Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 8: How It Works

Staring at me intently, lust was evident in his bloody red eyes. Gumalaw ang adam's apple nito nang bumaba sa leeg ko ang kanyang tingin. All of a sudden, I felt guilty for preventing him to have his drink. Uhaw na uhaw ang titig nito lalo na ngayong pinagbibigyan ko na siyang gawin kung ano ang gusto niya.

"It's fine, Brix," I tried to fortify him when I sensed how hesitant he was.

I was ready to give myself, fuck it if it hurts, but he didn't touch me. Kumurap ang kanyang mga mata at biglang nawala ang pamumula nito. Bumali ang leeg nito bago umiling. He stood up, grabbed my hand and pulled me out of that room. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang niraragasa namin ang mga nakakalat na bampira.

"Aalis na tayo?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya pero taliwas sa daan palabas ang tinatahak namin.

Pumunta kami sa bar counter at pabagsak na inupo ako ni Brix sa high chair katabi niya. Tinitigan niya nang masama ang lalaking nakaupo sa gilid ko kaya mabilis itong tumayo at umalis. Ngayon ay bakante na ang isang upuan sa tabi ko.

"Whoa! Boss Cardinal sitting on here instead of occupying a room, what's good? Mas gusto mo na ba ngayong uminom sa maingay?" A loquacious grinning bartender approached us. May hawak itong alak. Dumapo ang tingin niya sa katabi ko. "Hey. Where's the man here?"

Bigla kong naalala ng lalaking pinaalis ni Brix.

"Two glasses in 10 seconds," Brix broke his silence.

Mabilis na binitiwan ng bartender ang hawak na alak at tumakbo paalis. Wala pang ilang segundo ay nakabalik na agad ito hawak ang dalawang baso at isang bote ng alak. Inilapag niya ang mga baso sa harapan ni Brix.

"As usual, Boss Cardinal." Napatingin sa akin ang lalaki habang binubuksan ang alak. Bumali ang leeg nito na parang inuusisa ako. "You must be his slave, right? Whoa. The talk of the town woman who caught the eyes of the meticulous man of Nightfall Clan. May I know the name?"

"Ast—" Natigilan ako sa pagsagot nang marinig ang pagkabasag ng baso.

"Are you here to serve me or to annoy the hell out of me?" matalim na tanong ni Brix habang pinipino ang mga bubog sa kanyang kamay. "I haven't had any drink since this morning. You know what that means?"

The bartender instantly lent the bottle of alcohol to Brix. Hinablot 'yon ni Brix at nagsalin sa isang baso, kalahati. Saka nito tinulak sa akin ang baso at tumungga sa hawak na bote. Sinenyasan ako ng bartender na may aasikusihin pa siya.

Bumuga ako ng hangin bago hinawakan ang baso na may alak. Kumikinang ang kulay pulang likido rito. Walang yelo pero malamig naman na. Inamoy ko ito. Amoy alcohol pa rin pero mas humahalimuyak ang dugo.

"Fuck it," I heard Brix mumbled.

Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang ito sa kanyang mga kamay na may sugat gawa ng bubog. Ilang sandali ay naghilom na ang mga ito. Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha. He looked infuriated and I had no idea why.

Damn! Bakit ba ang hirap basahin ng lalaking ito? Ayos pa naman kami kanina bago ko pa sinabing pwede na niya akong gawing alipin. May mali ba ro'n? Did I miss something? Hindi ba gano'n ang paraan?

One name suddenly popped into my mind. Celeste. I need to meet her one of these days. I need information about how this one works.

"Have you already signed the paper?" biglang tanong ni Brix.

Muli akong napatingin sa kanya. "What paper?"

Napailing ito bago tumungga sa alak.

Naghintay akong sumagot ito pero wala akong nakuha. What now? He's going to leave me wondering?

Due to frustration, I gulped my drink straight. Whoa. Ang sarap! Sinimot ko ang laman ng baso hanggang sa huling patak. Dinilaan ko pa ang labi ko para mas lasahan ang alak. Kaya naman pala hayok na hayok si Brix dito.

Ramdam kong nakatingin sa 'kin si Brix kaya kunwari ay inabala ko ang sarili ko sa paligid. Dumoble ang mga bampira ngayon. Halos lahat ng table ay may nakaupo na. At mas lumala rin ang kaguluhan sa paligid. Habang mas tumatagal ay nagiging mabangis ang mg nandito.

Kinuha ni Brix ang baso ko at sinalinan uli 'yon ng alak. Pabagsak na nilapag niya 'yon sa harapan ko.

"It was in your pocket..." Brix whispered.

Napakapa ako sa bulsa ko. Wala naman.

"Where? I don't get it," I responded.

Kinulong ko sa mga palad ko ang baso at bumaling ng tingin sa kanya.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. Ngayon ay nakahawak na ang dalawa niyang kamay sa balikat ko at magkaharap kami sa isa't isa. Nahirapan akong huminga habang nakatingin sa kanya.

"Listen, Astra." Lumunok ito bago nagpatuloy. "No one is allowed to touch you until I get my first. Ako dapat ang makauna sa 'yo. Don't you dare ruin it. You wouldn't like the consequences if you failed me."

A dangerous smirk formed on his lips. Mas lalong pumula ang mga 'yon na medyo mamasa-masa dala ng alak. Gusto ko mang ibaling sa kanyang mga mata ang tingin ko pero parang napako ang titig ko sa kanyang mga labi.

Natigilan ako nang hawakan niya ang buhok ko at inayos sa likod ng aking tainga ang ilang hibla na kumawala. Lumapat ang kanyang mainit na palad sa aking leeg at rumagasa papunta sa batok ko. Nanindig ang balahibo ko at hindi nakagalaw.

"B-Brix..." Fuck it!

"It was in your pocket." Inalis na niya ang kamay sa batok ko at humarap na uli sa counter. Hinawakan niya ang alak at uminom doon. "Mr. Billy slid it inside your pocket when you were in the clinic, struggling in transition."

Napabalik ako sa huwisyo ilang segundo matapos niya akong bitiwan. Umayos ako ng upo at humarap din sa counter. Bahagya akong sumimsim sa alak na nasa baso. Ayokong iisahang lagukan dahil baka makulangan na naman ako.

Ramdam ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko.

"Teka... pinadala mo siya roon?" tanong ko.

"Why not?" He shook his head. "You think humans could help you that time?"

Bigla kong naalala na pinasok ni Mr. Billy ang kanyang kamay sa bulsa ko no'n. Hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin ang detalyeng 'yon dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko pa nalalabahan ang uniform ko kaya andoon pa ang papel.

"Bring it tomorrow," he said.

"Aalis na naman ako bukas?" Ngumuso ako. "Hindi ko alam, Brix. Kailangan ko pang bumawi kay Tita Ophelia dahil sa biglaan kong pagtakbo kanina. Baka 'pag nagsunod-sunod na ganito ako ay palayasin na niya ako."

"Then, leave. I could get you your own damn house," he said, annoyed.

"And I'm going to live there alone?" I rolled my eyes.

Bumali ang leeg niya papunta sa direksyon ko. "I could get you lots of dogs, as much as you want. Damn! Hindi ko dapat ginagawa ito pero ang dami mong reklamo sa buhay. Siguro naman kapag wala ka na sa pundar ng mga 'yon ay magagawa mo na ang gusto mo, hindi ba?"

Uminom ako sa baso bago umiling.

"I'm not leaving there," I said.

Ayokong maiwang mag-isa. Mas gusto ko na sa maingay na bahay ni Tita Ophelia. At least kahit papaano ay may nakakausap ako. Kahit papaano ay naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Mas lalo lang akong malulumbay 'pag humiwalay sa kanila.

Muli na itong bumalik sa pag-inom, halos ubos na ang bote na hawak niya.

"Favor, Brix," nahihiya kong sabi.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"P-pwede mo bang ligawan si Tita Ophelia?"

Napapikit ako nang marinig na nabasag ang hawak na bote ni Brix. Natakot akong imulat ang mga mata ko dahil baka ipakain niya sa 'kin ang bubog dahil sa pagkainis. Lumipas ang ilang segundo na walang nangyari. Hinugot ko lahat ng lakas sa loob ko para imulat ang mga mata.

Pigil ang paghinga ko. Naabutan kong tumutungga ng bagong alak si Brix. Nakakalat sa sahig ang bubog ng boteng binasag niya. May kaunting sugat ang gumuhit sa pisngi niya, malamang na nasagutan dahil sa bubog.

"Y-you are bleeding..."

"I'm a vampire," bale walang sagot nito.

Pinagmasdan ko ang maliit na hiwa sa pisngi niya hanggang sa maghilom ito. Gamit ang palad ni Brix ay madiin na pinunasan nito ang dugo sa kanyang pisngi. Muling bumagsak sa mga bubog ang tingin ko. Wala pa kaming ilang oras pero nakadalawang basag na siya.

Suminghap ako at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Naramdaman kong kumulo ang sikmura ko.

Napatalon ako sa gulat nang maramdaman na may humawak sa braso ko. Si Brix... madiin ang tingin sa sugat sa braso ko. Hindi ko ito napansin. Mukhang nasugatan din ako gawa ng bubog na binasag niya.

"Fuck it, Astra. You are bleeding..."

Umigting ang pagkapula ng kanyang mga mata.

"I-I'm a vampire..." I responded, nervous.

"You are damn fresh. Let's get out of here!"

Hinawakan na niya ako at aktong aalis na nang hinarang kami ng grupo ng mga lalaki. Napahawak ako sa kay Brix nang makita ang mga mata nilang pula, sumisilaw rin ang pangil sa labi nila, halatang uhaw. Sa iisang direksyon lang nakatingin ang kanilang mga mata... sa braso kong dumudugo.

"I don't want to fight," walang ganang sambit ni Brix sa kanila.

Ngumisi ang isa sa kanila. "Of course, you won't. Kailangan mong hindi gumawa ng gulo dahil sa nalalapit mong paghirang bilang pinuno ng clan natin. How about us, Mr. Cardinal? We don't have any reputation to take care of."

Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Brix sa 'kin.

Putik. Hindi pa rin naghihilom ang sugat ko.

"Stay here..." Hinila ako ni Brix sa kanyang likod.

"Damn. Fresh blood..." one of them mumbled.

Nanginginig na pinunas ko sa damit ko ang dugo pero may panibago na naman. Bigla kong naalala ang ginagawa ko dati kapag nasusugatan ako sa daliri.

"Don't suck your own blood idiot. It will get worse," pabalang na sabi ni Brix. Tumikhim ito at umabante papunta sa grupo ng mga lalaki. "Are you guys dumb? I will be the next leader of our clan. Kapag sinaktan niyo ang babaeng nasa likod ko, kayo ang una kong pupuntiryahin kapag ako na ang namumuno."

Sabay-sabay na humalakhak ang grupo ng mga lalaki.

Bumali ang leeg ni Brix, halatang napipikon na.

Ayon sa narinig ko, bawal masangkot sa gulo si Brix. Kapag nasangkot siya sa gulo, maaapektuhan nito ang kung ano mang dapat na mangyari sa kanya. Bigla kong naalala ng pakay niya sa 'kin. He needs me to make his dad proud. I know... he's doing it to secure his position.

Now... I'm about to ruin it all.

"Kapag sinaktan mo naman kami, manganganib ang posisyon mo," sagot ng lalaki. "You need to choose, Brixton Cardinal. Let us have a taste of that woman or fight us and give up your position."

"Come on. Patikim na lang. Hindi naman namin uubusin."

Napaatras ako nang may humampas na upuan sa katawan ni Brix. Hindi ito natinag sa pagkakatayo kahit na nawasak ang upuan, pero nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamao. Kaunting tulak na lang sa kanya ay hindi na ito magpipigil pa.

"Stop!" Humarang ako sa harapan ni Brix. "H-hindi dapat kayo nag-aaway. Nasa iisang clan lang tayo, hindi ba? Dapat kalaban natin ang mga insurgents! We need to be united. So, please..."

"What the fuck are you doing?" madiin na tanong ni Brix.

Tinangka niya pa akong hilahin pero hindi ako nagpatinag.

"Shit, Astra! Ngayon ay ipinagtatanggol mo ang lalaking ito? Ano'ng magagawa mo laban sa limang hayok sa dugo na ito? Sabunutan? Sampalin?" pangaral ko sa sarili.

Humakbang papunta sa harap ko ang isa sa kanila, nanginginig man ay hindi ako kumilos. Malawak ang ngisi sa kanyang labi. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi. Pinagmasdan niya pa ako mula paa hanggang ulo bago bumalik ang tingin sa dibdib ko.

"Gorgeous..." Tinangka niyang hawakan ang mukha ko pero napigilan agad siya ni Brix.

"Touch her and you will be marked as insurgent," dumilim ang tinig ni Brix. Ngayon ko lang napansin na lumabas uli ang mga ugat niya sa kamay hanggang sa leeg. "I will make sure no clan will accept you anymore. You will live your whole worthless life, running scared, hiding until you just wish to die."

No. He's about to make a commotion.

"Oh, my feels!" naagaw ng isang babae ang atensyon namin. Hindi ito makadaan dahil nakaharang ang nagalaw na lamesa. "This is so messy!" Sinipa nito ang lamesa na tumalsik sa ibang bahagi. Bago pa man 'yon bumagsak sa sahig ay wasak na.

Naagaw niya ang atensyon ng lahat. Sa dami ng mga narito, imposibleng hindi mo siya makita. Matangkad na pero naka-high heels pa rin. At namumukod-tangi ang kulay pula niyang dress. Pinitik pa nito ang kanyang buhok.

Dumiretso si Nath sa counter at kumuha ng alak. Pansin ko ang mga naglalaway na tingin ng mga lalaki.

"Let's go..." bulong sa 'kin ni Brix.

Hinarang kami uli ng mga lalaki.

"Sino'ng gustong uminom kasama ako?!" pasigaw na tanong ni Nath. Wala pa yatang ilang segundo ay nasa harapan na niya halos lahat ng lalaki rito. Mahina itong natawa bago dumapo sa amin ang tingin niya. "I prefer you guys..." Itinuro niya ang mga lalaking humarang sa amin. "Come here and have a drink with me."

"Fuck, yes, Lady Nathalia!" Nawala rin agad ang mga lalaking pumipigil sa amin.

Kinuha ni Brix ang pagkakataon na 'yon para ilabas ako. Nang makasagap ng sariwang hangin ay gumaan ang pakiramdam ko. Naghilom din agad ang sugat sa braso ko. Kumalma na ang lahat pero lang sa isang lalaki.

"What's that?" Binitiwan ni Brix ang braso ko nang makarating kami sa parking lot. Sumandal ito sa kanyang sasakyan, nakahalukipkip habang nakatingin sa 'kin. "Kailangan ko pa bang ipaalala sa 'yo ang nangyari no'ng isang gabing nagpakabayani ka para ipagtanggol ang nanakawan?"

Napayuko ako.

"You are at it again, Astra," dinig ko pang sabi nito.

Umangat ang tingin ko. "I-I tried to save—"

"My position?" he cut me out, brows furrowed. "Do you really think that threat would stop me from breaking their legs?"

"I-I thought—"

"Na maililigtas mo ako? Para saan? Magkautang na loob ako sa 'yo?"

Kumunot ang noo ko bago mapaklang natawa. "Gano'n ba talaga ang tingin mo sa ginawa ko?"

"Then, what?" hamon nito.

"I am your slave, remember?" nagtaas ako ng kilay. "Hindi dapat kita hahayaang mapasama. I need to protect you at all costs, even if I need to sacrifice my life. Lagi mong pinapamukha sa 'kin na alipin mo lang ako, ngayon na nagpapakaalipin na ako, galit ka pa rin? What am I suppose to do?"

Bumali ang leeg nito. "You are my slave, you don't decide for me. Ano ang ginawa mo kanina? You fucking disobeyed me!"

"That's not how it works!"

"Of course, it's not!" Umayos ito ng pagkakatayo. Ramdam ko na kumalma na ito pero may bakas pa rin ng inis sa kanyang tingin. "This is not how it works. Hindi dapat ganito ang nangyayari. You are supposed to be obeying me and following my words. That's your role here. My slave..."

Binuksan na nito ang pinto ng sasakyan niya.

"And... I am," sagot ko.

"Are you dumb? It feels like the other way around. Get in the car. We still need to get you a fucking dog."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro