12.13.2021

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ilang daang beses nagtaka.

Ilang libong beses nagduda.

Hindi ka naman pintor.

Hindi ka rin isang mangguguhit.

Pero walang-hirap mong ginawa ang isang obra.

Isang segundo lang.

Gano'n kabilis.

Gano'n ka-imposible.

Pero posible pa lang lumikha ng obra.

Sa pagitan ng malalim na butong-hininga.

Sa pagitan ng 'suko na' at 'baka p'wede'.

P'wede palang. . .

Makalikha ng isang obra.

Kahit isang guhit lang na linya.

Gamit ang kulay asul na pluma.

Walang iniwan na salita.

Wala.

Ngunit.

Gumuhit.

Nang kay lalim at talim.

Nagdulot ng sugat.

Nagdulot ng isang lamat.

Mga lamat ng mga pangakong ipinako.

Pangakong namatay ngunit 'di pa naililibing.

Pangakong ipinagkanulo.

Sa kadahilanang. . .

Hindi mo na kayang tuparin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro