CHAPTER 23: Moment

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


DAN'S POV

DESPERAS NANG PASKO
ngayon pero nandito ako sa loob ng ring habang nakasuot nang taekwando suit at nakangising nakatingin sa babaeng nakapoker face lang habang nakatingin sa akin, at tulad ko nakasuot din siya ng taekwando suit. Nakataas ng ponytail ang buhok niya...



"Alam mo, Danica.. Alam kong gusto mo lang maka-chansing sa akin kaya mo ako niyaya na mag-ganito. Why don't you say to me instead na gagawa ka ng ganitong blessing in disguise." nakangising sabi ko sakaniya.



Pinaikot naman niya ang kaniyang mga mata, at hindi ko maiwasan hindi mapangiti lalo.. Hindi ko talaga alam kung paano ako nag-mahal ng babaeng katulad niyang hindi naman talaga masyadong na-aapektuhan ng kagwapuhan ko. "Minsan binabawasan ang pagiging self-conceited mo, Daniel." sabi nito sa akin.


"Why? hindi ko ba pwedeng sabihin iyun? Duh! Kung kanina hinawakan mo na ang bawat parte ng katawan ko nung nag-make out tayo edi sana hindi ka nahihirapan.." ngumisi ako at agad na umiwas nang bigla niya akong sipain. "Ooh what? ready na ba?" natatawa kong sabi sakaniya.



Iniwasan ko lang ang bawat pag-atake niya sa akin at naaliw akong makita na napipikon na siya. Tumigil siya sa pag atake sa akin at ako naman ay nakangising nakatingin lang sakaniya para mas lalo siyang inisin.



Tumaas ang sulok ng labi ni Danica pagkatapos ay dahan dahan lumapit sa akin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng damit niya. Agad akong nag-iwas at the next thing I knew..



I was lying on the ring while Danica's holding my left arm.. twisted it..making me shout her name. "Danica naman.. baka mabali yung braso ko" reklamo ko tapos nagpa-cute pa ako pero inirapan niya lang ako.


Nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang may balak siyang balian ako ng buto. "Danica.. kapag nabali yung braso ko walang nayayakap sayo kapag hinahalikan ka--AAAAAH" sigaw ko.



"Hindi ako nagbibiro ngayon, Daniel" sabi nito.



"At hindi din ako nagbibiro ng sabihin kong masakit na" reklamo ko.



"Tell me kung ano ang problema mo sa atin dalawa." sabi niya.. natigilan ako at kahit nahihirapan ay pilit kong tumingin sakaniya and I could see na hinihintay niya lang ang sagot ko.



"W-Wala naman t-tayong problema ee." hindi siya nagsalita pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko.. "Okay fine... " lumunok ako at medyo niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso ko. "I-I have a fiancee.." mahina kong sabi.



Napapikit ako ng madiin na makita kong nanlaki ang mga mata niya kasabay nang pagbitiw niya sa braso ko.


Agad akong bumangon at niyakap ko siya kasi alam kong nasasaktan siya. "Danica.. totoong mahal kita.. totoong sinabi ko sayo na mahal na mahal kita. Totoo yun... totoo ang nararamdaman ko para sayo." bulong ko sakaniya.



"Pero hindi sapat yun ee. M-May fiancee kana... " narinig ko ang mahina niyang paghikbi at mas lalo akong nasaktan nang marinig ko iyun. "K-Kaya ba sinabi mong hanggang matapos lang ang bakasyon natin magiging tayo kasi pagbalik mo meron ka nang fiancee. Ginagago mo ba ako?" humikbi siya.



Umiling ako at mas lalo ko siyang niyakap. "No..No.. hindi kita ginagago Danica. Si Mommy ko ang may nagsabi nito sa akin.. and to be honest nagulat din ako. Please Danica.."



My heart break into pieces when she push me away and without a word... iniwan niya ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang habulin pero alam kong ito na talaga ang ending para sa amin dalawa.


NICA'S POV


HINDI NA AKO nagbihis at dali dali akong tumakbo palabas ng resort na tinutuluyan namin. Hindi ko kasi matanggap yung nalaman ko. Hindi ko kaya...



Napatili ako ng bigla na lang akong madama sa buhanginan. Malayo ako sa resort at walang masyadong tao kung nasaan ako ngayon. Napahagulgol ako ulit sa nalaman ko, hindi ko alam kung may mali ba akong ginawa para mapurahan ako ng ganito ng nasa taas. Ganun ba kahirap ibigay sa akin yung hinihiling kong kaligayahan.




Ganun ba talaga kahirap makuha yun?



Ganito ba talaga dapat ang maunang maranasan?



Nag-angat ako ng tingin nang biglang may nag-abot sa akin ng panyo. Isa siyang babae na may kahabaan ang buhok pero ang suot niya ay simpleng t-shirt lang at hanggang tuhod na maong na short. Nakatapak siya dahil hawak hawak niya ang tsenilas niya. Ngumiti siya sa akin "Ako si Lina Mulober." sabi niya.



Hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako sakaniya tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Napalayo ako ng kaunti ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at siya na ang nagpunas ng luha sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin. "Alam mo... ang sabi sa akin nang lola ko, hindi dapat basta basta umiiyak ang mga babaeng tulad natin kung saan saan. " sabi niya.



Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Alam mo, hindi ko man alam yung problema mo... pero based sa pagkakatingin ko sayo, mukhang imbes na harapin mo yung problema mo... tinakbuhan mo lang yun ngayon."



Nanlaki ang mga mata ko sakaniya at tsaka ako tumingin sakaniya. "Hindi ganun kadaling harapin yun ee.. Masakit kasi.. lalo na kung alam mong kahit anong pagharap mo sa problema mo, masasaktan at masasaktan ka lang sa bandang huli. Kasi huli na... kasi wala na..." basag ang boses ko sa huli kong sinabi, at nakaramdaman na naman ako ng kung anong kirot sa puso ko.



Naupo sa tabi ko si Lina at tsaka tumingin sa dagat. "Love, Eeh? Alam mo.. sa buhay nang tao kahit sino pwedeng masaktan. Ngayon lang na nakaupo tayo dito pwede tayong masaktan. Being able to feel pain is a sign that you're alive in this world. " sabi niya.



Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at niyakap ko na lang ang mga hita ko at inimukmuk ko ang ulo ko. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak. Masakit na... gusto ko ng tumigil pero hindi ko alam kung paano? Gusto kong may pagkaabalahan ngayon para kahit papano makalimutan ko yung nararamdaman ko. Pero paano ko gagawin yun?




Yung buhay ko wala dito sa Island.



"Oo nga pala anong pangalan mo?" tanong sa akin ni Lina.



"Danica Yuuki Harada." simpleng sagot ko.



Ngumiti siya sa akin. "Ang cute ng name mo." tumayo siya at pinagpag niya yung dumi sa damit niya. Pagkatapos ay iniabot niya yung kamay niya sa akin at tinulungan akong tumayo. Iniabot niya sa akin ang isang papel at nagtatakang tiningnan ko siya. "Restaurant yan? at kung gusto mo ng distraction sa buhay mo ngayon hiring kami ngayon. "



"Pero Christmas Eve diba?" takang tanong ko.



"Oo nga, we're fully aware on that." nakangising sabi nito.


"Then diba, dapat wala na kayong work ngayon?" nagtatakang tanong ko at kunot na kunot na din ang noo ko.


Tumawa ng malakas si Lina pagkatapos kumindat siya sa akin "Mas malakas kami ngayon season na ito kasi nandito yung anak ng amo ko. Every ganitong season lang naman kami kumukuha ng mga waitress ee. Pero ngayon hindi kami basta basta kumukuha kasi nung nakaraan nagkagulo yung mga waitress dahil sa sobrang kilig dun sa anak ng boss ko." paliwanag niya sa akin.



"Ganun.." natahimik ako at saglit na napa-isip sa sinabi niya. "Sige pupunta lang ako dun, magbibihis lang ako then after that.. pupunta na ako sa MMR." sabi ko at medyo kumunot pa ang noo ko sa nakita ko ang pangalan na restaurant nila na 'MERMAID MELODY' Restaurant.



"I'll explain to you, kung bakit ganiyang ang name na yan kapag pumunta sa restaurant mamaya." tumango ako at tsaka ako pinanuod si Lina na umalis.



Kasabay nun ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Kenji, after ng ilang rings ay sinagot niya agad iyun. "Kenji.." mahina kong bulong sakaniya.



'What happen? Bakit ganyan ang boses mo?' takang tanong niya.



Ngumiti ako sakaniya kahit hindi niya ako nakikita. "Wala lang na-miss lang kita." I said truthfully. "Oo nga pala, may nag-alok sa akin ng work.. and I'm planning to accept it since wala naman akong ginagawa dito" sabi ko.



'hmmm? hindi kaya may problema kayo ni Niel?' sabi niya. Natahimik ako sa sinabi niya 'Am I correct?' tanong niya.



Napalunok ako at hindi ko napigilan na hindi maiyak.. "May fiancee na siya.. Hindi ko alam kung.. paano ko siya haharapin mamamaya" malungkot kong sabi sakaniya.



' Hindi naman masama maging masaya... Danica Yuuki. Kahit ngayon lang... kalimutan mo na may fiancee siya. I want you to be happy kahit wala ako sa tabi mo ngayon' sabi nito sa akin.

"Bakit kasi hindi ka pa bumabalik?" naiinis kong sabi sakaniya.

Tumawa siya ' I know you miss my handsome'ness, but bear with it... next year magpapakita na ako sayo, okay.' I mumble to him my answer. May ilang oras pa kaming nag-usap at kahit papano ay napapagaan niya ang pakiramdaman ko.





NANG MAKAPASOK AKO
sa kwarto ko sa Hotel ay napatalon pa ako nang makita ko si Daniel na nakaupo sa kama ko at hinihintay ako. Ngumiti ako sakaniya at napansin ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "I-Icah.."


Dahan dahan akong lumapit sakaniya at marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Sabi mo, gusto mong maging masaya ngayon bakasyon diba?" tanong ko at tumango siya sa akin may kung anong lungkot akong nakita sa mga mata niya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at ngumiti.. "I want to be happy too. "



"Danica...S-Sorry.." he mumble.



"Ngayon pasko." sabi ko nag-angat siya ng tingin sa akin at nagtatanong ako na tiningnan niya ako. "Hanggang ngayon araw na ito... tayo pa din.. but after this day.. Then we're finally over. "



"Danica... a-ayusin ko yung problema.. please.." umiling ako na ikinagulat niya. Kapag sinabi niya na aayusin niya aasa ako at kapag umaasa ako may posibilities na masaktan ako. Ayoko ng masaktan.. "Ito ba talaga ang gusto mo?"



Tumango ako, pain cross on his eyes as he look on me. "Oo nga pala.. pinapunta ko dito si Erick Santos, baka kasi magulat kayo kapag may ibang taong hindi kayo kilala. Aalis ako ngayon kasi may nag-offer saakin nang work. And before you react. Don't worry... babalik ako dito before yung Christmas party so... ikaw nang bahalang magsabi sakanila kailangan ko nang mag-asikaso." sabi ko.



DAN'S POV


KANINA PA NAKAALIS si Danica at ngayon naman ay isa-isa nang dumadating yung iba pa namin kaibigan. Medyo nagulat pa nga ako nang makita ko si Erick na kaibigan ni Rhea na nandito din. Pero nang makausap ko siya pinapunta daw siya dito ni Danica.. And I'd asked him kung alam niya bang hindi iyun yung kaibigan niya. He said he knows... at pagkatapos ay pinabayaan na niya ako.



"Niel, nakita mo si Icah?" tanong ni Ian.



"May pinuntahan lang siya, baka mamamaya pa ang uwi nun. Bakit?" tanong ko.



Bumuntong hininga siya. "Malapit nang magpasko." simpleng sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. He rolled his eyes on me. "Gusto ko lang malaman kung... may naaalala na ba siya ng konti sa nakaraan niya." simpleng sabi niya.



Kumunot ang noo ko. "Bakit?"



"Wala lang... ang pagbabalik ng aalala ni Danica ang pinakagusto niyang makuha tuwing pasko. Nakakatawa man isipin pero... naniniwala si Danica kay Santa. At every Christmas.. yun lang ang hinihiling niya. " sabi nito.



Hindi ko tuloy maiwasan maalala yung nalaman ko noon. Naalala na niya kaya kung sino yung 'NIEL' sa nakaraan niya? Sana naman hindi pa? Naikuyom ko ang palad ko at napapikit ng madiin... How I wish hindi pa niya naalalaman..



NICA'S POV


NANG MAKABALIK AKO sa hotel medyo nahihilo ako at napansin ko na meron nang mga decoration sa venue namin. Ngumiti ako nang makita kong nagkaka-isa yung mga kaibigan ko. " DANICA" napatingin ako sa gawi ko ng biglang may sumigaw nang pangalan ko.



At parang may dalang hipo-hipong lumapit sa akin at sabay akong hinawakan sa magkabilang braso ko. "Ako ang nauna sakaniya." nakasimangot na sabi ni Erich.



" Ako kaya... mas nauna nga akong nakakita sa kaniya." nakasimangot din na sabi ni Erick, habang nakikipagtitigan kay Erich.



"First ako.. dun kana tsupe.." nakangusong saad ni Erich.



"First ako bulag ka." -Erick



"Ladies first kaya dapat ako muna bago ikaw.. and for sure gusto mo lang siyang chansingan." nakasimangot na sabi ni Erich.



Ipiniling ko ang ulo ko nang biglang manakit ang ulo ko. Nanlabo din ang mga paningin ko sa hindi malaman na dahilan at pakiramdam ko yung ganitong pangyayari.. nangyari na saakin dati.



And before darkness embrace me... I saw a little boy and girl... at hindi ko alam pero... pakiramdam ko bahagi sila nang nakalimutan kong nakaraan.



IAN'S POV


HINAWAKAN KO ang kamay ni Danica na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama niya. Nawalan siya ng malay kanina at halos magkagulo kami nang bigla na lang tumili si Erich kanina. Isang oras na siyang mahigit na natutulog, at habang umaandar ang oras... hindi ko maiwasan hindi mag aalala sakaniya ng husto.



I heard her soft moan before she slowly open her eyes. Iniikot niya muna ang paningin niya at nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti ako sakaniya. I lean over here, putting my arms on the top of her head as my hands slowly removing the strand of her hair. " What happen?" nanghihina niyang tanong sa akin.



"You fainted.. pinagod mo na naman ba ang sarili mo kanina?" nag-aalala kong tanong sakaniya.



" Hindi aa... " suminghap siya bago siya magbaling nang tingin sa ibang bahagi ng kwarto at ngumiti. "I saw a little boy and two girls. Alam kong bahagi yun nang nakaraan ko." sabi niya.


"talaga? kaya kaba hinimatay kasi, may naalala ka?" tanong ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. "Danica."



"May naalala ako ngayon taon.. dalawang beses na may bumalik sa memorya ko. After how many years dininig din ni Santa yung panalangin ko." may ngiti sa kaniyang labi pero may luhang pumapatak sa kaniyang pisngi.


Ngumiti ako sakaniya at tsaka ko siya hinalikan sa noo "You deserve to be happy, Danica.. anyway.. you have to prepare malapit nang magsimula yung Christmas party natin." sabi ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin at tsaka tumango.



SHUN'S POV


NAKITA KONG NAGLALAKAD  papaba sila Ian at Danica at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong okay na siya. Alam kong may nagawa ako sakaniyang mali pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko na siya kaibigan diba?



Dahan dahan akong lumapit sakanila at nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa akin. Isang ngiting madalang ko sakaniyang makita noon. Isang ngiti na madalas kong makita kapag kasama niya ang kakambal ko.



"Shun okay ka na ba?" tanong nito sa akin.



Tumango ako sakaniya "Sorry sa nagawa ko sayo noon, Anica." malungkot kong sabi sa kaniya.



Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at hindi ko maiwasan hindi mamangha sa ganda ng ngiti nito ngayon. "Okay lang... basta wag mo nang gagawin ulit yun huh!Kundi itatapon kita sa brimuda triangle." biro nito sa akin.


Tumango ako at tsaka kami nagkwentuhan na dalawa. Sinabi ko sakaniya na may fiancee na ako at kasama ko siya ngayon, pinakilala ko na din siya, at kahit alam kong medyo nahihiya sa kaniya ang fiancee ko pilit na inignora iyun ni Danica at kinausap ng kinausap siya. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na kung bakit hindi siya yung babae para sa akin.



KAREN'S POV


NAKAUPO KAMING dalawa ni Daniel sa sulok at binabantayan ang bawat kilos ni Danica. Mukha naman okay si Danica pero itong katabi ko ang hindi. Sinabi na niya sa akin na hanggang ngayon na lang sila ni Danica at hindi ko maiwasan hindi malungkot para sa dalawa. "Bakit hindi mo na lang i-enjoy tong gabing to?" tanong ko sakaniya.




"Then afterwards masasaktan na naman ako." inis niyang sagot.



"Hindi ka pa ba inmune Niel? I mean... lagi na lang kayong nasasaktan so dapat sanay na kayong dalawa jan."



"Hindi ganun kadali." sabi niya.


Aakmang magsasalita ako nang biglang may tumikhim and only to find na nasa harap na namin si Danica. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sakaniya.



"Medyo okay na ako. Kailangan ko lang siguro ng pahinga kaya ako hinimatay." sabi niya sa akin.


"Buntis kaba?" tanong ko.



Namula siya sa sinabi ko at sunod sunod na umiling. Nakita ko din na namutla si Daniel sa narinig niya at hindi ko maiwasan hindi matawa samga mukha nila nga ngayon



Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang ako sa kwarto nila. Kailangan nilang mag-usap na dalawa, at hindi nila magagawa yun habang nandito ako sa paligid ligid.




DAN'S POV

HINDI MAWALA
sa isip ko na baka buntis nga si Danica, I mean pero paano? nakakabuntis na ba yung pagme-make out?



Naalis ako sa malalim kong pag-iisip ng bigla akong binatukan nang babaeng katabi ko ngayon. I glare her hindi niya ba alam na kinakabahan na ako ngayon?



"Wag ka ngang sira jan.. hindi totoo yung sinabi ni Karen."  inis nitong sagot sa akin.



"Pero paano kung totoo nga" sabi ko naman at pinakatitigan ko siya sa mukha niya.



"May naalala ako kaya ako... nahimatay kanina. " ngumiti siya sa akin at tsaka binalik yung tingin sa mga kaibigan namin " Its a wonderful childhood memory that I had together with my friends." mahinang sabi nito.


Hindi ako sumagot at hinatak ko siya palapit sa akin at niyakap. Alam ko naman na kailangan niya ito ngayon.



"Salamat Dan" sabi niya at tsaka niya inimukmuk ang mukha niya sa leeg ko. I could feel her inhaling my scent. At hindi ko maiwasan hindi mapangiti sa ginagawa niya ngayon.



Hindi kami umalis sa pwestong yun, hangga't hindi kami tinatawag nang mga kaibigan namin. This is the place na gustong gutso kong balikan. Ito yung lugar kung saan alam kong belong ako...




...

In the arms of Danica.




NAGSIMULA NA ang palaro at lahat ng games ay sinalihan namin ni Danica.. Ini-enjoy namin yung mga oras na kami pa... Sa totoo lang itong oras at mga sandaling ito. Ito ang hinding-hindi ko malilimutan... itong mga sandali kasing ito... nakita ko ulit ang mga ugaling nagustuhan ko sa kaniya. Mga nagustuhan kong unti-unting naglaho dahil nga paulit ulit ko siyang nasasaktan.




Paper dance ang laro namin at sila.. Risa at Sheen ang magkapareho at kami naman ni Danica. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil nakita kong naaliw siyang makita sila Risa at Sheen na nagtatalo. "Kailangan natin manalo dito, Sheen sayang yung trip to boracay na prize" sabi ni Risa.



"Alam ko yun, pero hindi naman madali yung kalaban natin ee. Si Danica at Niel kaya yung kalaban natin ngayon. And you know them, ayaw na ayaw nila ang natatalo." sabi ni Sheen.




Nagtawanan kami ng biglang kinagat ni Risa sa braso si Sheen. "Psst.." - Icah.



Napatingin ako sakaniya at tsaka niya ako hinatak hanggang sa magka-level na ang mga mukha namin. "Magpatalo na tayo" bulong niya.




Umiling ako, saya naman yung prize na trip to boracay no. Ngumiti si Icah.. "Mas kailangan nila yun kesa sa atin.Malay mo habang nandun sila ma-develop yang dalawang yan." bulong niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang sakaniya.




Piling ko kasi bukod sa nag-aala-kupido siya ngayon, alam kong may iba pa siyang dahilan kaya gusto niyang magpatalo ngayon.




PAGKAPATAK nang alas-dose ng hating gabi nagpalitan na kami nang kaniya-kaniyang regalo. Simple lang naman ang binigay kong regalo kay Danica, isa yun clip sa buhok na may design na butterfly na color red and silver. Ako na din ang naglagay nun sa kaniya and I can't help but to admire how beautiful she was while wearing it.



"Thank you" ngumiti siya sa akin..Isang ngiting alam kong saakin niya lang binibigay. I kiss her on her forehead. Ito na kasi ang huli... Ito na ang huling beses na mahahawakan ko siya dahil sa akin siya.



"Danica.." napatingin kami pareho sa tumawag sakaniya at napansin kong may hawak na white shi zue  si Erck pagkatapos ay nakangiting iniabot iyun kay Danica "Merry Christmas. Alagaan mo yan huh"



Namamangha si Danica habang nakatingin sa puting aso na para siyang unan sa sobrang kapal ng balahibo nito. Ngumiti si Danica kay Erick.. " Salamat dito, Erick." sabi niya. Nagbaling siya nang tingin sa aso at ngumiti.. "What will be your name?"



"Aff.. Aff"




Ngumiti si Danica... at marahang hinaplos ang ulo nito. "Since your white like a clouds up in the sky, I'll call you Heaven."




And the exact moment she say that name I saw tears running down her eyes.



And I know... that she knows that this will be the last minute that she have me. She hug the puppy covering her tears.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro