✔Kabanata 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata sampu]


Claire's POV

"Fier?"

"Hindi mo siya kilala?" nagtatakang taning ni Marie.

"Ki-kilala, siya si Fier" pagsisinungaling ko. Wahh ayoko na! Muntik-muntikan na akong mabibisto!

Ang rami naman kasing kakilala nitong si Clarita.

Tiningnan ko ulit ang paparating na kalesa, malapit na siya sa amin.

"Fier, saan ang iyong tungo?" tanong ni Marie kay Fier habang papalapit sa amin. Nakita ko ang itsura ni Marie, sobrang lapad ang ngiti. Alam na alam ko ang titig na ganyan. Whah!

Something fishy huh?

"Mamimili sana ako ng mga prutas sa palengke para sa kaarawan ng aking kapatid"

May kapatid siya? Hindi naman imposibleng mag karoon siya ng kapatid. Pero ako, hindi ako nagkataon na magkaroon ng kapatid? Sabagay bata pa kasi ako ng naghiwalay sila Dad at Mom.

"Kapatid?" takang tanong ko. Bumaba siya sa kalesa at pumunta sa harap ko. Tiningnan niya ako sa mata. Talagang eye contact na eye contact.

Jusmeyo! Ang gwapo! May pagka-singkit rin ang mata sa malapitan. At mas matipuno ang katawan. Wahh Claire, wag ka ng magisip-isip ng kung ano-ano! Unahin mo muna ang paghahanap sa kasintahan mo-este kay Romyo.

"Kamusta ka Clarita?" tanong niya.

Hindi agad ako nakapag-salita dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mga 3 inch ang layo. Wahh ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinagpapawaisan na rin ako. Jusko ang puso ko!

"O-okay l-lang ako.." utal utal kong wika. Wahh bakit ba ako kinakabahan? Dapat siya kabahan sa'kin noh! Hmp!

"May kapatid ka, bakit ngayon ko lang nalaman iyan?" nagtatakang tanong ni Marie.

Hindi rin niya alam? So itinago ni Fier ang tungkol sa kapatid niya? Hmm bakit kaya? Ano bayan ang rami kong tanong, wala naman akong paki sa kapatid niya at sa kanya. Ang kailangan ko lang ay makita si Romyo at iligtas ang mga tao rito.

"Hindi ko pa ba nakikilala ang aking kakambal na lalaki?" paliwanag na tanong niya.

Malamang hindi, kaya nga kami nagtatanong eh! Tsk!

May kakambal siya? Lalaki rin? Malamang gwapo rin. Pero kahit na, wala parin akong paki.

"Sino?" biglang singit ni Marie sa pag-uusap namin.

"Patawad hindi ko napakilala siya sa inyo, pero dito siya nakatira, naiwan siya rito ng umalis kami papuntang manila" paliwanag niya.

Eh eh ang tagal naman, pinapahaba pa.

"Sino?" nag tatakang tanong ko.

Ayaw pang sabihin eh..

"Si Romyo, kakamabal ko siya" sagot niya.

Si Romyo lang pala. Wahh sino?! Magkakambal sila?! Bakit hindi nasabi sa akin ni Romeo ang tungkol sa kakambal ni Romyo?

Pero hindi naman sila mag kamukha. Pati ang surname nila magkaiba rin. Si de Asis ang epilyido ni Romyo, si Fier naman del Mundo. Paano naging magkapatid sila?

"Pero paano? Magkaiba kayo ng epilyido" wika ko.

"Magkaiba kasi kami ng Ina ni Romyo, ang Ina ko ay isang espanol. Si Romyo naman ay Filipina" paliwanag ni Fier.

Woah! Teka paano nangyari yun! Magkambal sila pero iba ang tatay nila!? Ang gulo naman!

"Paano nangyaring kambal kayo, eh magkaiba kayo ng Ina?"

Ang gulo ng buhay nila! Paano kaya yung nangyari yun? Kambal 'tas iba ang tatay. Ano yun joke!

"Ganit-" bigla na lang naputol ang sasabihin ni Fier ng may dumating na isang lalaki. Sa tingin ko kasing edad lang namin ni Marie.

"Fier!" isang lalaki ang pumunta sa amin. Fair skin, mapungay na mata, mapula at manipis na labi, hindi ganun kalaki ang katawan, greyish hair na may pag-kulot, sa tingin ko mas matangkad siya ng kaunti kay Fier.

"Oh, naan dito ka na pala. Akala ko mamaya pang hapon anv iyong dating?" tanong ni Fier.

"Ah, sumabay na ako sa aking Ama, gusto ko kasing makita ang iyong mapapangasawa" wika ni-

Nakita kong tumingin si-sino nga itong lalaking ito? Hindi lang ba nila kami pakikilala?

"Ehem!"

"Paumanhin, ito nga pala si Juantso kaibigan ko ay kababata ko sa Espana." pakilala niya sa amin.

"Ako nga pala si Marie ito naman si Clarita ang aking kapatid, Ginoo." pakilala ni Marie.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Siya pala si binibing Clarita, napakaganda naman ng iyong mapapangasawa kaibigan.." wika ni Juantso.

Nabigla ako sa sinabi ni Jusantso. Mapapangasawa? Ako? Paanong nangyari 'yon? Paanong nangyari na kasintahan ni Clarita si Romyo? Ang gulo! Kung ganito ka gulo anv buhay ni Clarita sana hindi ko nalang tinanggap, mas lalo akong naguguluhan.

Oh I get it.

Kaya ba laging sikreto ang relasyon ni Clarita at Romyo dahil may fiance si Clarita na si Fier? Maari, dahil iyon lang ang posibleng rason sa magulong buhay nila. At napasama pa ako. Psh!

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi ni Juantso. Tumingin naman ako kay Fier at nakatingin rin siya sa akin. He was smilling at me gracefully.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Para akong lalamunin ng titig na ginagawa niya sa akin at wala akong iniisip sa oras na ito.

Nilayo ko ang mukha ko at umtras ng isang hakbang. Mga ilang minuto rin kaming magkatitig.

"Clarita, halina umiwi na tayo" aya ni Marie. Nagpa-alam na kami ni Marie kila Fier at Juantso.

"Mag-ingat kayo sa pag-uwi mga binibini" wika ni Fier.

"S-salamat" utal kong tugon.

Naglakad na kami ni Marie. Tumingin ako sa kinakatayuan nila Fier, nakita ko siyang kumakaway at nakatingin sa akin.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit na guguluhan ako.

"Sabihin mo nga kapatid, may pagtingin ka ba kay Fier?" biglang tanong ni Marie.

Huh? Paano niya na tanong iyan?

"Paano mo naman na sabi iyan?" takang tanong ko.

Alam kong kay Clarita ang katawan na ito, pero ang damdamin at puso ni Clarita ay hindi. Dahil sakin ang nararamdaman ko. Hindi naman posible na magkaroon ako ng feelings sa lalaking iyon.

"Kakaiba kasi ang titig mo kay Fier kanina" paliwanag ni Marie.

Nakatingin lang siya sa unahan habang nagsasalita.

"Wala, ano ba ang iyong pinagsasabi? Wala akong nararamdaman kay Fier" wika ko. "..dahil hindi ko naman siya kilala" mahina kong wika na hindi niya maririnig.

"Siguraduhin mo lang Clarita, dahil mahal ka ni Romyo at siya ang pinili mo kesa kay Fier"

Bigla akong napatulala dahil sa sinabi ni Marie. Alam kong may nararamdaman si Clarita kay Romyo, pero hindi ako si Clarita. Napa-isip ako sa iniisio ko. Pwede kaya akong magmahal sa panahong ito?

Psh! Ano ba naman 'yan! Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay-bagay sa pag-ibig, kailangan kong tapusin ang misyon ko rito.

"Sigurado ako" sagot ko.

****

Nakarating na rin kami sa bahay. Yeah babay nila Clarita. Ito rin ang bahay ni Lola. Hindi naman gaano nabago ang style ng bahay sa present. Ung kulay at position lang ng mga gamit sa loob ang nagbago.

"Pasok muna ako sa aking kwarto, magpapahinga muna ako" wika ko.

"Sige, tatawagin na lang kita pagkakain na tayo ng hapunan"

"Sige" teka nga hindi ko pala alam ang kwarto ni Clarita. Hayaan na nga, hahanapin ko nalang.

Tuloy tuloy lang ako paglakad papunta sa taas, dumiretso ako sa kwarto ko sa present, malay mo kwarto ni Clarita ang kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at tama nga ako, ito nga ang kwarto ni Clarita. Mayroon kasing portrait niya sa harap ng kama niya.

Inihiga ko ang katawan ko sa kama at nagtanggal ng heels. Teka, heels ko parin ito sa present ah. So ibig sabihin hindi talaga ako si Clarita? Imposible naman iyon. Kung posible man, nasan si Clarita ngayon?

Ano ba 'yan ang rami kong pino-problema. Iitindihin ko na lanv iyan, pagnakita ko na siya. Kung totoo man.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na dalwin ako ng antok.

'Sana matapos ko na ito, dahil miss ko na si Lola at Dad'





"Clarita.."

"Clarita...gising na kakain tayo ng hapunan"

"Ano ba yaya, I want to sleep okay!"

"Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo?" bigla akong napadilat sa sinabi ni Marie.

Wahhh nakalimutan ko, wala na pala ako sa amin. Tumayo na ako sa kama at nag-unat. "Sige mauna kana, susunod na lang ako sa baba.." wika ko.

"Sige, bilisan mo naghihintay si Ina sa baba" pagkasabi niya noon tiyaka siya umalis sa kwarto ko.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Mga ilang minuto natapos na ako, nagbihis at nagpaganda. Buti nga may beauty kit si Clarita.

Nakasuot ako ngayon ng simpleng baro't saya. Outi ang pantaas at pula naman ang pang-ibaba. Ngayon ko lang napansin na suot ko pa rin ang kwintas na binigay ni Lola sa akin bago ako napunta rito.

Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso na ako sa baba. Pagkababa ko, nakita ko si Marie at si Dona Cunsuela. Sa unahan naman ay isang lalaki na nasa 40's ang tanda.

Dahan-dahan akong pumunta sa gilid ni Marie.

"Oh naan diyan ka na pala anak, kumain kana at tayo'y may pupuntahan pagkatapos kumain" sabi ni-

'Don Pakundo, tatay ni Clarita'

'Hoy Romeo sumagot ka naman'

'Hoy!'

Tumango na lang ako. "Clarita, may regalo ka na ba kay Romyo?" bulong ni Marie.

Regalo? Para saan naman?

"Para saan?" bulong kong tanong sa kanya.

"Ano kaba Clarita, hindi mo ba natatandaan na kaarawan ng kasintahan mo"

Wahh! Oo nga! Nakalimutan ko! Eh anong ire-regalo ko? Hindi ako mahilig sa pamimigay ng regalo dahil hindi ako marunong mamili ng gift.

"Wala, nakalimutan ko eh..." wika ko.

"Ano kaba Clarita, ngayon araw mo pa nakalimutan" angal ni Marie. Ano bang alam ko sa birthday nila, eh hindi naman ako si Clarita.

"Hayaan mo na, ako na ang bahala doon" wika ko.


_________________●●●_________________
Thank You for Reading

Vote📒Comment📒Share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro