Chapter 20 : There's no permanent

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dan Pov

After mag confess sakin ni Icah medyo nailang ako siya sakin. Well hindi ko naman talaga intention na halikan siya nung nag panggap ako nun ee pero kasi

Nung makita ko na umiiyak at nasasaktan siya. Ang tanging naalala ko lang ay si Rhea.

Tatlong araw na din simula nung nakalipas simula nun at hindi na siya nakipag kita saakin o kahit kay Ian pa. Nakikipag kita lang siya kela Shena at sa iba pang girls.

Oo nga pala nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng apartment ni Icah pano kasi ee

*Flashback*

" Bakit ganun Karen-nee, nakangiti nga saakin kanina si Nica-nee pero yung mata niya naman po ang lungkot lungkot. " Sabi ni Shena.

Nakita kong hinawakan ni Karen yung ulo ni Shena and " Aba malay ko dun, may mga bagay lang talaga  na hindi natin pwedeng malaman, tulad nga ng sinabi ni Ian, baka hindi pa lang talaga tayo pinag kakatiwalaan ni Nica ngayon " sabi niya.

" Kaya nga tsaka ang sabi naman satin ni Ian, si Nica ang unang lalapit satin kung gusto na niyang sabihin ang lahat ee. " Sabi ni Risa.

" Pere po, halata po kasi sakaniya na may nananakit sakaniya ee" malungkot na sinabi ni Shena

" ANO ?? SINONG MAY GAWA NUN AT PAPATAYIN KO ANG MAY GAWA NUN RIGHT HERE AND RIGHT NOW !! No one dare to hurt my precious friends. " napipikon na sinabi ni Risa

*End of Flashback*

Alam kong mali yung ginawa kong pakikinig sakanila pero nung narinig ko yung pangalan ni Nica ewan ko ba 

Naging matalas yung tenga ko. At kahit na medyo malayo sila narinig ko pa yun. Tapos biglang may humawak sa balikat ko at nang makita ko yun si Icah. Nakapony tail siya, naka dress din siya na short sleeve na white at hanggang tuhod yun and sa gilid nun may red na rebon pa, ang cute ng suot niya pero

yung mukha niya EMOTIONLESS 

As in kung makikita niyo siya ngayon para siyang hindi si Icah na laging mataray. Para siyang ibang tao ngayon.

" What are you doing here ?? May kailangan kaba ??" tanong niya agad.

" umm .. Bawal pumasok sa loob ?? pasok pasok din diba "

Ngumiti siya kaso halatang pilit, nauna siyang pumasok sakin sa loob kaya sumunod na lang ako

" Sit down " alok niya sakin.

" Alam mo Icah kahit di mo sakin sabihin nyan uupo talaga ako no "

Tinitigan niya lang ako kaya " Hoy !! makatingin ka naman akala mo wala ng bukas !! wala ka naman balak sakin Satan girl diba ?? Naku wag mong pagnasasahan ang maganda kong  katawan " biro ko lang kaso binato niya ako ng tsinelas sa mukha. " ARAY KO NAMAN " reklamo ko.

" ANG KAPAL  MO HELL BOY .... ASA KA NAMAN, ANG KAPAL TALAGA  TSSH " Then nag pout siya.

Natawa ako sakaniya " ANONG NAKAKATAWA ?? BALIW KANA BA ?? ANG LAKAS MONG MANGTRIP AA "

" WAG KA NGANG SUMIGAW ANONG INGAY MO TALAGA KAHIT KELAN " tapos bigla siyang nanahimik.

5

10

15

20

25

30 minutes, tssssh di nga siya nag ingay ... bored na ako >.<

" Icah ??" sabi ko. Tinitigan niya lang ako kaya " Pwede sumagot ka?? wag puro titig huh !? dito ako matutulog "

bigla naman nanlaki yung mga mata niya tapos " Joke yan diba ??"

" Bat tumatawa kaba ?? dito nga ako matutulog ang kulet ??" 

" hindi ako makulit ... niloloko mo lang kasi ako diba ?? "

Lumapit ako sa kaniya kaso nilayo niya naman yung mukha niya tsshh .. naiilang siya sakin 

" hoy !! di kita hahalikan okay ... at pwede paki sabi  jan sa utak mo na, dito ako matutulog inuulit ko dito ako matu---ARAAYY naman bat mo ko binatukan ?? "

Tae tong babae na ito sadista ang potek >.< tumayo siya at nagpunta sa kusina kaya sinundan ko siya

"anong gusto mong kainin hell boy ??" sabi niya

"kahit ano basta yung masarap " then she gave again a fake smile

Nica Pov

After namin kumain, naligo muna ako. Bakit kaya dito siya matutulog ngayon ?? Anong gagawin ko ?? *sigh*

Kinuha ko yung MP3 at yung speaker ko tapos nag patugtog muna ako

============================================

Now Playing : I love you, Goodbye

============================================

" I wish, I could be the one

The one you were dreaming of " pagsabay ko sa kanta

Tama yun sana ako na lang siya, Sana ako na lang yung babaeng mahal ni Dan.

" The kind of love you really need

Wish i could say to you

That i'll always stay with you

But baby that's not me

You need someone willing to give their heart and soul to you

Promise you forever, baby that's something i can't do "

Alam ko naman na hindi ako yung mahal niya pero kahit ganun ayaw pa rin tumigil ng puso ko sa pagmamahal sakaniya.

" Oh i could say that i'll be all you need

But that would be a lie

I know i'd only hurt you

I know i'd only make you cry

I'm not the one you're needing

I love you, goodbye "

Dapat na akong lumayo sakaniya kasi the more na mas naging malapit ako sakaniya the more akong maiinlove sakaniya at kapag nangyari yun mas lalo lang akong masasaktan.

Dan Pov

Ang lungkot naman ng soundtrip ni Icah habang naliligo siya, Ano bang trip niya sa buhay ? maging EMO !?

Kakatokin ko na sana siya kaso bigla kong narinig yung paghikbi niya. Don't tell me umiiyak naman siya ??

Tsssh !! Nakakainis naman oh !! Kung nasasaktan lang naman siya bakit pa niya patuloy na minamahal ang isang tao na hindi naman talaga siya mamahalin ??

Pwede naman siyang tumigil at mag move on na diba ?? Bakit hindi niya kaya gawin yun !!

I bite my lower lips and nag punta na lang ako sa sala, ayaw ko kasing marinig yung pag iyak niya ee.

Nahihirapan din kasi ako.

*After 1 hour*

Inuugat na ako dito sa kakaupo. Hindi pa ba siya lalabas ?? Tatayo na sana ako ng bigla kong nakita na bumukas na ang pinto ng banyo. At alam niyo ba na amoy sa buong paligid yung buhok niya.

" Icah, inuman tayo ??" sabi ko.

Hindi siya sumagot pero naupo naman siya sa may sofa and " Wag kang mag joke kasi hindi naman nakakatawa " mataray niyang sagot.

" Tssh !! Hindi ba ako pwedeng mag sabi ng hindi joke ?? Seryoso ako no !! inuman tayo dali na " yaya ko.

Nag sigh siya and " Ayoko nga !! ayoko ng magkaroon ng head ache and besides anong meron ?? bakit tayo iinum ??" tanong niya.

" Bakit kelangan ba ng dahilan para uminom ??" tanong ko din sakaniya.

" Bat mo ako tinatanong ?? diba tinatanong kita dapat mo munang sagutin ang tanong ko bago mo ako tanungin " mataray niyang sagot sakin.

" Pwede ba, kahit ngayon lang wag kang mag PMS jan !! " tapos tumayo ako.

" Oh saan ka pupunta ??" tanong niya.

" Sa labas bibili ng iinumin natin, unless may nakatago kang beer sa ref mo " sabi ko.

" tsh !! bahala ka sa buhay mo " Sabi niya kaya lumabas na ako para bumili ng iinumin namin.

Nica Pov

Nakapag bake na ako ng cake lahat lahat wala pa din yung anino ni Dan, ano kayang nangyari dun ?? Tssssh !! Don't tell me nang babae muna siya bago siya bumalik dito sa apartment ko.

Nag punta ako sa kwarto ko at kumuha ng jacket, pero

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Dan ang dumi niya tapos yung ilalim ng lips niya may sugat. Don't tell me napaaway pa siya. ?

Hahawakan ko sana siya kaso bigla niya akong niyakap " Wag ka ng umiyak Satan girl "

umiiyak ?? ako ??

hinawakan ko yung pisngi ko at umiiyak na naman pala ako. " Ano ba kasing nangyari ?? Sinong may gawa nyan sayo ??" tanong ko.

" Ayos  lang naman ako ee, Wag ka ng umiyak Icah please "

" Sino ba kasi ang may gawa niyan, halika babalikan natin ako yung bubugbog para sayo " I said between my sobs.

Kumalas siya tapos nag smile siya yung smile na nagpapabilis ng puso ko. " Manahimik kana nga, ang sabi ko OKAY lang ako .. as in O-K-A-Y lang ako .. Icah hindi mo naman kailangan umiyak ee " sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

I bite my lower lips tapos hinawakan ko siya sa kamay at hinatak ko siya papasok tapos padabog kong isinara yung pinto ng apartment ko. Pinaupo ko siya sa may sofa at kumuha ng first aid kit and then sinimulan ko ng gamutin yung sugat niya.

" A-Aray Icah, pwede bang mag dahan dahan ka " reklamo niya.

" Manahimik ka .. kung hindi ka lumabas kanina edi sana hindi ka napahamak ngayon " sabi ko tapos naiiyak na naman ako.

Hinawakan niya ako sa mukha at pinuunasan ang luha ko " Alam mo, napansin ko lang bukod sa pagiging Satan girl, Sadist and maingay na babae isa ka din palang CRY BABY, sabi nang okay lang ako. Hindi naman masakita ee" sabi niya.

Diniinan ko yung sugat niya at " ARAY " reklamo niya.

" Hindi pala masakit yan sa lagay na yan aa " sabi ko.

" Tsssh !! " yun na lang ang sagot niya.

" I hate you .. sa susunod na mangyari to !! PEPEKTUSAN kita sa ngala ngala... " sabi ko then I glared him.

Kaso

Tinawanan niya lang ako yung tipong naiiyak na siya sa kakatawa. " What's funny ??" I asked him.

" You know what Icah, Feelings are never permanent, maybe you love that person today, maybe you hate that person tomorrow, you can never know how much that person means to you unless, that person is GONE, remember the ENDS justify the MEANS"

Napataas naman yung kilay ko at natigilan sa ginagawa kong pang gagamot sa sugat niya " What was that for Daniel Cruz ??" Tanong ko.

" Did you get it !! Walang permanent sa mundo, even our feelings "

" Meron permanent dito sa mundo, yung true love, yung love satin ng creator permanent yung dalawang bagay na yun " sabi ko.

" If our creator loves us why we need to suffer ?? why we need to suffer this pain ??"

Ang lungkot lungkot ng mga mata ni Dan. Huminga ako ng malalim and " This is a challenge for us Dan, tinitingnan niya lang kung gano tayo katatag dapat lang tayong maniwala sakaniya" sabi ko.

" Alam mo Ica puyat ka pa no !? Ang dami mong alam ee " natatawa niyang sinabi sakin kaya 

Binato ko siya ng unan sa mukha " Aray naman " reklamo niya

" Epal ka kasi ee, minsan na nga lang mag seryoso ginaganyan mo pa ako " inis kong sabi sakaniya.

After ko siyang gamutin kumain lang kami ng cake na ginawa ko tapos nanuod kami ng action movie and after nun natulog na kami. Don't get me wrong kasi dito siya sa may sala natutulog at ako dun sa kwarto ko.

Inayos ko yung kumot niya tapos pinagmasdan ko siya matulog tapos I smiled bitterly " Dan I can't stop fallen in love with you " tapos tumulo na naman yung luha ko. I kissed him on his forehead 

kaso yung paalis na ako bigla niya akog hinawakan sa kamay ko at " Rhea ... Stay with me ..... please tuparin mo ang promise mo ............... " sabi niya habang natutulog. Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

" Damn it ..... Ang lakas ng loob mo na sabihin sakin na mag move on ako pero ikaw hindi ka pa nakakamove on sakaniya .... Bakit ganun Dan ang unfair mo !? ang unfair mo ?? Hinayaan mo lang akong mainlove sayo pero hindi mo naman ako sinalo nakakainis ka " sabi ko.

Pinunasan ko yung luha ko at I leaned closer then I kissed him on his lips. Smack lang yun tapos bumalik na ako sa kwarto ko at umiyak hanggang sa makatulog na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro