Chapter 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 49: Missing

He left me dumbfounded. There's so much going on in my head. Hindi kinaya ng mga binti ko kaya napaupo ako sa banig. Niyakap ko ang nahagip na unan habang patuloy pa rin sa pagproseso ang utak kong nagkabuhol-buhol.

After a minute of processing things, I blurted out, "What the fuck?!"

Is he insane? Why would he say that? Parte ba 'yon ng roleplay na ginagawa namin? Gumagawa na ba siya ng kwento para mas maging kapani-paniwala ang sinimulan namin?

Shit!

It doesn't make sense. Ramdam kong hindi niya lang basta-basta gawa 'yon. The way he looked at me, I felt it, the sincerity... the pain... the frustration. He meant it.

He's out of his mind!

Bumuga ako ng hangin. Mukhang mababaliw ako kakaisip kaya minabuti ko na lang din lumabas para magpahangin. Mabuti na lang at hindi ko tanaw si Brix sa paligid.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Secret? He wants me to be his secret? Gago ba siya? He knows that this isn't right. Kung magpapatuloy kaming ganito ay ako... ako ang malalagay sa alanganin.

Naalarma ako nang makarinig ng kaluskos. Bumaling ako sa isang malapit na puno. May nakatago roon. Sa tingin ko ay bata dahil hindi niya maitago nang buo ang sarili.

I looked around. Is he hiding from someone?

"Tegan!" Napatingin ako sa babaeng naglalakad sa hindi kalayuan, palinga-linga pa ito. "Lumabas ka na, Tegan! Marami ka pang assignment na gagawin!"

Oh. That's why.

Tegan peeked at me to give a sign to shut my mouth. Bakas na tuwang-tuwa ito sa ginagawang pagtatago.

"Ay, may kailangan ka ba?" Narating ako ng babaeng humahanap kay Tegan. "Ikaw 'yung isa sa mga panauhin, hindi ba? May maipaglilingkod ba ako?"

Tumango ako. "Wala naman. Uhm. May hinahanap ka ba?"

Kumamot ito sa batok. "Oo. 'Yung alaga ko kasing bata pinagtataguan na naman. Hay naku! Lagi na lang. Gabi-gabi. Kahit na ikandado ko ang pinto, magugulat na lang ako sira na."

Pilyo pala ang isang 'to.

"May favorite ba siyang pagkain?" tanong ko.

Napaisip naman ang babae. "Paborito niya ang strawberry. Hindi lilipas ang isang araw nang hindi siya kumakain ng sampung gano'n. Bakit mo natanong?"

"Kapag hindi pa rin siya nagpakita, huwag mong pakainin ng strawberry," sabi ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sumilip si Tegan. "Sa loob ng ilang araw..."

"Bad!" Pinigilan ko ang matawa nang lumabas si Tegan. Masama ang tingin nito sa akin. "Susumbong kita kay Papa! Akin lahat ng strawberry rito!"

Humarap ako sa bata. "Aw. Gano'n ba? Pero ayaw mo namang mag-aral—"

"Magpapakita na kaya dapat ako!" pagrarason niya. Lumapit ito sa babae at humawak sa braso. Tiningala niya pa siya. "Gusto ko ng strawberry habang nag-aaral."

Nakangiting pumayag ang babae. "Kahit ilan pang gusto mo..."

"Saka wine..." dagdag ni Tegan.

"Uhm. Kalahating baso," pagpayag ng babae rin.

"Yay!" Napunta sa akin ang atensyon ni Tegan. "Ang ganda mo talaga kaso bad ka. What's your name?"

Yumuko ako para mas malapitan siya. "You can call me Ate Astra."

"Hindi kita kapatid, Astra—"

"Tegan." May pagbabanta sa boses ng babae. "Napag-aralan na natin 'to. Kahit na ikaw ang apo ng Pinuno, kailangan mong respetuhin ang lahat. Lady Astra... 'yon ang itawag mo sa kanya."

"S-sorry..." Ngumuso si Tegan.

Umayos ako ng tayo. "Apo siya ng Pinuno?" Gusto kong malinawagan sa parteng 'yon.

"Anak ni Abel na anak ni Pinunong Bermudo," sagot nito.

Bumagsak uli ang tingin ko kay Tegan. Saka ko lang napansin ang pagkakahalingtulad nila ni Abel. Mala anghel din ang mukha nito gaya ng sa ama.

"Ako nga pala si Lady Aida," pakilala ng babae. "Ako ang naatasang magbantay kay Tegan at ako na rin ang nagsisilbing guro niya. Pilyo lang ang batang 'to pero mabilis siyang matuto."

Tanging tango lang uli ang naisagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na pala si Abel. Ang akala ko ay binata pa rin ito dahil lapitin ng mga babae.

"Ah. Sige, Lady Astra. Marami pa kaming tatapusin ni Tegan," pagpapaalam na ni Lady Aida. Binuhat niya ang bata sa kanyang mga braso. "Mag-good night ka na kay Lady Astra, Tegan."

"Good night, Astra— Lady Astra. Kita na lang tayo uli bukas. Dadalhan kita ng strawberry!"

"Oh. Sure. Good night, Tegan."

Pinanuod ko hanggang sa makaalis ang dalawa. Kumaway pa sa akin si Tegan.

Bumuntonghininga ako. Saan na nga pala si Brix?

Umihip ang malamig na hangin na humaplos sa balat ko. Malamig sa umaga at doble naman sa gabi – mainam nga talaga ang magpalago ng mga halaman sa ganitong lugar.

Gumilid ako nang dumaan ang tatlong kawal. Mukhang nagma-martsa ang mga ito. Napagpasyahan ko na ring bumalik sa tinutuluyan. Hindi ko pa rin naabutan si Brix.

Bahala siya. Basta ako matutulog na.

Pinagpagan ko ang banig bago inayos ang dalawang unan. Nilayo ko sa akin ang unan na para kay Brix. Medyo malawak naman ang banig kaya hindi namin kailangang magsiksikan.

May nakatiklop na kumot pero isa lang. Mukhang pang mag-asawa nga talaga ang silid na pinahiram nila sa amin. Ginamit ko na rin 'yon. Humiga na ako at gumilid, patalikod sa pwesto ni Brix.

Dinig na dinig ko ang ihip ng hangin sa labas.

Pinahinga ko na rin ang mga mata ko. Saan kaya nagpahangin si Brix?

"They take away everything I value..." Brix's voice echoed in my head. "If there's something I am sure right now... that is... I value you. If possible, I want you... I want you to be a secret. My secret."

He knows that he can't. It's not possible to keep a secret from this world. And even though he can... I don't think I want to be one. I don't want to go that far. I don't want to risk that much.

I'm sorry but I can't be just a secret of someone.

Nagising ako nang madaling-araw na. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa sa labas ng silid. Bumaling ako sa likod ko. Wala si Brix. Hindi pa ba siya bumalik?

Nakaramdam ako ng panlalagkit ng katawan.

Kumuha ako ng damit sa bag ko bago lumabas ng silid. Sumalubong sa akin ang mga kawal na walang pang-itaas, nagmama-martsa ang mga ito. Malamang na pang warm up para sa araw na 'to.

"Oh. Maliligo ka ba?" Dumating si Ginang Melendez.

"Ah. Opo. Kaso hindi ko alam kung saan."

"Halika. Sasamahan na kita," saad ng Ginang. "Halos wala ang mga babaeng tagapagsilbi ngayon. Nasa kusina para magluto ng agahan. Kumusta naman ang tulog mo?"

Sumunod ako sa kanya. "Masyadong malamig pero nakatulong naman po 'yon para mas mahimbing ang tulog ko."

Palinga-linga ako sa paligid, umaasang makikita si Brix. Saan kaya pumunta ang isang 'yon?

Tinabihan ako ni Ginang Melendez sa paglalakad. "Sigurado naman akong nagpainit din kayo ng asawa mo kagabi bago natulog," nang-aasar na bulong niya.

Napailing na lang ako.

Hinatid ako ni Ginang Melendez sa CR. Kumpleto naman ang mga gamit at malinis. May maligamgam na tubig para panglaban sa lamig at 'yon ang ginamit ko.

Hindi maalis sa isipan ko si Brix. What happened to him?

Nang matapos maligo ay bumalik ako sa tinutuluyan namin. Kahit papaano ay umasa akong madadatnan na roon si Brix pero wala pa rin. Walang bakas na pumasok man lang siya.

Napapikit ako sa inis. Where the hell is he? Hindi naman niya siguro ako iiwang mag-isa rito. Baka gumagawa na siya ng hakbang para sa mission namin.

Sana...

Nagmadali akong mag-ayos ng sarili. Hahanapin ko na si Brix. Medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko. Huwag lang talagang malaman ko na iniwan niya ako rito.

Don't you dare, Brix...

Mabibigat ang mga hakbang ko. Pinagtanong ko kung saan ang bulwagan pero sinabi nilang sarado pa ito kaya malamang na wala roon si Brix.

"Good morning!" Bumaling ako kay Abel. Mas maayos na ang hitsura niya ngayon kesa kagabi. "How's your first night here? Teka. Nag-almusal ka na ba?"

Umiling ako. "W-wala akong gana..."

"Oh, come on. Baka makasama 'yan sa baby mo," aniya pa. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. "May hinahanap ka ba ulit— Oh, wait. Don't tell me Sev, your husband, is missing again?"

Lumunok ako. An gaga pa lang pero ang bigat na agad ng pakiramdam ko. "Nagkaroon lang kami nang kaunting tampuhan. Hindi mo ba siya napansin?"

Nag-uumpisa na akong ma-praning.

"Sandali. Ipapahanap ko siya sa mga kawal—"

"Hindi na," pagtanggi ko. Binitiwan ko rin ang braso niyang nahawakan ko para pigilan siya. "Huwag ka nang mag-abala, Abel. Salamat na lang."

"Hahanapin mo siyang mag-isa?" Nagtaas ito ng mga kilay na animo'y isang kahibangan ang balak ko. "Kumalma ka muna, Astra. Mas mabuting bumalik ka na lang uli sa tinutuluyan ninyo. Sasabihan ko ang mga tagapagsilbi na ipagdala ka ng pagkain. Padadaluhin ko na rin ang manggagamot para masuri ka."

Nangilid ang mga luha sa mata ko. Suminghap ako bago bahagyang gumilid. "No. I'm good..."

Shit. Where is Brix?

Nilagpasan ko na lang si Abel at nagpatuloy sa paghahanap. Kung saan-saan na ako nakarating pero hindi ko makita si Brix. Maging sa farm ay nakarating na ako pero wala siya. Saan pa bang parte ng lugar na ito ang hindi ko napuntahan?

Umupo ako sa bench nang mangawit. Sumandal ako habang nakatingin sa mga magsasaka na nakayuko habang nagtatanim. Tama nga si Abel, sagana sila sa mga pananim. Kitang-kita na masigla ang mga halaman.

"Drink..." Umangat ang tingin ko kay Abel. Inabutan niya ako ng isang supot ng dugo. "At least you drink this. Pang-boost lang ng energy. Kanina ka pa naglalakad-takbo."

Tinanggap ko 'yon nang hindi nagsasalita.

Umupo rin siya sa tabi ko. "What happened? Don't tell me dahil sa biro ko kagabi?"

"Actually..."

"Oh." Mukhang natamaan siya sa sinabi. "Damn. I didn't know he's that sensitive. It was a joke, alam kong alam mo 'yon. May anak na rin naman ako. Sorry. I didn't mean it."

Binuksan ko ang supot at nilagok ang laman no'ng dugo hanggang sa huling patak. Pagkatapos ay nilamusak ko sa kamay ang plastic. Fuck you, Brix. Did you just leave me here alone?

"Papa!"

Napatingin kami sa batang tumatakbo papunta sa amin. Si Tegan na galing sa pananiman, nakalobo ang damit niyang hawak niya habang may nakasubong strawberry sa kanyang bibig.

Lumapit siya sa amin at pinagmalaki ang mga strawberry na nakalagay sa kanyang damit. "Nagsisimula nang tumamis uli ang mga strawberry. Teacher Aida told me that we can harvest more next time!"

Binuhat ni Abel si Tegan at inupo sa kanyang hita.

"Really? Hindi ka na pasaway?" tanong ni Abel.

Umiling si Tegan bago tumingin sa akin. Kumuha siya ng dalawang strawberry sa kanyang damit at inilahad 'yon sa akin. "Lady Astra... for you."

Nakangiting tinanggap ko ang alok niya. "Thank you, Tegan."

"Pa... isn't she pretty?"

Napatingin sa akin si Abel. "She is..."

"I want a woman like her when I grow up," said Tegan as he took a bite on his strawberry. "Why do you look sad, Lady Astra? Don't you like my strawberry?"

Kinain ko ang isang bigay niya para ipakitang mali ang akala niya. "Hmmm. Matamis nga. You're good at this, Tegan."

He giggled.

"Go now, Tegan. Tinakbuhan mo na naman siguro si Lady Aida," ani Abel bago binaba ang anak. "Huwag mong uubusin lahat ng strawberry na 'yan. Give one to your playmates."

Tumakbo uli si Tegan papasok sa farm.

Tumayo na rin ako para umalis. Pero tumingin muna ako kay Abel na nanatiling nakaupo at nakamasid sa akin. "Thank you, Abel. Kapag hindi pa rin dumating si Sev ngayong gabi ay baka mauna na akong aalis."

"What? Is it that serious?" Ngayon ay dama ko na, na apektado siya sa nangyayari sa amin. "Damn. Fine. But I won't let you go alone. I will ask one my guards to assist you. Iyon lang ang paraan para payagan kitang lumabas."

"Okay. Sige. Babalik na ako uli sa tinutuluyan ko..."

Tumalikod na ako at nag-umpisa nang maglakad.

"You're not pregnant, are you?" Abel suddenly asked.

Hindi ko na siya pinansin. Halos tumakbo na ako papunta sa tinutuluyan ko. Pagkapasok ko ay agad na nag-unahan ang mga luha sa mata ko.

Why does it hurt so much? Sobrang bigo ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala pa rin si Brix hanggang mamaya.

Humiga ako sa banig at hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako. Nagising ako nang hapon na. Mabilis akong bumangon para punain kung dumating na ba.

Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa nang wala pa ring bakas ni Brix.

Yeah. I think he already left. Did he abandon this mission?

"Mga kawal! May paglusob na nangyayari!"

Umalma ako nang marinig ang mga nagkakagulong kawal. Mabilis kong kinuha ang jacket ko at lumabas ng tinutuluyan. Lahat ng kawal ay patakbo sa bungad.

"Lady Astra!" Napatingin ako kay Lady Aida na humahangos papunta sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at sinubukan akong isama. "Sumama ka sa akin. Hindi ligtas dito."

"Sandali!" pigil ko. "Ano ang nangyayari?"

"Sa pagkakarinig ko ay may namataan na mga Insurgents sa paligid. Sila ang mga bampirang tinakwil ng mga clan. Mga rebeldeng bampira. Sumama ka sa akin—"

"Mauna ka na. May gagawin pa ako."

"Ano? Sige. Sasamahan na ki—"

"Si Tegan ang protektahan mo, Lady Aida. Mas kailangan ka niya ngayon. Kaya ko ang sarili ko. Sige na."

Hindi ko na siya pinansin. Tumakbo na lang ako at sinundan ang mga kawal. Hindi na rin naman ako sinundan pa ni Lady Aida. Umakyat ako sa puno para mas makita ang mga kaganapan.

Sa pinaka bungad ng tarangkahan ay nakapulong ang mga kawal sa pamumuno nina Abel at Pinunong Bermudo. Napansin ko ang mga mabibilis ka galaw sa labas. Tama nga... mukhang hindi maganda ito.

"Ano ang gusto niyo?" tanong ni Pinunong Bermudo.

Sa isang iglap ay nagpulong ang mga bampirang sa tingin ko ay mga rebelde. Mukha naman silang disente. Hindi mo aakalain na isa silang rebelde.

Hindi sumagot ang mga kalaban.

Nakaporma ang mga kawal ng Esparago Clan, handang protektahan ang Pinuno kung magtangka nang paglusob ang mga rebeldeng bampira.

"Pagkain?" tanong ni Abel. "Kung gusto niyo ng pagkain ay ibibigay namin ito. Huwag lang kayong manggulo. Katahimikan ang gusto namin."

Walang sumagot sa mga rebeldeng bampira.

"Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" kalmadong tanong ni Pinunong Bermudo.

"Gusto naming makuha ang kalahati sa lupain ninyo." Dumating ang isang lalaking nakasakay sa kabayo. Sa tingin ko ay siya ang pinakapinuno ng mga rebeldeng ito. "Kapalit ng katahimikan ninyo ay ang kalahati ng inyong lupain."

Nagkatinginan ang mag-ama sa harapan. Tila nag-uusap ang mga ito.

Tumikhim si Pinunong Bermudo. "Paumanhin ngunit maging kami ay nagkukulang din sa lupain—"

"Kapayapaan o labanan!" Naglabas ng espada ang Pinuno ng mga rebelled at tinutok ito sa direksyon ni Pinunong Bermudo. "Mamili kayo sa dalawa. Alam kong wala kaming laban sa inyo dahil hindi hamak na mas marami kayo pero... madadamay naman pati mga inosente."

"Wala kang karapatang itutok kay Pinunong Bermudo ang iyong patalim!" Umigting ang mga pulang mata ni Abel. "Magbibilang ako hanggang tatlo—"

"Abel..." Putol ni Pinunong Bermudo sa anak. "Pakiusap." Umiling ito.

"Pero Ama—"

"Ako ang magbibilang hanggang tatlo..." Ngumiti ang Pinuno ng mga rebelde. "Kapag hindi pa rin kayo nagdesisyon ay ibig sabihin no'n na mas pinili ninyo ang labanan kesa sa kapayapaan."

Naalarma ang mga kawal sa mga sandaling ito.

Shit. Hindi 'to maganda.


"Isa..." Nag-umpisang magbilang ang Pinunong Rebelde. "Dalawa..."

"Ang bango talaga ng bulaklak na 'to." Sa isang iglap ay sumulpot ang isang lalaki sa gitna ng dalawang nagkakainitang pangkat. "Mahirap hanapin pero sulit naman."

Brix...

"Sev!" Si Abel na gulat din. "Ano ang ginagawa mo rito? Pumasok ka na sa loob. Hindi maganda ang nangyayari dito."

Mula sa bulaklak ay umangat ang tingin ni Brix kay Abel. "What? Nakaharang kayo sa daan, paano ako makakapasok? Sandali... bakit kayo nakalabas?"

Naningkit ang mga mata ng Pinunong Rebelde habang nakatingin sa likod ni Brix. Hindi pa rin ito humaharap sa kanila kaya hindi nila ito mamukhaan.

"Ano'ng nangyayari?" Sa pagkakataong 'yon ay lumipat ang tingin ni Brix papunta sa mga rebeldeng bampira.

Sa isang segundo lang na namukhaan nila ito ay napaatras sila nang isang beses. Gumuhit ang pagkabigla at pangamba sa kanilang mga mukhang kanina ay maangas tingnan. Hindi nakaligtas sa sindak ang pinunong nakasakay sa kabayo.

"Rebelde?" tanong ni Brix. Humakbang ito nang isang beses kasabay ng muling paghakbang paatras ng mga rebelde. "Ano ang ginagawa ng mga rebelde sa pangkat na tinutuluyan ko?"

Bakas ang pagkalito sa mga mata ng Esparago Clan.

"Ikaw ang pinuno?" Sa isang kisap-mata ay nakalapit si Brix sa Pinunong Rebelde na tila hindi makagalaw. "Ano ang sadya niyo rito? Pwedeng malaman?"

Napalunok ang Pinunong Rebelde. "N-napadaan lang kami. Hindi kami naghahanap ng gulo. Paumanhi, Bri—"

Hinila ni Brix mula sa kabayo ang Pinunong Rebelde. Hinawakan niya ito sa damit saka nilapit ang bibig sa tainga. "Magbibilang ako hanggang tatlo..." bulong nito.

Hindi pa man nag-uumpisang magbilang si Brix ay wala na ang mga kasama ng Pinunong Rebelde. Nang bitiwan siya ni Brix ay gumapang ito pasakay sa kabayo saka na rin ito tumakbo palayo.

Inamoy uli ni Brix ang kulay lila na bulaklak. "Ang bango..."

Napangiti ako nang makita ang katahimikan sa pangkat ng Esparago.

Brixton Wenz Cardinal...

"Maganda ba view rito?" Hindi ako nakakilos nang biglang sumulpot sa tabi ko si Brix. "Nakatulog ka ba nang maayos, Astra? Hindi na ako nakauwi agad."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

Pinakita niya sa akin ang bulaklak na hawak. "Hyacinth ang pangalan ng bulaklak na ito. Mas mabango at maganda kesa sa pulang rosas na hawak mo kagabi."

Tahimik pa rin ako.

"Teka. Ayos ka lang? Tinakot ka ba ng mga gagong rebeldeng 'yon?" Kumunot ang noo niya nang wala pa ring makuhang sagot sa akin. "Sandali. Hahabulin ko ang mga gagong 'yon. Anong karapatan nilang takutin ang asawa ko—"

Hinila ko si Brix at hinalikan sa labi. Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang kanyang labi. Imbes na umangal ito ay nagawa pa niyang tumawa.

"Gago ka, Brix. Ikaw ang pinaka gagong lalaking nakilala ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro