twenty-three

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kinakabahan ako! Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tutuloy ba ako o hindi pero at the same time ayaw ko namang maghintay sa wala si Joshua. I sighed.


"It is what it is, Gwen. Panindigan mo pagiging maharot mo." Sinabunutan ko ang sarili. "Malay ko naman ba kasing siya ang nag-m-manage sa page na 'yon! Hindi naman kasi halata sa mukha niyang mag-manage ng ganoong page."


Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa sa situwasyon ko ngayon. Sana talaga lamunin na lang ako ng lupa o kaya kunin na ako ni Lord. Dami kong kahihiyang pinagsasabi sa page na 'yon!


"It is what it is, Gwen," paalala ko ulit sa sarili. Malalim akong bumuntong-hininga. "Kaya ko 'to!"


Matapang akong lumabas ng classroom at naglakad papuntang riverside. Kaya ko 'to! I can do this!


Nawala ang tapang ko at natigilan sa paglalakad ng makita ko ang likod ni Joshua. Tangina, ganito ba kalalim pagkagusto ko sa kaniya na kahit likod niya pa lang ay alam kong siya na 'yon?


"Shit naman, oh, nawala ulit tapang ko!" 


I sighed again. Kaya mo nga 'to, Gwen! Ikaw pa, makapal naman mukha mo!


Kung gaano kabagal ang paglalakad ko papunta sa inuupuan ni Joshua ay ganoon naman kabilis ang pagtibok ng puso ko. Mababaliw na talaga ako. Bago pa man ako tuluyang makalapit sa kaniya ay umayos siya ng upo at humarap sa direksyon ko. Natigilan naman ako nang ngumiti siya sa akin at kumaway. 


Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Tanginang ngiti 'yan, nakakatigil ng puso.


"Hi, Gwen..."


Napalunok ako nang marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko. 


"Hi." Thank God hindi ako nautal. Kailangan maangas ako! 


Matapang akong lumapit at umupo sa tabi niya. Nginitian ko siya. 


"Why are you so stiff, labidabs?" mapanuya niyang tanong, halatang nang-aasar.


Tumikhim ako. "Stiff ka riyan, angas ko kaya tingnan." 


Ngumisi siya. "Yes, that's one of the reasons why I like you..."


Marahas akong napalingon sa kaniya. He likes me? Wait, baka delusions ko na naman 'to.


"It's not one of your delusional moments, Gwen. I am being for real right now," matapang na wika niya.


How unfair! Hindi siya nakakaramdam ng katiting na hiya, tapos ako rito ay para nang mamamatay sa kilig at hiyang nararamdaman.


I laughed. Alam niya naman na gusto ko siya, so what's the point of being shy and embarrassed about the situation, 'di ba? Parang tumapang ata ako bigla.


"Dapat lang talaga na gusto mo rin ako, 'no. Hindi kaya madali magpapansin at mag-send ng  mga confession letter sa 'yo." Wait. Sinamaan ko siya ng tingin nang may maalala. "Nagmukha akong katawa-tawa sa 'yo! Hindi mo man lang sinabi na ikaw pala ang nag-m-manage ng page na 'yon! May pa-comment ka pa talaga sa mga post ng page!" 


Nainis ako, slight. Slight lang naman kasi nakakawala ng inis ang gwapo at maamo niyang mukha.


"I'm sorry about that. I just can't disclose my identity. And before I could even you tell who I am, you became so chatty, making it hard for me to tell the truth." Maamo ang matang tinitigan niya ako at ngumuso. "Are you mad at me?" malumanay na tanong niya.


Umiling ako at tinakpan ang mukha ko dahil hindi na talaga kaya ng sistema ko ang kilig na nadarama. "Tangina talaga ng epekto mo."


Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya tiningnan ko siya.


"I like you, Gwen. I like you the first time I have laid my eyes on you in the LCC." Kilala niya na ako roon? "I like you even more when you started confessing your feelings for me on that page." Matagal niya akong tinitigan. Pakiramdam ko tuloy mukha ng kamatis ang mukha ko sa pula. 


"A-Ano ka ba? Normal lang 'yan kasi maangas ako," natatawa kong sabi.


Natawa na rin siya at bumuntong-hininga. "Gwen."


"Hmm?" 


Gustong-gusto ko talaga kapag binibigkas niya pangalan ko. Nakakalaglag puso!


"Will you allow the admin of Liceo Idol and Confessions to know you better?"


Tila nabingi ako sa tanong niya. Knowing stage? Kailangan pa ba 'yan? Pwede namang kami na kaagad, doon din naman kami hahantong.


"Uh, pag-iisipan ko muna, Joshua," nahihiyang sagot ko.


Siyempre, pakipot muna ako tapos bukas ay sasagutin ko na siya kaagad.


Ngumiti siya na walang halong pagkadismaya. "I'll wait, Gwen..."


Nagkatinginan kaming dalawa at sa oras na 'yon napagtanto kong may hindi pa ako naitatanong sa kaniya.


"Sino 'yong hinalikan mo sa pisngi roon sa sementeryo?" naiinis na tanong ko.


Mahina siyang natawa. "It's my older sister, labidabs." Nilapit niya ang mukha niya sa akin at sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw kaagad. "Didn't you say that you are game with kissing me?"


Nanlaki ang mata ko at naitulak siya. Tangina, hindi ko pala kayang maging maangas. Dali-dali akong tumayo at iniwan siya roon sa upuan. Mabilis akong naglakad at narinig ko ang tawa niya habang nakasunod sa yapak ko.


"I'm game, too, Gwen..." nang-aasar na aniya.


Hindi na ako sumagot at mas binilisan ang paglalakad ko. Mamamatay ako sa lalaking 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro