Chapter 46

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 46: Rain

"Uhm. Baka gusto mo nang umalis sa ibabaw ko?" tanong ni Brix nung hindi ako kumilos.

I groaned and slowly pulled myself up. Pinagpagan ko ang sarili ko kahit na hindi ako ang narumihan. Si Brix naman kasi ang bumagsak sa lupa at sumalo sa akin.

"Your horse never listens to me!" I complained to Brix who's currently brushing the dirt off his black jacket. Pinansin ko si Servena na huminto rin sa hindi kalayuan at kasalukuyang kumakain ng damo. "Ganito rin siya nung huli kong sinakyan! She doesn't like me."

"Now you are putting the blame on an innocent animal who is also a victim of your recklessness." Brix quivered his head. "Ako na ang magpapatakbo kay Servena. Baka sa susunod ay sa bangin na ang hantungan natin."

Hindi na lang ako nagsalita. Kung alam lang niya na siya ang dahilan kaya nawala ako sa konsentrasyon. Why would he hug me all of a sudden? It startled the shit out of me!

It frustrates me at the same time.

Nilapitan ni Brix si Servena habang ako ay hindi kumilos. Sinuri nito ang mga parte ng katawan nito, naghahanap ng pinsala dahil sa nangyari.

"She's not hurt," he said.

I almost rolled my eyes. Thank God! How about me? Isn't he going to check on me, too?

Damn. Here I am again.

Kalma...

I cleared my throat as I walked towards them. "Okay. Fine! Sorry na, Master Brix. Oo na. Hindi pa ako gano'n kabihasa sa pagpapatakbo ng kabayo."

"Can we walk for a while?" Brix gazed at me. He looked so done of me. "She's not hurt, just kind of startled."

Now... you are being sympathetic towards an animal.

Tumango ako. "It's okay."

Hawak ni Brix ang tali ni Servena habang naglalakad kami. Tahimik lang kami. Malayo ang tingin ni Brix. Hindi ko maunawaan kung may iniisip ba siya o ano.

Bigla kong naalala ang nangyari sa loob ng Mansion... ang mga nalaman ko. Alam kong hindi dapat pero... nakakaramdam ako ng lungkot para kay Brix. Bakit humantong sa gano'n ang lahat?

Ayon sa pagkakaintindi ko ay parte rin si Callum ng unang Junior Squad. He was under Socrates Squad which was led by Oscar. That's why he called Oscar 'leader'. But... what happened?

"Kaibigan mo rin si Callum, hindi ba?" tanong ko kay Brix.

Wala akong nakuhang sagot kay Brix gaya ng inaasahan. Pero hindi ako nagpatinag.

"May nabanggit sa akin si Erikson tungkol sa Aristotle." Kinabahan ako sa binanggit ko pero wala pa ring reaksyon si Brix. "You were the leader of that squad, right? While the other squad which is Socrates was led by Oscar."

Napasinghap ako nang bigla akong tinulak ni Brix. Kasabay no'n ay ang pagbulusok ng isang palaso na bumaon sa punong natamaan. Napaupo ako sa lupa at bahaghang natulala.

"Get up," utos ni Brix.

I was about to get up when Brix suddenly appeared beside me. Nahawakan niya agad ang palaso na dapat ay tatama sa dibdib ko. Saka na niya ako hinila patayo.

"A-are we being targeted?" I asked, tensed.

Oh, God. Is this the start of this mission? Ibig bang sabihin nito ay napasok na namin ang teritorya ng Esparago Clan?

"Let's continue walking," ani Brix na parang walang nangyari. "Ano nga ulit ang tanong mo?"

Mas dumikit na ako kay Brix dahil sa takot.

Lumunok ako. "H-ha? May tinatanong ba ako?"

"Yes."

I winced when I tried to remember it. "I can't remember. It doesn't matter anyway. Kinakabahan ako. Nasa teritoryo na ba tayo ng Esparago Clan? Are they targeting us now?"

"No," he simply held.

Ibig sabihin no'n ay ibang mga bampira ang umaatake sa amin. Malakas na ang kalabog sa dibdib ko pero si Brix ay kalmado pa ring naglalakad.

"Brix... are they bad vampires?" pabulong kong tanong.

Natawa siya. "Do you really think they won't hear you by whispering?"

"Naririnig nila ako?" bulong ko.

"Loud and clear." He let out a breath. "Don't worry. I can only sense one vampire. I don't think he's dumb enough to show up in front of me. He's just going to target us from afar. So... stay close to me."

Humawak na ako sa tela ng jacket ni Brix gaya ng sinabi niya. Napatalon pa ako sa gulat nang akbayan niya ako. "I don't think I am the target, Astra. Stay close to me now," bulong niya.

My knees were quivering now. Hindi pa ako sumabak sa totoong laban, paano pa kaya ito? We are being targeted using an arrow. I don't even know how to use it, what more to avoid the hit?

"Wait..." Pahina nang pahina ang boses ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Brix? Ako lang ang target? Hindi ikaw? Paano naman nangyari 'yon? Wala akong kaaway."

"Uhm. Parang gano'n na nga. They usually target first the most vulnerable one. He knew you are not just vulnerable. You are something lower than that."

"Stop teasing! Pero... ililigtas mo naman ako, hindi ba?" I was starting to panic now. "Right, Brix? Hindi mo naman ako pababayaan, hindi ba?"

"Hindi pa ako nakatulog. Binulabog mo pa nga ang pag-idlip ko," aniya bago bumuntonghininga. "Nanghihina na ako. I'm sorry, Astra. Mukhang hanggang dito ka na lang."

Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinaigtad nito. "Stop playing around! Hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi na nga kita inaaway, hindi ba? I'm being an obedient slave to you!"

"Really?" Bumaling siya sa akin at nagtaas ng mga kilay. "If so, why can't I feel it?"

"Brix naman, e!" Para na akong batang nagdadabog pero pinagtatawanan lang niya ako. "Basta. Bahala ka. Hindi na ako aalis sa tabi mo."

Hindi na nga ako umalis sa tabi ni Brix. Sa tuwing luluwagan niya ang pagkakaakbay sa akin ay hihilahin ko naman ang braso niya pabalik. Tuwang-tuwa pa ito. Kaasar!

"One... two... three!" Brix suddenly pulled me and we exchanged positions. Napahawak ako kay Servena at napaatras nang makita ang mga palaso na papunta sa direksyon namin... ko.

"Shit!" I cursed.

"Four arrows at the same time," ani Brix nang mahuli lahat ng mga palaso gamit lang ang kanyang isang kamay. Sobrang bilis ng mga kamay niya. "Cool. This one is a skilled vampire."

"R-really?"

Brix turned to me as he showed me the arrows. "You see? Madaplisan ka lang nito ay manghihina ka agad," aniya bago binitiwan ang mga palaso. "This asshole is an archer. Don't let your guard down."

I took one of the arrows using my unsteady hand.

"What are you going to do with that?" he asked.

I swallowed the lump in my throat. "Just in case I have no choice but to fight, too."

Napailing na lang ito. "That's useless without a bow, idiot. What are you going to do with that? Run towards him and stab it in his chest like what you tried to do to me?"

"Basta!"

"Anyway... I think we should ride Servena now."

"Whoa. Cool idea!" I commended, sarcastically.

Sumakay na si Brix sa kabayo at gano'n din ako. Yumakap ako agad sa kanya. Ayokong mahulog dahil baka maiwan ako. Malay ko ba kung babalikan pa ako ni Brix.

"Your arrow..." puna ni Brix sa palaso na hawak ko. Nakatutok sa kanya 'yon dahil nakayakap ako sa kanya. Mabilis ko namang inayos ang pagkakahawak doon. "Baka ikaw pa mismo makatama sa akin. Bitiwan mo na nga 'yan."

"No. I need this. Go now!"

"Obedient your face..." he murmured.

We started to go faster with the help of Servena. Gano'n pa man ay ramdam kong nakakasunod sa bilis namin ang kung sino mang umaatake. Switching branches to branches as falling leaves as his footsteps – Brix didn't lie when he said this man is skilled.

"He's following us, Brix," I said, feeling the pressure now. "What should we do?"

"You go first."

"What?"

"In the count of three... take over the rein," Brix commanded. "Go as far as you can, Astra. Don't stop. Don't worry, I'll make sure to find you. Okay?"

The anxiety I was feeling rose up to a level that I didn't know was possible. "W-what? You can't be serious, Brix! You know what happened—"

"One..." He started to count.

"Brix! Hindi ako marunong—"

"Two..." he continued.

I bit my bottom lip. "Okay. Find me, please? I trust you."

"Three!"

I held the reins as soon as he jumped off the horse. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Gano'n pa man ay minabuti kong mag-focus na lang sa pagtatakbo sa kabayo. Hindi ko alam saan patungo 'tong daan pero bahala na.

I pushed the horse at a speed I've never experienced before, not even with Brix. I need to hurry and get away as far as I can – that's what I should do.

So... I didn't stop with that speed. Ilang minuto na rin akong tumatakbo at ilang minuto na ring wala si Brix. Hindi ko na rin ramdam na may nakasunod sa akin.

I think I did it. Nakalayo na ako pero... hindi ko alam kung nasaan na akong parte ng kakahuyan.

I pulled both reins and finally, I managed to halt Servena. Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakaling nakahabol si Brix pero wala. I can't even feel him.

"Brix?" I called his name.

When I didn't get a response, that's when I found out... I really made it this far. Is that good?

Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Wala akong nararamdamang banta kaya bumaba ako sa kabayo. Tinali ko ito sa puno para hindi siya makalayo.

Tumingala ako sa mga matataas na puno. Brix will be here soon. He gave me his words.

Umupo ako sa ilalim ng puno para magpahinga. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. That was intense! Dati ay sa movie ko lang nakikita pero ngayon ay nangyari na rin sa akin.

I let out a heavy sigh.

I stared at the arrow I took. It has a greenish slime covering its arrow point – that's what I think is the poison that can weaken anyone who gets hit. I can smell toxic but there's this small portion of its smell that bothers me.

Inamoy ko ang ibang parte nito. The nock part or its tail part smells familiar. Ito ang hinawakan nung lalaking pumuntirya sa amin kaya malamang na dumikit din ang amoy niya rito.

Wait. The smell is really familiar. Alam kong naamoy ko na ito.

I heard gushing water somewhere. Tumayo ako at sinundan ang tunog. Dinala ako ng mga paa ko sa isang sapa. Malakas ang agos at malinaw ang tubig.

Tila napawi ang pagod ko dahil sa tanawin.

Binalikan ko si Servena at dinala ito sa sapa para makainom siya ng tubig. Sinigurado kong nakatali siya sa malaking bato para hindi siya makalayo.

Umupo ako sa isang bato at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang natitirang isang supot ng dugo at ininom 'yon. Nung maubos ay saka ko lang napagtanto na hindi ko natirahan si Brix.

Pinaagos ko sa tubig ang supot ng dugo. Hinawakan ko ang tubig. Naibsan ang init na nararamdaman ko nang madaplisan ng malamig na tubig.

Naghilamos ako ng mukha para mahimasmasan. Hinubad ko na rin ang jacket ko para mas gumaan ang pakiramdam ko. Naglinis ako ng mga braso at nagtali ng buhok.

Ang dami ko nang nagawa pero wala pa rin si Brix.

He's not going to leave me in this place alone. I know. Fuck. He can but he won't.

No. He will come for me.

Nakarinig ako ng lagaslas kaya kinabahan ako uli. Paglingon ko kay Servena ay patakbo na ito sa loob ng mapunong bahagi. Shit! Hindi ko siya natali nang mabuti!

Mabilis kong binitbit ang bag ko para habulin siya. I wasn't taught how to go from branches to branches but I did it! It could be because of the adrenaline rush.

"Servena!" I called her name as if she would listen to me. "Whoa! Whoa! Stop! Whoa!"

She was slipping away!

I screamed when I fell off the branch I was stepping on. Niragasa ko ang mga ibang sanga sa ilalim bago bumagsak sa lupa. Mabilis pa rin akong bumangon at sinundan si Servena.

"Fuck!" I cussed out of frustration.

I can't lose her. Baka magalit si Brix. I know how much she means to him.

Panting heavily, I stopped when Servena was out of my sight already. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, naghahanap ng bakas kung saan siya dumiretso pero bigo ako.

"Shit! Shit!" I started to panic again. "I need to find her. I need to find her."

Hindi ko alam kung saang direksyon pumunta si Servena. Dumiretso na lang ako uli sa pagtakbo. Umakyat uli ako sa mga sanga ng puno pero sa pagkakataong ito ay mas mataas na. Baka sakaling matanaw ko si Servena.

Bumalik ang pag-asa ko nang magtagumpay akong matanaw ito. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Kahit na hindi ko siya mapantayan sa bilis ay siniguro ko na lang na hindi siya mawawala sa paningin ko.

She will stop when she gets tired. I just need to keep an eye on her.

Napatingala ako nang may pumatak na tubig... hanggang sa nag-unahan na ang mga malalaking patak ng ulan. Naging mas mahirap sa akin ang pag-apak sa mga sanga dahil madulas.

This is bad.

I need to outrun her or else I will totally lose her. It starting to get foggy.

Bagsak na ang buhok ko at sumikip na rin ang damit ko dahil basang-basa na ng ulan. Gamit ang natitirang bilis ko ay sinubukan ko na talaga siyang mahabol pero bigo pa rin ako.

"Ah!" I screamed when I fell off the tree again. Gumulong ako sa putikan at naramdaman kong tumama ang siko ko sa bato. I winced when I felt the impact.

I crawled up just to find out... I totally lost her.

I bit my bottom lip. Naramdaman kong dumausdos sa pisngi ko ang mainit na likido. Oh, God. I lost Servena. Si Brix na nga ang nagpaiwan para lumaban at ito na lang ang tanging gagawin ko ay nabigo pa ako.

"What a disappointment," I mumbled.

Pinasadahan ko ng tingin ang putik sa katawan ko. Maging ang bag ko ay basa na rin ng ulan. Sobrang dumi ko na. Hindi dapat ganito kabigat sa dibdib kung hindi ko lang nawala si Servena.

Napaupo na lang ako sa putikan. Pagod na ako.

Nanginig ako nang umihip ang hangin. Malakas pa rin ang ulan na sinabayan ng kulog at kidlat. It starting to get foggy. Mas lalo akong mahihirapang mahanap si Servena.

I feel sorry for Brix. I lost his horse.

Pero... nasasaktan din ako dahil baka kung ano ang mangyari kay Servena. Baka nadulas siya at napilayan. Baka atakihin siya ng mga asong lobo. O baka mahulog siya sa bangin.

I started to sob.

I'm losing hope.

No. I still need to find her.

Tumayo ako at naglakad na lang. Baka huminto na rin 'yon sa pagtakbo.

"Servena!" I called her name. Mabilis na natatabunan ng ulan at hangin ang boses ko. "Shit! Hindi ka na nga sumusunod sa akin tapos iiwanan mo pa ako?! Hayop ka!"

My lips quivered. Fuck. Am I going insane?

I just managed to take a few steps before my knees collapsed. Still, I find my way up. Slowly walking, I heard footsteps coming in my direction.

"S-Servena?" Nabuhayan ako ng loob.

That's her footsteps!

Napahinto ako nang matanaw si Servena na tumatakbo palapit sa akin, nakasakay na sa kanya si Brix. Bumuhos uli ang mga luha sa mata ko pero ngayon ay dahil na sa saya.

"Astra!" Hininto ni Brix si Servena saka ito tumalon at lumapit sa akin. "Let's go. Basang-basa ka na."

Hinawakan ako ni Brix sa braso pero hinawi ko 'yon.

Nilagpasan ko siya at nilapitan si Servena. Napayakap ako sa kanya at saka na talaga ako humagulgol.

"I thought I lost you..." I whispered in between of sobs. "I-I'm sorry, Servena."

"Hey. She's fine," said Brix.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Servena. Walang patid ang paglabas ng luha sa mga mata ko. Nanginginig pa rin ako pero dahil na lang ito sa lamig.

"I told you she's fine. Come on."

Naramdaman kong binuhat ako ni Brix at inakyat kay Servena. Saka siya sumakay sa likod ko. Hinili niya ako at sinandal sa kanyang dibdib bago hinawakan ang lubid.

"I-is she really fine?" I asked.

"Yeah. How about you?"

Inumpisan na ni Brix na patakbuhin si Servena. Mas lalo akong nanginig dahil lumakas ang hangin.

"Are you good?" asked Brix again.

I sniffed. "I'm just cold."

"Yeah. I can feel it."

I cried again.

"Hush. I'm here now..." he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro