Chapter 6.1: Jerome's Effort😍

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Carlos Pov

Kinaumagahan.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko sya. Mahimbing syang natutulog na akala mo wala syang problema.

Hays. Kailangan ko ng Kape.
Bumangon ako sa pagkakahiga at inayos ang kumot nya saka lumabas ng kwarto nya. Dumiretso ako sa kusina.

"Oh? bro? andito ka pala?" bungad sakin ni Jams
Tumango lang ako saka pumasok sa kusina.

"Carlos." nilingon ko sya.

Si Janella naglalakad ng pikit pa ang mata at gulo gulo ang buhok. Ang ganda nya pa din.

"Ba't bumangon ka na? maaga pa."

"May lakad ako. anong oras na?" tanong nya saka kinusot ang mga mata.

"alas sais palang." lumapit sya sakin.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagtitimpla ng kape."

"Tsupi! ako gagawa daliii!" sabi nya saka hinila sakin ang hawak ko. Tumabi lang ako sa gilid at pinagmasdan sya.

Naghilamos muna sya saka pinusod ang buhok.
Tapos nagtimpla na sya.

"Morning sis." Pumasok din dito sa kusina si Lyn na kumpara kay Janella ei mas maayos na ang itsura.

"Morning..."

"Di ka na naman nanuklay." puna ni Lyn..

"Tch! takot ako sa suklay ate."

"Minsan talaga nagtataka ako dyan sa buhok mo."

"Why?"

"Kahit ilang linggong hindi suklayin maganda pa din."

"Ganun talaga."

"Nag-almusal ka na?"

"Di pa." Lumapit si Lyn sa ref at naghanap ng makakain.

"Sis luto mo ko." sabi ni Lyn bitbit ang kinuha nya sa ref.

"Hanggang ngayon ba naman di ka parin marunong magluto? kawawa." singit ni Jams na biglang sumulpot.

"Tch! who cares?" ingos ni Lyn.

"Oh. Kape mo ^__^ " baling sakin ni Janella na inilapag ang isang tasa ng kape sa harap ko.

"Thank you ^__^ "

"Akin na ate." baling nya kay Lyn.

"Bunso ako din!"

"Kita mo! di ka din marunong!" angil ni Lyn

"Bakit ba?! eii masarap magluto si bunso ei! di kagaya mo sunog!" pang-aasar ni Jams

"Nahiya ako sayo! atleast yung akin sunog lang! yung sayo di na talaga makain!" bawi ni Lyn.

"SHATTTAPP! aga aga ei! nisisimulan nyo na naman!" saway ni Janella

Pinagmamasdan ko lang sila.
Sabay na sumimangot sina Lyn at Jams na naupo sa silya.
Natahimik na sila after nun tapos nagluto na si Janella.

"Done!" sabi nya saka inilapag yung pagkain sa lamesa.

"Let's eat!" masiglang sabi nya saka ako hinila.

Kumain lang kame habang nag-uusap silang tatlo.
Halata naman na close silang tatlo kahit na malaki ang agwat nila sa isa't-isa

"Ms. Andyan na po yung delivery." biglang sulpot ni yaya.

"Susunod ako Ya." sabi ni Janella
Tumayo sya at dumiretso palabas ng kusina.

"Positive. wala naman pala akong dapat ikabahala." napalingon ako kay Lyn na nakatingin pala sa akin.

"Kitang kita kung paano mo sya tingnan na mahal mo sya." sabi nya.

"Ingat ka. Hindi sya basta normal. HAHAHAHA!" tawa nya saka lumabas ng kusina

"Tinatakot mo naman si pare ko!" angal ni Jams

"Sinasabi ko lang ang totoo!" sigaw ni Lyn.

"Baliw talaga yun! tinakot ka pa." sabi ni Jams.

Nagkibit balikat lang ako.
Totoo naman na hindi sya normal na babae.
May normal ba na kayang makapatay ng tao ng dahil lang sa pag-amin nito?
Simula pa lang aware na ako na hindi sya basta katulad ng ibang babae.
She was the type of girl that can stand all alone without the help of any men.
Sya pa nga ang tumutulong.

"Hoy kuya! bilisan mo na! andyan na sila!" bigla syang sumulpot.

"oo ito na! susunduin ko pa si Maria ko!"

"Andito na sya!"

"ANO?!"

"Ambagal mo kase ei!" agad na tumayo si Jams at tumakbo palabas.

"Carlos bilisan mo aalis na tayo. ^__^ " sabi nya saka lumabas ng kusina.

Tinapos ko lang ang ginagawa ko at sumunod na sa kanya. Pagdating ko sa sala lahat sila busy.

"Bes! Palagay naman nung mga bulaklak sa kotse! Andrie, Kuya, Kris at George! pakitulungan si Winston! bilis!" utos nya.

"Yung iba sumakay na sa kotse! bilis!"

Lumapit ako sa kanya.

"Anong meron?"

"Basta. ^__^ Besy! ayos ka lang?" baling nya kay Jerome.

"Ayos lang kinakabahan." sagot ni Jerome.

Maya-maya bumalik si winston.

"Bes tapos na! let's go!" sabi ni winston

"Shige! tara na bes!" tapos hinila nya si Jerome palabas

Pagdating sa labas hila hila nya si Jerome papasok sa Van.

"Hindi ba dapat ikaw ang kasama nya?" biglang sumulpot si Kristel sa gilid ko.

"Tsk!"

"LET'S GO!" napalingon ako kay Janella

"Oo na! Ito na! wag kang sumigaw! galit ka agad ei!" angal ni Jams.

"Uy! Carlos! Kristel! tara na!" tawag samin ni andrei

Agad akong lumapit sa kanila at pumasok sa loob.

"Uy! waring waring! andyan na ang asawa! Tsupiii na dyan Kris!" saway ni shiella

"Oo na!" tumayo si kris at lumipat sa likod.

"UMALIS NA NGA TAYO!"

"Ba't ba ang highblood mo?" puna ni Lyn

Hindi sya kumibo at hinila ang pinto.

"Awww! Masakit sa tenga Ms! wag kang magalit!" angal ni George

Malakas nya kaseng hinila ang pinto.

"Kompleto na kayo dyan?" tanong ni Jams

"BILISAN MO NA!"

"Oo na! Jusko! ang aga aga ei!" angil ni Jams saka nagsimulang magdrive

"ayos ka lang?" baling ko sa katabi ko.

"Wag mo akong kausapin." sagot nya saka humarap sa bintana.

"Mukhang nangangamoy LQ ah?!" sabi ni Kris

"SHATTAPP!" singhal ni Janella

"Sabi ko nga ei! Uy Lyn! nakainom ba ng gamot si Ms?" baling ni kris kay Lyn

"Hindi! Hayaan mo sila! Problemang mag-asawa yan." sagot ni Lyn

"Janella..."

"Bakit ba?!"

"Sorry na." di nya ako pinansin.

Hanggang sa makarating kame sa venue hindi nya ako kinakausap.
Hays -__-

"Buhatin nyo na yan! One hour na lang ang meron tayo! bilisan nyo!" Utos niya ng makababa.

"Opo!" agad silang nagsikilos.

"Bhe."

"ano?!" angil nya

"Sorry na pleaseee." Hinila ko sya palapit sa akin.

"Bitawan mo ko!"

"Ayoko. sorry na wag ka ng magalit."

"sinong may sabing galit ako?!" angil nya

"Halata naman eii"

"Hindi nga------Hmmpp!" hindi ko na sya pinatapos na magsalita at hinalikan ko sya.

Magdi-deny lang naman sya ei!
Nang bumitaw sya niyakap ko sya.

"Wag ka ng magalit please..."

Sinampal nya ako. "Awwww!"

"Sorry na." sabi ko.

"Sa susunod na bibigyan mo ko ng sama ng loob mapapatay na kita!"

"Sorry na. Bakit ka ba nagagalit?"

"Sicret!"

"Di ka na galit?" inirapan nya ako.

"Sorry na bati na tayo."

"Ayo------"

"Excuse me? pwedeng mamaya na yang landian nyo? marami pa tayong gagawin." litanya ni Kristel saka kame nilagpasan.

Humiwalay na sya sakin.

"Sa susunod ipaalala mo nga sakin na putulan sya ng dila." naiinis na sabi nya. Tumawa lang ako.

"Tayo na!" sabi nya saka nagpatiunang maglakad

"Tayo na?"

"Huh?" nilingon nya ako.

"Sabi mo tayo na."

"ANO?!" Tinawanan ko sya.

"Sabi ko Tara na!" angil nya. Natawa ulit ako.
Nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya.

"I know HAHAHA" inirapan nya ako.

Sabay kameng pumasok sa loob ng venue.

"Ms. san ilalagay toh?" bungad samin ni shiella.

"Wait! lumapit kayo idi-discuss ko ang gagawin."

Lumapit nga silang lahat tapos nagdisscuss sya.

"okey start." tapos kumilos na sila. Naupo sya sa lapag tapos Tinanggalan nya ng petals yung ibang bulaklak.

"Anong ginagawa mo?"

"Basta tulungan mo ko." sabi nya. Naupo ako sa tabi nya at ginaya ang ginagawa nya.
Nang matapos binuhat nya yung box na pinaglagyan ng petals.

"Akin na." kinuha ko sa kanya yung box.

"Tara." Pumuwesto kame sa gitna kung saan sila nagkakabit ng Lights.

"Lapag mo dyan dali."

"Pano gagawin?"

"Dapat heart shape yung kalalabasan ng petals." sabi nya tapos sinimulan na nyang gumawa nung heart shape sa lapag.
Ginaya ko sya.

"Mali. Ganto oh!" tapos tinuruan nya ako.

"Seryoso kase! HAHAHA square yan ei! HAHAHA" nginitian ko lang sya.

"Ang ganda mo-----Awww!" siniko nya ako sa tyan.

Maya-maya natapos na namin yung malaking Heart shape na gawa sa petals.

"Ms. Pano yung ibang flowers?" biglang sulpot ni Princess.

"Akin na." Tapos binigay sa kanya yung isang box.

Naupo sya ulit saka hinarap yung mga natira.
Ginawa nyang bouquet yung natira.

Ginaya ko yung ginagawa nya. Tapos nagtira ako ng isang piraso. Pinagsama-sama namin yun.

"Ms! parating na daw sila nicky at ann!"

Pumalakpak sya. "Pumuwesto na kayo! Besy! Goodluck!" sigaw nya kay Jerome.

Tumayo sya bitbit yung ginawa naming bouquet saka binigay kay Jerome. Tapos bumalik sya sakin.

Janella Pov

Nagsimula na...

"Andyan na sila!" announce ni Princess

Nang bumukas ang gate pumasok si Ann na nakapiring. Inalalayan sya ni Nicky.
Kinumpas ko yung kamay ko para patugtugin na nila yung back ground.

🎤🎶Heart beats fast colors and promises....🎤🎶

Tinanggal ko ang piring ni Ann.

"Go. sis ^__^ " cheer ko saka ako bumalik sa tabi ni carlos.

Naglakad na sya papunta sa gitna.

🎤🎶How to be brave...How can I love when i afraid to fall...Watching you stand alone...All of my doubt suddenly goes away somehow...🎤🎶

"Ang ganda ^__^ "

Namamangha ako sa sobrang ganda ng arrangement

"Mas maganda ka." bulong nya sakin.

🎤🎶One step closer....🎤🎶

Huminto sya sa harap ni Jerome. Yieee
Inabot sa kanya ni Jerome yung bulaklak.

"For you. ^___^ " Nakangiting sabi ni Jerome.
Go Bes! HAHAHAHA

"Kyyaaaaahhh!!" tili ni Princess, tawanan tuloy kame HAHAHA

Hininaan nila ng konti yung volume ng background music.

🎤🎶I've died everday waiting for you....Darling don't be afraid....I love you....For a thousand years....I love you...For a thousand more...🎤🎶

"Ann. Hindi ko man maiparamdam...Alam ng lahat ng nandito na mahal kita." panimula ni Jerome

Yieee Kyaaahh nekekeleg ako! HAHAHAHA

"Hindi man halata pero gusto kong akin ka... Ann ngayong araw na toh aalisin ko muna ang hiya kase baka kapag pinalampas ko pa ang pagkakataong ito mawala ka pa sa akin...."

Nakatingin lang si Insan sa kanya. Maluha luha na nga ei! ^__^

"Ann gusto kong Malaman mo na MAHAL NA MAHAL KITA at ngayong araw na ito gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na MAHAL KITA."

Kyaaahhh beshie ko yan!

🎤🎶Although i alone i believe time would find you... Time has brought your heart to me...I love you for a thousand years.....🎤🎶

Naramdaman kong niyakap ako ni carlos kaya nilingon ko sya.

"Kinikikilig ka?" tanong nya.

Ngumiti ako. "Ang sweet ei."

🎤🎶I love you for a thousand more....🎤🎶

"Ann... Pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Jerome

"Ayun oh! si Torpe! manliligaw na!" sigaw ni Kuya --__--
Sumabog na naman ang tawanan.

"Pwede?" tanong nya ulit. Tumango si Ann.

🎤🎶I've died everday waiting for you....Darling don't be afraid....I love you....For a thousand years....I love you...For a thousand more...🎤🎶

"Kyaaaaaahhhh!!!" nagtilian sila. HAHAHAHA

"Misis ko pwede ba kitang ligawan?" Tanong nya din.

Hinampas ko sya sa braso.

"Sira! Asawa mo na nga ako tapos liligawan mo ko? Ba't gusto mong maghirap ulit?"

"Wala naman akong sinabing babalik sa dati eiii. Kahit na mag-asawa na tayo liligawan pa din kita araw-araw."

"Ayieeeeeee!" Pang-aasar nila Nicky

"Tss."

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at iniharap nya ako sa kanya.

"Bakit?" May kinuha sya sa bulsa nya.
Isang bulaklak tapos ibinigay nya sakin.

Inamoy ko iyon. "Ang bango ^__^ " Ngumiti sya saka kinuha sa akin ang bulaklak. Binawasan nya ang stem nun tapos isinipit nya sa tenga ko.

"Ang ganda mo ^__^ " di ako umimik.

Umaapaw na yung kilig eiii dinadagdagan nya pa! HAHAHAHA

"Guys may nagmo-moment din sa gilid oh! HAHAHA"

"AYIEEEE BATI NA YUNG MAG-ASAWA!!"

Natawa na lang ako. Tapos niyakap ako ni carlos.

"Bes." tawag sakin ni Jerome

"Po?"

"Salamat ^__^ salamat sa pagpush ng lahat ng toh, salamat sa pagpapalakas ng loob ko."

"Wala yun! ikaw pa ba? malakas ka sakin ei!"

Tumawa sya. "Salamat din sainyo guys! kung hindi kayo tumulong baka hindi namin nagawa toh ni bes."

"Wala yun! Basta libre mo kame!" sigaw nila.

"Ge! sagot ko na kape!" sabi ni Jerome

"Sagot ko na ang Tinapay!" sabi ko.

"Ge. Basta Tinapay ni Fafa Carlos!" sigaw ni Princess

"Baliw! HAHAHA"

"Hoy! Princess! Kay Ms lang yun!" saway ni Kris.

"Tama na nga yan! Iwanan na muna natin sila!" sabi ko.

"Uy bes!" angal ni Jerome

"Bes kelangan nyo ng privacy! Kita na lang tayo sa bahay! Babush! Let's go guys!"

Tapos hinila ko na si Carlos palabas. Sumunod naman sila at iniwan namin sila Jerome at Ann

"San na lakad natin?" tanong nya.

"Uuwi na."

Pumasok na kame sa van.

----🎶----

Song:

-A Thousand Years by: Christina Perri

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro