Chapter 44: That Nightmare

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Salvador

Napahawak ako sa ulo ko, kumikirot talaga sya at sobrang sakit nya hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang ayos naman ako kanina.

"Sigurado ka bang ayaw mo pang umakyat sa taas?" Tanong ni Carlos.

Tumango ako saka naupo sa sofa, tumunog naman ang cellphone nya.

"Misis."

"May problema ba?"

"May emergency sa company."

Ngumiti ako. "Go, sige na puntahan mo na."

"Sigurado ka?"

Tumango ulit ako. "Ayos lang ako dito, sige na."

Bumuntong hininga sya saka lumapit at hinalikan ako sa noo.

"Kapag may problema, tawagan mo agad ako."

"Syempre naman!"

Napasaltak sya. "Babalik din ako agad."

Nginitian ko na lang sya. Niyakap nya pa ako bago tuluyang umalis.

"Mommy!"

Napatingin ako sa gawi ng kusina at napangiti ako ng makita si Aldrine.

"Hey baby. Nandito ka pala kelan kayo dumating?"

Lumapit sya sakin saka naupo sa tabi ko.

"Kanina lang po. Na-miss kita mommy!" Sabi nya saka yumakap sa akin.

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan at ipinikit ang mga mata ko.

*Bang!*

Mabilis kong naimulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng putok ng baril, agad namang sumiksik sa akin si Aldrine. Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Aldrine ng tingnan ko puno ng takot ang mga mata nya habang panay ang iling.

"Mommy let's hide somewhere pleasee?" Naiiyak na sabi nya.

"Anong nangyayare?" Tanong ko sa kanya.

"S-Si------"

Hindi na nya natapos ang sasabihin ng may malakas na lumagabog mula sa taas.

Tumayo ako saka binitbit si Aldrine. Lumapit ako sa malaking wodden cabinet kung saan nakalagay ang mga cd's, inalis ko ang laman nun saka ipinasok sya doon.

"M-mommy."

Umiyak na sya ng tuluyan ng makarinig ng malakas na namang lagabog.

"Stay here okey? No matter what happen, kahit anong marinig o makita mo wag na wag kang lalabas dito o mag-iingay. Understand?"

Tumango sya at tinakpan ang bibig.

Iniwan ko na sya doon lalapit na sana ako sa drawer ng makarinig ako ng malakas na sigaw.

"Bitawan mo akooo!"

Napatingin ako sa gawi ng hagdan at nakita ko si Ate Melissa na kinakaladkad ng asawa nya.

"Bitawan mo sabi ako! Hayuff ka! Walang hiya ka! Hinding hindi mo makukuha ang anak ko!"

Nangilabot ako ng bigla syang ngumiti.

"Your wish is my comand." Sabi nya saka binitawan si Ate.

Gumapang sya palayo pero bigla syang hinila ng asawa nya, nanlaki bigla ang mga mata ko ng itulak nya sa hagdan si ate.

"Nooo!" Malakas na sigaw ko.

Tinakbo ko agad ang hagdan pero bago ako makarating ay nakarinig ako ng ilang beses na putok ng baril dahilan para mapahinto ako sa paglapit.

Para akong naging estatwa sa kitatayuan ko, nanlalaki ang mga mata habang nanginginig ang mga kamay. Mukhang bumaon na sa sahig ang paa ko dahil hindi ako makakilos habang nakikita ang kalagayan nya.

"Mama!"

"HAHAHAHAHA! Namatay ka rin sa wakas!"

Tumaas ang mga balahibo sa batok ko dahil sa demonyong tawa na narinig ko.

"Mama! Mama!"

"Makukuha na rin kita sa wakas Aldrine!"

Natauhan ako bigla ng marinig ang pangalan ng bata. Nagpanic ang buong sistema ko ng makitang tumatakbo na ito palapit sa pinsan ko. Nanginginig man pinilit ko na ang sarili kong kumilos, agad ko syang pinigilang makalapit.

"Let me go! Let me goo! Mama! Mama!"

Nagpupumiglas sya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak at buong lakas na binuhat sya, akmang tatalikod na ako at maglalakad ng may biglang humatak ng malakas sa buhok ko dahilan para tumumba ako sa lapag kasama si Aldrine.

"Sa tingin mo hahayaan kitang makalayo kasama ang anak ko? HAHAHAHA! Wish mo lang!"

Hinatak nya ulit ang buhok ko para mapatingala ako patingin sa kanya. Nag-lean naman sya.

"Lahat na lang kayo pinaki-kealaman ako! Bakit ba ang eepal nyo? Gusto ko lang makasama ang anak ko!"

"Bitawan mo ko!"

Nagpumiglas ako pero dahil hawak nya ang buhok ko wala parin akong kawala.

"Gusto mo bang makatulad sa pinsan mo?" Tanong nya saka tinuro si Ate Melissa. "Gusto mo rin bang mamatay kagaya nya?" Tiningnan nya ako. "Gusto mo? HAHAHAHA! Tang-ina mamamatay ka naman talaga kung hindi mo ibibigay sa akin ang anak ko!" Sigaw nya sa mukha ko saka dinuraan ako.

Nang dahil doon kumulo ng husto ang dugo ko. Binitawan ko ang pagkakahawak ko kay aldrine saka inabot ang gunting sa mesa gamit ang paa ko at ginupit ang mahaba kong buhok para mabitawan nya ako saka ko sya sinipa ng malakas.

Tumumba sya sa sahig. Mabilis ang ginawa kong pagkilos, inilayo ko agad si Aldrine doon. Palabas na kame ng pinto ng may humampas sa likod ko dahilan para mabuwal ako at bumagsak.

"Mommy!" Sigaw ni Aldrine at akmang lalapit na sakin ng umiling ako.

"Go run! Hide baby!"

"B-but----"

"I said RUN!"

Nagulat sya sa pagsigaw ko.

"Please-----ahhh! Damn!"

Napahawak ako sa tagiliran ko ng maramdaman kong may kung anong bagay ang sumaksak sa akin. Sinubukan kong bumangon pero tinapakan nya ang likod ko dahilan para mas lalo akong mapadaing sa sakit. Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka diniinan ang isang botton kung saan naka-locate ang sos ng phone ko.

"Aldrine!" Rinig kong sigaw ng lalake saka binitawan ako at naglakad palapit kay Aldrine.

Masakit man ang tagiliran ko sinubukan ko paring tumayo para pigilan sya. Inipon ko ang buong lakas ko para itulak sya pero bago ko pa magawa humarap sya at sinaksak ulit ako ng hawak nya saka hinampas ng baril sa ulo.

Nanlabo bigla ang mga mata ko.

"M-Mommy!"

Itinuloy ko ang pagtulak sa kanya saka binuhat ang mababasaging mesa na malapit sa akin at buong lakas na ihinampas sa kanya. Nabasag yun at nahiwa ang balat nya. Umaagos ang dugo pero wala akong pakealam, hinugot ko ang kutsilyo na isinaksak nya sa akin saka ko isinaksak diretso sa puso nya ang talim nun. Sumuka sya ng dugo at natumba sa lapag habang nakahawak ang kamay nya sa kutsilyong nakabaon pa din sa kanya.

Nanlabo na ng husto ang mga mata ko at bumagsak na din ako sa lapag. Bago tuluyang magdilim ang paningin ko at mawalan ako ng malay nakita ko pang tumakbo palapit sa akin si Aldrine, di ko maiwasang hindi mapangiti. Atleast ngayon safe ka na anak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro