Chapter 15 : Danica is back in Town

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 Nica Pov

Nakahilata ako sa higaan ko dito sa apartment ko at wala akong maisip na gagawin.

alam kong nag tataka kayo kung bakit ako nandito sa apartment ee ang sinabi ko nga sa mga kaibigan ko ee nasa HOSPITAL ako nag papagamot 

Well !! actually its a bluff !! ayoko lang talagang malaman nila kung nasaan ako. Gusto ko lang talagang mapag isa ngayon !!

pero ngayon

Namimiss ko na talaga sila >.< sila kaya iniisip din kaya nila ako ??

Ano kaya kung dumalawa ako dun ?? Tapos sabihin ko tumakas lang ako sa hospital ??

hmmmmmmm ... Oo nga no !! yun na lang ang gagawin ko. Dali dali akong naligo at nag bihis.

Ang suot ko nga pala ngayon ee isang white t-shirt lang tapos naka suot ako ng shorts tapos nag suot din ako ng rubber shoes tapos nag lagay lang ako ng pulbo and ginulo ko yung buhok ko. Medyo mahaba na din pala yung buhok ko aa 

hanggang sa may shoulder ko na yung buhok ko. Habang nag aayos ako biglang

*knock, knock, knock*

Natigilan ako sa pag aayos ko sa sarili ko at binuksan ko yung pinto kaso

o.O --> my face

HOW COME ?

Anong ginagawa niya dito !?

Nag smirk siya sakin then " hospital pala huh "

" A-A-Anong g-g-ginagawa mo dito ?? " tanong ko.

" I should be asking that Satan girl, I thought nasa hospital ka ngayon ?? " he asked me while he's smirking.

Oh my !!

Siguro naman nahulaan niyo na kung sino tong Pangit na nilalang na nasa harap ko ngayon !?

Tama kayo GUYS !! ang nasa harap ko lang naman ngayon ay si Daniel Cruz.

" Ano bang kailangan mo sakin ??" mataray kong tanong.

Kaso hindi niya ako sinagot at deri-deritsyo lang siyang pumasok sa loob ng apartment ko. " ANO BA ?? BAT KABA PUMASOK ?" naiinis kong tanong.

" Ang pangit naman ng apartment mo " sabi niya habang tinitingnan ang bawat sulok ng apartment na to.

Sinamaan ko siya ng tingin .. Tapos naupo siya at pinatong niya yung paa niya sa lamesa at " well, masasabi kong comfortable naman tong bahay mo !" sabi niya.

" ..... " ako. Hindi pa din ako nag sasalita at tinitingnan ko lang siya ng masama.

Tiningnan niya ako at nag smirk siya tapos " Alam mo bang lahat ng babaeng tumingin sakin ng ganyan seconds lang ang binilang at nainlove na sakin .. "

Nag blush naman ako sa sinabi niya kaya iniwas ko yung tingin ko sakaniya at " as if naman na magkakagusto sa isang tao na hindi man lang marunong mag sabi ng thank you " I said.

Narinig ko yung pag chuckle niya kaya napatingin ako sakaniya .. Totoo ba yung narinig ko nag chuckle talaga siya ??

Nag smirk siya sakin tapos " Namiss kita Icah !? " He said.

I blush and my heart race sooooooo FAST and I didn't know why. Iniwas ko yung tingin ko sakaniya tapos " HA-HA-HA funny !! as if true naman " I said while rolling my eyes.

Kaso bigla niya akong niyakap as in NIYAKAP AKO NI 

DANIEL CRUZ 

" O-O-O-Oi !! b-b-bitawan mo nga ako !! " sabi ko habang tinutulak siya palayo sakin kaso 

Niyakap pa din niya ako.

" DANIEL CRUZ ANO BA BITAWAN MO AKO CHANSING KANA EY !! " sabi ko

He chuckle and " Ang kapal mo aa .. and besides nakita ko na yang half naked body mo kaya wag kang mag illusyon na may dapat pa akong makita sa katawan mo " sabi niya.

Nag blush naman ako .. Di ko alam pero ang totoo nyan 

Namiss ko si Daniel Cruz, namiss ko yung pang aasar at pag sisigaw niya sakin. I really really mi---shit I hate this feeling. Tinulak ko siya at " ANO BA !!?? ANO BANG GUSTO MONG SABIHIN SAKIN ALAM MO BANG AALIS AKO NGAYON " I yelled.

" huh !? saan ka naman pupunta ??" tanong niya

" sa lugar kung saan wala ka !!" mataray kong sinabi.

" saan nga !?" tanong niya ulit.

" Tsk !! " yun lang ang sinabi ko. Kapag sinabi ko sakaniya na pupunta akong town for sure sasabihin niyang sabay na lang kaming bumalik dun.

huminga ako ng malalim and " Mag gi-gym ako ngayon " bored kong sinabi.

" sasama ako " sabi niya

Tiningnan ko siya ng masama tapos " Ako ba pinag loloko mo huh !? Di ba nga ayaw ko ng makipag talo sayo kaya umalis kana dito baka magtalo pa tayo "

He sigh " You know what Icah !? Hindi ako nandito para makipag talo sayo .. Yes its true na nagsasawa kana sakin makipag talo but ... since nung umalis ka sa town .. I felt incomplete " sabi niya at pahina ng pahina yung pagkakasabi niya.

He called me Icah ?? wow !! ang sarap sa pakiramdam nun aa and what he said ??

He felt incomplete ??

" And you expecting  me na maniwala jan sa mga sinasabi mo !? Please lang Daniel !! nakakasawang sumigaw sayo !! lumalayo na ako diba !? bakit kailangan mo pang pumunta dito " I said.

" Ee hindi naman kasi ako nakikipagtalo sayo diba !? diba ?? diba ?? " sabi niya tapos palapit ng palapit yung mukha niya habang sinasabi yung 'DIBA'

Hindi na ako sumagot tapos nag cross arms siya and " Satan Girl  pumunta ka na sa town hindi lang naman ako ang nakakamiss sayo ee .. pati din sila, tsaka hindi mo naman kailangan pang mag sinungaling na nasa hospital ka " sabi niya.

Nag smirk ako sakaniya and " Well, alam nila na matagal na akong nakalabas ng hospital .. ikaw na lang hindi pa " I lied.

" oh really " he said sarcastically.

Hindi na ako sumagot kasi hindi naman talaga ako magaling sa pag sisinungaling ee .. He sigh and " Aalis na ako .. puntahan mo sila please " yun lang yung sinabi niya at umalis na siya.

Dan Pov

Pagkaalis ko sa bahay ni Icah hindi ko alam pero ngayon lang akong kinabahan ng ganito.. Nung makita ko siya kanina parang naging masaya ako. 

Pero Sana naman diba ??

Bumalik na siya sa town !! hindi ko na kasi kayang makita pang malungkot yung mga girls ee =_______= ang LAMYA kasi ng mukha nila tapos lagi pa silang walang gana kung kumain

NAKAKATAMAD silang tingnan I swear !!

Nica Pov

Nung makaalis si Daniel, umalis na din ako at nakipag kita sa mga girls at nung makita ko sila hindi ko inaasahan na sobrang payat na nila.

" Giiiiiiiirls " I said tapos kumaway pa ako sakanilang tatlo.

Nung makita nilang akong tatlo. Sabay sabay nila akong niyakap at " Namiss ka namin " sabay sabay din nilang sinabi sakin.

Nag smile ako tapos kumalas na sila sa pagkakayakap sakin. Kumain kami sa isang karenderia and " Nica-nee, bakit po nakasalamin kana ??" tanong ni Shena.

" Kaya nga two months lang tayong hindi nag kita aa .. anong keme yang pagsasalamin na yan ??" tanong ni Risa.

" dsnadbsbfsbs " - Karen.

" Karen you should nguyain muna ang kinakain bago magsalita .. hindi kami mongoloid para maintindihan yang sinasabi mo " I said while pouting.

Nilunok niya yung kinakain niya then " Mukhang kang nag cocosplay !! Oo nga pala !! kamusta yung health mo ?? " tanong niya.

" umm ... Actually medyo okay na !! May isang bagay lang talaga ang hindi nag babago sakin after all " medyo malungkot kong sagot.

" Ano ba kasi yung sakit mo ??" tanong ni Risa.

" Its complicated ! pero hindi naman HIV or AIDS or Cancer yung sakit ko, medyo matagal lang talaga gumaling yung akin." sabi ko.

" Kung hindi naman pala nakakahawa yung sakit mo bat hindi mo pa samin sabihin ??" tanong ni Karen.

" May mga bagay kasi na ayaw ko ng pinag uusapan" then I smile bitterly.

After nun nag usap lang kami ng kung anu-ano !? Nag kwento sila sakin kung ano na yung kaganapan sa school. 

Dan Pov

Nang makauwi ako nakita ko sila Ian, Darwin at Sheen na nakaupo sa ilalim ng malaking puno dito sa town. Lumapit ako sakanila at " Nasaan yung mga girls ??" tanong ko.

" hmm .. Nakipag meet sa isang friend hindi nila sinabi kung saan ee" sabi ni Sheen habang nag lalaro ng PSP.

" aa .. " yun na lang ang nasabi ko at nakiupo sakanila.

" Oo nga pala Niel saan ka nag punta kanina at ang aga mong nawala dito sa town ?" tanong ni Darwin.

" Nakipag kita lang ako sakaniya ... " sabi ko.

" Sino dun sa maldita pero pa cute sayo na babae ??" tanong ni Ian.

" at sino naman yung tinutukoy mo ?" tanong ko sakaniya.

" Edi yung Steffany ba yun " sagot niya.

" tsk !! as if naman na mag aaksaya ako ng panahon dun no .. mas mahalaga yung pinuntahan ko kesa sakaniya " sabi ko.

Napansin ko na napahawak si Sheen sa stomach niya and " Nagugutom na ako .. miss ko na yung luto ni Nica " sabi niya.

" At anong tingin mo kay Nica katulong mo na ipagluluto ka " sabi ni Ian.

" Hindi naman pero miss ko na kasi si Nica .. Hindi ba natin pwedeng dalawin si Icah ?" tanong niya.

" Tsk !! " yun lang yung sagot ni Ian

Tapos napansin ko na may pumasok sa town at nakita ko sila Karen at Risa na kakauwi lang 

Mas pinagmasdan ko lang yung kasama nila at si

Rhe----- ay hindi pala si

Danica lang pala.

Nung makalapit sila samin nag smile si Nica tapos " HELLO "

Hindi ko alam pero nung makita ko yung smile niya bigla na lang akong nag blush !!

PUTEK !! ang gwapo ko para maging BAKLA 

" Dan may dumi ba sa muk--- " sabi ni Icah kaso hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi niyakap siya ni Ian.

" anata ga itai to sebishii " sabi niya

(anata ga itai to sebishi: i miss you )

Tsk !! Ian if I know madalas kayong magkita ng pinsan mo !! BWESIT !!

" huh !? a-a-ano n-n-namiss din kita Ian .. Of course pati kayo Sheen and Darwin " sabi ni Icah kaya 

Naki yakap na din sila Sheen and Darwin. " WAAAAAAAH NAMISS KA NAMIN " they say both in chorus.

" NANDE .. ANG SIKIP BITAWANA NIYO NA AKO " sigaw ni Ian na halatang napipikon na.

( nande : what the hell ??)

Bakit ganito habang pinag mamasdan ko si Ian na masyadong close kay Icah hindi ko maiwasan na makaramdam ng selos tsk !? Ano ba naman yan ? Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon ??

Kaso biglang dumating si Steffany kaya napaghiwalay ang tatlo kay Icah

" Panira" bulong ni Darwin at Sheen na halata naman na nilakasan nila para marinig ni Steff.

" tsk !! bakit ba nandito naman siya " bulong din ni Ian.

" Huh !? sino ba kasi siya at ganyan ang mga mukha niyo " bulong ni Satan girl

" Wag mo na munang alamin Nica " maikling sagot ni Darwin

" but !! " -Satan girl.

" No more buts " sabi niya

" WOW !! UMI-ENGLISH KA TOLL NAWALA LANG AKO SAGLIT GANYAN KANA !! " sabi ni Satan girl.

Natawa tuloy ako ng wala sa oras, seryoso na sila kanina tapos bigla siyang magiging ganyan. Pasaway na yan !! " Ay naku Nica minsan na nga lang mag english ginaganyan mo pa ako " natatawang sinabi ni Darwin.

" Bat ano bang ginagawa ko sayo !! pinupuro na nga kita jan ee " sabi niya tapos nag cross arms siya and nag pout pa.

Natawa naman sila Sheen and Ian kaya " HEY !! stop laughing nag mumukha akong zany ee " sabi niya at halatang naiirita siya.

Pero

Ang cute niyang tingnan. At dahil nga yung atensyon ko na kay Icah hindi ko napansin na nasa harap ko na si Steff. Umalis naman yung anim. Susunod na sana si Icah sakanila kaso

Hinawakan ko yung kamay niya, kaya natigilan siya. Ramdam ko din na nakatingin siya sakin pero NEVERMIND ko lang.

Nica Pov

Paalis na sana ako kaso biglang hinawakan ni Dan yung kamay ko. Teka nga muna sandali

Sino ba kasi tong Girl na to at iniiwasan siya nung iba ??

" umm Niel ! Pinag luto kita " sabi nung Girl.

tssh !! I'm sure mas masarap akong magluto kesa sakaniya. Napansin ko na parang nagulat si Dan at " um.. nag abala ka pa " sabi niya.

Tsk !! Itong lalaking to !! siguro kaya niya ako pinag stay dito kasi gusto niyang makita ko yung landian nilang dalawa. Tsk !! as if I care to them. Tapos napatingin ako kela Darwin at sumisenyas sila sakin na lumapit ako sakanila.

Lalapit na sana ako sakanila kaso hinatak na naman ako ni Dan huminga ako ng malalim and " I CAN'T DARWIN .. Just wait " tapos pilit kong tinatanggal yung kamay niya pero

Hindi ko matanggal kaya " DARWIIIIIN " I yelled. Yung tipong para ko siyang inaabot kasi ang layo layo niya.

Tapos umarte din si Darwin na inaabot yung kamay ko at " DANICAAAAA " sigaw din niya.

MUNTANGA siya no -_____- 

Hinatak ko ulit yung kamay ko and " DARWIN .. I'M GOING " sigaw ko.

" I'M JUST HERE TO WAIT .. MY DEAR " sabi niya.

Natatawa naman yung mga kasama namin. Hindi ko na napansin yung kausap ni Dan kasi naman busy ako sa ginagawa namin kalokohan ni Darwin.

" NAKAKADIRI YUNG MY DEAR, MY LOVE NA LANG " suggest ni Risa.

Kaso sasagot pa din sana ako kaso " PWEDE BA ICAH !! WAG KANG MAGULO " sabi ni Niel.

Tiningnan ko siya tapos " EE KUNG BINIBITAWAN MO NA AKO "

Hindi siya sumagot tapos " MY DEAR !! DARWIN ?? OH !! HINDI NA SIYA PUPUNTA JAN KASI SAKIN NA SIYA " sabi ni Daniel with a smirk.

Hindi ko alam pero bigla akong nag blush sa sinabi niya. " Asa ka naman bitawan mo na nga ako !! nag lalaro kami ee " sabi ko.

" Hindi ba ako pwedeng makisali ??" tanong niya.

" ummmm ... oo "

" tsk !! sasali ako at hindi ka pupunta sakaniya kasi sakin ka "

Mas lalo naman akong nag blush !! Alam kong nag lalaro lang kami ni Darwin nang my dear pero yung ganitong sinabi ni Dan 

Aaminin ko na kinilig ako tapos " AYEEEEEEEEEEEE !! " sigaw nung mga kaibigan namin.

Nakatingin lang ako kay Daniel at bigla siyang nag smile sakin. At ang gwapo niya pala kapag ang SMILE siya ng ganun

As in nakakalusaw yung smile niya. Mag sasalita pa sana ako kaso

" Ikaw " napatingin kami ni Dan sa nag sabi nun at

Bigla niya akong 

*PAAAAK*

Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya "Steffany bakit mo siya sinampal ?? "

" inanagaw ka niya sakin " sagot niya.

" HINDI MO AKO PAG MAMAY-ARI " sigaw ni Dan. Sige Dan ipagtanggol mo ako sakaniya.

Naramdaman ko na lumapit sakin sila Ian pero hindi ko maintindihan

Bigla na lang tumulo yung tears ko T.T

Kaya tumakbo ako .. " ICAAAAAAAH " sigaw ni Dan

" Nicaaa " sigaw nung iba. Narinig ko na pinaalis nila Karen at Risa yung babae kanina.

Pumasok ako sa isang bahay dito sa town at hindi ko alam kung kanino bang bahay to. Basta tuloy tuloy lang akong pumasok hanggang sa makarating ako sa kwarto nitong bahay.

Ian Pov

Napaalis na namin yung babae at hinihintay na lang namin lumabas si Nica sa bahay ni Daniel. Kaso

" 5 minutes na simula nung pumasok siya sa loob ng bahay ko ... Don't tell me umiiyak pa din siya ??" tanong ni Niel

" Malamang .. BWESIT yung babaeng lumalandi sayo Niel aa .. kung hindi lang talaga ako inawat nito ni Ian MASASAMPAL KO YUN " inis na sinabi ni Karen.

" Bat kasi hindi mo pa sinampal ng hindi na nakabalik yung bwesit na babaeng yun " sabi ni Niel.

Tinulak ko siya tapos " Puntahan mo yung pinsan ko" utos ko.

" HUUUH !? bakit ako !? diba dapat ikaw kasi pinsan ka niya " sabi niya.

" Kanino bang bisita yung na nampal sa pinsan ko huh !? diba bwesita mo naman yun HALA SIGE PUNTAHAN MO NA YUN " utos ko 

" tsk ! " yun lang yung ginawa niya tapos umalis lang siya at may kinuha.

Ano naman kaya ang gagawin nung lalaking yun. " oh saan yun pupunta ?" tanong ni Karen.

" hayaan mo na siya .. siguro mag iisip lang yan ng speech niya kasi alam niyang hindi tumatalab kay Nica yung charm niya. " natatawang sinabi ni Sheen.

" umalis na nga tayo dito !! hayaan na natin sila " sabi ko. Nag punta kami kung saan at iniwan namin yung dalawa.

Dan Pov

Nagpunta ako dito sa likod ng bahay ni Karen kasi ang alam ko meron siyang tanim na mga rose ee

Kaso ang nandun lang ee RED ROSE 

Tsk !! bakit ba wala siyang WHITE ROSE !? 

Huminga ako ng malalim and pinitas ko yun .. Bahala na mamamaya .. mukhang hindi naman mapapansin ni Karen na binawasan ko yung mga Rose dito sa paligid niya ey =_______=

Tapos dahan dahan akong pumasok sa sarili kong bahay. 

Weird ba !?

Sarili kong bahay pero dahan dahan akong pumasok !! Nung makarating ako sa kwarto ko. Nakita ko si Icah na nakaupo at minumukmuk yung ulo niya sa kama ko.

" I-I-I-Icah " sabi ko.

" Ayos lang ako Dan .. di naman talaga ako iiyak kanina kaso .... hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo yung luha ko ee " sabi niya at halata sa boses niya na katatapos niya lang umiyak.

Lumapit ako sakaniya at inilapag ko yung red rose na kinuha ko sa bakuran ni Karen kanina at " Sorry kung red rose yan .. wala kasi akong nakitang white rose ey .. "

" Huh !? bat ka pa nag hahanap ng white rose ??" tanong niya.

" Alam ko kasing yun yung gusto mo !! "

" but how did you know that I like white rose ?? " tanong niya ulit.

" Bat ba ang dami mong tanong !? tanggapin mo na nga lang yan !!"

" tsh !! sungit " tapos kinuha niya yung rose.

Nica Pov

Kinuha ko yung rose at napatingin ako sa paligid ko at 

o.O --> my face

" bakit yun ??" nagtataka niyang tanong sakin.

Huminga ako ng malalim and " DANIEEEEEEEEEEEL CRUUUUUUUUUUUUUZ " sigaw ko.

" B-B-B-Bakit ba ??" nauutal niyang tanong.

Tumayo ako at " KUNG ANO ANG KINAGWAPO MO AYUN NAMAN ANG KINADUMI NG BAHAY MO .. HALA MAG LINIS KA KADIRI KANG NILALANG !! " sigaw ko.

" O-O-Oo na po " tapos dali dali siyang nag linis ng bahay niya.

Ito lang ang masasabi ko.

I THINK I'M IN LOVE WITH HIM.

Dan Pov

Two hours ang inabot ko bago ko matapos linisin ang buong bahay ko at NAKAKAPAGOD !!

Sa ngayon naka upo ako sa sofa nag papahinga tapos " oh orage juice " sabi ni Icah nung sinerve na niya yung juice sakin.

" Salamat " sabi ko.

Tiningnan niya lang  ako habang iniinom ko yung juice kaya " bakit mo ako tinitingnan ? don't tell me may lason tong juice na to ??" tanong ko.

She sigh and " Wala no ! Oo nga pala kanina mo pa ako tinatawag na Icah " sabi niya tapos iniwas niya yung tingin niya sakin.

Napataas naman yung kilay ko " and ??" 

" Can I call you Dan " tanong niya.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya.. Si Kuya Diel lang ang tumatawag nun sakin .. pero hindi ko alam kung bakit ako nag nod sakaniya.

Ano bang nangyayari sakin ??

After nun bumalik siya sa kusina kaya sinundan ko siya. Nakita ko na nag luluto lang siya at mukhang madami siyang niluluto para samin.

Babalik na sana ako sa sala ng bigla ko siyang marinig kumanta at 

Ang ganda pala ng boses niya !?

kaya " WOW !! ang ganda pala ng boses mo " sabi ko.

Napansin ko na nagulat siya sa sinabi ko kaya nasugatan siya sa may kamay 

OH SHIT !! " Ouch me " sabi niya.

" I-I-Icah s-s-so-so-sorry " sabi ko. Baka ipadala na niya ako kay Lucifer ng wala sa oras

" Nanggugulat ka kasi ee " sabi niya lumapit ako sakaniya tapos tiningnan ko yung hiwa sa may kamay niya

" so-sorry naman .. nagandahan lang ako sa boses mo " sabi ko.

Tinitigan lang ako ni Satan Girl at ewan ko lang huh !?

Feeling ko namamalikmata ata ako nung bigla ko siyang nakitang mag blush pero nawala din bigla.

Yumuko siya at " a-ayos lang" sabi niya

WEEEEEEEEEE ??

Di nga ang iniexpect ko sa kaniya susugatan niya din ako " Di ka galit ? " tanong ko.

Iniwas niya yung tingin niya sakin at " tawagin mo na lang sila wag ng madaming tanong " sagot niya.

Napasmile ako sakaniya .. Ang cute ni Satan girl ngayon para siyang nahihiya sakin ee

" Oo nga pala " sabi ko tas napahawak ako sa batok ko.

Tiningnan naman niya ako and " Bakit yun Dan ??" 

" Ang cute mo "

Namula siya ng sobra at binatukan niya ako " MANAHIMIK KANA NGA !!" sigaw niya sakin.

Tinawag ko na sila para makakain na kami gutom na din kasi ako matagal tagal nadin simula nung huli akong kumain ng normal na luto ee =_=. Kung anu-ano lang yung pinagkwentuhan namin, halos lahat puro kwento ni Icah sa work niya nagulat nga ako may work na siya agad ey.

" Oo nga pala anong sabi ni Dad about your condition ??" tanong ni Ian.

" umm .. ang sabi sakin ni Uncle kahapon medyo okay na ako, Althought may mga bagay na Alam mo na ... " sabi ni Icah.

Ano ba yung pinag uusapan nitong dalawang to!!?

" By the way Nica saan ka matutulog ngayon ??" tanong ni Risa.

" dito sa bahay ni Dan " maikli niyang sagot.

Nasamid naman ako sa sinabi niya kaya " HAA ?? are you sure ?? bat hindi sa bahay ni Ian ??" tanong ko

" madumi yung bahay ni Ian ngayon .. tsaka dito kasi malinis na kaya makakatulog agad ako .. tsaka bat ba ayaw mong maniwala, mukha ba akong nagjojoke" sabi niya.

" hindi kasi kapani-paniwala tsaka baka naong isipin nila " sabi ko.

" bakit mo kasi iisipin yung iisipin ng iba, gawin mo man o hindi ang isang bagay meron pa din silang iisipin sayo " sabi niya.

WOW !! WORD OF WISDOM yun aa !!

" at kelan mo pa inisip ang iisipin ng iba Niel ?? " tanong ni Risa sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Pero nag smile lang siya sakin. tshh !! Pa-cute di naman cute =______=

After nun naghugas na ako at natulog na kami ni Icah. Don’t get me wrong huh !! Sa sala po ako natulog at siya dun natulog sa kwarto ko =_=

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro