Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 3: The Transition

In the haywire state of my mind, a realization suddenly struck me. Hindi ko kilala ang lalaking may buhat sa akin. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa bahay nang 'di nahaharang ni Tita Ophelia na daig pa ang aso naming si Tati kung kumahol sa mga hindi kilala. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa kwarto ko nang 'di dumadaan sa pinto.

I wanted to resist, but my feeble body wouldn't let me. It felt like I was drugged up and had no control over my body. Who the fuck is this asshole claiming me as his slave just because he helped me? What's even happening to me?

Napasinghot ako. Gawa ng nakalapat ang ulo ko malapit sa kanyang dibdib ay naamoy ko ang kanyang pabango. His manly scent lingered on my nose. Oh fuck. Iyon ba ang drugs? It smells so good. He's drugging me up!

I heard a chuckle somewhere in my head. "Your girl is interesting, Brix. She's exaggerated but in a good way. Funny, you say. I guess you already found what you have been looking for."

If I could guess, Brix was the one carrying me, and the other one was Oscar. At least I now know who my abductors were. I just need to glance at them to finally satisfy the things that my feelings have been depriving me. What do they look like? Why do I feel like they should be just in dreams? Like they are not supposed to be in this world?

Kahit na nakapikit ang mga mata ko ay naramdaman kong may tumitig sa 'kin. Napakabigat sa pakiramdam, tila kinukuryente ang mga ugat ko dahil lang sa kanyang tingin. Right. I think I am being exegerrated just like Oscar said. But, it really feels like that.

"Normie," Brix responded after being quiet for a few seconds.

Natigilan ako nang may mag-iba sa pakiramdam ko. Nagbago ang direksyon ng pang-amoy ko. Naramdaman kong mas tumaas ang init na nararamdaman ko. May naaamoy ako sa malayo at sobrang naapektuhan nito ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano 'yon pero ito ang hinahanap ng katawan ko.

"It's starting, Brix. She needs to drink as soon as possible."

That's it. Kung ano man ang tinutukoy ni Oscar ay iyon ang dahilan kung bakit nanunuyo ang lalamunan ko. Kung tama ang hinala ko, dadalhin nila ako sa lugar kung saan ko maiinom ang bagay na 'yon. Well at least, I know that they are helping me,

Naramdaman kong tumigil na kami sa pagkilos. Gumaan ang paggalaw ni Brix. Parang naglalakad na lang siya. Sa tingin ko ay narating na namin ang lugar na tinutukoy nila. Gusto ko itong makita pero ang mga mata ko ay hindi ko maimulat.

"Master Brix." Another voice appeared out of nowhere. His voice was familiar. Where did I even hear it? "Everything is settled. Lord Severo has attended an emergency meeting but will also come back after. We need to get ready before he even comes back. Also, your sister has arrived to witness the transition."

"What?!" There was a hint of annoyance in Brix's voice. "This is getting out of hand. What is so big deal about this?"

"Do you have a problem, Brixton Wenz Cardinal?" Another voice entered the conversation. Now, I am sure it was from a woman. Probably, from their sister. "I heard the news, that finally, the gorgeous Cardinal has found his pet."

Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi nila. Bakit ba hindi na lang nila ibigay sa 'kin ang kailangan kong inumin para mawala na ang nararamdaman ko? Kailangan ko pang magsaing para sa pananghalian. Malilintikan ako ni Tita Ophelia kapag hindi niya ako naabutan sa kwarto ko.

"Nanghihina na si, Astra," sabi ni Oscar.

Kung magkakapatid ang tatlong ito, si Oscar ang pinaka maalalahanin.

Naramdaman kong may lumapit sa 'kin. Hinaplos niya ang mukha ko pababa sa aking labi. Malambot at mahinhin ang pagkakahaplos niya sa 'kin kaya alam kong babae ito. Gaya ni Brix ay humahalimuyak din sa hangin ang bango nito.

"Sis Nath, mamaya mo na siya tingnan. Kailangan na niyang makainom," ani Oscar.

Listen to Oscar, idiots!

"I-idiot?" Brix stuttered.

Oscar chuckled. "I am so fascinated by her."

"Ssshhh..." Nath, based on what I've heard from Oscar, shut him out. "Seductive lips..." She touched my lips again. It seemed she's inspecting my facial features. "Long and silky black hair. Glowing skin. Pointed nose. Her blood smells good. Damn it, Brix. She's so fine!"

Wait. Blood? Can she smell my blood?

Brix chortled. "Fine to kill."

Kill? Who are these people?

"Let's get her inside." That's when I recognized the familiar voice. He sounded like the doctor who interfered the scene in the clinic.

Brix started to walk again. Narinig ko ang mga yabag nila na parang marmol na ang inaapakan namin. Nag-uusap pa sila kaya naririnig ko ang alingawngaw ng kanilang mga boses. Nakaramdam ako ng bahagyang takot ngayon.

Narinig kong may bumukas na pinto.

"Kailan ka rin aalis, Sis Nath?" dinig kong tanong ni Oscar.

"Baka matagalan pa. I want to know this girl," Nath responded.

Lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Ngayon ay ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin.

"Wake her up," Brix commanded.

Napangiwi ako nang may tumusok na naman sa braso ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong bumalik ang lakas ng katawan ko. Kaya ko nang imulat ang mga mata ko pero hindi ko ginawa. Paano kung hindi sila tao? Paano kung mga aswang pala ang mga 'to?

"Damn. I love the way she thinks!" Nath giggled.

"Told you, Brix. She's interesting."

"Open your eyes," Brix ordered.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"I said open you damn eyes!" Mas tumaas ang boses ni Brix pero hindi ako nito nagawang sinadakin para imulat ang mga mata. Narinig kong bumuntonghininga ito. "See, Oscar? She's my slave but she's not even following my words!"

"Open your eyes, Astralla," Nath said in a solemn voice.

I let out a heavy sigh as I slightly opened my eyes. Ang unang bumungad sa akin ay ang ilaw mula sa aranya at ang puting kisame. Lumunok ako bago unti-unting nilipat ang tingin ko sa kaharapan. Sumalubong sa akin ang tatlong taong hindi ko kilala at ang... sabi ko na kaya familiar ang boses niya. Ang doktor na gumamot sa 'kin sa clinic, Mr. Billy.

Napatingin ako sa isang lalaking nakangiti. Buzzcut hair and naughty eyes. He must be Oscar.

"Right. Oscar here." Mas lumaki ang ngiti niya.

Lumipat ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng kulay pulang dress. Kulay abo ang mahabang buhok nito, pulang-pula ang labi, mahahaba ang pilik mata. Mukha siyang model. Ngayon ko lang napagtanto na ang tatangkad nila.

Nanuyo uli ang lalamunan ko nang bumagsak ang tingin ko sa pinakahuling lalaki at pinakamatangkad sa kanilang apat. Bumali ang leeg nito habang nakatingin sa akin kaya nakita ko ang porma ng kanyang panga. Hair in loose pompadour style, lips were firmly shut and his eyes were staring at me... hazardously. He was wearing a simple white shirt. His muscles flexed as he crossed his arms on his chest.

"Gorgeous," Nath mumbled. "Hey there, Astra. I am Nathalia. Nath for short. We can be either super close friends or mortal enemies. You decide." Saka ito ngumiti nang matamis.

"W-water..." I mumbled out of nowhere. Masyado nang tuyo ang lalamunan ko.

Tumawa si Oscar. "Water? That's not what you need right now."

Tumingin si Nath kay Mr. Billy at tumango. Yumuko naman ito bago lumabas ng kwarto.

Hindi ko magawang sabayan ang kanilang mga tingin. There's something about them that intimidates me. Maybe, by the way they stare or because how they look elegant. They are all good looking and... tall.

Nath cleared her throat as she sat beside me. Inalalayan niya akong makaupo. "What's your lipstick shade?" she suddenly asked.

Napatitig ako sa kanyang mukha. Napakaganda. Napakaelegante ng kanyang kilos at pananalita.

"Thanks," she smiled again. "But, what's the shade of your lipstick? Are you eyelashes natural? What's your skin care routine?"

"Whoa, whoa!" Tumabi rin sa 'kin si Oscar. "Stop, Sis. She's still in shock. Hindi ba, Astra?"

Hindi ko magawang makasagot. Hindi ko rin magawang tingnan ang nag-iisang lalaking nakatayo.

"Hey, Brix," Nathalia called his attention. Hindi ko na naiwasang hindi mapatingin kay Brix. Napalunok ako nang magsabay ang mga tingin namin. "Why don't you introduce yourself to her? For formality since matagal kayong magkakasama."

What?

"Not really." Brix shook his head. "I will replace her as soon as I find another one."

"W-what's happening?" Finally, I voiced it out.

"You are in transition, Sis Astra," Oscar answered. Napatikhim ito nang mapansin na hindi ko siya naunawaan. "I mean... you are in between two different worlds. You are not fully one of us but already on the verge. You need one thing to be one of us, finally. I hope that makes sense."

That didn't help me to understand things. Transition? One of them? Sabi na. Mukhang naka-drugs ang mga ito! Gusto nilang mag-drugs din ako para maging isa na ako sa kanila. No. That won't happen.

Isang malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ni Oscar. Napahiga na ito sa kama habang hawak-hawak ang tiyan dahil sa sobrang pagtawa. That confirmed my thoughts. Because of drugs, they are slightly losing sanity.

"What kind of thinking is that?" Brix suddenly interfered. Tinaas nito ang kanyang mga makapal na kilay na parang naghahamon. I could smell how disappointed he was. "Are you that naïve to not realize what's all these? Think of a more profound thought. But then again, you were a human. Nothing is profound about you."

"Hey, chill. She needs enough time, Brix. You can't just push her to absorb these things all at once," Oscar said.

Brix laughed mockingly. "Humans are really stupid. That's just it."

Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Sa sobrang inis ko ay hindi ko alam kung paano ito ilalabas. I can't be reckless especially I am in their territory. Baka hindi na ako makaalis dito kung gagawa ako ng maling hakbang. Hindi na lang ako kikibo hanggat kaya ko.

Muling bumukas ang pinto. Pumasok si Mr. Billy kasama ang isang babae. Tulala lang ang babae habang hawak niya sa braso. Halatang wala ito sa sarili.

"Don't worry, Astra. You will like it," Nath whispered.

Tumayo si Oscar at hinila ang babae palapit sa akin. Pinunasan nito ang braso ng babae bago nilapit sa bibig ko. Tinitigan ko ang braso ng babae bago lumipat ang tingin ko kay Oscar na nakangiti. Tumango pa ito sa 'kin.

Huminga ako nang malalim bago mas nilapit ang bibig sa braso ng babae. Ilang segundo ko itong tinitigan bago hinalikan.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Napatingin ako kay Oscar na nakalobo ang pisngi, halatang nagpipigil ng tawa.

"Astra girl." Nalipat ang tingin ko kay Nathalia na nakangiwi. "Y-you don't kiss it. You bite and suck it."

Natigilan ako.

Bite?

"You are kidding me." Pinalitan ko ng tawa ang nanginginig na labi. Hindi ako iyakin na babae pero ramdam ko na ngayon ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Ayoko na. Gusto ko na lang umuwi. Can you just please bring me home?"

"Yeah." Brix nodded. "After your transition."

I shook my head. "P-please... I just want to go home."

For the first time, I became eager to go home. I don't mind being with Tita Ophelia or with Eliyah just to stay away from this place... from them. I don't like this.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Astra," saad na naman ni Brix. "Hindi mo ba talaga naalala ang nangyari no'ng gabing 'yon? When you were being a pathetic careless human running after a man just to help someone you don't even know? Don't you remember the pain of being stabbed in your back—"

"Stopped!" I screamed. Nanginig na ang buong katawan ko. Tinulak ko ang katawan ko palayo sa kanila at pasandal sa ulunan ng kama. "I-I don't want to think of it. Please, just let me go home."

Lumambot ang tingin sa akin ni Nathalia. Hindi ko kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay makalayo sa lugar na ito at hindi na sila makita uli. Hindi ko alam kung sino sila at ayoko nang alamin pa. Ayoko rito... ayoko sa nararamdaman ko... ayoko sa mga susunod na mangyayari.

"Finally, kahit papaano ay naiintindihan mo na." Malungkot na sabi ni Nathalia. "Now. All you have to do is to accept it. Astra, you can't do anything about it anymore. This has become your fate and that's something you can't avoid."

Tinakpan ko ng mga kamay ko ang tainga ko para hindi na sila marinig. Muli kong pinikit ang mga mata ko para hindi sila makita. Naramdaman kong pumatak na ang luha sa aking mga mata. I failed. I promised not to cry anymore and I failed.

"Stop being overdramatic and just enjoy it." Naririnig ko pa rin si Brix. Baka sang inis sa kanyang boses. "Okay. Fine. I know it's not that easy to understand this. But you have no choice."

"We are vampires," Oscar said.

Doon ako tuluyang natigilan.

"Living for centuries, we have seen the evolution of this world. Blood... is all we need to survive. As long as there's a human, there's a vampire. We can't just be killed by a bullet nor a sharp object. And you, Astralla Martin, are one of us now. This is your fate... unfortunately."

Bumagsak ang mga kamay kong nakatakip sa aking tainga.

"C-can I go to the restroom first?" I asked.

Nagkatinginan sina Nathalia at Oscar.

"Mr. Billy..."

"Yes, Lady Nathalia." Lumapit sa akin ang nakangiting matanda. "I will assist you, Lady Astra." Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Shall we?"

Tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng silid na 'yon. Dumaan pa ako sa harapan ni Brix. Nang tuluyan kaming makalabas ay nakahinga ako nang maayos kahit papaano. Ngayon ay mas nabigyan pansin ko ang lugar na ito. Napakalaking bahay. Ang mga ilaw nila ay aranya. Malinis ang paligid. Wala nga yatang alikabok.

"Ayos ka lang ba, Lady Astra?" tanong sa 'kin ni Mr. Billy.

"A-are you one of them?" I asked.

Mahinang tumango ito. "I am Billy Sandoval, the butler of Cardinals. Specifically, I serve Lord Severo, their father and the founder of Nightfall Clan."

Napatango na lang ako kahit na wala akong maintindihan. Napatingala ako. Napakalaki talaga ng bahay na ito na umaabot ata sa limang palapag. Maraming painting sa paligid. Hindi ko binigyan pansin kasi mga mukha nila Nathalia, Brix, at Oscar ang nandoon. Iba-iba ang kasuotan nila.

"Here, Lady Astra." Mr. Billy opened the door for me. "I will be waiting here. Please, just call me if you need something."

I nodded and as soon as I entered inside, he closed the door. I couldn't help it but to be amazed. Kahit na yata ang CR nila ay mas malaki pa sa bahay namin. Napakarangya. Ang aranya sa itaas ay halatang totoong dyamante. Ang pinagtataka ko lang ay wala akong makitang salamin.

Napako ang tingin ko sa malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ang malaking bukirin. Lumapit ako at sinubukan itong buksan. Napahinga ako nang maluwag nang magawa koi tong buksan.

Sinuguro ko munang walang tao sa labas bago ako lumabas.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa may humarang sa 'kin.

Natigilan ako at napahakbang pabalik nang isang beses. Nanlambot ang mga binti ko nang makita ang mga nanlilisik na mata ni Brix, sobrang pula no'n. Bahagya ring sumisilip sa kanyang mga labi ang kanyang pangil.

"U-uuwi na ako," saad ko.

I still want to think I am dreaming but I am not that fool.

He smirked. "Then, go."

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang parang may tumaas sa lalamunan ko. Nasusuka ako pero walang lumalabas. Napaluhok ako at hinang-hina. Tila napapaso na rin ako gawa ng araw. Muling nangilid ang luha sa aking mga mata.

"I saved you, Astra," Brix appeared in front of me, standing frim while looking down at me. "Now, you are living to serve me. Your life depends on me."

Ako na naman ngayon ang ngumisi. "Serve who?"

Napangiwi ako nang umikot ang paningin ko.

"Can't you just be thankful I saved your life?"

I laughed. "I didn't want to be saved."

Natigilan ito pero agad ding nakabawi. "Unfortunately, you are still breathing. And as long as you are breathing, you are linked on me. Ako ang magdedesisiyon kung kailan ka makakalaya. Hanggat hawak kita, wala kang magagawa kung hindi sumunod sa lahat ng gusto ko. You are nothing but a pet of mine that I can get rid of anytime I want."

Pumatak ang luha sa aking mga mata.

"You turned me into a monster!" I screamed. "I won't forgive you."

Bumali ang leeg niya. "Monster?" he laughed. "Just because we drink blood doesn't mean we are monsters. And I don't care if you can't forgive me. Anyway, crap the dramatic dialogue. Whatever you do, you will serve me. You won't die until I decide to kill you."

With my last breathe, I screamed, "You can have my life, not my decisions, you demon! You can turn me into a monster like you, but someday, you will regret it. You will regret that you saved me. You will regret that you met me!"

I sniffed... I can't feel my body anymore.

"I have been living for centuries now, Astralla. That threat won't work."

I chuckled in the midst of confusion, pain, and anger.

"That's because... you don't have me in those centuries."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro