07.25.2022

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

hindi na maaayos pa ang matagal nang may lamat.
hindi na mapupunan ng ilang pagpapatawad ang sugat.

bagkus ang sirang idinulot ay binalewala.
nakampanteng ayos lang isantabi.
nagtiis na lang at nanahimik.
walang humpay na nagtimpi.

kaya't sa huli,
huli na ang lahat.
imbis na maghilom,
lalong lumala.

mas malubha.
mas malalim.
hindi lang lamat.
hindi lang sugat.
paulit-ulit.
gabi-gabi.

walang tigil sa paghikbi nang tahimik.
walang tigil sa pagtanong ng bakit at kailan?
bakit hindi matapos-tapos?
kailan nga ba ito matatapos?

kapos na ng hininga.
upos na ang kandila ng pag-asa.
kahit maubusan na ng bakit.
hindi na nga kailan man,
maiaayos ang matagal nang sira.
tatagal lang ang panahon,
hindi pa rin hihilom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro