[[EXTRA CHAPTER]] Coco Fushibayashi and Patrick Niwa

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

COCO'S POV

NAKANGUSONG BUMANGON ako sa pagkakahiga ko. Napagod ako sa party nila Daniel at Shun kagabi. Idagdag pa na naparami ang kinain ko sa handa kaya feeling ko ang taba taba ko na. Nagpunta ako sa banyo at saglit akong natigilan ng makita ko yung sarili ko.


Ang laki ng eyebags ko at ang dilim pa nito. Magulo ang buhok ko na para bang hindi ko ito sinusuklayan ng ilang linggo. Napabuntong hininga ako, mukhang kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Maybe I should relax myself this time while I'm here in my parents place. Napangisi ako sa naisip ko kaya dali dali kong ginawa yung daily routine ko.



HABANG NAG-AALMUSAL kami; as usual maingay pa din kami. Minsan lang kasi kaming mabuo or should I say minsan lang kaming makauwi dito ni Kuya Karl. "So what will you do this day, Princess?" my dad ask me.


Ngumiti ako sakaniya "I planned to go in the mall this day, relax myself before I lock myself in my tower and do something weird." I said.


Ngumiti naman sa akin si Mommy "May naisip kana bang bagong design?" nakangiting tumango ako sakaniya. "Good. Lemme see it and then gusto kong yun ang maging theme ng fashion show natin this coming December is that okay with you? Hindi mo naman kailangan madaliin yun." she said.


Kumislap naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy sa akin "Talaga po? As in for real ako yung po yung mag de-design?"


Tumawa si Mommy "Princess, anak kita kaya alam kong kaya mo yun. And besides it's about time na makita naman ng publiko ang nag iisa kong anak na babae."


"Mommy baka naman po matakot yung publiko sakaniya. Monster kaya siya" pang aasar ni Kuya Karl sa akin.. Sinimangutan ko siya "Look at that face, hindi yan bebenta." natatawang komento niya.


Pinaikot ko ang aking eyeballs "Kesa naman sa mukha mo, Kuya. Kung ang mukha ko hindi bebenta then what more if yung mukha mo yung gagamitin. Edi nalugi yung fashion industry natin." I said.


Aakmang magsasalita siya ng biglang sumipol si Daddy para patigilin kami sa pagtatalo. Napangisi tuloy ako ng lumabi lang si Kuya. Napansin kong nakangiting nakatingin sa akin ang mga magulang ko pero hindi naman sila nagbigay ng komento.


Alam ko naman ang iniisip nila ee. Alam kong iniisip nila na okay na ako kesa nung araw na malaman nilang nawalan ako ng anak.


**FLASHBACK**

NIYAKAP AKO ni Mommy nang mahigpit at pilit na pinapakalma nila ako. Halata naman kay Kuya Karl ang galit dahil sa sobrang dilim ng mukha nito ngayon. Hindi ko maiwasan hindi mapaiyak ng husto. Naramdaman kong masuyong hinaplos ni Daddy ang buhok ko kaya malungkot na tumingin ako sakaniya.


"It's not the end of your life, Princess." sabi niya sa akin.


"Alam ko pong galit kayo kasi maaga po akong nabuntis at nawalan ng anak. Pero Daddy... masakit po palang mawalan ng anak. Anak na hindi man lang nasilayan ang mundo?" umiiyak kong sabi. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din matanggap na wala na sakin ang anak kong si Baby Adonis.


Pinunasan ni Daddy ang luha ko "Anak... hindi ko sinasabing isang kasalanan ang magkaroon ng anak sa edad mo ngayon. Because I know that every babies in this world is the God's gift to us. Hindi man nasilayan ng apo ko ang mundo... But your baby change your life. His alive Princess.. his alive in your heart."


Hindi na ako nakapagsalita pa at naiyak na lang ako. Marahan akong pinatahan ni Mommy sakaniyang bisig. Itong mga sandaling ito... ito yung gusto kong maranasan nang anak ko. Gusto kong maranasan niya kung paano ako minahal ng mga magulang ko. Gusto kong maging ina sakaniya.


"Wag kang mag alala, anak. Hindi ka namin iiwan ng pamilya mo. Hindi ka namin sasaktan" bulong sakin ni Mommy. Marahan akong tumango.


Naramdaman ko ang paghawak ni Kuya Karl sa kamay ko at ngumiti siya sa akin "I promise that I won't let any bastard hurt you, Sis. Magkakamatayan muna kami bago ka nilang masaktan uli. I promise that." sabi niya sa akin.


My brother kiss me on my forehead.


"Kailangan mong tandaan na kahit wala na ang anak mo. You have to live your life for him. Hindi kailangan huminto ang buhay mo dahil lang sa nawalan ka. Habang buhay mong dadalhin ang pagkawala niya, but you have to move on." my mother said to me.


**END OF FLASHBACK**


LIHIM AKONG napangiti sa naalala ako. Dun ko nga lang talaga na-realize na hindi ka talaga iiwan ng pamilya mo sa oras ng pangangailangan.


"Daddy, Mommy... look at Coco's face ang creepy ng ngiti niya." pang aasar ni Kuya Karl sa akin.


Napasimangot ako sakaniya "Mas creepy ka at hindi ako." inis kong sabi niya.


Aakmang magsasalita ako nang biglang dumating yung Mayor doma namin sa bahay "May tao pong naghahanap kay Lady Kare--- I mean Lady Coco."


Kumunot naman ang noo ko "Dad and Mom.. titingnan ko muna kung sino yung naghahanap sa kagandahan ko."


Natawa ng malakas si Kuya "Baka may pinagkakautangan ka lang...." sinimangutan ko siya at hindi na lang nagsalita pa. Baka kasi mapaslang ko ang kapatid ko kapag pinatulan ko pa siya ee.



MALAKAS AKONG napabuntong hininga habang nakatingin sa kaniya. Nahahapong pinagmamasdan ko siya "Wala ka man lang pasabi na pupunta ka pala sa bahay." nakalabi kong sabi.


Ngumiti siya sa akin. Isang ngiting naiinis akong tingnan dahil iba ang nararamdaman ko dun. "I called you a while ago pero walang sumasagot kaya nag aalala ako sayo kaya pinuntahan kita agad."


Namula ako sa sinabi niya. "Agad?" hindi siya sumagot sa akin pero nakangiting tumango naman siya. Aakmang magsasalita ako nang biglang mag-ring yung phone ko. Kumunot naman ang noo ko "Bakit ba yun, Kuya?"


PATRICK'S POV

PINAGMAMASDAN ko ang kunot na kunot niyang noo habang nakikipag usap sa kapatid niya. Lihim akong napangiti dahil never kong nakita na ganito si Coco. Sumimangot siya na para bang gusto na niyang sakalin yung kapatid niya.


"Bahala ka nga jan, Kuya. Pangit ka pangit BLEEEEEEEH!" nakasimangot niyang sabi at tsaka niya pinatayan.


"Bakit ba ang sama ng ugali ng Kuya ko? Pangit naman talaga siya hindi niya pa aminin sa sarili niya." tiningnan niya ako at kunot na kunot na ang noo niya "Diba masamang magsinungaling. Diba? Diba? Diba?"


Natawa ako sakaniya at masuyo kong hinawakan ang pisngi niya "Papangit ka kapag lagi kang nakasimangot." bulong ko sakaniya.


Napasinghap siya sa sinabi ko. At exagerated niyang kinapa ang mukha niya "Pangit na ba ako? OMG HINDI AKO MABUBUHAY KAPAG PANGIT NA AKO."


Mas lalo akong natawa sa sinabi niya kaya sumimangot siya sa akin "WAG KA NGANG TUMAWA JAN.. Hindi mo ba nakikita na... na namumublema na ako sa mukha ko."


Ngumiti ako sakaniya then I pulled her until she sat down on my lap. Namumula ang kaniyang mukha at pero ngumiti lang ako sakaniya. I press my forehead to her then stare on her beautiful eyes "You're beautiful, Coco without even trying."


She blushes on me. I gently run my fingers on her cheeks making her bite her lower lips. Slowly... I lean and claim her lips. I slowly kissed her and I took my time learning the shape of her lips. I heard her moan when I started nibbling her lower lips. And I took that I sign and plunge my tongue to her.


Exploring her mouth. I groan and my hands started to stroke her back; giving her more pleasure. When our lips parted we're both gasping for air. "P-Patrick." she whispers.


I didn't say anything and I pulled her again and kiss her; more passionate and deep this time.


COCO'S POV


HIS KISSES is driving me crazy. I want to pull away but I found myself returning his kisses on me. I moan on his mouth when he explore my mouth using his tongue. Hindi ko alam kung gaano na ba katagal.... simula nung huli kong nahalikan sa labi.


Ngayon na lang ulit...


Ngayon na lang ulit simula nung makaramdaman ako nang ganito.


Ngayon na lang simula nung bumilis ng ganito ang puso ko.


Ngayon na lang simula nung maramdaman kong nagmamahal ako ulit----




O___O

Agad ko siyang tinulak at parehos kaming kapos ang hininga. I bite my lower lips as I stare on his eyes. Do I love him?



NO... this is not happening to us. Ayoko...


I mentally shook my head... My breathing is rage and I know that Patrick can see how pale I was now. Nag aalalang hinaplos niya ang pisngi ko as he tilt my head making me look on his eyes. "What's wrong?"


"W-Wala naman."


"Sigurado ka?" bulong niya sa akin.


Lumuko ako ng laway bago ako umalis sa kandungan niya. Huminga ako ng malalim at tsaka ko siya pinagmasdan sa kaniyang mukha na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa akin. "A-Aalis muna ako, Patrick..." paalam ko sakaniya.


"Gusto mo bang samahan na lang kita?" nag aalalang tanong niya sa akin at aakmang hahawakan niya ang kamay ko; ay agad ko iyun iniwas na ikinakunot ng noo niya. "Coco?"


"H-Hindi kaya ko na. Itetext na lang kita, later." I said before turning my head and leave him there.



NAGPUNTA AKO sa S.H.A kasi gusto kong makausap si Danica. I need her right now... kailangan ko ng matinong kausap ngayon at kung si Risa ang tatawagan ko for sure pagtatawanan niya lang ako. On the other hand, I'm also not sure kung seryoso kong makakausap ngayon si Danica.


Dali dali akong nagpunta sa student council room dahil alam kong dun naman madalas mamalagi si Danica ng mga ganitong oras. Hindi na ako kumatok and there... I saw her removing her clothes. "Hindi ko alam na naghuhubad kana dito, Danica?" tanong ko sakaniya.


Nagbaling siya ng tingin sa akin at ngumuso "Sana isinasarado mo yang pinto, at baka may makakita sa akin dito, diba?" she said sarcastically. Napangisi lang ako sakaniya pero sinunod ko naman yung sinabi niya. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" kunot noo niyang tanong sa akin.


"I have a problem." panimula ko.


"Oooh? about ba sa pera? kung Oo then nagkakamali ka ng nilapitan, wala din akong pera" sabi niya at tsaka niya tinanggal yung blouse niya.


I rolled my eyes to her "Alam kong kuripot ka kaya hinding hindi ako magkakamaling manghingi sayo no." napangisi siya sa sinabi ko. Nakita kong kinuha niya yung P.E t-shirt niya at tsaka sinuot yun. "Iba kasi ang nararamdaman ko ee." sabi ko.


"Nararamdaman? baka sign yun na mamamatay kana?" biro niya.


"HAR-HAR very funny, Danica Yuuki Perez" I cross my arms below my breast "Pero seryoso ako."


"Seryoso din ako, Coco. Baka nga sign yun na mamamatay kana kaya dapat ilibre mo na ako. O kaya gumawa ng last will testament mo. Do you want me to help you?" tanong niya sa akin.


Napapikit ako ng madiin sa sinabi niya. Bat sa lahat ng oras ngayon pa hindi naging matino kausap ang babaeng to.


"Alam mo Coco, stop over thinking everything. Minsan kasi kailangan mong itigil ang pag iisip sa isang bagay para hindi maging komplekado ang sitwasyon." sabi niya tsaka niya inilapag sa harap ko yung tea na ginawa niya.


"Diba mas magiging komplekado kapag hindi mo inisip ang gagawin mo." kunot noo kong tanong sakaniya.


Ngumisi siya sa akin "Pero in your case, kahit hindi mo naman isipin ang isang bagay nagiging komplekado na."


"And what do you mean by that?" nakasimangot kong tanong sakaniya.


Nagkibit balikat siya sa akin at tsaka siya nahahapong sumandal "I just sense it. Hindi mo naman kailangan takbuhan kung ano ba yung problema mo ngayon. Minsan kailangan mo din harapin yun."




MATAPOS KONG KAUSAPIN si Danica hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Napakadaling sabihin na harapin ko kung ano ba tong nararamdaman ko, pero hindi kasi ganun yung nangyayari ngayon. Mahirap ang sitwasyon ko kasi... hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya once na malaman niyang nabuntis ako before pero nakunan lang ako.


Alam ko sa sarili ko na hindi maganda sa isang babae na kung sinu-sino ang gumalaw. Actually... I dream myself to seetled down with Darwin since his my first in everything. Pero hindi naman lahat ng bagay ganun... hindi lahat ng pinangarap nagagawa. Naupo ako sa isang swing at tsaka ko pinagmasdan ang babaeng kausap ang anak niyang lalaki.


Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sakaniya. Kung sakali sigurong nabuhay ang anak kong si Baby Adonis, one year old na siguro siya. Siguro naglalakad na siya...


Siguro marunong na siyang magsalita.


Siguro masaya kami ngayon...


Mapait na ngumiti ako sa naisip ko at tsaka ko pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Napangat ako ng tingin ng biglang may mag abot sa akin ng panyo. At nanglaki ang mga mata ko nang makita ko si Patrick na nag aalalang nakatingin sa akin. "Ayos lang ako.." mahina kong sabi.


Hindi siya sumagot at tsaka pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan na hindi isipin yung malaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko.


"Stop acting like a tough woman, Coco. Minsan kailangan mo din ipakita na mahina ka." sabi niya.


Umiling ako at pilit na ngumiti sakaniya "I-I'm fine--" napasinghap ako ng bigla na lang niya akong hinapit at niyakap.


Like his telling me that everything's gonna be alright. " Coco I'm always here.. hindi kita iiwan.. kaya please wag mo naman solohin ang problem mo .. i'm here right beside you"


" I'm really not okay.. but i'm trying to be okay.. don't worry.. As times go by, my heart will heal .. and I'm proudly say to you that finally I'm back.. that I've move on "


Hindi ko alam kung darating ba yung sandali na magiging okay ako. Kasi let's face the truth. Kahit kailan hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko, nagkaanak ako ng hindi ko man lang nagawang protektahan.


I close my eyes when all of the sudden, Patrick claim my lips again. He kissed me gently and really passionate. Like he was telling me that everythings gonna be alright in the near future.



" It's really hurt to see you acting like that.. It's hurt to know that wala akong magawa para matanggal yang sakit na nadarama mo pero Coco I want you to know that I love you, i really do. Alam ko na hindi ito yung right time para sabihin to sayo pero matagal nakitang mahal simula nung valentine na realize ko na ang katulad mo ang kailangan ko.. nakakatawa nga ee hindi ko alam kung bakit ikaw ang minahal ko??? kung bakit ikaw pa ang muling nag patibok ng puso ko ?? BALIW ka, hindi ka nga marunong magluto, maglinis ng bahay oh anu pa man nung nakilala kita ee pero kahit ganun tinanggap kita .. sa tuwing nakikita ko yung smile mo.. I want to protect it and that tears on your eyes !! I want to erase it "


Napauwang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung maiinis ako kasi nilait niya ako o dapat akong kiligin sa sinabi niya. I love him too... but what ifs



Magbreak kami ??


Pano kung mag away kami ???


Pano kung nagkaroon ako ng problema ??


I always run to him whenever I have problems in my life. Alam kong maaapektuhan yung pagkakaibigan namin if ever na sabihin ko sakaniya yung nararamdaman ko ngayon. Ayokong masira yung friendship namin.


Mapait na ngumiti ako sakaniya "Hindi mo ako pwedeng mahalin."


"Why not ??"


" Kasi hindi nga pwede. Hindi ako ang babaeng para sayo may deserving pa "


" Oh c'mon! hindi sila o kahit ikaw ang makakapagsabi nyan sakin. Para sakin walang mas deserving pa kesa sayo, pinili kitang mahalin kasi alam ko sayo ako sasaya, pinili kitang mahalin kasi ... kasi ... kasi ... "


" Kasi ano ??" tanong ko sakaniya. Hindi ko alam kung bakit ko pa to tinatanong sakaniya.


" Kasi hindi ko alam. Basta bigla ko na lang naramdaman na mahal ko na ang isang bipolar na katulad mo may magic ba sa mga ngiti mo, sa mga titig mo na sobrang nagpapabilis ng tibok ng puso ko ??"


Alam kong namumula ako mga pisngi ko pero agad akong tumikhim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Hindi na ako pumalag ng bigla niya akong hatakin at yakapin.


I could feel him inhaling my scent as he gently stroke my hair. "I love you, Coco..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro