CHAPTER 31: Next life

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


KEAN'S POV


ILANG ARAW na ang nakalipas simula nung sumugod si Steffany Perez sa S.H.V and after that halos lahat nang istudyanteng nakakita nun ay nagsampa nang kaso sakaniya dahil sa pagbabanta nito sakanilang buhay. Sila Danica and Kenji naman well lagi naman silang magkasama



and I wonder kung ano ba talaga ang relation nilang dalawa. Sa nakikita ko kasi hindi lang sila magbest friend sa paraan na pagprotekta ni Kenji sakaniya.



Sa ngayon wala si Kenji dahil bumalik siya sa Japan para sa family gathering nila doon. Pero bago siya umalis ay sinabihan niya akong alagan ko daw si Danica and once na mabawasan daw ito nang kahit isang hibla ay papaslangin niya daw ako.



" Ano bang meron at kailangan natin pumunta sa Town, Kean? " tanong saakin ni Danica habang nakatingin siya sa labas nang bintana nang kotseng sinasakyan namin. 



" Pinapapunta kasi tayo don ni Lu, ang sabi niya doon na lang niya isi-celebrate ang birthday niya. " simple kong sagot.



Hindi na sumagot si Danica sa akin pero rinig na rinig ko ang kaniyang buntong hininga. Alam ko naman na ayaw niyang pumunta don pero wala kaming choice kasi doon napili ni Luchia mag celebrate ng birthday niya. 




...



...


NANG makarating kami sa Town ay agad kaming sinalubong ni Karen  na medyo malaki na ang tyan. Teka nga muna ilang buwan na ba tong buntis? Sa tinagal tagal na namin magkaibigan hindi ko pa alam kung ilang months na ang tyan niya. Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy siyang naglakad hanggang sa mayakap niya si Danica, na nagulat sa ginawa niya.



" Danica, I miss you so much. " sabi niya.



Mahinang tinapik lang siya ni Danica pagkaraan ay sumilay ang isang ngiting madalang ko na lang makita sakaniya. " I miss you too." bulong nito. 



" Ayun na pala si Danica at Kean ee... HELLO, LONG TIME NO SEE" sigaw ni Risa mula sa bahay niya na may apat na bahay ang layo mula sa lugar namin. 



Kumaway ako biglang sagot at tsaka ako napabaling sa gawi ko nang makita ko si Daniel at Luchia na may dalang dala na grocery. " Oh, gaano ba kalayo ang grocery at natagalan kayo?" nagtatakang tanong ni Karen sakanilang dalawa.



" Baka ang dami namin pinamili. " sarcastic na sinabi ni Daniel. Bigla siyang napatingin sa gawi ko o mas tamang sabihin kay Danica na ngayon ay para walang paki alam sa paligid niya. 



Tumikhim si Daniel para kunin ang attention niya at walang emosiyon lamang siyang tiningnan ni Danica. " Bakit?" tanong niya.



" Are you okay? Parang hindi ikaw ang kilalang ko Danica." sabi ni Daniel sakaniya.



Alam kong kahit sinong makakita ngayon kay Danica ay maninibago, hindi lamang sa kinikilos nito maging sa physical nito. Ang laki kasi nang pinayat ni Danica ngayon, na para bang hindi siya kumakain.


Ngumiti lang si Danica sakaniya, ngiting hindi man lang umabot sakaniyang mga mata. " Hindi mo naman kasi talaga ako kilala Daniel. You don't even know my real name. So how can you say na para hindi ako, ito when the truth is... you really don't know who I really I am." sabi niya and with that umalis na siya at nagtungo sa isang glasshouse dito.




Sa pagkakaalam ko ang glasshouse na yun ay pinagawa niya. At sa lahat nang bahay dito, ang bahay niya ang pinamahirap pasukin dahil sa taas nang security nito.



KAREN'S POV



HABANG
nagluluto si Daniel ay pinakatitigan ko lang siya. Pero panay naman ang buntong hininga ko. Ang iba naming kaibigan ay inaayos ang lugar kung saan gaganapin ang maliit na party para kay Luchia.



Nagtatakang tiningnan ko si Daniel nang bigla siyang naglabag sa harap ko nang Buko salad. " Kainin mo na yan." mahinang sabi niya.



Ngumiti ako " Sa tingin mo Daniel kumakain ba ngayon si Danica sa loob nang bahay niya?" tanong ko.



" Who knows? " sabi niya at nagkibit balikat siya, pagkaraan ay bumuntong hininga " Icah is right. I don't know her real name, she's completely stranger. "



Muli siyang tumingin saakin at mapait na ngumiti " Alam ko naman na wala akong alam sakaniya about sa pagkatao niya tulad ni Kenji. Pero kahit ganun, hindi pa din ako sumusuko na balang araw magiging okay ang lahat para saamin. " sabi niya.



Kumunot ang noo ko sa sinabi niya " What do you mean na alam ni Kenji ang pagkatao ni Danica?"



" He said that he knows the real identity of her. And base on how I know he is. Alam kong nagsasabi nang totoo si Kenji about sa pagkatao niya. But I wonder kung bakit hindi niya ito sinasabi sakaniya. Bakit hanggang ngayon, wala pa din alam si Danica kung saan siya galing."



Halos malaglag ang panga ako sa sinabi niya at nabitawan ko pa ang tinidor ko dahil sa sobrang shock ko sa sinabi niya saakin. " Paano niya nalaman?" tanong ko.



Aakmang magsasalita ako nang biglang " Anong nalaman?"



Parang slow mation na tumingin kami sa pinanggalingan nang boses na yun, and there I saw Danica's wearing a blue shirts paired by short shorts. Ang kaniyang buhok ay nakatali into a messy ponytail. " D-Danica" sabay namin nasabi ni Daniel.



Tumaas naman ang kilay ni Danica " Ang weird niyong dalawa. Anyway.. ang sabi ni Risa dito na lang daw ako tumulong. Ano ba yung pwede kong gawin?" tanong niya kay Daniel.



Tumikhim si Daniel at tsaka bumuntong hininga "Ikaw na lang ang gumawa nung cake. Ang sabi ni Luchia three layers daw nang cake niya."



Kumunot naman ang noo ni Danica. " Three layers? Bakit hindi na lang siya bumili nun sa labas?" takang tanong niya at tsaka inabot ang color blue apron na nakasabit sa gilid.



" Sinabi ko na din yun sakaniya but she just said that mas maganda daw kung pinaghihirapan ang kinakain." sabi ni Daniel..



Natawa naman si Danica na ikinakunot nang noo namin ni Daniel. " Bakit Icah may problema ba sa sinabi ni Luchia?" takang tanong ko.



Ngumiti si Danica " Wala, bigla ko lang naalala si Kenji. Madalas kasi niyang sabihin yan sakin kapag gusto niyang magpaluto saakin nang pagkain." sabi nito.



" Pinagluluto mo siya?" tanong ko ulit.



Tumango lang si Danica at tsaka kinuha ang mga ingredients at nagsimulang gumawa nang cake. Nag-uusap lang kami about sa mga bagay bagay, kung anu-ano din ang kinuwento niya saakin about sa mga ginagawa nila ni Kenji. And somehow, alam ko ang hulang kong may gusto si Kenji sakaniya ay nakikita ko.



Kenji is Risa's cousin, at alam ko kung paano tumatakbo ang utak ni Kenji. Minsan lang itong magbigay nang importansiya sa ibang tao. At ang mga bagay na ginagawa ni Kenji para kay Danica ay hindi katulad ng pag-aalaga niya saamin nila Risa, Shena at ako.


...

...

...

NANG MAG GABI
ay naiwan kaming mga girls sa bahay ko. Katatapos lang namin mag-party party samantala ang mga boys naman ay umalis at nagpunta kung saan. Ang sabi kasi nila, nabitin daw sila sa ininum nilang alak. Kaya malamang maghahanap sila kung saan sila makakainum. Kaming mga girls naman ay naiwan dito sa Town. Inaayos namin ang mga kalat namin para bukas wala na kaming iintindihin masyado.



Naikwento ni Danica na hindi daw siya tinitigilan nang fiancee ni Daniel. Na naging dahilan para hindi na siya magpunta masyado dito sa Town. Alam naman namin na ayaw niya nang gulo, pero lahat kami nakaramdam nang pagkainis at galit sa ginawa nang fiancee ni Daniel sakaniya.



" But it's already in the past now. Ang sabi ni Kenji may ginagawa na siyang move para hindi ako malapitan nang babaeng yun" sabi nito saamin.



Lahat kami nagbaling nang tingin kay Risa nang makita namin na nabali na niya yung tray sa sobrang galit niya. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik na para bang handa na siyang manakit kahit sino. " Bakit ngayon mo lang saamin sinabi yung nangyari, Danica?" galit nitong sinabi.



" Ayoko ko kasing mamoblema kayo." sabi nito.



" Pero hindi ibig sabihin nun pwede ka nang maglihim saamin. Bukod kay Lu, Kean, at Kenji wala nang nakakaalam nito hindi ba? Hindi lang naman silang tatlo ang kaibigan mo. Pati kami dito sa Town kaibigan mo. Wala akong paki kung sino pa yang fiancee ni Daniel. No one can messed with me when it comes to my friends. How dare her hurting you." galit na galit na sinabi ni Risa, taas baba din ang kaniyang dibdib na para bang pilit na pinapakalma ang sarili niya.



Lumapit si Ericka at Lu kay Risa at pilit itong pinakalma. Ngumiti lang si Danica sakaniya at tsaka marahang niyakap si Risa na ikinagulat niya. " Oy, Danica, nagtatampo pa ako sayo sa hindi pagsabi nang problema mo saamin. Wag mo akong yakapin hindi tayo talo." sabi ni Risa.



" Don't worry, hindi naman kita niyayakap kasi natitibo lang ako. Masaya lang ako kasi... nandiyan kayo para damayan ako."  sabi niya.



Napangiti na din si Risa at tsaka niyakap si Danica. Yumakap na din kami nila Luchia, Ericka at ako. " Sa panahon na ganito, ang sarap uminom nang alak." sabi ni Danica.



" Oo nga ee... may naitago pa ba tayong alak jan." sabi ni Ericka.



Ngumiti lang nang malaki si Risa at tsaka tumango. Napabuntong hininga na lang ako, mukhang hindi ako makakasabay sa pag-iinom nila ngayon dahil nga buntis ako. Hindi ko pwedeng ipahamak ang baby ko. Kahit na ayaw sakaniya nang daddy niya.



DAN'S POV

HINDI
kami natuloy nila Ian sa bar dahil nasalubong namin si Shena na pauwi palang galing sa bahay nang mga parents niya. Kaya ito kami ngayon maagang nakauwi sa Town. " Sige po mga Kuya ko. Matutulog na po ako." sabi niya and she kissed our cheeks as she went to her house to sleep.



Sabay sabay kaming napabuntong hininga dahil sa hindi natuloy ang gusto namin mangyari ngayong gabi. Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung bakit gustong-gusto kong uminom nang alak ngayon.



Lahat kami napatingin sa bahay ni Karen nang may marinig kami doon na hagikgik at malalakas na tawanan. Napakunot ang noo ko, parang nangyari na din ito dati. Agad akong nagpunta don at nakita kong sila Luchia, Ericka at Risa ay mahimbing nang natutulog sa sala. Samantalang si Karen naman ay natutulog nang mahimbing sa sofa. May unan at kumot din siya na malamang ay inilagay nang mga lasing na babaeng to.



Napatingin ako sa lamesa at nakita ko si Danica doon, na nakaupo at iniinom mag-isa ang emperador light. Naupo ako sa tabi niya " Can I join you?" tanong ko.



Inirapan niya ako " No need, I can finish this. " sabi niya.



I just look on her sad face. This is not the same Danica I've known. Hindi na siya yung babaeng masayahin, makulit at maingay. Wala na yung mga characteristic niyang minahal ko dati. " Alam mo ba, ang sabi nila... nakakatulong daw ang alak na kalimutan ang problema mo sa buhay, pero bakit parang hindi naman nangyayari saakin yun?" bigla niyang sabi saakin.



" Hindi mo naman kasi kailangan kalimutan ang problema mo. Minsan kailangan mo din yun harapin at solusyunan." sabi ko.



Ngumiti siya nang mapait. " Sana nga ganun lang kadali yun ee. " napatigil siya tapos tumulo ang kaniyang luha, tumingin siya saakin at marahang hinaplos ang pisngi ko. " Sana ganun lang kadaling kalimutan yung nararamdaman ko sayo, Dan. Sana yung sinasabi nilang move on madali lang gawin gaya ng pagsabi nila. Sana... Sana... Sana, hanngang sana na lang ang lahat. " sabi niya habang umiiyak.



Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ito na namin kami, dahil saakin umiiyak naman ang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko.



" Alam mo Dan. Iniisip ko na sana... nakinig ako sayo nang araw na nakipaghiwalay ako sayo. Ano kaya yung mangyayari. Magiging masaya kaya tayo? but who knows... We can't say our future since we don't know what will happen to us after this day." humagulgol na siya " Pero kahit ganun, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kahit na dahil sayo kaya ako nahihirapan nang ganito. Na sa sobrang hirap na... sa sobrang sakit dahil sa minamaliit ako nang Mommy and fiancee mo hindi ko magawang itigil tong nararamdaman ko para sayo."



Hinawakan ko ang kaniyang kamay " Then don't stop loving me. Danica. " I said. Alam kong napaka-selfish nang sinabi ko pero yun naman talaga ang gusto kong sabihin sakaniya.



Umiling siya. " I want to wake up in the morning with amnesia again. I want to forget this feelings that I have for you. I'm tired crying my eyes for you."


Tumayo siya at tsaka marahan niya akong hinalikan sa noo ko. " I love you and I still want to be with you, but maybe it will happen. In my next life."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro