Pero-----"

"Kaplastikan lang kung magsosorry ka after mong gawin ang isang bagay. Hindi mo kailangang humingi ng tawad kung alam mo sa sarili mong ginawa mo yun para sa sarili mo."

"Nainggit lang talaga ako sayo."

"Bakit ano bang akala mo? Perpekto ang buhay ko?"

"Hindi sa ganoon. Noon kase ang tingin ko kaya nainggit ako sayo kase ansaya mo, kumpleto ang pamilya mo, may maayos kang buhay, may masayang pamilya."

Napailing ako. "Kung ano man ang tingin mo mali lahat yun. Itong saya na nakikita mo hindi ito totoo, yung kumpletong pamilyang kinaiinggitan mo? Hindi yun buo. Yung maayos na buhay? Impyerno Jerome, Yung masayang pamilyang inaakala mo? Hindi yun totoo."

Kumunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin?"

Nililis ko ang suot kong shirt.

"Nakikita mo toh? Ito ang patunay na mali ang iniisip mo tungkol sa akin at sa pamilya ko. Sa likod ng lahat ng nakikita nyo nanduon ang katotohanang hindi ko maikwento sa iba. Katotohanang pilit akong hinahabol at hanggang ngayon tinatakbuhan ko."

Napanganga sya ng makita ang nasa may dibdib ko malapit sa puso.

"H-hindi ko alam, hindi ko sinasadya."

"Sa susunod bago mo husgahan ang tao kilatisin mong mabuti, tingnan mo muna kung totoo ba ang pinakikita nya dahil sa bawat ngiti nakatago doon ang milyong sakit na matagal ng iniinda."

"S-sorry nicky."

"Hindi lahat ng nakangiti at masaya perpekto na ang buhay yung iba kaya lang nakangiti at ipinakikitang masaya dahil takot silang mahusgahan, takot silang hindi maintindihan."

"S-sorry. Kung sana alam ko lang, kung sana hindi ako naiinggit sayo. Sorry nakadagdag pa ako sa pasanin at sakit na nararamdaman mo."

Umiling ako at ngumiti. "Ganun naman talaga ang tao mas madaling humusga kesa umintindi."

Tumayo na ako. "Pero wag kang mag-alala Jerome ayos lang ako at wala na sakin yung ginawa mo noon." Sabi ko saka tumalikod at umalis doon.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko saka tiningnan sa salamin ang peklat na nagpapaalala sa akin ng Impyernong buhay na meron ako.

Sabi nila ang swerte ko daw. Ang swerte ko dahil masaya ang pamilyang meron ako pero hindi nila alam na sa likod ng sayang iyon impyerno ang buhay ko.

Madalas akong saktan ni Daddy sa tuwing may problema sila ni Mommy. Ako ang pinagdidiskitahan nila sa tuwing mainit ang ulo nila.

Sinasaktan, binubugbog, ginugutom at inaalila. Hindi ko na nga mabilang kung ilang sampal na ba ang dumapo sa pisngi ko, kung ilang hampas na ng kahoy ang tumama sa katawan ko at kung ilang beses na ba akong sinaksak ng matalim na bagay o buhusan ng mainit na tubig o lunurin sa timba o drum.

Walang nakakaalam kung gaano na karaming beses, ni ako nga hindi ko na mabilang basta ang alam ko lang kailangan kong lumayo at tumakas sa tuwing mainit ang ulo at galit sila dahil kung hindi mamamatay ako sa mga kamay nila.

Itong peklat sa dibdib ko na malapit sa puso ko kutsilyo ang may gawa nito. Sinaksak ako ni Daddy nung minsang umuwi syang lasing at mainit ang ulo. Sinaksak nya ako na para bang gumagawa sya ng artwork sa dibdib ko.

Muntik akong mamatay pero hindi ako natakot, parang gusto ko na ngang matuluyan ng dahil sa nararanasan ko.

Matapos mangyare yun namatay na ang emosyon sa puso ko para sa kanila, hinding hindi na ako nakakaramdam ng sakit o kahit pagmamahal para sa kanila. Wala na akong maramdamang kahit anong emosyon para sa mga magulang ko.

Yung buong pamilya? Hindi yun totoo.

Pinabayaan ako ni Mommy kay Daddy dahil may iba na syang kinakasama, Si Daddy napakarami nyang babae. Gabi gabi halos kung mag-uwi ng babae sa bahay at buong gabi silang gagawa ng kababalaghan na para bang wala silang ibang kasama sa bahay.

Oo masaya kameng tingnan sa tuwing haharap sa publiko at sa ibang tao pero sa likod nun? Ibang iba ang pamilyang iniisip at inaakala nyo sa pamilyang meron ako.

Shiella Pov

Nakaupo ako sa may ilalim ng puno habang pinagmamasdan silang lahat. Nakakatuwa at sumusunod sila kay Ms, nakakatuwa na nagagawa nilang pakawalan ang nakaraang meron sila dahil ako sa totoo lang nahihirapan ako lalo na kung tungkol kay Zav.

Napalingon ako sa gilid ko ng tumabi sa akin si George.

"Bakit?" Tanong ko.

Nagsalita sya pero hindi ko narinig kaya sumenyas ako na hindi ko suot ang ear piece ko.

Ngumiti sya saka nag-sign language na syang ikinagulat ko.

"Marunong ka?" Tanong ko.

Tumango sya saka nag-sign language ulit.

Translation: Inaral ko para maintindihan kita, sorry ah?

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."

Umiling sya.

Translation: No, ako dapat ang magpasalamat kung hindi dahil sayo baka namatay na ako, sorry ah? Nang dahil sa akin nawala ang pandinig mo.

"Ayos lang."

Translation: Bakit hindi mo sinuot ang ear piece mo?

"Gusto ko ng tahimik, ayokong marinig kung ano ang pag-uusapan nila dahil tungkol iyon sa kanila, gusto kong bigyan sila ng privacy."

Translation: Hindi ka na-ko-curious?

Umiling ako. "Tanggap ko sila kahit ano pa sila o kahit anong klaseng nakaraan pa ang mayroon sila."

Ngumiti sya saka sumandal sa puno na nasa likuran lang namin.

"Minsan maganda din kaseng pagmasdan ang galaw ng paligid kesa sa ingay."

Tumango sya.

Madalang akong gumamit ng sign language kapag hindi ko suot ang ear piece ko dahil hindi naman ako nakikipag-usap sa tuwing inaalis ko yun at kung makikipag-usap man ako hindi ako nagsa-sign language kundi ginagamit ko ang boses ko para magsalita, yung kausap ko lang ang nagsa-sign language katulad ng nangyayare sa amin ni George ngayon.

Kinalabit nya ako kaya nilingon ko sya.

"Bakit?" Tanong ko.

Nag-open arms sya kaya kumunot ang noo ko.
Nag-sign language naman sya.

Translation: Can I Hug you?

Natawa ako saka tumango.

Lumapit sya ng husto saka niyakap ako ng mahigpit ng humiwalay sya ngumiti sya saka nagpasalamat.

"Wala yun, nawala man ang pandinig ko masaya akong buhay ka George."

Translation: Salamat.

Ngumiti na ako. "Ingatan mo na ang buhay mo ah? Gusto kong makita kang ikasal kay Maxiene at bumuo ng pamilya kasama sya."

Tumango sya.

Nang umalis si George dumating naman si Carlos tapos biglang sumulpot si Ms, at ibinigay sa akin yung ear piece ko.

"Di marunong yan ei." Sabi nya pa.

Sumaltak lang si Carlos.

Nang umalis si Ms, naupo sya sa tabi ko. Ikinabit ko naman sa tenga ko yung ear piece ko.

"May sasabihin ka?" Tanong ko matapos kong maikabit.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko."

Umiling ako. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, tama lang ang ginawa mo. Nasaktan ka sa pagkawala ng kapatid mo at totoo namang kasalanan ko dahil kapatid ko ang kasama nya noong mamatay sya."

"Hindi, ngayon ko lang naisip na wala ka naman talagang kasalanan sa nangyare, biktima ka din at maling sisihin kita dahil lang sa involved ka."

"Tanggap ko naman na ako ang sinisisi mo noon kahit naman kase ako sinisisi ko rin ang sarili ko."

Umiling sya. "Nagkamali ako, hindi dapat kita sinisi dahil nawalan ka rin naman."

"Ayos lang yun, naiintindihan ko naman."

"Sorry pa din."

"Nah isipin mo na lang kung di mo naisip na maghiganti sa akin hindi ka mapapasama sa amin at hindi mo makikilala si Ms, atleast may magandang nangyare sa paghihiganti mong nakalimutan mo na ata."

Napangiti sya saglit pero agad yumuko at napahawak sa batok.

Ibang klase talaga ang tama nya kay Ms Janella.

Princess Pov

Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa inaamag na utak ni Kris kanina at inaway nya si Kennedy worst sinuntok nya pa. Kung makaasta sya akala mo totoong ayaw nyang mapunta ako sa iba ei ni hindi nga nya magawang humarap sa mga magulang ko. Tang-inang takot yan, takot syang humarap sa mga magulang ko pero hindi sya takot na manakit ng kapwa. Nakakatuwa (note the sarcasm.)

Flashyback

Nandito ako sa kusina ng pumasok si Kennedy kasama si Kristel at Ms.

"Oh? Anong ganap at nandito kayo?" Tanong ko.

"Can we talk?" Tanong ni Kennedy.

"Huh? Tungkol saan?"

"Satin."

"Hay nako, tantanan mo yan matagal na yun kalimutan mo na."

"Princess pumayag ka na." Sabi ni Ms.

"Sige na beb okey lang sakin." Sabi ni Kristel saka lumapit kay Kennedy. "Sa taas lang kame." Sabi nya pa saka hinila si Ms, at lumabas ng kusina.

Naiwan kameng dalwa ni Kennedy.

"Ganun na lang ba kadali yun?" Rinig kong tanong nya.

"Oo."

"Hindi ka ba nanghihinayang?"

"Kahit naman manghinayang ako maibabalik ba ng panghihinayang ko ang nawala? Hindi di ba?"

"Pero nandito na ako, pwede pa naman nating ibalik hindi ba?"

"Are you asking me to ruin your current relationship?"

"Princess."

"Tumigil ka na Ken please lang, Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka naging ganyan pero please ayokong saktan si Kristel, ayokong saktan ang kaibigan ko."

"Kahit yung friendship na lang, kahit hindi na yung nararamdaman natin."

"Hindi ko kaya."

"Princess please, ayoko ng mahirapan."

"Bakit sa tingin mo hindi ako nahirapan?! Mukha bang ginusto kong umalis?! Hindi ko ginusto yun! Hindi ko ginustong iwanan ka pero kailangan kong gawin dahil ayokong mawala ka!"

Kumunot ang noo nya. "Anong sinasabi mo?"

"Ayaw sayo ng mga magulang ko Ken, sinubukan ko namang ipaglaban ka sa kanila pero wala ei ayaw nila. Pinagbantaan nila akong sasaktan ka kapag hindi ako lumayo kaya mas pinili kong umalis para hindi ka nila masaktan."

"Bakit hindi mo sakin sinabi?"

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon."

Nangingilid na ang luha ko.

"Princess."

Umiling ako. "Huli na ken."

"No...hindi pa princess, pwede pa naman nating ayusin toh kahit hindi na katulad noon basta huwag ka lang mawawala."

"Hindi ka ba natatakot? Ako ang dahilan kung bakit naging ganyan ka pano kapag naulit yun pero this time si Kristel naman? Pano kung iwan ka nya dahil bumalik ako? Ayoko nun."

"Hindi mangyayare yun."

"Kilala ko sya Ken, alam ko kung anong gagawin nya oras na malaman nyang babalik ako sa buhay mo. Alam kong lalayo sya thinking na dapat syang mag-give way."

"Hindi----"

"May mga bagay na tayong dapat i-consider ngayon ken, may kristel na sa mundo mo at may kris na sa mundo ko. Hindi na lang tungkol sa ating dalwa ang mundo, may mga tao tayong masasaktan kapag ipinilit pa natin."

"Pero-----"

"Sya yung nandyan Ken, sya na lang ang pagtuunan mo ng pansin huwag na ako. Kung ano man tayo noon nakaraan na lang yun at hindi na maibabalik yun."

"Pero ayokong mawala ka."

"Hindi ako mawawala, nasa iisang circle of friends tayo magkikita at magkikita pa din tayo kaya hindi mo kailangang mag-alalang baka mawala ulit ako. Hindi na ako aalis pero please huwag mo syang sasaktan."

"Alam mo ba kung gano kahirap ang gusto mong mangyare? Antagal kitang inintay, tapos ngayong nandito ka na, ngayong bumalik ka na itinutulak mo ako palayo, papunta sa iba."

"Mali na kase kung ipipilit pa natin. Masasaktan natin yung mga taong hindi natin dapat masaktan."

Pinunasan ko ang mga mata ko.

Inintay ko rin naman sya pero mali na kase talaga kung magiging malapit pa kame sa isa't-isa.

Lumapit sya sa akin.

"Ito ba talaga ang gusto mo?"

Tumango ako. "Oo. Para sa ikabubuti ng lahat."

Ngumiti sya saka pinunasan ang gilid ng mata nya.

"Damn, antagal kong inintay na makita ka ulit para lang bitawan ka ng ganito."

"Kailangan ei. Bumalik lang ako para tuldukan yung naiwan natin."

"Mangako kang hindi ka na aalis."

Tumango ako. "Hinding hindi na."

"Alam mo bang hirap na hirap ako noong nawala ka pero ngayong nandito ka na kung kelan anlapit mo na saka mas nasaktan ako."

"Ken."

"Kaya ko namang iwan lahat para sayo pero ayaw mo."

"Wag kang maging selfish please?"

Umiling sya. "Hindi na."

"Wag natin silang saktan para lang sumaya tayo."

"Can I hug you for the last time?"

Ngumiti ako at tumango.

Inisang hakbang nya ang pagitan namin at niyakap ako, mas lalo tuloy akong naiyak.

"Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun..."

"Naman ei! Wag mo ngang kantahin yan!"

"Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you."

"Tigilan mo nga!"

Bumitaw sya saka tiningnan akong maigi.

"And if die, remember this line
I'm always here, guarding your life...
Guarding your life..."

Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo.

"Ayokong bitawan ka Princess pero kung ito ang gusto mo kahit nasasaktan ako gagawin ko."

Pinunasan nya ang luha ko.

"Ansakit naman ng farewell natin." Sabi nya.

"Ganun talaga."

Niyakap nya ulit ako. "I love you prinsesa."

Niyakap ko sya ng mahigpit. "I love you more but we can't be together."

"Hindi ba pwedeng I love you more na lang? Bakit kasama pa yun?"

"Para di ka umasa."

"Damn."

Bumitaw na ako at pinunasan ang mga mata ko. Binitawan na din nya ako.

"Go."

Kumunot ang noo ko.

"Lumayo ka na hangga't kaya pa kitang pakawalan, hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko."

Ngumiti ako. "Salamat." Sabi ko saka tumalikod at lumabas na ng kusina.

-----------

Pagkatapos ng pag-uusap na yun tumambay muna ako sa may main door para magpahangin at pakalmahin ang mga mata kong umiiyak pa din.

Masakit din para sa akin na pakawalan sya ng ganoon. Masakit para sa aking kalimutan lahat ng pinagsamahan namin pero kailangan.

Alam ko kaseng kapag hinayaan kong bumalik sya sakin magugulo ang buhay namin at makakasakit kame ng iba.

Kilala ko sya at alam kong totoo ang mga sinabi nya. Kaya nyang iwanan lahat para lang sakin ilang beses kong napatunayan yun noon at ayokong mangyare yun ngayon kaya kahit na friendship ayoko dahil alam kong kapag naging magkaibigan ulit kame sa akin na naman mababaling ang atensyon nya at makakalimutan nya si Kristel. Hindi ako nag-aassume pero alam kong ganoon ang mangyayare.

Ayokong saktan si Kristel dahil alam kong mahal na mahal nya si Kennedy at mahal ko na rin naman si Kris kahit papaano kaya kahit masakit sa akin ako na lang ang didistansya dahil yun ang tama, umalis na ako sa buhay nya kaya mabuti kung hindi na ako babalik pa.

Nang ayos na ako pumunta na ako sa likod kung nasaan silang lahat at nagulat ako ng saktong pagdating ko biglang sinuntok ni Kris si Kennedy. Parang gusto ko ngang batukan si Ken dahil hindi sya gumaganti at tinatanggap lang nya ang mga suntok ni Kris. Inawat na sila ng girls pero hindi pa din si Kris humihinto hanggang sa dumating si Ms, pero ayaw nyang magpaaawat hanggang sa mukhang napikon na si Ken at sinuntok na din sya. Nagkagulo ang lahat buti na lang dumating na ang ibang boys at umawat pero mukhang nagkainitan na talaga ang dalwa maya-maya nakarinig kame ng putok ng baril at pagkabasag ng vase dahilan para tuluyan na silang huminto.

Si Ms, pala ang may gawa. Sya ang bumaril doon sa vase.

Kinausap ni Ms, si Kris pero pinaggigiitan nyang may something sa amin ni Kennedy kaya hindi ko maiwasang kumontra at sabihing magkaibigan lang kame ng lalake.

Pagkatapos nun naisip ni Ms, na pag-usapan yung nangyare kaya wala silang nagawa kundi sumunod. Mabuti na rin yun para hindi na masundan yung nangyareng suntukan.

Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno habang nakasandal at nakatingin sa kanilang lahat. Nang makita kong free na si Kristel agad ko syang nilapitan.

"Tel."

Nilingon nya ako at agad syang ngumiti.

"Bakit? May problema ba?"

"Gusto sana kitang makausap."

"Sure."

Naglakad kame papunta sa may punong malapit at naupo sa ilalim nun.

"Tungkol saan?" Tanong nya.

"Mahal mo naman sya hindi ba?"

"Bakit mo naman na tanong?"

"Binitawan ko na sya."

"You mean..."

Tumango ako. "Kung ano man ang meron kame noon tapos na yun."

"Pero magkaibigan na ulit kayo?"

Umiling ako. "Ayoko ng magkaroon ng koneksyon sa kanya dahil ayokong magkaroon ng pagkakataong mabalik pa yung dati."

"Bakit mo sakin sinasabi toh?"

"Ibinibigay ko na sya sayo. Alam kong mahal na mahal mo sya kaya sana ngayong pinakawalan ko na sya huwag mo syang iiwan."

"I won't."

"Good to know. Sana lang huwag mo kong pagseselosan kahit na anong mangyare."

"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko."

"Nangangako akong hindi ako gagawa ng kahit anong ikasisira ng relasyon nyo."

"Princess ano bang sinasabi mo?"

"Gusto ko lang ng malinaw Kristel ayokong pagtagal magkasira tayo at mag-away. Kaibigan kita at ayokong masira ang pagkakaibigan natin."

"You choose our friendship than your love for him? Thank youu so much."

Ngumiti ako.

"Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan kesa sa pag-ibig. Lagi nating pahalagahan ang friendship kesa sa lovelife dahil mas magtatagal yun."

Ngumiti sya saka niyakap ako.

"I'm so lucky to found a true friend. Thank youu."

Nagkwentuhan pa kame pagkatapos nun.

Nang maghapon na nagsipasok na kame sa loob ng bahay para mag-asikaso ng hapunan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro