Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ryzel's POV

"Akin na kasi pagkain ko ehh!!!"
Tumahimik bigla ang paligid. Na sa cafeteria kasi kami ng mga bestfriend ko na si Patricia at Daniela.
"Oopps. Eto na po." Daniela
"Sorry. Balik na kayo sa pagkain niyo." Sabi ko sa mga estudyante sa cafeteria na nabulabog ko
"Bahala kayo sa buhay niyo hindi na ako kakain. Buti na lang nakakain ako ng isang brownies kanina." Galit kong sabi kay Patricia at Daniela tsaka umalis sa cafeteria
Na una na ako sa kanila papuntang room. Pero alam ko naman na susunod sila.

Nandito na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Medyo marami nang tao dito sa room.
Habang inaayos ko yung gamit ko at binabalik ang tumbler ko sa bag, lumaylay ang kwintas ko dahilan para makita ko ito. Kwintas na naka-lock at hindi ko pa nabubuksan. Bigay pa 'to sa akin ng mga magulang ko bago sila mamatay dahil sa isang accident sa bus. At dahil sa akin yun.😢

Ay! Nakalimutan kong mag pakilala! Well, ako nga pala si Ryzel Phoenix. 15 years of age. Ang mga bespren ko namang kinain pa siguro yung lasagna ko ay sina Patricia Galf and Daniela Flinn. Si Patricia pinaka matalino sa amin, si Daniela pinaka makulit, at ako naman ang pinaka sporty or should I say, laging panalo kapag nag lalaro ng Badminton. And--

"Ryzel!" Sigaw ng dalawang bespren ko
Ang upuan ni Daniela katabi ng na sa harapan ko (right) si Patricia naman naka upo sa likod ng upuan ko.
Umupo sila sa upuan nila.
"Sorry na ha. Ako naman may pakana nun eh." Daniela
"Sorry din, nakisakay din kasi ako sa trip ng babaitang yan eh." Patricia
"Okay lang. Ang problemahin NATIN ay kapag may tea---"
"Good morning class!" Bati ni Ms.Rodelas
"Shems." Dinig kong bulong ni Patricia
"Good morning Miss Rodelas." Sabi namin ng nakatayo at tsaka umupo
"So wala tayong klase sa MAPEH ngayon. Dahil sa malakas na pag-ulan at dahil bahang baha na ang mga rooms ng Senior High School ay nag pa early dismissal na. So class, yun lang. Dismiss." Sabi ni Miss tsaka umalis
Biglang tumayo si Daniela at Patricia.
"Ryzel, una ka na sa dorm, pag nag text kami sa'yo ng 'come here' puntahan mo kami sa garden ha." Patricia
"Sige"
"Bye" sabay nilang sabi tsaka nakipag beso-beso sa akin

Mag-isa akong pumunta sa dorm. Pag dating ko pa lang sa dorm humiga na ako. Nang makapag pahinga na ay nag bihis ako ng Yellow na sleeve less (pang lakad talaga siya hindi siya pambahay) white na leggings, white na backpack at white na rubber shoes. Naka clip lang yung buhok ko kasi straight naman 'to.
Laman ng backpack ko ay yung isang unan ko na emoji. Actually regalo yun sa akin yun ni mama nung 9th birthday ko. 10 years old ako nung mamatay sila. Na sa Baguio kasi ako nun kasama tita ko. Sinundan nila ako kasi tuturuan pa ako ni papa ng mga self defense. Kaya yun, na-aksidente sila😭

Patricia: Come here na

Send ni Patricia sa group chat namin nila Daniela.

Daniela: Diba n s 1 maleta lng ung mga jersey, raketa, sapatos at medyas mo?
Me: Yup
Patricia: Dalin mo un. Pramis d un mawwala
Daniela: Alam nmin n mhal2x mo un☺️
Me: Sige, otw
Daniela: Dalin mo dn ung libro n hiniram mo sa kin
Me:👍

Ginawa ko ang sinabi nila.
--------
Nandito na ako sa gitna ng garden kung saan may malaking puno.
"Daniela, Patricia, gabi na, balik na tayo." Pag mamaktol ko kasi pinapapak na ako ng lamok dito "Sino ba kasi inaantay natin?"
"Teka nga maghintay ka Ryzel. Malapit na sila. Konting tiis na lang. Mawawala din yang pantal mo pag nakarating na tayo doon." Patricia
"Doon? Akala ko ba may hihintayin lang tayo?" Ako
"Wag kang mag alala. Siya na ang bahalang mag paliwanag." Patricia
Gulo ng babaeng 'to ah.
"Andyan na sila!" Masayang sabi ni Daniela sabay turo sa langit
May dalawang napakalaking ibon na lumilipad. Isang Eagle at isang Falcon.
Hindi sila ordinaryong Eagle at Falcon. Kasing laki sila ng dragon na nakikita ko sa mga t.v na lumilipad tapos may taong naka sakay. Yun kaya gagawin namin?
Lumapag sa harapan namin ang dalawang ibon. Sa Falcon may nakasakay na isang lalaki. May dala siyang pana.
"Hi Lance! Hi Ralph! Hi Daniel!" Daniela
"Hi Daniela! Patricia! Ryzel!" Sambit nung Eagle???
O.O
"Nagsasalita ka?!" Ako
"Hindi lang siya, si Daniel din." Daniela
"Dadamay mo pa ako." Cold na sabi naman nung Falcon
"Panong--"
"Na saan si Peter gusto ko siyang maka-usap?" Patricia
"Na iwan malamang." Cold na sabi nung naka sakay sa Falcon
"Tss." Patricia
"Okay so ipapakilala ko sila sa'yo. Eto si--"
"Hindi ba dapat ako yung nag sasabi sa kanya ng mga bagay na yan?" Cold na sabi nung lalaking sumagot kay Patricia
"Tumigil nga kayong dalawa. Ipakilala na lang natin ang mga sarili natin." Sabi nung Eagle "Ako si Lance Eagle, tao ako, kami, kaya namin mag shift into birds. Obviously Eagle ako."
"Daniel." Daniela
"Psh. Daniel Falcon." Sabi nung Falcon
"Falcon siya." Daniela
"Ralph." Patricia
"Mamaya na ako mag papakilala. Sakay na." Sabi nung lalaking may pana, Ralph yata pangalan
"Sumakay ka dun kay Daniel, sa likod ni Ralph." Patricia
"Don't worry, may tiwala kami sa kanila." Daniela
Tumango ako at sumakay sa Falcon.
Ilalapag sa na ni Daniela yung maleta ko sa likod ni Daniel.
"Wag na sa akin Daniela kay Lance na lang, ang bigat kaya ng mga 'to!" Reklamo ni Daniel
Sinunod siya ni Daniela.
Agad na lumipad si Lance at sumunod si Daniel.
Habang lumilipad...
"Ako si Ralph Arch. Archer ako at hindi ko kayang mag shift into birds." Ralph
Okay.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Mamaya. Si Daniel na mag sasabi sa'yo."
Aisht. Pag naman tinanong ko kay Daniel sa na sagutin niya ng maayos.
"Sige lang." Daniel
Na sa unahan namin sila Lance. Si Daniela tulog na sa likod ni Patricia.
"Okay so bago tayo mag punta doon. Sasabihin ko na lahat ng kailangan mong malaman." Ralph
"Una, lahat ng meron sa mundo niyo, meron din sa amin. Sa gadget laptop lang ang meron sa amin. Pag may cellphone ka palalayasin ka, papatayin ka, o ikukulong ka. At wala ring subjects sa amin. English, Mapeh at History lang ang subject namin tapos training of powers na whole day. Sa Mapeh P.E lang lagi, lahat ng sports sa inyo meron kami. Yung sa baril lang yung wala." Dagdag niya
"Pangalawa, sa labas at loob ng academy halos puro library lang. At pangatlo, wala kaming sinasambang diyos, diwata lang." Dugtong niya
"May isa pa pala. Ang apeliedo ay naka base sa kung anong kapangyarihan mo."
Lumapag na si Lance at Daniel.
Bumaba na kami.
"Aisht! Bilisan niyo ngang bumaba! Ang sakit na ng likod ko!" Reklamo ni Lance
"Oh sige na mag shift na kayo!" Sabi ni Daniela nang maka baba na sila
"Excited ka naman yata makita ang kapogian ko." Lance
"Kahit anong mangyari sa'yo mukha ka pa ring ibon!" Daniela
"Ingay niyo!" Sabi ni Daniel tsaka nag shift
Nag shift na din si Lance
Akala ko pag nag shift sila naka hubad sila?
"Bakit gusto mo?" Tanong ni Patricia sa akin
Mind reader siya?
"Oo. Pero don't worry hindi ko sasabihin kahit kanino kung ano yung inisip mo."
"Wait. Anong pangalan mo?" Tanong ni Daniel
"Ryzel Phoenix."
Bakas ang gulat sa mukha ni Lance pero si Daniel at Ralph hindi.
"Oo. PHOENIX." Patricia
"Pero alam niya ba?" Ralph
"Sabihin mo." Daniela
"Dahil Phoenix ka you can shift into Phoenix." Daniel
O.O
"Okay so na saan tayo?" Ako
Tumahimik.
"Daniel!" Sabay-sabay nilang sigaw
"Ikaw naman kaya Lance!" Sigaw ni Daniel
"Na sa Light Academy tayo." Lance
Ahh so. Tama pala yung nabasa ko sa libro na 'Vs Darkness'
"Daniel, i-tour mo si Ryzel sa buong academy." Utos ni Patricia
"Kayo nag dala sa kanya dito ako uutusan niyo." Galit na sabi ni Daniel
"Hahanapin ko si Peter." Patricia, at umalis
"Pupunta ako sa dorm" Daniela, at umalis
"Ihahatid ko ang gamit ni Ryzel sa dorm nila." Sabi ni Lance at ngumiti sa akin bago umalis
"Matutulog na ako." Sabi ni Ralph at umalis
"Tsk. Sumunod ka sa akin."
Sumunod ako sa kanya gaya ng sinabi niya.
--------
Bigla siyang huminto. Sa tapat ng library.
"Bakit ka huminto?"
"Shh."
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa paligid.
"Takbo!"
Pina-una niya ako sa pag takbo. Pinapa punta niya ako sa dorm sa first floor using stairs. Wala kasing elevator. Take note, hawak niya pa rin yung kamay ko.
"Hindi ba tayo pwede mag teleport?" Ako
OM! I'm so smart talaga!
"Hindi." 😑
"Bakit?"
"Tsk." Tsaka kami nag teleport

Nandito kami sa labas ng isang kwarto.

Room 15

"Etong room 15 ang dorm niyo nila Daniela, Patricia at Shaira."
"Shaira? Phoenix?" Pinsan ko yun eh
"Tss. Basta pumasok ka na, may makakita pa sa'yo patay ka." Sabi niya tsaka nag teleport
Pumasok na ako.
"Hi Ryzel!" Daniela
Ngumiti ako.
"Saan yung kwarto ko?"
"Ahh yun ba? Doon." At tinuro niya ang kwarto sa kanan
"Oy mag ka roommates tayo ahh. Double deck."
"Teka nga pala. Sino yung sinasabi ni Daniel na Shaira?"
"Daniel? Si Daniel nag hatid sa'yo?"
"Malamang eh inikot niya ako eh. Pero sino nga si Shaira?"
"Malalaman mo bukas."
"Bakit, asaan siya?"
"Kasama ng pinsan niya."
Tsk. Baka nga hindi siya yun.
"Sige na tulog na 'ko."
"Tutulog ka na agad?"
"Oo."
"Bakit?"
"Para magising na ako sa panaginip kong 'to."
Papasok na sa na ako ng pintuan ng...
"Hindi ka magigising sa katotohanan. At hindi ka na rin makakatakas sa itinakda."
Napatingin ako sa kanya bago tuluyang humiga sa baba ng double deck.
Ano daw?
Aisht! Bakit ko ba iniisip yung bruhang yun. Matutulog na lang ako. Naalala ko yung bilin sa akin ni Daniel.

--Flashback--

"Bukas start na ng class. 8:00 ang start. Kailangan hindi ka ma le-late. Suotin mo yung pang Badminton mo. Jersey, short, medyas, at sapatos. Dalhin mo yung raketa, extra shirt, extra short, tubig, at towel. Mag te-training tayo bukas." Daniel
"Tayo?"
Ngumisi siya sa akin.
"Basta."
Nag pa tuloy kami sa paglakad.
"Isa pa. Araw-araw pang Badminton ang suot mo. Pero kung wala tayong classes at training lang. Pang Badminton pa rin ang suot mo pero walang dalang raketa. Pag training importante ang health kit. Sa dorm niyo bahala ka na kung anong suot mo."
"Eto nga pala laging sinasabi sa mga transferees," Siya "Gamitin lagi ang utak sa lahat ng oras dahil kahit anong mangyari pwede kang mamatay." Sabi niya at naunang mag lakad

--End of flashback--

"Hindi ka magigising sa katotohanan. At hindi ka na rin makakatakas sa itinakda."
"Gamitin lagi ang utak sa lahat ng oras dahil kahit anong mangyari pwede kang mamatay."
Hindi naman ako na inform na ganito dito!!!
"Akala ko tulog ka na?" Nagulat ako sa boses ni...
"Daniela, ikaw lang pala. Wala lang. Volleyball pa rin ba Mapeh niyo bukas?"
"Oo. Sige, tulog ka na."
Sabi niya tsaka pumanik sa higaan niya.
Tama siya. Matutulog na ako dahil nakaka baliw.
Good night😴

Daniela's POV

Daniela Flinn. 15 years old. Room 15.

Kinakabahan ako! Bakit ko nasabi sa kanya yun?!
Bumaba ako sa higaan at chi-neck(check) kung tulog na siya. Buti tulog na.
Biglang bumukas ang pintuan at doon, nakatayo si Patricia. Lagot😧
"Halika dito Ms. Daniela Flinn."
--------------
"Bakit mo sinabi sa kanya yun?!" Lance
"Lance isa pang sigaw mo sisipain kita sa dorm namin." Patricia
Buti na sa garden kami.
"Hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka si Daniel din naman eh!" Ako
Tinaasan lang ako ng kilay ni Daniel.
"Mamaya na natin pag-usapan yung tungkol kay Daniel. Pero bakit mo nga sinabi yun?" Patricia
"Eh hindi ko nga sinasadya!" Ako
Muntik na akong mapa sigaw kaya tiningnan ako ng masama ni Patricia at ni Peter.
Couple talaga kayo.
"Hays. Ikaw naman Daniel, bakit mo sinabi sa kanya yun?" Peter
"Transferee naman talaga siya ha." Cold Daniel
"Kahit na." Peter
Tinaasan ulit siya ng kilay ni Daniel.
Si Cold Ralph tulog, ayaw gumising. Antok na antok yung archer na yun.
"Tigil." Napatingin kami kay Patricia
"Lalo lang kayo gumagawa ng paraan para matandaan niya ang past niya." Patricia
"Bakit?" Napatingin kami kay Daniel na naka sandal sa puno
"Sa inyo lang naman big deal na maalala niya ang past dahil may nagawa kayong masama sa kanya. Pero sa'kin mas maganda para maalala niya yung pinag samahan namin nung past." Galit na Daniel
Nag teleport na siya. Nag katinginan kaming lahat. Napa face palm si Patricia.
This day is full of emotions😪
"Alam kong sa dorm natin siya nag punta. Dun na lang tayo." Patricia

--kinabukasan--

Ryzel's POV

Good morning! Teka. May mga tao sa labas. Sinilip ko si Daniela pero wala siya.
Binuksan ko yung pintuan ng kwarto namin at nakita ko si Daniela, Patricia, Lance, Daniel, Ralph, tsaka may lalaki pa silang kasama.
"Hi guys!" Bati ko
Nagulat naman si Daniela kasi naka talikod ang upuan niya sa pintuan.
"Nakaka gulat ka naman." Daniela
"By the way my name is Peter Gabrielle." Sabi nung lalaki na katabi ni Patricia
"Boyfriend ni Patricia." Dugtong niya at siniko naman siya ni Patricia
Di nga? Amazing yun ah.
"Meron ba ditong kabilang sa Royal Family?" Tanong ko
Bakas sa mukha nila ang gulat kahit ang mga cold.
Nag taas ng kamay sila Lance, Peter, Ralph at Daniel.
O.O
Grabe ako naman ang nagulat.
"Hi guys!" May babaeng biglang pumasok at napatingin sa'kin
Lumapit yung babae sa'kin.
"AC." Saway ni Patricia
"Siya na ba 'to?" AC
Walang sumagot.
"Grabe na miss kita. Ang laki na ng pinag bago mo!" Dagdag pa niya
"AC!" This time lahat na sila
"Okay. My name is Adrianne Christine. Christine ang apeliedo ko kasi tago ang powers ko. No one knows except the old you."
Old me?
"AC!!!" Eto ang lakas na talaga ng sabay-sabay nilang sigaw
"Sige. See you tomorrow guys. Walang pasok mamaya cancelled." AC "Peter sumunod ka na. Hinahanap ka na ni mama."
Umalis na si AC.
"Hehe. Guys una na ako!" Sabi ni Peter saka sumunod kay AC
Mag kaano-ano sila?
"Magkapatid." Pat
"Eh ba't mag kaiba sila ng apeliedo?"
"No one knows." Daniela
---------------------
•Chapter 1•

End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro