Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Hagkyeo jongsoriga ttaeng ttaeng ttaeng~"

Napabangon ako nang marinig na may kumakanta sa labas ng kwarto. Pag tingin ko sa orasan ay 6:15AM na. Juzko less than an hour na lang myghadd.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at dali-daling lumabas papuntang cr.

"Hala! Sino nasa loob?" tanong ko sa kanila

"Kuya mo." sabi ni Jisung na nasa sala katabi si Jeongin

"Kain ka muna." sabi ni Hyunjin na nasa kusina sa tabi ni Felix. Ayoko na sanang kumain kaso makakatanggi ba ako?

Iniwan ko muna yung mga gamit ko sa labas ng cr at bumaba ng hagdan. Lahat sila bihis na "Ba't hindi niyo ako ginising?"

"Tulog ka pa eh." napa-facepalm na lang ako. Kung hindi ko lang siya crush nakooo.

Umupo ako sa tabi niya --eherm galawan ala Nami 101 hikhok-- at kumuha ng bread at strawberry jam.

[paepal na otor: ilalagay ko sana jams ni Jimin kaso naalala ko hindi 'to BTS FF lololol~]

"Hayyss. Tagal ni kuya." sabi ko nang makakalahati ko na yung kinakain ko

Sakto namang kumabas na siya kaya sinubo ko na ng buo yung sandwich ko at dali-daling tumakbo papasok ng cr.

Nasa kalagitnaan na ako ng palikigo nang..

"Una na kami ah." sabi ni kuya

Luh? May 30 minutes pa naman ah. 10 minutes walk lang naman mula samin hanggang school at mabilis naman akong kumilos.

"Geh iwan niyo 'ko!" sarkastiko kong sabi

Narinig ko ang papalayong footsteps nila at pagsarado ng pinto sa baba. Hayss.

Lumabas na ako at nagkagulatan pa kami ni Jeongin na nakatayo sa harap ko pag bukas ko ng pinto. Shocks! Naka-towel lang ako. Myghadd! Rape--

"M-may naiwan lang ako." hindi siya makatingin ng diretso sakin at tumungo na papauntang kwarto nila ni Jisung-- dating kuwarto ni mama.

Geez! Nakakahiya juzko.

Dali-dali akong nagbihis dahil 6:35 na! Pagbaba ko ay nakita kong nakatayo si Jeongin sa pinto.

"S-sabay na tayo?" tumango naman ako












"Di mo naman sinabi na sainyo na pala nakatira si Felix jagi ko. Hmp!" sabi ni Sunny at nag-pout pa. Eww.

"Punta ka samen." sabi ko sabay kagat sa sandwich na binili ko sa canteen

"Pupunta talaga ako!" nasapo ko na lang ang noo ko at umiling

"Teka, asan na ba sila?" tanong ko. Matatapos na lang kami sa pagkain pero wala pa rin sila. Sabay-sabay naman kaming lumabas para mag-recess pero pag dating namin ng canteen nawala na. O di ko lang napansin?

Ngumuso naman si Sunny.

"Kanina ka pa pout nang pout kadiri ka." saway ko

"Ano ba! Tinuturo ko kasi sila." sabay nguso ulit na tila ba may tinuturo sa likuran ko

"Pwede ka namang tumuro gamit ang dalir--" saktong paglingon ko sa tinuturo niya'y malapit na sa mukha ko yung mukha ni Hyunjin. Shoxx!

Bigla kasi siyang umupo sa tabi ko kasabay ng iba na umupo sa mga bakanteng upuan. Inhale, exhale, repeat.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Sunny na ngayo'y katabi na ang kanyang jagi pwee

"Favorite mo ba ang sandwich? Kanina yan din ang breakfast mo." tanong ni Hyunjin

Enebe juice colored "Medyo?" Owemji di ko alam isasagot ko

Nagkitbit balikat na lang siya at "Penge ah." sabay kuha sa chips ni kuya

"Hyung naman eh!" reklamo nito sabay yakap sa pagkain para wala nang ibang makahingi

Napuno naman ng tawanan ang table namin.







"San kayo magpapasko?" biglang tanong ni Sunny sabay sabay kaming naglalakad pauwi. Hayss sineryoso niyang pupunta siya samin. At ang excuse niya? Namiss niya raw pumunta sa bahay namin na ang paalam ay gagawa ng project. Sows gusto lang makita si Felix. Gigil ako neto eh.

"Sa bahay lang. San pa ba?" tanong ko pabalik

"Oo nga. Sa bahay." napatingin kami ni kuya kay Jisung

"Wag mong sabihing.." Kuya

"Sa bahay niyo kami magpapasko!" Hyunjin

"Yown nadale mo!" Jisung

"Party people~!" Felix

"Yehey~!" Jeongin

Wait, what?

"Di kayo uuwi sa inyo?" tanong ko

"Malayo eh." halos sabay sabay nilang sabi

"Woah saya naman. Party party kayo dun." Sunny

"Ikaw ba saan?" naunahan ako ni Felix :<

"Uuwi raw kami ng province eh." Sunny

"Oww. Pasalubong ah." sabay naming sabi ni Hyunjin kaya nagkatinginan kami at nagkatawanan. Ey enebe mah hart homay.

"Padala muna kayo pera." sabi ni Sunny at nilahad pa ang palad saming lahat

"Bala ka ban ka na sa bahay." sabi ko

"Oy joke lang 'to naman!" at yumakap pa sakin

"Ey ano ba! Sexual harassment!" sigaw ko dahilan ng tawanan namin

"Woah kadiri ka bes."

"Mas kadiri ka."

"May iba pang tao bukod sainyo." kuya

"Si Sunny/Kapatid mo kase eh!" sabay naming sigaw ni Sunny na para bang batang nagsusumbong sa kuya

"Inaaway mo kapatid ko?" kuya

"Oo nga inaaway mo kapatid namen!" napatingin kaming lahat kay Felix

"Tama! Lahat kami magkakapatid kasi sa iisang bahay lang kami nakatira." Hyunjin at umakbay pa kay Felix. Aww kapatid zoned </3

"Okay lang, wala akong kapatid." Sunny at nag-pout pa

"Wala ka naman talagang kapatid eh!" sabay sabay naming sigaw at pinagkaisahan si Sunny hanggang sa makarating ng bahay

===================================

#Namhyun o #Namjeong? Lololol who to ship? 😂

12-22-17
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro