Chapter 5: Ring💕

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Erich's Pov

Masakit

Nakakapangselos

Nakakainis

Una masakit makitang nagiging masaya sya sa iba.

Pangalwa nakakapangselos kase bakit sya pa?
ei mas di hamak na lamang ako sa kanya.

Pangatlo nakakainis kase kahit anong gawin ko hindi nya ako mapansin palaging dinidedma nya ako nihindi nya manlang ako kinakausap.

Oo na mahal ko sya pero may iba syang mahal.
Masakit pero anong magagawa ko?

Bata pa lang ako gusto ko na sya.
Gustong gusto ko sya.
Napakasimple nya kase.
Sya yung taong balance lang ang ugali.

Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya ginawa ko ang lahat para mapalapit ako sa kanya pero wala ei, walang talab sa kanya lahat.

Noon ang kinaiinisan ko lang ay si Kristel.
Si Kristel ang Girlfriend nya before.
Antagal kong inintay na mawala sya sa landas.
Akala ko pagnawala sya ayos na pero biglang pumasok sa eksena ang so called 'bestfriend' ko, si Janella.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya sya nagkagusto.
I mean she's just nothing compare to me.

ewan ko ba, samantalang kung ganda ang pag-uusapan di hamak na mas maganda ako sa kanya.

Sumasakit lang ang ulo ko kapag iniisip ko kung bakit sa kanya pa sya nagkagusto.

Bumangon ako sa pagkakahiga.
Simula kanina wala na akong ibang ginawa kundi humiga dito at palipasin ang oras, siguro naman ngayon tulog na silang lahat.
Hindi ako lumabas kanina simula ng dumating kame nagkulong lang ako dito. Wala naman kase akong ibang makikita kundi ang nakakamatay na sweetness nya kay janella nakakaumay. -----_____-----
Lumabas ako ng kwarto at nagsimulang maglakad sa hallway. Antahimik ng paligid tulog na nga ata sila.

"HAHAHAHA ang cute mo."

Napahinto ako sa paglalakad. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong tumatawa si carlos habang buhat buhat nya si Janella.

Yung ngiti nya na noon pa man ay gustong gusto ko ng makita.
Ngayon ay nasilayan ko na.
Yung tawa nya na noon ko pa gustong marinig.
Ngayon ay naririnig ko na.
Ansarap pakinggan sa tenga.
Yun nga lang hindi naman ako ang dahilan kung bakit ko nakikita ang pagngiti nya at naririnig ang pagtawa nya.
Ansaya nilang tingnan.
Para silang may sariling mundo na silang dalwa lang ang tao.

Dumiretso sila sa loob ng kwarto ni Janella.
Sinundan ko sila kahit na alam ko namang masasaktan lang ako sa makikita ko.
Ayun na ei nakita ko na, dun pa lang nasaktan na ako kaya bakit ko pa pipigilan ang sarili ko?
Nasaktan na ako bakit di ko pa lubusin di ba?

Nakita kong inilapag nya sa kama si Janella.
At naiwang bukas ang pinto.
mula dito sa kinatatayuan ko kitang kita ng mata ko kung ano ang ginagawa nilang dalwa.

"Goodnight my Queen " narinig kong sabi ni carlos.

Tinawag nyang 'Queen' si Janella.

Queen or 'Cwen' in Old English
Meaning female ruler woman or a master.
Sa madaling salita highest among them all.
O sa tagalog Reyna.
While from Old Saxon Queen is also called as 'Quan' meaning 'wife'

Kung tinawag nyang 'Queen' si Janella.
Ibig sabihin...........

.......He considered her as his wife.

"Goodnight my King " narinig kong sabi din ni Janella

"sweetdreams." malambing na sabi nya.

"sweetdreams."

Tapos hinalikan nya sa pisngi si Janella

"Deretso na sa kwarto ha? wag nang kung ano ano pa ang gawin magpahinga kana." sabi ni Janella

"opo my Queen "

"good "

Unti unti syang lumapit pa kay Janella at Hinalikan nya ito.

Kung hindi ko sya mahal matutuwa ako sa nakikita ko ngayon.
Kung wala akong nararamdaman na sakit masasabi kong kinikilig ako sa nakikita ko.
Pero mahal ko sya at nasasaktan ako sa nakikita ko.

"~~~That should be me holding your hand......That should be me making you laugh.....That should be me this is so sad~~~"

Nilingon ko ang paligid at nahagip ng mata ko si erick, nakaupo sa sofa habang nag-gigitara.
Tumingin sya sa akin.

"Hindi ka ba napapagod? Sinasaktan mo lang ang sarili mo kung patuloy kang tatayo dyan at panonoodin sila habang sweet na sweet sa isa't-isa." sabi nya saka tumayo at naglakad palapit sa akin.

Nang makalapit sya sa akin tinapik nya ako sa balikat.

"Matuto kang tumigil kapag nasasaktan ka na." sabi nya saka nilagpasan ako.

Tumigil?
Hindi ako ipinanganak para sumuko ng hindi lumalaban.
Wala sa vocabulary ko ang isuko ang bagay na hindi ko pa ipinaglalaban.

"Erich?" napalingon ako sa gilid ko. Si carlos.

"Bakit?" umiling lang sya saka ako nilagpasan.

Kailangan ko ng kumilos.
Kailangan kong gumawa ng paraan.

Janella's Pov

Morning Sunshine

Pagmulat ng mata ko yung wall clock agad ang nakita ko. Ah....11am palang naman pala.

Teka? anooooooo? 11am naaa?

Oh no! ang napahaba ang tulog ko!

Dali dali akong bumangon at ginawa ko muna ang routine ko bago ako bumaba para mag-almusal.
Mag-aalmusal pa lang ako samantalang magtatanghalian na ----____----

Ano na naman ba kaseng nangyare sa akin?
Bakit tinanghali ako ng gising?

"Goodmorning panget kong kapatid! ba't ngayon ka lang? ayieeee ngayon ka na lang ulit tinanghali ng gising ah? may special ba?" Bungad ng mapang-asar kong kapatid.

Special?
Biglang pumasok sa isip ko yung kagabi.
Yun ba yun?

"Tabi! wala! alis!" Tinabig ko sya. Aga aga binu-bwisit nya ako.

"Sus. Share mo na!" pangungulit nya.

Pinanliitan ko sya ng mata.

"Later na kuya nagugutom ako."

Tapos nilagpasan ko na sya narinig ko pa ang pagtawa nya bago ako tuluyang makalayo.

Dumiretso ako sa kusina. Nagugutom na ako. ----___----
ba't naman kase tinanghali pa ako ng gising yan tuloy di na naman ako nun titigilan.
Kukulitin na naman nya ako ---____---

Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si carlos na nakaupo sa silya habang nagse-cellphone.
Lumapit muna ako sa ref at kumuha ng mansanas saka ako dahan dahang lumapit sa kanya.

Sinilip ko ang ginagawa nya.
Nagta-type sya sa cellphone nya, di ko mabasa ei Jet'aime lang nagets ko. French ata yun! ewan ---____--- seryosong seryoso sya sa ginagawa nya.

Lumapit pa ako ng husto. Sa sobrang seryoso nya di nya ako napansin.

Lumapit ako sa tenga nya at-----

"Boooohhh!"

"Ay palaka!"

----Muntik na syang malaglag sa kinauupuan nya.
Pffftt HAHAHAHA epic!

"HAHAHAHA para kang bading! epic! HAHAHAHA"

Nakatingin lang sya sakin. "Pasaway ka talaga." sabi nya.

Tinawanan ko lang sya.

Lumapit ako sa lababo at hinugasan yung mansanas saka ko hiniwa.

"Bakit di ka pa umuuwi?"

"Hinihintay kitang magising. Teka? pinalalayas mo na ako?"

"Kung pinalalayas na kita, di sana kagabi pa lang pinaalis na kita."

"Ganun?"

Tumango ako saka naupo sa silya sa harap nya.

"Oh!" Inabot ko sa kanya yung half ng apple.

"Ano yung tinatype mo kanina?" Agad syang tumingin sa akin na parang nakakita ng multo.

"Oh? bakit ganyan itsura mo?"

Nang makabawi sya umiling lang sya.

"Nabasa mo?" tanong nya.

"Alin? yung tina-type mo kanina?"

Tumango ulit sya.

"Di nga ei! Jet'aime lang nagets ko. Ano ba yun?"

"Wala."

"Wala daw. I love you yun di ba?"

For the third time umiling ulit sya.

"Di nga? para san ba yun?"

"Pinagagawa ni daddy."

"Business?" Tumango na lang sya.

Talaga lang ah? Business? tapos may Jet'aime? lokohin mo lelang mo! malalaman ko din yan.

"Nag-almusal kana ba??" pag-iiba ko.

"Di pa"

"Magtatanghali na di ka pa nag-aalmusal? Bakit?"

"Hinihintay kita eh. Ayieee kinikilig."

"I'm so sorry Mr.Montes pero di ako tinatablan ng mga ganyan ni hindi ako kinikilig sa mga hirit mo."

Tumayo ako at lumapit sa ref. Nagugutom na talaga ako.

"Ganun? waepek? 1 week ko pa namang pinag-isipan yun. "

"HAHAHA. 1 week talaga?"

"Oo."

*katahimikan*

Nagluto na lang ako ng almusal ko-----ay namin pala.

"Janella." Nilingon ko sya. Seryoso syang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Pano kung....."

"Kung?"

"Kung....ano....sabihin kong ikaw ang first kiss ko, first hug, first holding hands at ikaw ang unang babaeng nakatabi kong matulog. Maniniwala ka kaya?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Seryoso ka sa mga pinagsasabi mo?"

Weh? Totoo?

"Oo seryoso ako."

"Eh so? Bakit mo sinasabi sa akin?"

"Wala lang para honest."

"Eh? Bakit kailangan mong maging honest sa akin?"

"Kase....."

"Kase?"

"Kase mahal kita." sabi nya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Totoo ba this?! Sino may Lubid? Jusme! pahiram ako! dali! magbibigti akoooo!

"Awwwww!"

"Anong nangyare?" agad syang lumapit sa akin.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Awww! masakit!"

Napaso ako dun sa kawali napamali yung hawak ko, kase naman ei ginulat nya ako sa sinabi nya

Hinila nya ang kamay ko at itinapat sa gripo saka nya hinugasan.

"Uy! ako na! kaya ko na."

"Tsk. Di ka nag-iingat namula tuloy oh!" Inis na sabi nya sakin.

"Aba? kasalanan ko pa?! ikaw tong nanggugulat tapos kasalanan ko pa?!" Inirapan ko sya.

Umalis sya sa harap ko, pagbalik nya may dala syang gamot. Hinawakan nya ang kamay ko at nilagyan nya ng gamot.

"Teka... Teka? totoo? weh?" Tumango sya.

"Basta gusto ko honest ako sayo." sabi nya.

"Alam mo gutom lang yan kumain ka nalang bawal ang nagpapalipas ng gutom."

"Opo pero totoo yun you're my first"

"Tigil-tigilan mo na nga ako buhusan kita ng kumukulong mantika eh." Angil ko.

"Wag naman sayang ang kagwapuhan ko."

"Yabang." Humarap ako sa kalan at akmang itutuloy ko na ang pagluluto ng hilahin nya ako papunta sa silya.

"Maupo ka na lang dyan." utos nya ---___---

Di naman sya bossy ano?

"Eiiiii! ayoko!" Di nya ako pinansin at ipinagpatuloy na nya yung niluluto ko ---___---

Umungko na lang ako sa mesa ---___---
Kainis itong isang toh! >___< kung kelan nisisipag akong magluto eiiii.

"Kain na." umupo ako ng maayos, inilapag nya ang isang malaking plato sa harap ko.

"Bakit isa lang yan?"

"Salo na lang tayo, sayang yung pinggan." sabi nya.

"Sus, sabihin mo tinatamad ka lang maghugas."

"HAHAHAHA pwede din ^_^ "

naupo na sya sa harap ko.
tapos nagsimula na kameng kumain.

"Pero matanong ko totoo talaga?"

Muntik na nyang maibuga sa akin yung iniinom nyang tubig.

"Tsk. *cough* *cough* kulit mo sabing totoo nga eh."

Nagkanda ubo ubo na sya HAHAHA nasamid kase dahil sa tanong ko HAHAHA sensya na di makapaniwala si ako ei ^_^V

"Nagtatanong lang eh."

"Totoo nga yun."

"Pero kase imposible yun! di ba nagkagirlfriend ka? si-----teka sino nga uli yun?"

"Si kristel! nakalimutan mo na naman HAHAHA" tumatawang sabi nya.

"Eiiii----ba't ba! masama?!" angil ko pero tinawanan nya lang ako.

"Ayun! tama! si kristel! naging girlpwend mo sya di ba? panong nangyaring ako? dapat sya."

"You know her. Ginawa nya lang akong rebound."

"Wait? parang tonong ampalaya ka ah! yieee bitter! HAHAHA"

"I'm not!"

"Sus, pero diba isang taon din kayo? pwede ba yun? one year ng walang hug and everything?"

"Everything?" kunot noong tanong nya.

"Jusme! Everything! i mean hug, holding hands, kiss!"

"Eiii bakit 'Everything'?"

"Ba't ba?! uso shortcut! katamad isa isahin ei!" angil ko pero tumawa lang sya.

"Pero pano nga nangyari yun!" anlabo naman kase ----___----

"Hays. Ei kase nga po gusto ko na kung sino yung babaeng pakakasalan ko sya yung first ko!"

Ano daw? Tekaaa? Kasal?
Jusme! nabingi ata ako. HAHAHAHA eiii uso pala yun sa kanila akala ko mga babae lang marunong ng ganun.

"Tekaaaa ngaa! preno muna! ulitin mo nga!" kumunot ang noo nya.

"Nabingi akooo! ulitin mo!" tumawa sya.

"Sabi ko kung sino yung babaeng pakakasalan ko sya dapat yung first ko." malalaglag ata ang mata ko sa lapag----ay mali! pati pala panga ko malalaglag.
Tumalsik na nga ata kaluluwa ko ei!

"Pakakasalan mo? ei ba't ako yung first mo?" sinimangutan nya ako.

"Di mo magets?"

"Alin?"

Di ko naman kase talaga magets ei. Dapat daw ang magiging first nya ay yung babaeng pakakasalan nya tapos ako yung first nya.
Ibig sabihin......... OMO! HINDI! MALI! HINDI NAMAN EI! pero kung ako yung first tapos sabi nya ang gusto nyang maging first ay yung babaeng pakakasalan nya.
Ibig sabihin..... AKO YUN! AKO?!
A-ako yung babaeng pakakasalan nya?
Nanlalaki ang matang tiningnan ko sya.

"Isara mo ang bibig mo baka pasukan ng langaw." nakangiting sabi nya.

Nakalimutan ko nakanganga na nga pala ako. Kahiya.

"You mean.......Ako?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang sarili ko.

Tumango sya. "Ikaw nga."

"Teka! Teka nga! Bakit ako?!" nagpapanic na ako kase naman ako daw ei.

"Kase ikaw." gagong toh! niloloko ata ako netoh ei!

"Bakit nga! andami dyan sa agigilid! BAKIT AKO?!" natawa sya sa reaksyon ko.

"Kase.......Ikaw ang gusto ko...." napahawak ako sa lamesa feeling ko malalaglag ako sa sahig.

"Pinagloloko mo ba ako?!"

"Hindi! mukha ba akong nakikipaglokohan?!" angil nya.

Jusme! Ayoko na!
Tumayo na ako sa kinakaupuan ko.

"San ka pupunta?"

"Dun! dun sa malayo!"

"Malayo?"

"Oo! dun sa malayo sayo! mababaliw ako ng wala sa oras sa mga pinagsasabi mo!" Tumawa sya saka tumayo sa harap ko at hinila ako palapit sa kanya. --__--

"Bitawan mo ako!"

"Ayoko ^__^ " tapos niyakap nya ako.

"Baliw ka na noh?"

"Hmmm. Baliw sayo siguro." tapos inilayo nya ako ng konti sa kanya.

"Teka. Matanong ko lang ano namang nagustuhan mo dun?"

"Kanino?"

"Kay ano! sino nga yun?" tumawa ulit sya.

"Aba! napapadalas pagtawa mo ah! umiinom ka ba ng gamot mo?" Tinawanan nya lang ako.

"Siguro mabuting magpacheck up ka na, paalala mo sakin na kailangan nating pumunta sa mental bukas ha?" huminto sya sa pagtawa.

"Hindi ko kailangang pumunta dun kasama ko naman palagi ang doktor ko."

Nilingon ko ang paligid.

"Tigilan mo nga yan mukha kang tanga. HAHAHAHA"

"Luh? ako pa? ikaw nga baliw ei! alam mo sinungaling ka! wala naman sya ei!"

"Hindi ako sinungaling. Sino bang hinahanap mo?"

"Yung doktor mo! ipapacheck up kita nababaliw ka na naman ei!"

"Then icheck mo ko. ikaw ang doktor ko."

"Anong sinasabi mo?"

"Slow."

"Aba------" naputol na ang sasabihin ko ng halikan nya ako. smack lang.

"Ikaw ang doktor ko ang galing mong mag-alaga ei."

"Alam mo? ang corny mo! maghugas ka na nga!" kumalas sya sa akin at kinuha yung pinagkainan namin.

"Baka abutin ka pa nyan ng limang minuto isa lang yan."

"Di ah."

Tapos lumapit sya sa lababo sumunod ako sa kanya habang hila-hila ko ang isang silya, akmang tutung-tong na ako sa silya ng lumingon sya sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

"Mauupo." ei kase di ko abot yung uupuan ko! jusme! antaas naman kase ei.

Lumapit sya sakin binuhat nya ako at iniupo sa tabi ng lababo.

"Next time sabihin mo sakin kung hindi mo abot."

"Sabi ko nga ei." nakangusong sabi ko. Tinawanan nya lang ako.

"Next week uuwi na nga pala sya."

"Si kristel?" tanong nya ng hindi lumilingon.

"Yeah. Kasabay ni Rio"

"Boyfriend mo?" sinilip ko sya.

"Yieeee nakasimangot. Are you jealous?"

"I'm not." kinurot ko sya sa pisngi.

"Awww!" react nya.

"Pinsan ko lang yun."

"Really?"

"Ba't ngiting ngiti ka?" kanina nakasimangot ngayon naman ngiting ngiti yung totoo?

Hindi sya sumagot.
Dinutdot ko yung bula mula sa hinuhugasan nya at ipinahid sa pisngi nya.

"Awwww!" kurutin ba naman ako sa pisngi ---__---

Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko at nagmusic ako.

Now Playing: Afraid For Love To Fade - Lea Salonga version: Originally by Jose Marie Chan.

Niloudspeaker ko sya tapos sinabayan ko. Feel na feel ko itong kantang toh ei. ^__^

"🎤🎶My head's in a jam.....
Can't take you off my mind.....
From the time we met.....
I've been beset by thoughts of you....
And the more that I ignore this feeling....
The more I find myself believing....
That I just have to see you again.....🎤🎶"

"🎤🎶I can't let you pass me by...
I just can't let you go...
But I know that I am much too shy...
To let you know Afraid that I might say the wrong words...
And displease you...
Afraid for love to fade...
Before it can come true...🎤🎶"

Ihininto ko ang pagkanta at nilingon sya. Nakita ko kase sa peripheral vision ko na nakatingin sya sa akin.

"Bakit?"

"Wala. Ang ganda mo."

"Alam ko."

"How?"

"Jusko! ilang beses ko ng narinig yan kay grandma pati kay mommy! pero di ako naniniwala."

"Why?"

"Parang di kase kapani-paniwala ei." tinawanan nya lang ako.

"Maniwala ka. Ang ganda mo." sinimangutan ko lang sya tapos pinagpatuloy ko ang ganda----este kanta pala ---__---

"🎤🎶Like a child again...
I'm at a loss for words...
How does one define...
A crush combined with longing?...
Longing to possess you oh so dearly...
I'm obsessed by you completely...
I'll go mad if I can't have you...🎤🎶"

Tapos nilingon ko sya, nakatingin na naman sya sakin. Umiwas ako ng tingin pero nakatingin pa din sya.

"Siguraduhin mong matutunaw ako sa kakatingin mo."

"Pano ka matutunaw eh hindi ka naman ice cream."

"Ipagpatuloy mo na nga lang yan! bilisan mo."

"Opo my Queen."

Ipinagpatuloy ko na ulit ang kanta ko.

"🎤🎶I can't let you pass me by...
I just can't let you go...
But I know that I am much too shy...
To let you know...
Afraid that I might say the wrong words...
And displease you...
Afraid for love to fade...
Before it can come true...🎤🎶"

"🎤🎶I can't let you pass me by...
I just can't let you go...
Let me say the things and say the words...
To let you know...
I would rather say the awkward words...
Than lose you...
Or for love to fade...
Before it can come true...🎤🎶"

Tiningnan ko sya kase narinig kong sinabayan nya ako sa pagkanta.

"Alam mo?"

Umiling sya. "Na-LSS sayo."

"Tapos na po madam." Nakangiting sabi nya.

"Baba mo na ako." utos ko.

Binuhat nya ako at ibinaba pero hindi nya inalis ang pagkakahawak sa baywang ko.

"Pwedeng penge ng isang kiss?"

"ANO!? ayoko."

"Pleaseeee *pout*"

Jusme! ang cute nya tingnan.

"Pleaseeee please."

Tumingkayad ako tapos kiniss ko sya.

"One more pa please"

Pitikin ko pa sya sa noo. Nawiwili ei --__--

"Aray naman."

"Sumusobra ka na ei! nakakadami kana."

"Nakakaadik ka ei."

"Ewan!" tinawanan nya lang ako.

Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya.

"Wala ka bang nararamdaman?"

"Nararamdaman?"

"Yeah. wala ka bang nararamdamang masakit? o something?"

"Wala bakit?"

"Anlakas kase ng tibok ng puso mo baka mamaya magkaheart attack ka." Tumawa sya.

"Anong tinatawa-tawa mo ha?!" angil ko.
kaasar na toh! ako na nga lang yung nagmamalasakit pinagtatawanan pa ako.

"Hindi ako magkakaheart attack. Normal lang yan."

"Normal? hindi kaya!"

"Normal lang yan pagkatabi kita." Tiningnan ko sya.

"Huh?" nginitian nya ako.

"Normal lang yan kapag malapit ka sa akin.
Hmmmm? pano ko ba ipapaliwanag sayo?" Nakatingin sya sa akin.

"Alam mo normal na bumilis ang tibok ng puso ng tao kapag malapit sa kanya ang taong mahalaga sa kanya."

"Ibig sabihin ganyan yan palagi?"
Tumawa sya.

"Hayaan mo na nga magi-gets mo din yan someday. Pero sa ngayon wag mo na muna pansinin yan."

"Sigurado kang hindi ka magkakaheart attack?"

"Hindi nga po."

"Sigurado ka talaga ah?"

"Oo nga."

"Ge sabi mo ei! pero sabihin mo agad sakin pagmay naramdaman kang masakit ah!"

"Opo. wag ka ng mag-alala"

Di na ako sumagot at niyakap ko na lang sya.

"Ehem ehem" sabay kameng napatingin sa pinanggalingan ng boses

"Ayieeeee"

Sila daddy O_O bigti naaaaa.
Nakatayo sila malapit sa mahabang mesa.
Teka? di ko sila napansin kanina ah?

'Pano mo mapapansin? ei busy ka kay carlos mo' sabi ng nilalang sa loob ko

"Ka-kanina pa po ba kayo jan?" tanong ni carlos

"Oo kaninang kanina pa." sagot ni daddy

Napayuko na lang ako....
Nahihiya ako sa parents ko.
Feeling ko ang landi ko TT^TT

"Lumapit nga kayo rito.." utos ni daddy

Tiningnan ko siya ang seryoso ng itsura nya.
Kinakabahan tuloy ako.
Lumapit kame sa kanila at naupo sa silya sa harap nila.

"So kayo na ba?" Nakangiting sabi ng daddy ni carlos

Umiling ako.
Nakakatense

"Soon po." sagot ni carlos, napatingin tuloy ako sa kanya.

"May nakakita sainyo kagabi na naghahalikan daw kayo." dire-diretsong sabi ni daddy.

Napataas ang isang kilay ko, tiningnan ko ulit si carlos at nagkibit-balikat lang sya.
Ibig sabihin hindi nya alam kung sinong nagsabi.

"Dad kanino mo naman po nalaman yan?"

"Hindi na mahalaga kung sino o kanino ko nalaman ang tanong totoo ba?" tanong ni daddy

"Ah, ei-----ano dad hindi naman......" piste hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ah. sir hindi naman exactly na ganun. It's just a goodnight kiss." paliwanag ni carlos.

"But the point is the two of you did it." sabi ni daddy.

Bakit masama ang kutob ko dito?

"I am so dissapointed on you Janella." sabi nya saka naglakad palabas ng kusina.

Sabi na ei.
Lagi naman. Palagi ka namang dissapointed sa akin. Sumubsob ako sa mesa.

"Ayos ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin at umupo ng maayos.

"Yeah. asan na ba tayo?"

"So kung kaninang kanina pa kayo rito. Ibig sabihin nakita nyo?" tanong sa kanila ni carlos

"Oo. Nakita namin lahat simula nang pumasok dito sa kusina si janella hanggang kanina. Nagsalita na kame di namin mapigilan tong dalwa nagtatatalon na sa kilig eh." sagot ng daddy ni carlos

"Pasensya na po."

"Hindi okey lang yun." sabi ng daddy ni carlos

"Ayieee ang bunso ko may first kiss na." pangungulit ni mommy

"Mommy naman!" saway ko.

"So totoo nga?" tanong ng daddy ni carlos.

"Tsk." saltak ni carlos

Pitikin ko nga ulit yung noo nya

"Aray naman." reklamo nya.

"Puro ka saltik----este saltak kitang iniinterview tayo. Sipain kita jan eiii!" angil ko sa kanya

"Sorry naman, kiss mo na nga lang tong noo ko para gumaling na."

"Gusto mo sapak?? kanina kapa nakakarami kana."

"Ayieee." pang-aasar ni mama

"Totoo po pero hindi ganun na talagang totally kissing."

"Ayieee edi kayo na. ang sweet nyo nga kanina habang tinitingnan namin kayo akala nga namin kayo na eh. na aalala ko tuloy ang kabataan ko." sabi ni mommy

"Hay naku mommy yan na naman tayo sa past nyo ni daddy" saway ko sa kanya.

Ilang beses na ba nyang ikwinento sakin yun?
Halos nakabisado ko na nga lang kung paano nya nakilala si daddy at kung paano nya minahal ito.
Pero aaminin ko para sa akin isa iyon sa mga kwentong gustong gusto kong marinig noong bata pa ako.
Gusto ko na sa pagtanda ko at kapag nagkaanak na ako gusto ko ikukwento ko sa mga anak ko kung paano kami nagkakilala ng magiging ama ng mga anak ko. Kung paano ko sya minahal at kung paano kami nagkatuluyan.
Gusto kong katulad ko maging paboritong kwento rin iyon ng mga magiging anak ko na dadalhin nila hanggang pagtanda at gagamiting gabay para sa tamang paghahanap ng mamahalin nila.

"Eh? bakit ang saya kaya." sabi ni mommy

"Hays oo na po" nakangiting sabi ko

Tapos inakbayan ako mismo ni carlos sa harap nila mommy.

"Ang cute nyong tingnan." sabi ni mommy

"Sana kahit minsan dumalaw rin kayo sa bahay." sabi ni mama

"Sige po promise."

"Ay! naalala ko may ibibigay ako sa inyong dalwa." sabi ni mommy

"Ano po yun?"

Tapos may inilabas sya mula sa bulsa nya.
Isang small box na color red.

"Isuot nyo yan." sabi ni mommy

Binuksan ko ang box at nakita ko ang dalawang singsing.

Yung isang singsing color gold sya na may nakaukit na color silver na design na butterfly tapos sa likod may color silver din na Eight letters ang nakaukit.
Yung isa naman color gold din pero color silver na lines lang ang nakaukit na design tapos sa likod may nakaukit na Eight Letters na color silver.
Yung una nakaukit sa likod nun ang salitang 'For Queen'
Yung pangalawa nakaukit sa likod nun ang salitang 'Ever King'
Na kapag binasa mo ng magkasama.
'Forever Queen King'
Na ang ibig sabihin ay
'Habambuhay na mag-asawa' kase ang ibig sabihin ng Queen ay 'Wife' at ang King ay 'Husband'

Ang sabi ni Mommy pamana daw ito ng mga ninuno namin sabi nya tradisyon daw yun ng pamilya na ipasa ang singsing sa isang miyembro.
Pero ng tanungin ko si grandma kung saan nagmula ang singsing sabi nya nakuha daw ito ng mga ninuno namin sa bangkay ng super great grandpa namin na natagpuan sa ilalim ng dagat. Ang sabi nasa kamay daw ito ni super great grandpa at hinihinala nilang ibibigay sana ni super great grandpa sa asawa nya sa araw ng kasal nila kaso nawala si super great grandpa nung mismong araw ng kasal kaya hindi nya naibigay kaya daw ibinibigay ang singsing sa miyembro ng pamilya na ikakasal.
Nang tanungin ko sya kung kanino dapat ibigay sa babae ba o lalake dapat ipamana sabi pwede daw kahit babae o lalake basta kamag-anak o miyembro ng pamilya.
Tapos sabi ni grandma may dalawang pinagbabasehan kung sino ang bibigyan ng singsing o papamanahan.
Ang una ay yung Magkasintahang talagang ikakasal at sa huli ay magkakatuluyan hanggang kamatayan. Yung iba daw kase ng Magkasintahan ikinakasal daw pero sa huli o sa future naghihiwalay din kaya hindi minsan sa kanila ipinamamana kase kailangan hanggang dulo ang relasyon.
Ang pangalawa naman ay yung Hindi Magkasintahan at walang balak magpakasal.
Ito yung sa future magsasama sila at mamumuhay ng hanggang sa huli pero hindi pa ngayon.
Ito yung sa ngayon may kanya kanya pa silang minamahal o hindi pa nila masabi na mahal na nila ang isa't isa.
Ang sabi ni grandma pagganun daw ang singsing ang nagbibigay daan o ang nagsisilbing koneksyon nila para magkatuluyan.
Pero kapag ang Hindi Magkasintahan na yun ay napalapit sa isa't isa pero nagkahiwalay hangga't suot daw ng babae at lalakeng iyon ang singsing babalik at babalik sila sa isa't isa.

Oh ha! ibang klase ^_^ HAHAHA
Anyways ang singsing na ito ang wedding ring ni grandma at grandpa while enggagement ring din ito ni mommy at daddy.

So kung kame ang binibigyan ni mommy nito ibig sabihin ikakasal kame sa future.
Ibig sabihin ako talaga ang pakakasalan ni carlos?
ako talaga? di nga?

"Ipinapasa ko na yan sa inyo ingatan at pahalagan nyo yan para maipasa nyo pa yan sa magiging anak nyo." sabi ni mommy

"Ah sige po-----Teka! ANO!? magiging anak namin? mom tulog ka pa ba? kung ano ano pinagsasabi mo. atsaka bakit kame pwede namang sila kuya. why?" angal ko.

Nakakaloka namang itong si mommy.
Si kuya ang ikinakasal pero sa akin ibinibigay.

"Basta wag ka nang umangal. Isuot nyo na yan." utos ni mommy

"Pero mommy di naman ako ang ikakasal si kuya yun." angal ko ulit

"Wala nang pero pero isuot nyo na yan." utos na naman ni mommy

Naman ei! Napakamot na lang ako sa noo ko.
Maiistress ako kay mommy.
Wala pa nga sa balak ko na magpakasal kase duh! WALA PA NGA AKONG BOYFRIEND! W-A-L-A P-A! kaya pano ako mag-aasawa?
Jusko! masakit sa ulo!
Wala akong nagawa kundi isuot na lang yung singsing. Hayaan na nga! kiber na kahit diretso asawa agad at wala ng boypwend-boypwend!
Atleast di ako tatandang dalaga! yun ang mahalaga!

"Yan mommy happy kana?"

"Happy." sabi ni mommy

"Ang cute nga oh! bagay na bagay sainyo ang singsing." sabi naman ni mama.

Parehas kame ni carlos na sa ring finger inilagay ang singsing.

"Mom alis muna ako may aasikasuhin lang ako."

"Sige." sabi ni mommy

Tumayo na ako sa upuan at naglakad palabas ng kusina.

Bigla syang sumulpot sa tabi ko. "San ka pupunta?"

"Sa flower shop."

"Anong gagawin mo dun?"

"Bibili ng sapatos." kumunot ang noo nya.

"Sapatos? sa flower shop?" pinanliitan ko sya ng mata.

Minsan talaga antanga netong lalakeng toh! >__<

"Where's your commonsense? iniwan mo na naman ba sa bahay mo?!" angil ko sa kanya.
Ansama ng tingin nya sakin..

"Jusme! ano bang ginagawa sa flower shop? malamang bibili ng bulaklak!"

"Bakit ka bibili ng bulaklak?"

"Kase kailangan ko!" -_-

"Eii bakit nga? para kay erick?" pinanliitan ko sya ng mata.

"Mukha ba akong desperada? para bigyan sya ng bulaklak?" bulong ko. Baka kase may makarinig ei! mahirap na! baka nasa paligid lang yun.

"Malay mo."

"Hindi ko gagawin yun noh!"

"Talaga lang?"

"Oo! kahit na sabihing deds na deds ako sa isang tao never ever ko syang bibigyan ng ganun! never pa nga akong nakatanggap ng bulaklak tapos ako pa ang magbibigay? asa!" mahabang litanya ko sa kanya.

"Talaga? as in never ka pang nakatanggap?" tanong nya

"Unlimited? sabing oo ei!"

"Edi tara na! dali! ibibili kita!" Tapos hinila nya ako.
Hindi ako nagpahila at nakatayo pa din ako.

Ano daw sabi nya? ibibili nya ako?

"Tara!"

"Ayoko!" kumunot ang noo nya.

"Bakit?" tanong nya.

"Gusto ko kusa hindi yung dahil sinabi ko gagawin mo!" napasimangot na lang sya.

"Ang gulo mo. sabi mo di ka pa nakakatanggap tapos ngayong bibilhan kita ayaw mo naman. Ano ba talaga?"

"Ei ayoko nung dahil sinabi ko, dapat kusa, yun bang ibibigay dahil naalala o gusto hindi dahil sinabi ko. ^__^ " nakangiting sabi ko.
nakatingin lang sya sakin.

"Pero para saan nga?" tanong nya.

kulit naman netoh -_-

"Bibili ako kase nagpapatulong si jerome gagamitin para sa arrangement."

"Arrangement?"

Hinila ko sya "Magtatapat na sya kay ann. gets mo?" bulong ko.
Mahirap na ulit! baka marinig ni Ann.
Anlakas pa naman ng pandinig nun. Baka mabulilyaso yung balak namin.

"Sama ako."

"Wag na."

ano naman kaseng gagawin nya --__-- guguluhin nya lang ako.

"Please"

"Oo na kulit mo. --__-- "

Tapos naglakad na kame.
Hilahila ko sya sa manggas ng t-shirt nya.
Pagdaan namin sa hagdan bigla akong tinawag ni kuya.

"Uy! sis kong panget!"

"Bakit kuya kong panget?"

"Lapit ka nga dito."

Lumapit ako tapos hinila nya ang kamay ko.
Tiningnan nya ang singsing sa kamay ko.

"Di ba ito yung wedding ring nila lola at lolo?" tanong nya. Tumango lang ako.

"So binigay na pala ni mommy yan sayo. Infairness bagay sa kamay mo. Teka asan ang isang pair?"

Nilingon nya si carlos na nasa may likod ko lang.

"Carl." tawag ni kuya kay carlos

"Bakit bro?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong sabi ni kuya.

"Ge." sagot ni carlos tapos naglakad sila palayo sa akin.

Magaling! iwanan ba naman ako?
Ano kayang nakain ni kuya at kinausap bigla ang alien na yun?
Hays Hayaan na nga sila. Maliligo na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro