(B) Completed

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MABILIS NATAPOS ANG ARAW na iyon na hindi man lang niya namalayan dahil sa kakaibang saya kasama ang Tatlong magkakapatid. Kasabay noon, nalaman din niyang panganay sa magkakapatid si Sair, sunod si Lair habang bunso naman si Dair na kaya pala napakapilyo. Gayon din, napag-alaman din niyang si Dean Estipanio Shellar ang ama ng mga ito. Kaya pala biniyayaan ng itsura, kung titingnan kasi parang puwedeng maging babae ang mga ito.

       Mababait din naman ang mga ito at talagang wala lang magawa sa buhay lalo puro kalalakihan ang narito at walang mapag-tripan na kung sino. Nalaman din niyang madalas na puro transfer student ang trip ng mga itong  i-welcome sa pamamagitan ng kung ano-ano. Wala naman daw silang masamang balak talagang kasiyahan at katatawanan ang hanap nila para makabago.

      Ika pa nga nila, ‘First impression is not always in deep. This is an aspect of physical knowing of how people perceive the world in front of us.’ Kaya naman, alam niya at naniniwala siyang mabubuting tao ang mga ito, though hindi halata sa mga pagmumukha dahil sa mukhang mga Bachelor’s Gentleman ang datingan ng mga ito.

      Kinabukasan, papasok pa lang siya nang, “Good Morning,” bati sa kaniya ng lalaking pinagkamalan niyang babae kahapon.

      “G-Good Morning po, Dr. . . . Dean Shellar,” balik niyang puno ng ngiti. Maganda ang araw niya ngayon dahil alam niyang ito na ang simula ng pagbabago sa buhay niya. Matutupad na niya ang pangarap na gusto niyang maisakatuparan.

      “Naku, sinabi ko ng ‘No formalities, e’” puna nitong ngiti sa kaniya. “Sige na, pumasok ka na,” pagpapatuloy nito na siyang ikinayuko na lang niya.

       Nang tuluyang makarating sa silid-aralan agad niyang napansin ang tinig ng babaeng humahagolgol sa loob na parang nasa gilid ng pisara lang. “P-parang awa ninyo na. A-alis na ako. Inutusan lang ako ni Ellise na ibigay ‘to kay Lair.” Pinagkukumpulan ito ng mga kalalakihan na siyang may iba’t ibang reaksyon.

      “Nababaliw ka na ba? Ang lampang si Ellise magbibigay kay Liar? Ang gaga mo namang sumunod sa ipinag-uutos niya. Ang lakas naman ng loob niyang ipabigay ‘to samantalang bawal nga kayo rito!” nag-uuyam na anang ka-klase nila.

      “M-maniwala kayo, minsan ng tinulungan ni Lair si Ellise kaya gusto lang niyang makabawi,” humahagolgol na paliwanag nito na siyang ikinatulala niya sa paghakbang.

      “Sino sa tingin mong niluko mo? Si Lair tutulong? Ni-ayaw nga noon sa mga babae tapos tutulong? Nagpapatawa ka ba, Nerdy.”

      Napatulalang para siyang naistatwa sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Kita niya ang takot, pangamba at pagmamakaawa ng babae. Hindi niya akalaing ganito kababa ang tingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Kaya naman, nang hindi niya mapigil ang sarili agad siyang napatakbo palabas, ngunit isang matigas na pader ang nabangga niya.

       “Wooh! Kyro!” sigaw ng kung sino pero hindi niya pinansin kung sino ito. Hindi nga rin niya napansin kung sinong pader o pader ba talaga ang natamaan niya. Nagtuloy-tuloy siya sa pagtakbo hanggang sa mapadpad sa bakanteng silid na kinakalawang sa labas ng paaralan.

       “Mama! I’m sorry. I’m sorry!” bulong niyang humahagulgol sa sama ng loob. “Patawad, Mama. Hindi ko po kaya, hindi ko kayang makita iyon, Mama.”

       Nagpatuloy siya sa pag-iyak at paglalabas ng ng sama ng loob hanggang, “Hoy, ang ingay mo!” komento ng kung sino na siyang ikinatigil niya. Napalingon naman siya sa kung saan ito nanggagaling.

       “Sair?” tanong niyang nanlalaki ang mga mata. 

       “Ginagawa mo? Umiiyak ka ba? Kaunti na lang, iisipin kong babae ka,” sa halip na komento nito.

       “Sair—”

       “Huwag mo ng ikaila. Alam kong babae ka,” anitong ikinagimbal niya. Hindi agad siya nakapagreak bagkus nakita na lang niya itong tumayo at nagpagpag ng suot na pantalon.

       “Paan—”

       “Sinabi ni Papa, este ni Dean Estipanio sa akin dahil nakita ko ang birth certificate mong naisama mo ata sa form na ipinasa mo sa kaniya,” malumanay nitong sabi na parang wala lang ang rebelasyon ipinahayag.

       “Ang ibig mong sabihin. . . noon pa alam ni Dr. Shellar na babae ako?” tanong niyang hindi makapaniwala.

       “Ganoon na nga, at tinanggap ka niya kahit alam niya. Pina-background check ka niya at nalaman niyang kaya ka nagpanggap na lalaki ay dahil sa kapatid mong gusto mong makapag-aral kahit ang totoo hindi niya iyon magagawa dahil paralisado siya.”

       “Sair—”halos hindi marinig na tawag niya rito.

       “Pinag-aralan mo ang lahat upang maging tunay na lalaki. Alam ko rin na nag-aral ka ng martial arts para maging kasing lakas ng kalalakihan. Gumagawa ka ng gawaing panlalaki para sa kapatid mo. Nalaman ko rin na nagtatrabaho ka sa gabi para makapag-aral dito. Hindi ako manhid sa pag-obserba. Alam ko ang galaw ng babae kahit ilihim mo sa lahat, Kyra Kane Mendez, right?” titig nito sa kaniya na mas ikinapanlaki ng mata niya sa binanggit nitong pangalan.

       “Alam kong hindi madali sa ’yo ang lahat since nakita mo sa harapan mong ginahasa ang ina ninyong walang laban. Nagpakalalaki ka para protektahan sila ’di ba? Alam ko rin na hindi ka masaya. Hindi mo mailabas ang totoong ikaw, higit sa lahat hindi mo p’wedeng tapusin ang kolehiyo sa pangalan ng kambal mo. Paano ka, Kyra?” hiyaw ni Sair na ikinagulantang niya. Nasa harapan na pala niya ito nang hindi man lang niya namamalayan.

       “Sair. . . . hindi mo naiintindihan,” paunang banat niya kasabay ang pagyuko. Tumutulo na naman ang mga luha niya. “Mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila kahit ibigay ko pa ang lahat. Ang lakas, katawan at kahit ang sarili kong kaluluwa,” paliwanag niyang sinabayan na ng hagulgol. “Kaya kong lahat. Kakayanin ko at patuloy kong kakayanin para sa kanila kahit mawala ko pa ang sarili ko. Mahal ko, mahal na mahal ko, E.”

       “Hindi, hindi ka malakas, pinipilit mo lang baguhin ang sarili mo para sa mga taong mahal mo. Paano ka, Kyra? Paano ang sarili mong pangarap, ang mga gusto mo, kailangan mo at ang sarili mong pagkatao? Magiging sapat ba iyon para sa ’yo, o pinipilit mo lang tuparin ang pangarap ng ibang tao dahil pakiramdam mo responsibilidad mo sila? Hindi ka bagay o hayop na ginagamit sa kung kailan lang kailangan at kung para sa mga bagay na tingin mong magpapasaya sa iba kahit hindi ka naman masaya. Hindi pagmamahal iyan, Kyra. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ikinukulong sa sitwasyong kahit anong gawin mo mananatiling ganoon pa rin naman.”

       “Hindi masamang hilingin at gawin ang mga bagay na sa tingin mo magagawa mo para sa iba pero mali ang kontrolin ang mga ito para sa iba makuha lang ang gusto nila. Hindi iyan pagmamahal, kundi responsibilidad na sa tingin mong magiging dahilan upang masabing natapos mo ang takbuhin mo. Don't be selfish to yourself, Kyra. Sa tingin mo ba, after mong makatapos sa pangalan ng kapatid mo makakamit kaya niya ang tagumpay na hinahanap niya? In the first place, bakit hindi mo gamitin ang pamamaraan na iyan upang makatapos at makakuha ng magandang trabaho upang matulungan sila? How can you help them if you as a person ruined yourself for others success na maaring hindi pala iyon ang magpapa-satisfy talaga sa tagumpay na tingin nila ay iyon talaga ang gusto nila.”

       “Hindi mo ba napansin, every individual in this world has strong and weak capacities to gain their self-satisfaction yet it depends on how they behave, decide, think, need and want. So, if you think that Kyro just wants to have success by achieving a Bachelor's degree, you are wrong. Know why, because having a degree is not the end of our journey to satisfy ourselves. It's just a key to find our strong essence and purpose in this life.”

       “Sair,”

       “Kung patuloy kang magpapanggap sa mga bagay na hindi naman ikaw paano ka, Kyra? Bakit hindi ka maging matapang na harapin kung sino at ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Bakit hindi ka maging matatag na kalabanin sila para sa sariling pamamaraan mo na makakatulong sa kanila at sa ’yo for a lifetime in a balance way? Bakit hindi mo ipakitang may ibubuga ang mga kababaihan sa larangan ng palakasan? Hindi solusyon ang pagpapanggap para matanggap ng iba. Dapat mong ipakita kung sino ka talaga at kung ano ka talaga upang ma-satisfy mo ang sarili mo at makatulong din sa iba. Mapa-babae o lalaki ka man, ‘Lived, Believe and Fight for who you are and what you think is right,” huling banat nito bago siya niyakap. “Let it flow, Kyra. Just cry.”

       “Lived, Believe and Fight for everything you need, wants and ways of thinking, Kyra Kane.” Hinimas pa nito ang bunbunan niya na nagsasabing its okay to cry.

      “T-Thank you, Sair,” bulong niyang sinagot din ang yakap nito.

      “Halika na, iyakin,” komento nito bago pinunasan ng hinlalaki ang pisngi niya.

      “Hindi ko alam na may ganyang personalidad ka pala. Akala ko malamig ka lang talaga,” nakangiting puna niya matapos itong bitiwan.

      “Okay lang maging mabait basta relax lang.” Gulo pa nito muli sa buhok niya.

      “Mabait naman ako, masiba nga lang,” biro niya na siyang ikinahalakhak nilang pariho.

      “Hoy! Kyro, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Sabi ni Lair tumakbo ka raw dito.”

      “M-may—”

      “Sair!” Tumatakbong hiyaw ni Lair nang makita sila. Ngunit mas nagulat pa sila nang bigla nitong ibalibag si Sair. Dama niya ang sakit ng likod, puwetan at buong katawan nito sa nangyari. Kulang na lang din mawala ang kaluluwa niya sa pagkabigla pero isang bagay ang hindi niya inaasahang gagawin nito.

       Bigla siya nitong hinaltak at naramdaman na lang niya ang labi nito sa labi niya. Mapusok at gusto nitong ipasok ang dila sa bibig pero matigas niya itong pinigil. At nang wala na siyang ibang pagpipilian agad niyang pinag-umpog ang ulo nila dahilan upang mawalan ito ng balanse at mabitiwan siya.

       “Shit! Damn it!” hiyaw nito pero wala siyang pakialam.

       Matapos ang ganap na iyon. Nang makabuwelo siya sinipa niya ito dahilan upang mapatagilid itong matumba. “Ano ba!” hiyaw nito nakakunot-noo.

       Nang-uulitin na naman sana niya. Agad nitong nahuli ang malayang paa niya. Agad siyang bumagsak dito at nagpagulong-gulong sila patungo sa patag na daanan.

      Isang huling salita ang narinig niya bago siya tuluyang napanganga. “Salamat sa pagbabalik Layron.” Muli’t muling sinibasib nito ang labi niya na siyang tuluyang nagawa nito ang balak nang magulantang siya sa narinig.

      “P-Paa-um, Lair,” nagkandautal na aniya habang itinutulak ito. Wala itong pinagkaiba sa dating nobyong nakilala niya.

      “All this time tama pala si Lair. Kung hindi lang nahulog ni Kyra iyong cellphone niya kanina hindi sana malalaman ng gonggong na iyan na si Kyra at Layron niya’y iisa,” natatawang dinig niyang ani Dair.

      “Bahala sila riyan,” masayang sagot naman ni Sair. “Atleast ako naka-one points na. Let it flow, Kyra,” seryosong anito na nakangisi pa ata.

     “Oo, nga pala, narinig ko iyong sinabi mo kay Kyro este Kyra. Ano ba ’yon, ‘Lived, Believe and Fight?’ Tapos ano pa ’yong isa?”

      “Wala na,“ papalayong sagot ni Sair.

      “Hindi!—Ah! Yakapsul!” bigkas na sabi ni Dair na siyang mabilis pa sa alas-kuwatro na bitiw sa kaniya ni Lair.

      “Sair!” hiyaw nito na siyang hinabol ang papalayong si Sair. Agad naman siyang tinulungan ni Dair makatayo, gulat na gulat pa rin siya sa mga ganap kani-kanina lang. Parang nasa alapaap siya na ewan.

       “Lair!” tawag ng nasa harapan na pala nilang si Dr. Shellar na nakangiti.

      “Papa,” bigkas ni Lair na nakaakbay na sa kaniya.

      “Sair! Lumapit ka rito, sino nagsabi sa ’yong yakapsulin mo ang girlfriend ko!” hiyaw ni Lair na nag-u-umi-echo.

      “Girlfriend!” magkakasabay na sigaw na siyang nagmumula sa lahat ng estudyanteng ngayon lang niya napansing nasa likod din ni Dr. or Dean Shellar.

      “Hanep! Girlfriend agad?” pang-asar ni Sair na siyang susugurin ni Lair.

      “Tama na iyan, mamaya ninyo na ituloy,” nakangiting basag ni Dr. Shellar. “Since kompleto na tayo, nais kong ipaalam na bubuksan ko na ang paaralan sa dalawang-uri; babae o lalaki man, at kung may dumating pang kung anong sekswalidad sa Saladair University.”

      Pagkasabi pa lang ni Dr. Shellar agad nagtatakbo ang ibang kalalakihan patungo sa kabilang building kung saan naroon ang mga kababaihan. Nagsisigawan pa itong parang nakalaya sa hawla.

      “Yes!” tinig ng mga ibang nanatiling nakatayo sa tabi ni Dr. Shellar. Maraming natuwa pero mayroon din nadismaya pero wala silang magagawa kundi sumunod sa bagong patakaran.

     “Welcome to our family, Mrs. Shellar!” sigaw ni Sair na siyang ikinahalakhak ni Lair.

     “Magkakabati tayo kapag ganyan, Kuya Sair,” banat ni Lair na kumindat pa. Naiiling na lang tuloy siya, wala pa rin pinagbago ang binata.

     “Gagi, Triplet’s tayong hindi magkakamukha. Pati sinong nagsabi sa ’yong para sa ’yo si Kyra? Kyra Kane o Sayron Shellar siya!” sigaw nito na siyang ikinahalakhak ni Dair at Dr. Shellar.

     Napangiti na lang siya sa ugaling noon pa lang ay mayroon na ang magkakapatid. Ika nga nila, nasa loob ang kulo ng mga mukhang matino. Naiiling na lang muli tuloy siya at nang tingnan niya si Dr. Shellar kumindat din ito, may pinagmahanahan talaga ang mga anak. Tanging tipid na ngiti ang balik niya rito, nahiya na siya sa sobrang pag-welcome ng mga ito.

     Ngunit agad siyang napatulala nang maramdaman ang mabigat na mga braso mula sa katabi. “Brothers, ang sarap ng may kayakap!” hiyaw ni Dair na siyang ikinatakbo nila Lair at Sair papunta sa kaniya.

   “Dair!” magkasabay na hiyaw ng mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro