Chapter 42: New

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

December 31

"Sigurado ba kayong pupunta kayo? New Year yun." Naniniguradong tanong ni Janella.

Sinamaan sya ng tingin ng mga kaibigan.

"Ayaw mo ba kameng makasama sa bagong taon?!" Inis na tanong ni Kris

"Hindi naman, ano lang....."

Hindi nya alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan nya na natataranta sya sa nangyayare.

"May problema yan." Sabi ni Carlos ng dumaan sa likod ni Janella habang may bitbit na gamit.

Tiningnan syang mabuti ng mga kaibigan.

"Anong problema mo?" Tanong ni Maria

Nakasimangot na sumalampak sya sa sofa.

"Andami kong kailangang asikasuhin! Nakausap ko si Mommy dito nila sasalubungin ang bagong taon kasama ang mga kamag-anak namin pati na din ang mga kaibigan nila! At ni hindi ko alam kung pano maghahanda!"

Napabuntong hininga silang lahat.

Hindi sila handa sa mga ganitong bagay lalo na't hindi pa naman nila nasubukang bumukod sa mga magulang nila.

"Oh." Basag ni Barbie sa katahimikan.

Iniabot nya kay Janella ang isang mahabang listahan.

"Andyan na lahat ng kailangan pati na din mga dapat gawin." Sabi pa ni Barbie.

"Ayun naman pala may isang expert dito!" React ni Andrei.

"Salamat." Sabi ni Janella.

Tumayo sa pagkakaupo si Erick.

"Tara na pagtulong tulungan na natin yan." Sabi pa nito.

"Mamaya na inaantok pa kame!" Angal ni Jerome.

Sumaltak si Erick saka hinila si Janella.

"Oy oy! Carlos si Erick oh!" Sigaw ni Kris.

Nang makaalis ang dalawa ay bumalik sila sa kanya-kanyang pwesto at sinubukang matulog ulit.

Pagod na pagod pa sila dahil sa pinuntahan nila kahapon at inaantok pa dahil hating gabi na ng sila'y makauwi.

"Nasan si Misis?" Tanong ni Carlos ng mapansing wala sa sala ang asawa.

Napapitlag silang lahat. Nahulog pa sa lapag si Anna dahil sa narinig. Napabalikwas ng bangon ang lahat at napatakbo sa kusina.

"Bakit?" Takang tanong ni Janella ng makitang nagmamadali ang mga kaibigan.

"W-wala." Sabi ni Nicky saka kinaladkad si Erick papunta sa may likod bago pa makita ni Carlos.

"Ano ba yun?!" Gulat na sabi ni Erick saka pumiglas ng makarating sila sa likod.

"Di ka na naman nag-iisip!" Bulyaw sa kanya ni Nicky.

Walang emosyong tiningnan nya lang ito.

"Wala akong balak na manggulo sa kanila." Malamig na sabi ni Erick.

"Pero alam mong magkakagulo na naman!"

Sumaltak lang ito saka nilagpasan si Nicky at umalis.

12pm

"Kain na muna kayo guys!" Announce ni Janella para huminto muna ang mga kaibigan.

Ilang oras na din silang nag-aasikaso. Abala silang lahat sa kanya-kanyang toka para masiguradong ayos lahat mamaya.

Huminto sila sa ginagawa at tinungo ang dining area kung saan naroon ang mga pagkain.

6pm

"Andrei bakit nakahilata ka na dyan hindi ka pa tapos?!" Sigaw ni Princess

"Saglit lang naman magpapahinga lang ako!" Angal ni Andrei.

"Hindi pa ba kayo tapos?" Tanong ni Janella.

"Konti na lang, ito na lang oh." Sagot ni Jam

Tumango si Janella at tinungo ang kusina.

Nagsisimula na silang magluto dahil ilang oras na lang ay magdadatingan na ang mga bisita, nakakahiya naman kung aabutin sila ng mga ito na hindi pa tapos.

Nang pumatak ang alas-otso nagsi-datingan na nga ang mga magulang nila. Nagulantang pa sila na ang tinutukoy palang mga kaibigan ng magulang ni Janella ay ang magulang pala ng bawat isa sa kanila.

"Dagdagan mo pa yan insan." Sabi ni Janella ng dumaan sa gilid ni Anna.

Inilapag nya sa mesa ang bitbit saka bumalik sa kusina.

"Anong ginagawa nyo dito?! Humarap kayo doon sa mga bisita!" Bulyaw ni Janella ng makitang nasa loob na silang lahat ng kusina.

"Sabi ko naman kase sainyo yung marurunong lang magluto yung dito." Sabi ni Nicky.

Nagsi-alisan sila Kris.

"Lasahan mo nga bes, parang walang lasa ei." Sabi ni Jerome.

Lumapit sya at nilasahan ang niluluto nito.

"Dagdagan mo pa ng seasonings."

Tumango si Jerome.

"Paabot naman ng fry pan." Nakikisuyong sabi ni Kristel saka kinalabit si George.

Huminto ito sa ginagawa at kinuha ang fry pan saka walang imik na bumalik sa ginagawa.

Kumunot ang noo ni Kristel sa inasta nito kaya sinilip nya kung anong meron sa cellphone nito.

"Omyghad! Someone is coming back!" Tili nya dahilan para mapapitlag si George.

"Sino?" Tanong nila Kris na nakasilip agad sa may pinto ng kusina.

Itinuro lang ni Kristel si George, ngumiti lang ito saka ipinakita ang cellphone.

Hiyawan agad silang lahat dahil sa nalaman.

"Babalik na din sya sa wakas!" Natutuwang sabi ni Barbie.

Napatingin sila dito at natawa ng makitang ang dungis na nito.

"Winston yung asawa mo mukha ng dugyuting bata!" Sabi ni Kennedy na nakatayo sa may pinto katabi ni Kris

Lumingon si Winston at agad na huminto sa ginagawa pagkakita sa lagay ni Barbie. Kumuha sya ng isang roll ng tissue at lumapit kay Barbie at pinunasan ito.

"Shiella ituloy mo yung ginagawa ko." Sabi ni Winston na tumulong na sa ginagawa ni Barbie.

"Ms, nandito na yung mga kamag-anak mo, pati si Lola Janvy andito na." Sabi ni Kris

Huminto sa ginagawa si Janella at lumabas para bumati sa kanyang lola.

10pm

"Hays salamat naman patapos na din." sabi ni Nicky saka nangunatan.

"Teka nga baka kinakain na nila Kuya yung nasa dining." Sabi ni Janella saka tumayo sa pagkakaupo.

Natawa sila.

"Panigurado yan." Sabi ni Kristel

Lumabas sya ng kusina at pumunta sa dining.

"Aray!" Daing ni Jam.

"Sabi na ei! Wag mo ngang kainin yan!" Angil niya ng makitang tama nga ang naisip nya.

"Ito naman! Titikman ko lang ei!"

"Mamaya na!"

Sasagot pa sana si Jam ng sabay silang mapatingin sa may pintuan. Pumasok doon si Hannah na agad sinalubong ni Lily, kasunod nito si Handrex.

"Ah Janella!" Tawag ni Lily sa kapatid.

Agad syang lumapit doon para bumati sa mga dumating.

"Ikaw na munang bahala dito kay Handrex mag-uusap lang kame ni Hannah, ah?"

Napatango na lang sya at ngumiti, wala naman kase syang magagawa kung sinabi na ng Ate nya.

"Ba't busangot ka na naman?" Tanong ni Handrex ng maiwan silang dalawa.

"Dumating ka kase." Sagot nya saka umirap at tinalikuran na ito.

Narinig nyang tumawa ang lalake saka sumunod sa kanya.

"Andyan ba sya?" Rinig nyang tanong nito dahilan para mapahinto sya at lingunin ito.

Nakita nyang nakangisi ito.

"Sino?"

"Yung asawa mong walang kwenta."

"Handrex!" Sigaw nya.

Tumawa ito. "What? Masama na bang magsabi ng totoo?"

"Fuck you."

"I love it babe." Tumatawang sabi nito.

Napasimangot na lang sya sa sobrang inis at dumiretso sa kusina.

"Guys." Tawag nya sa atensyon ng mga kaibigan. "This is Handrex." Pakilala nya sa lalake.

Nakatingin lamang ang mga kaibigan nya.

Bumaling sya sa lalake. "Handrex mga kaibigan ko. Sila Winston, Barbie, Kristel, Princess, Andrei, George, Jerome, Nicky, si Anna at Kuya Rio mga pinsan ko, si Kuya Jam kapatid ko, si Kris, Kennedy, Shiella, Erick, Maria, at si Carlos asawa ko."

Tumango ang lalake.

"Hi." Simpleng bati ng mga kaibigan ni Janella bago bumalik sa ginagawa.

Lumapit sya sa may ref at kumuha ng maiinom saka ibinigay kay Handrex.

"Salamat, sa sala lang ako." Lumapit ito ng konti. "Mukhang hindi ako gusto ng mga kaibigan mo ei." Mahinang sabi nito saka tumawa.

"Hindi naman busy lang."

Nagkibit-balikat lang ang lalake saka umalis.

Bumalik sya sa ginagawa at hinayaan na lang ang nangyare kahit pa medyo nakaramdam sya ng inis sa inasal ng mga kaibigan nya.

11:59:50pm

Nakatayo silang lahat sa labas ng bahay at magkakasamang sinalubong ang bagong taon.

"10!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat habang may kanya-kanyang hawak na pailaw sa mga kamay.

"9!"

"8!"

"7!"

"6!"

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

Sabay-sabay nilang itinaas ang mga hawak nilang pailaw saka sabay-sabay na nag-ingay.

Tumingala sila sa langit at tiningnan ang kalangitan na halos nag-iilaw dahil sa mga fireworks na nagkalat.

"Happy New Year Misis." Rinig nyang sabi ng katabi nya.

Ngumiti sya saka binalingan ang lalake at hinalikan ito sa pisngi.

"Happy New Year Mister."

Pagkatapos nun nagpasya na silang pumasok sa loob

"Ella!" Huminto si Janella sa paglalakad papasok sa loob saka lumingon dahilan para mapahinto din si Carlos na nakahawak sa kanya.

"Problema mo?" Kunot noong tanong nya kay Handrex

"Uuwi na ko."

"Huh?"

"Sabi ko uuwi na kame ni Ate, ang bingi mo."

Umirap sya saka lumapit at yumakap kay Hannah.

"Happy New Year Janella." Bati sa kanya ni Hannah.

"Ba't uuwi na kayo agad? Maaga pa." Tanong nya ng humiwalay sya.

"May Flight pa ng morning si Handrex ei."

Napatingin sya kay Handrex, tinaasan nya ito ng kilay.

"San na naman ba ang lakad mo?"

Nag-lean ito at inilapit ang mukha sa kanya.

"Bakit mamimiss mo ko?" Nakangising tanong nito.

Itinulak nya ang mukha nito gamit ang kamay nya saka sya umingos.

"Asa ka."

Tumawa ito saka ginulo ang buhok nya.

"Sa Canada lang ang punta ko, babalik din ako agad after one month."

Umirap sya. "Kahit wag ka ng bumalik."

"Hindi pwede mamimiss mo ko."

"Ewan ko sayo kadiri ka."

Nagpaalam na lang sya kay Hannah saka bumalik na kay Carlos na kunot na kunot na ang noo.

"Tara na." Aya nya saka hinila ito.

Pagpasok sa loob nakigulo lang sila sa mga kaibigan at sa kumpulan ng mga magulang nila.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Janella kay Carlos ng mapansin nyang tahimik lang itong nakamasid.

Tumango lang ito kaya't siniko nya ito sa tagiliran.

"May problema ba tayo?" Tanong ulit ni Janella.

Umiling lang si Carlos.

"Mister ano ba yan?"

Nag-lean si Carlos at tiningnan syang mabuti.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Janella

Pumikit ito ng idikit ang noo sa noo nya, napatitig tuloy sya dito.

"Carlos------"

"Close kayo?"

"Huh?"

"Close kayo?"

"Nino?"

"Ni Handrex."

"I guess, bakit?"

Tumuwid sya ng tayo saka balewalang tumingin sa ibang direksyon. Hinawakan nya si Carlos.

"Ano ba talagang problema?" Tanong ni Janella.

Umiling lang ito at ngumiti. "Wala, wag mo na lang intindihin." Sabi nito.

Napabuntong hininga si Janella at hinayaan na lang.
Ewan ba nya pero may mga bagay talaga na hindi sinasabi sa kanya si Carlos. May mga bagay na hanggang ngayon ay hindi nya alam tungkol dito at ni hindi nya alam kung darating pa ba ang araw na malalaman nya iyon dahil parang wala naman itong balak sabihin sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro