Chapter 28 : It's hurt like hell

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 Shun Pov

Maaga kaming nagising kasi nga may mga gagawin kaming peperation sa pag alis namin. Lahat sila nag kaka-ugaga na sa pagkilos samantala ako nag hahanap ng timing para makapasok sa kwarto nung girlfriend ni Niel, kaso sa tuwing malapit na ako kung hindi si Niel yung nakakahuli sakin si Risa at yung iba pa. Tssk !!

Nung mapansin ko na medyo wala na yung atensyon nila sa pinto ng kwarto nung Danica ba yun. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at dahan dahan ko din binuksan yun kaso " Saan ka pupunta ??" tanong nung boses

" tsshh ! sa puso mo bhie !! wag ka ngang epal jan " sagot ko ng hindi tinitingnan kung sino ba yung kausap ko.

" Nii-san ... saan ka pupunta " sabi nung boses.


Nii-san ??

Napalunok ako at dahan dahan nilingon ang kakambal ko na nakatingin sakin ng masama.

" O-O-Oooh !! Hi Niel .. himalang tinawag mo akong Kuya aa " sabi ko at ngumiti ako ng pilit.

" sagutin mo yung tanong ko saan ka pupunta ??" tanong niya.

" s-s-s-sa banyo ?" sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at " kung sa banyo ka pupunta ee bat nandyan ka sa pinto ng kwarto ni Icah ?? "

" K-Kasi .... " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi

" wag mo ng tingnan yung girlfriend ko kapag natutulog !! pwede makikita mo din siya mamamaya " sabi niya

" at bakit ko naman  gugustuhin makita yang girlfriend mo " tanong ko.

" kasi alam kong curious ka sa look niya ... I'm warming you if you love your eardrum don't go near to my girlfriend kundi goodbye eardrum ka na "

Nag nod na lang ako, bat ganun ?? feeling ko yung girlfriend niya kinatatakutan niya... Ano bang klaseng babae yung girlfriend niya ??

Amazona ba yun tulad nila Risa at Karen ??

" aalis kaming lahat paki bantayan lang tong apartment at paki linis na din "

" tssshh " sabi ko

" Please lang Nii-san wag mong guguluhin si Danica kundi makikita mong magalit ang isang Satan girl "

Pagkatapos niyang sabihin yun ee umalis na silang lahat. Tsk !! bandang huli nautusan pa akong mag linis tssk !!


After kong maglinis dahan dahan akong pumasok sa kwarto nung girlfriend niya at nung makita ko yung babaeng natutulog sa kama... Pakiramdam ko huminto yung oras ko ng saglit. Siya ba yung girlfriend ni Niel ??

Mukha nga siyang hindi nakakatakot ee ... Mukha din siyang mabait ...


" Dan ... " she said while sleeping ... I smile ang cute ng boses niya. Tapos naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko siya hanggang sa inimulat niya yung mga mata niya. When she seen me she blink her eyes twice

I smiled and " Good morning Angel " sabi ko kaso ....


" KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH !! W-WHO A-ARE YOU ??? " tapos tumingin siya sa paligid niya " ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO HUH !!! MAGNANAKAW KABA .......... NASAAN SI DANIEL BAKIT KAMUKHA MO SIYA ??"


ouch my eardrum ??

" Ako si Daniel ... hindi mo ba ako nakikilala ??" sagot ko kaso

Bigla niya akong sinapak at sinipa... Napahawak ako sa ilalim ng lips ko kasi feeling ko nagkasugat.. Ang amazona naman ng babaeng to... Tiningnan niya ako ng masama at

Kung yung mga nakakamatay yung tingin niya kanina pa ako duguan dito.. "DON'T USE THE NAME OF MY BOYFRIEND HERE .... YOU ASSHOLE ..... YOU ARE PERVERT GET OUT " Tapos hinawakan niya ako sa collar ko at pinagtulukan niya ako palabas ng pinto...

Jusko gusto ko pang mabuhay .... Yung eardrum ko .... >.< Ganito ba yung ibig sabihin na sinabi sakin ni Niel kanina ??

' kasi alam kong curious ka sa look niya ... I'm warming you if you love your eardrum don't go near to my girlfriend kundi goodbye eardrum ka na '

Tinulak niya ako palabas ng kwarto niya at padabog na isinira yun... Grabe !!

Mukhang totoo yung kasabihan na DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER. Mukha pa naman siyang mabait kapag natutulog pero kapag nagising siya akala mo kung sinong DEMONYO yung sumapi...

Nica Pov

Nanginginig ako sa galit. Crap that Man !! ang lakas ng loob na gamitin yung name ni Dan ... ARGH !! Nasaan na ba yung lalaking yun ??  Pano niya kaya naiwan sa tulad nung lalaking yun ??

Nag bihis na ako at nag toothbrush bago ako lumabas sa kwarto ko at, Mas lalo akong nainis kasi nandito pa yung lalaking yun at nanunuod ng spongebob.

" Bat hindi ka pa umaalis ??" I said with a cold tone.

" hindi ba ako pwede dito " sabi niya ng hindi nakatingin sakin.

I bite my lower lips and " JUST GET OUT OF HERE !! HINDI KO GUSTONG MAKAKITA NG STRANGER DITO SA BAHAY KO "

Tiningnan niya ako at " Alam mo ba na kanina pa masakit ang tenga ko sa kakasigaw mo ? " Sabi niya

Hindi ako sumagot at pinagmasdan ko lang siya, huminga siya ng malalim then " I'm Danillo Shun Cruz, and obviously kakambal ko yung boyfriend mo " hindi niya ako tinitingnan at patuloy pa din siya sa panunuod ng spongebob. Napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras.

" Sa tingin mo ba cool ka ??" tanong ko sakaniya.

Napansin kong tumaas yung gilid ng labi niya at nilingon niya ako " Lahat ng lalaki nanunuod ng spongebob... "

" Wala akong pakialam sa iba, ang sinasabi ko ee, sa tingin mo ba nagmumukha kang cool sa panunuod mo yan ??"

" hindi ko sinabi na nagiging cool ako sa panunuod ko nito, at alam mo ba may napapansin ako sayo" Hindi na ako sumagot sakaniya at hinintay ko na lang yung sunod niyang sasabihin sakin tapos " Masyado kang maingay para maging girlfriend ng kapatid ko, sigurado ka bang girlfriend kaniya o fling ka lang niya ?? Ang alam ko kasi mas prepare ng kapatid ko ang tahimik na babae, I don't want to offend you I swear " sabi niya.

At dahil sa sinabi niya, MAS LALO akong nagalit sa sinabi niya. Ako Fling ni Dan ?? Alam kong hindi niya ako mahal pero hindi naman ibig sabihin nun ee hinahayaan kong paglaruan lang ako niya ako.. At dahil sa sinabi niya, mas lalo kong narealize na hindi ako mahal ni Dan tulad ng pagmamahal ko sakaniya ??

Bakit ??

Hindi ba obvious sa gusto niya sa babae ??? Ang sabi ng kapatid niya. Mas gusto ni Dan yung tahimik na babae at sobrang layo nun sakin kasi unang una sa lahat, palasigaw ako at pala salita. I bite my lower lips to keep my sobs, I want to cry ... Lumapit ako sa kapatid ni Dan at hinawakan ko siya sa collar niya. Bakas sa mukha niya na nagtataka siya sa ginawa ko sakaniya..

" Makinig kang mabuti sakin ... Hindi ko alam kung ano ba ang trip mo sa buhay at ang hilig mong manghimasok sa isang bagay na hindi ka naman pinapapasok ... and let me tell you one thing, HINDI AKO FLING NI DAN OR SHOULD I SAY NG KAPATID MO ... WELL, SABIHIN NA NATIN NA HINDI NGA AKO ANG TIPO NIYANG BABAE, BUT lahat ng tao nagbabago, I'm sure pati yung type niya sa babae nag bago na. "

And after kong sabihin nun nagpunta na ako sa kusina, at dun na tumulo yung luha na pinipigilan kong pumatak sa harap ng kapatid niya.

Shun Pov

After niyang sabihin yun nagpunta siya agad sa kusina,... Argh !! nakakatakot naman yung babaeng yun ??? Mas nakakatakot pa siya kay Risa at Karen ee =__________=

" Hoy !! Manyak !! kumain kana dito " sigaw niya mula sa kusina.. Hindi na ako nagsalita at pumunta na lang daw. Nakita kong nakahain na yung fried rice tapos meron siyang Ham and hotdog, then meron din siyang fresh orange juice. Naupo na ako at nag simula na siyang kumain...

Then bigla niyang kinuha yung phone niya mula sa pocket niya then " Hello ... ...................... shut up will you ...................... oh I see that pervert .............. I'm pretty serious here Daniel Cruz ................ " sabi niya tapos tumingin sakin nang emotionless, Natatakot ako sa tingin niya promise. I gave her BAKIT-NANAMAN-BA-LOOK tapos SHUT-UP-LOOK lang ang binigay niyang sagot sakin. Abat siya na maldita " EWAN KO SAINYO .................... Bye " tapos pinatay na niya yung call at kumain na ulit siya. After niyang kumain iniligpit niya yung kinainan niya at pumasok na siya sa kwarto niya ng walang ibang sinasabi.

After kung kumain hinugasan ko yung pinagkainan namin tapos naupo na ulit ako, at alam niyo ba na  sobrang bored dito. Tumayo ako at kumatok sa kwarto nung babaeng maldita " hey !! aalis ako " sabi ko. Hindi siya sumagot kaya huminga ako ng malalim then " silence means yes " I said, pero wala pa din akong nakuhang words galing sakaniya kaya lumabas na lang ako dun.

Dan Pov

Nang makabalik kaming lahat galing sa kung saan, nakita namin si Icah na nakaupo sa may sala at nanunuod ng tom and jerry, Lalapit sana ako sakaniya para ikiss siya sa cheeks niya kaso bigla siyang umusog at iniwas niya yung mukha niya then she look at me in a cold look. " Saan kayo galing ??" she asks.

" Good morning Icah, and galing kami sa labas kasi may mga binili kami " sabi ni Ian.

Tiningnan niya ng cold si Ian at " walang good sa umaga ko, at bat lahat kaylangan kayong lahat ang magsama sama ?? " tanong niya.

" kasi madami kaming binili ee " sabi ko.

Tiningnan niya ako at tumayo siya " ewan ko sayo, sana naman diba, hindi niyo ako iniwan sa isang taong hindi ko naman kilala ! " sabi niya tapos pumasok na siya sa kwarto niya and after ilang minutes lumabas ulit siya and this time nakasuot na siya ng black jeans with a white tank top, naka messy bun din yung buhok niya at tsaka niya kami nilagpasan.

Bat ba kanina niya pa ako tinatarayan ?? Meron ba siya ?? Dala lang ba yun ng PMS niya ?? Oh God !! nakaka-frustrate naman yung binibigay niyang ugali sakin. Hindi namin pinagusapan pa yung ugali ni Icah kanina, kasi alam namin na mali talaga yung ginawa namin pag iwan sakaniya.


pero


habang tumatagal na hindi siya nakakalik, parang kinakabahan ako, yung feeling na hindi ka mapakali. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya but hindi niya din yung sinasagot.

To: Ma'Girlfriend
Psst !! hey
-- End

5 minutes later but still she didn't answer my message to her. I try to call her again but hindi pa din ito sumasagot.

To: Ma'Girlfriend
Saan ka ?? hey please answer my call
-- End

And tulad kanina hindi pa din siya nagreply. ARGH !! DAMN what's wrong on her ?? hindi naman siya ganito aa...

" Hey Niel, kung ako sayo sundan muna si Icah kung hindi ka jan mapalagay. " sabi ni Ian.

" At saan ko naman siya hahanapin ?" tanong ko.

" aba malay ko !! sa ugali ni Icah for sure mamamaya pa uuwi yun.. Kilala mo naman magtrumps yun diba ?" sabi niya ulit, tsaka pinagpatuloy yung ginagawa niya kanina. Huminga ako ng malalim at nagpaalam lang ako sakanila na hahanapin ko si Icah. At alam niyo ba na kanina ko pa siya hinahanap at miski ang anino niya hindi ko makita.


Argh ! malapit na akong mapikon, nasaan na ba kasi yung babaeng yun ??? hanggang sa nakita ko siyang patawid, yung mukha niya napaka pale at para bang may iniinda siyang sakin na ewan. Then bigla ko siyang nakitang patawid without thinking na may palapit sakaniya kaya tumakbo ako at hinigit ko siya, medyo masakit yung pagkakadalusing namin sa kalsada, " Shit !!" I murmured.

" Danica, are you okay ??" I asked her but I don't get any reaction or words came to her. I look to her and I've seen that she got wound in her left arms " Oh shit " At mas nanglaki pa ang mga mata ko ng makita kong wala siyang malay at may lumabas na dugo galing sa ilong niya. " Danica !! oy ... Danica ... " niyogyog ko siya para magising siya but it's no use, dali dali ko siyang binuhat at dinala sa pinaka malapit na ospital.

Karen Pov

Tinawagan kami ni Niel na nasa hospital daw sila ni Icah kaya dali dali kaming nagpunta dun, nang makarating kami sa ospital, nakita namin si Niel na nakaupo sa waiting area tapos naka yuko siya. Lumapit kami sakaniya at " Niel, ano bang nangyari ?" tanong ni Risa.

" Muntik na siyang masagasan, but Damn it !! nasagip ko naman siya ee, but the hell ... nakita kong wala siyang malay at higit sa lahat may lumabas na naman na dugo sa ilong niya." sabi niya at halata sa boses niya na takot na takot siya.

Takot na takot saan ??


" Niel she will be fine " sabi ni Ian in a calm voice.

Tiningnan niya ng masama si Ian tapos hinawakan niya yun sa collar at " damn it ... Pano mo nagagawang maging kalmado sa mga panahon na ganito, MAGSABI KA NGA SAKIN NG TOTOO ?? MAY SAKIT BA SI ICAH ?? "

" wala siyang sakit Niel " sabi niya.

" Ee bat nagnonose bleed siya ?? " tanong niya ulit.

" Niel, alam mo naman na bawal mag isip ng husto si Icah diba ?? At kapag ginagawa niya yun, it's either mawalan siya ng malay or mag nose bleed siya and worse is sabay na mangyari yun " sabi niya ulit. Hindi nagsalita pa si Daniel at hinitay niya na lang na lumabas yung doctor na gumagamot kay Icah sa loob.

Dan Pov

Kanina ko pa binabantayan si Icah dito, ang sabi kasi ng doctor ee kaylangan niya ng pahinga... "Icah naman, wag mo naman akong tinatakot ... ayoko ng mawalan pa ng isa pang mahalagang tao sa buhay ko " I said habang hawak hawak ko yung kamay niya. Tapos bigla siyang nag mulat ng mga mata niya at inikot niya yung paningin niya sa buong paligid hanggang sa makita niya ako. I smile to her " Hello "

" Nasaan tayo ?" tanong niya.

" nasa hospital "

" aaah " yun lang yung sagot niya .. tapos bigla niyang kinuha yung kamay niya sa pagkakahawak ko at iniwas yung tingin niya sakin then " leave me alone "

" no !! "

" just let me alone " sabi niya.

" No, Danica, nung hinayaan kitang umalis kanina, napahamak ka ?? pano kung mapahamak ka ulit ??"  naiinis kong tanong sakaniya.

She chuckle bitterly " nasa hospital na tayo Dan, at kung sakali man na mapahamak ako, I'm sure may darating na nurse para alagaan ako "

" at bakit ko naman iaasa yung pagaalaga sayo sa iba ?? " sabi ko.

" Just LEAVE ME ALONE DAN... NAPIPIKON NA AKO SAYO AA... HINDI MO IAASA ?? PERO INASA MO AKO KANINA SA HAMBOG MONG KAKAMBAL KANINA NUNG UMALIS KA ?? " sabi niya tapos tiningnan niya ako ng masama.. " Just leave me alone, baka kasi may masabi pa akong masama sayo, hayaan mo munang lumamig yung ulo ko pwede " sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at habang nakatingin ako sa mga mata niya alam kong may kalokohang sinabi si Shun sakaniya.Argh ! HUMANDA KA SAKIN SHUN >.< Tumayo na ako at " Sige aalis muna ako, pero babalik ako mamaya " I said then I lean closer and kiss her on her forehead. Hindi na siya sumagot kaya umalis na ako.

Nica Pov

Nung makalabas si Dan, iniangat ko yung paa ko hanggang sa mag level na yun sa mukha ko, Niyakap ko iyon at tsaka ako umiyak.. Nasasaktan ako ... at higit sa lahat nasasaktan ako pero ito ako ngayon mahal pa din siya.

' Masyado kang maingay para maging girlfriend ng kapatid ko, sigurado ka bang girlfriend kaniya o fling ka lang niya ?? Ang alam ko kasi mas prepare ng kapatid ko ang tahimik na babae, I don't want to offend you I swear'

Ganun ba talaga katahimik yung babaeng mahal niya ...

" Hey bat ka umiiyak " tanong nang boses na kapapasok lang. Iniangat ko yung ulo ko para makita ko kung sino yun, hindi na ako sumagot sakaniya at I gave him weak smile " Bat ka umiiyak ??" tanong niya ulit sakin..

Humagulgol na ako .. " It's hurt like hell, Ian ... Hindi ko alam na ganito pala magiging kasakit kapag nalaman mong yung taong mahal mo ee hindi ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sakaniya. "

" Icah, ano bang ibig mong sabihin, hindi kita maintindihan "

" Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko ?? " Huminga ako ng malalim at pinunasan ko yung luha ko "Hindi niya ako kayang mahalin kasi hindi naman ako yung tipo niyang babae ?? "

" Icah, baka nagkakamali ka lang ... " Hindi ko na siya hinayaan pang ipagpatuloy yung sasabihin niya.

" Nasasaktan ako ng hindi niya alam ... nasasaktan ako kasi kahit alam kong wala na akong pag-asa sakaniya, mahal ko pa din siya ... Gusto ko siyang kalimutan pero isipin ko lang na gawin yun mas lalo akong nasasaktan ... " I said between my sobs.

Hindi siya nag salita pa at pinagmasdan niya lang ako, niyakap ko yung sarili ko ... Hindi ko alam na ang mainlove sa tulad niya, ganito ang dadanasin ...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro