#1: LTHA

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Good morning, Philippines," tinig mula sa balingkinitang dalaga.

Nakaupo ito sa hinihigaan.

Singkit na mga mata, bilugang mukha, mala-rosas na labi at may hanggang balikat na haba ng buhok. Patuloy ito sa pag-iinat kahit naaarawan ng araw mula sa katamtamang laki ng bintana.

"Ano ba 'yan, Ate Jhan, kay aga-aga istorbo ka sa pagtulog," reklamo ng nakababatang kapatid na nasa edad labing-anim.

Tumalikod ito ng higa at muling inayos ang pagkakatalukbong ng kumot.

"Hoy, Leslie, gumising ka na nga, 'di ba may pasok ka ngayon?" sabi ni Jhan bago umalis sa pagkakaupo at hinawi ang kumot ni Leslie.

Nasa kaliwang bahagi ang puwesto ng higaan nito na nakukulayan ng kulay kalimbahin habang purong malabnaw na bughaw naman kay Jhan maging ang kani-kanilang unan, kumot ay ganoon din ang naturang wangis.

Nasa bawat gilid naman ang kanilang durabox na may tig-limang bukasan at sa itaas naman  nakapatong ang kanilang mga abubot.

"A-absent ako, ate. Tinatamad ako," sagot ni Leslie sa malumanay at antuking tinig.

"Ay, hindi puwede 'yan magagalit si mama. Anak ng, kay bata-bata mo pa alam munang tumakas sa klase," naghi-hesterikal na sigaw ni Jhan habang nakatayo pa rin sa higaan ni Leslie.

"Lumabas ka na nga lang, ate kung lalabas ka. Huwag muna 'ko pansinin pa," sagot ni Leslie sa naglulumakas na tinig habang patuloy na kinakapa ang kumot na natanggal sa katawan.

"Huwag ka nga'ng sumigaw hindi ako bingi. At—ano? porke't tinatamad ka ayaw mo ng pumasok? Hindi puwede 'yan, tumayo ka riyan," naglulumakas na hiyaw ni Jhan bago hinatak muli ang kumot ni Leslie.

"Ano ba, Ate! Ayaw ko nga sabi e," balik ni Leslie sa kumot bago inayos ang pagkaka-talukbong.

"Anak ng—sinisigawan mo pa ako, hindi ako bingi!  At ikaw na bata ka, ma-lalate ka na nga lang sa klase tapos tatamad-tamad ka pa. Paano ka may matutunan kung laging ganyan ang mindset mo? Jusko po," pani-nermon ni Jhan habang nakapamaywang sa kinatatayuan.

"Lumabas ka na nga lang sabi e. Huwag mo na akong intindihin pa," sagot ni Leslie habang pilit hinihigpitan ang pagkakaipit ng kumot na nakabalot.

"Ewan ko nga ba sa 'yo, Math subject lang kinakatakutan mo. Jusko naman, Leslie sumasakit ang ulo ko sa 'yo," pagsukong sabi ni Jhan.

Nai-iling na nagtungo sa kanang bahagi kung saan naroon ang durabox. Kumuha ito ng damit at mabilisang nagpalit. Suot ang kulay na itim na pants at puting T-shirt na V-shape.

"At, Sino naman nagsabi sa 'yong takot ako sa Math? Hindi, ah. . . talagang tinatamad lang ako," gulat at nakanda-utal na hiyaw ni Leslie na ngayo'y nakaupo na.

"Hoy, Leslie, huwag mo 'kong subukan. Sinabi sa 'kin ni mama takot ka raw sa Math at napingot ka pa raw ng teacher mo," nanunubok na wika ni Jhan sa kapatid habang nakapamaywang na naman.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Leslie habang nakaawang ang labi.

"Ano? Bakit 'di ka makapagsalita? Gusto mo puntahan ko si Mrs. Catulin?" pananakot ni Jhan habang nangingiting nagsusuklay na sa tapat ng salamin na nasa dingding.

"Sus, hindi raw bingi? Kailan pa? Himala ata 'yon," si Leslie na iniiba ang usapan habang nagkakanda-utal sa pagsasalita.

Tabaing mukha, manipis na labi, matangos na ilong at medyo mataray ang mga mata.

Samantala, hindi naman nakalagpas sa pandinig ni Jhan ang pagrarason ni Leslie ng tangkang sasagutin pa siya nito. Alinsabay din ito sa biglaang tunog ng kung ano.

"Leslie, akin na 'yan," banta ni Jhan kay Leslie na hindi nagpatinag sa pagpindot at pagbasa sa telephono.

1 message received:

"Good morning, Bhie. Kumusta ang tulog mo? Gising ka na ba? Magkape ka na paggising mo, ah. Titiplahan kita, I love you," bigkas ni Leslie sa bawat letra.

"Aye! Kay Kuya Vince ba galing 'to no? Naks! Love is in the cellphone," pang-aasar ni Leslie bago humalakhak.

Ito ang mas malapit sa teleponong dinamba nito mula sa mesa na nasa pagitan lang ng mga kama nila.

"Hoy, Leslie, ano'ng gagawin mo? Huwag mong re-replayan 'yan, sinasabi ko sa 'yo," pagbabanta ni Jhan habang dinuduro si Leslie.

Base sa pagbilis ng pagtipa ng mga daliri nito ay ganoon na nga ang ginagawa nito.

"Akin na nga 'yan." Agad tinakbo ni Jhan ang puwesto ni Leslie.

"Wai—"

"Personal property 'to, sa susunod lalagyan ko na 'to ng password para hindi mo mabuksan," nanlilisik na turan ni Jhan ng mahawakan ang sariling telepono.

Hindi naman nakapalag sa gulat si Leslie pero
agad din itong nakabawi.

"Oh my God, Leslie. Ano'ng ginawa mo?" nanlalaki ang mga mata ni Jhan habang matamang nakahawak sa kulay puti na keypad; Samsung unit na dipindot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro