CHAPTER 26: New life

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHUN'S POV

KUMAKAIN kami ng breakfast hindi namin kasabay ngayon si Danica dahil maaga siyang umalis para sa work niya dito. Lahat kami napatingin kay Niel na kararating lang niya, nakasimangot siya kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang tingnan lang siya habang kumakain siya. Tumikhim siya "Sana hindi niyo ako tinitignan diba?" suplado niyang sabi.


"Bakit ba ang aga aga nakasimangot kana?" - Kean.


"Desperas nang new year ngayon, ito na ang huling araw nang taon tapos nakasimangot ka pa din jan. Sana try mo din ngumiti. " natatawang saad ni Darwin.


"Hindi ko naman kailangan ngumiti." simpleng sagot nang kakambal ko.


"Oo nga pala ang sabi ni Danica kanina... medyo matatagalan siya sa pag-uwi dahil masyadong madaming customer sa pinagtatrabahuan niya." biglang sabi ni Ian at napansin kong napatigil si Niel pero hindi na siya nagbigay pa nang komento.


"Bakit ba kasi kailangan niya pang mag-trabaho dun?" nagtataka kong tanong.


Nagkibit balikat lang si Ian, na para bang sinasabi niya na hindi niya din alam. Sa totoo lang hindi ko din ma-gets kung bakit kailangan niya pang mag-work. Ginagawa niya lang ba yun kasi yun na lang ang way niya para hindi niya maisip ang taong nasa gilid ko na masama na ang pagkakatingin sa pagkain niya ngayon?


NICA'S POV


MADAMING CUSTOMER ngayon at halos mag-ala-flash na kami ni Lina sa pagbibigay ng mga ino-order nila. Nang mag-break kaming dalawa ni Lina ay naka-close din ang restaurant dahil wala naman kaming ibang kasama dito kundi kaming dalawa, yung may-ari at iilang chief sa loob.


Nakatulala ako habang kumakain ng sandwich dahil hindi ko maiwasan hindi maalala yung nangyari sa amin ni Daniel nung nakaraang araw.


"Hoy.. ayos ka lang ba?" biglang sabi ni Lina habang sunod-sunod ang pagsubo niya ng kinakain niya.


Pilit na ngumiti ako sakaniya at tumango, pero maya-maya din ay napabuntong hininga ako. "Lina?"


"Ooh?"


"Paano mag-move on?" tanong ko sakaniya. Hindi ako nakarinig ng kahit na ano mula sakaniya kaya napatingin ako sa gawi niya pagkatapos ay nakita ko siyang nakatulala sa akin. "Nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko.


"Wait.. are you telling me that, broken hearted ka?Paano?"


I rolled my eyes with her. Seriously? bumuntong hininga ako at kinuwento ko sakaniya yung buong nangyari... simula nung maghiwalay kami ni Daniel hanggang ngayon. Tahimik lang na nakinig sa akin si Lina pagkatapos ay hindi ko maiwasan hindi maiyak habang inaalalako yung mga panahon na pilit akong pinapasaya ni Dan.


Yung mga panahon na pwede ko pa siyang makuha.


Yung mga panahon na hindi ko na maibabalik kasi naging tanga ako.


Yung mga panahon na isang alaala na lang nang isang maganda at masalimot na nakaraan.


Napailing ako sa naalala ko, hindi ko alam na kapag broken hearted ang isang tao nagiging makata to at kung anu-anong malalalim na salita ang iniisip o kaya naman sinasabi.


"Alam mo Danica, when it comes to love hindi lang naman tayong mga babae ang marunong masaktan o umasa. Hindi porket babae tayo hindi tayo marunong makapanakit ng feelings nang isang lalaki. Hindi porket babae tayo hindi na natin kayang magpa-iyak. Tao tayo tulad ng mga lalaki. Kung tayo nga kapag hindi ina-accept ang feelings natin nasasaktan tayo paano pa kaya yung boylet mo, diba?"


Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kasi totoo naman ang sinabi niya. Ilang beses ko ng nasaktan si Daniel dahil nga pilit ko siyang pinagtatabuyan noon, o kaya naman hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang mahal niya ako.


"Just think of it, Icah... kung ikaw nga nasasaktan dahil pinalaya mo siya. Siya pa kaya na walang ibang ginawa sayo kundi ang pilit na ibalik ka sa buhay niya?"


"Alam ko naman na nasaktan ko siya pero kahit anong pag-amin ko na nasaktan ko na siya, wala na din naman maitutulong yun sa akin kasi nga... huli na... kasi nga... ikakasal na siya" napahagulgol na ako sa bandang huli kong sinabi. Hindi ko na kasi kaya yung nararamdaman ko.


Yung feeling na paulit ulit kang nasasaktan pero wala ka naman magawa para huminto yung sakit na nararamdaman mo.


Yung feeling na sa sobrang sakit gusto mo na lang tanggalin ang puso mo nang hindi mo na maramdaman yung sakit.


Yung feeling na hinihiling mo na lang Sakaniya na sana... hindi mo na lang naramdaman ang magmahal para hindi kana nasasaktan.


Yung feeling na... kahit anong isip mo... hindi na mawawala sa nararamdaman mo yung sakit sa tuwing nakikita mo yung taong mahal mo na dati... sayo pero ngayon hindi na.


Niyakap ako ni Lina at hinayaan niya lang akong umiyak. Hindi ko kasi magawang umiyak sa hotel dahil alam kong magtataka ang mga kaibigan ko. Alam kong nahihirapan silang makita akong nagkakaganito lalo na si Ian kaya hangga't maari hindi ako pwedeng umiyak sa harap nila.



Hangga't maari... gusto kong isarili ang sakit na nararamdaman ko.




PAGKAUWING PAGKA-UWI KO agad akong sinalubong ni Heaven. Kasama niya si Erick na ngumiti lang sa akin pero halata sa mukha niya na nagtataka siya. Agad akong yumuko at kinuha ko si Heaven sakaniya. "Na-miss mo ako, Heaven?" tanong ko sakaniya.


"Aff.."


Napangiti ako "Aww.. I miss you too. "


Hinawakan ako ni Erick sa ulo ko at marahang ginulo yun. Hindi ako nakapag-react sa ginawa niya because somehow... yung ganitong paghawak sa noo ko nakakagaan ng pakiramdaman ko. "Everything's gonna be alright" he said.


"I know.. pero hindi ko alam kung kelan." mahina kong sabi. Masakit ang lalamunan ko kaya hindi ako masyadong nagsasalita.


Ngumiti siya sa akin "Think about yourself muna... anyway.. ako na munang bahala dito kay Heaven. Matulog ka muna at magpahinga. "


"Okay lang ba sayo, buong maghapon mo nang inaalagan yung puppy na binigay mo sa akin."


Ngumiti siya sa akin then he kiss me on my forehead. "Kahit hindi kita kaano-ano kapatid ang turing ko sayo. So sa nakikita ko sayo, kailangan mo nang magpahinga dahil baka ano pang mangyari sayo kapag hindi ka nakapagpahinga." sabi nito sa akin. Hindi na ako sumagot at ngumisi na lang ako sakaniya at tumango.



ERICK'S POV


PINAGMASDAN ko ang likod niya habang paakyat siya sa taas para magpahinga. Habang pinagmamasdan ko siya naalala ko sakaniya si Rhea na hindi marunong magsabi kapag malungkot na. Kitang kita ko sa mga mata niya kanina kung gaano na siya nahihirapan.


"Stop staring at her."


Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Daniel na masama ang pagkakatingin sa akin. "Why not?"


"She's not Rhea." simpleng sabi nito sa akin.


"Hindi ko iniisip na siya talaga si Rhea kahit na malaki ang pagkakahawig nila. Hindi ko lang talaga maiwasan isipin na may mga ugali silang magkapareho. Like falling in love with you but then get hurt because you're not man enough to take care of them."


Nakita ko kung gaano nandilim ang paningin niya habang nakatingin sa akin "You don't know anything." matigas niyang sabi sa akin.


"I do know anything. Hindi man nagsasalita si Danica ngayon, alam kong pagod na pagod na siya sa paulit ulit na nangyayari sainyong dalawa."


DAN'S POV


HINDI ako nakapagsalita sa sinabi ni Erick at pinanuod ko na lang siya na mawala sa paningin ko. Nagpipigil lang ako nang galit ko sakaniya kanina pero hindi ko maialis sa isipan ko yung mga sinabi sa akin ni Erick.


Hindi lang naman si Danica yung napapagod. Hindi lang naman siya yung nasasaktan.


Tao ako at napapagod at nasasaktan din ako. Hindi ba niya makita iyon? Hindi ba nila napapansin na nahihirapan din ako tulad ni Danica.


Umakyat ako sa taas at nagtungo ako sa kwarto niya. And there I saw her sleeping like a baby. Halata sa mukha niya ang pagod... Napatingin ako sa gawi ko nang makita kong naka-alarm yung phone niya nang 7 pm meaning matutulog lang siya ng four hours. Kumunot naman yung noo ko... hindi ba siya magkakasakit nito kapag ganito yung ginagawa niya.


I change it into 11 pm para naman makapagpahinga pa siya. At pagkatapos nun lumabas na ako at bumalik sa kwarto ko.


NICA'S POV


NAGISING AKO nang marinig ko ang pag-alarm ng phone ko at halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong 11 pm na kaya halos mag-ala flash ako sa pagkilos ko ngayon. Hindi ko alam kung paanong nangyari na 11 akong nagising samantalang sa pagkakaalam ko.. I should wake up around seven in the evening.


Nagsuot lang ako nang simpleng dress na hanggang sa kalahati ng hita ko. Pula iyun na polkadots dahil ang sabi ni Risa ito daw ang susuotin namin ngayon. Naglagay lang ako nang light na lipstick at sinuklay ko ang buhok ko.


11:56 na nang makababa ako kaya napangiwi ako nang makita kong nakasimangot na si Risa sa akin pero hindi na siya nakapagsalita dahil nga hinawakan na siya ni Sheen. Nginuso ni Sheen si Daniel kaya tumango ako at tahimik na naglakad sa tabi ni Daniel.


Napansin kong may hawak siyang beer kaya naupo ako sa tabi niya. "Can I have one?" tanong ko.


Hindi siya umimik pero inabutan niya ako. Tahimik lang akong nakatingin sa langit habang nakatingin sa iba't-ibang ilaw nang mga fireworks. Ang ganda at ang kulay nito.


Pagsapit nang 12 am binati ko ang mga kaibigan ko pati na din si Karen na ngayon ay nakanguso dahil tumanda na naman daw siya. And I know that... this year...


I hope that... everything that happen in this past year will never happen in my life again. That I hope that this another year that God gave to me will be better than before.



JANUARY TWO na kami bumalik sa Town dahil nag-ikot ikot pa kami at nagsaya. Nagpaalam na din ako sa mga taong nakilala ko dito sa Island. Kahit naman saglit ko lang nakilala sila Gian Lee at si Lina naging kaibigan ko din sila.


Mga kaibigan na pinangakong babalikan. Hindi man sa susunod na buwan pero alam kong babalik ako dito.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro