Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Nung new year, kami lang ni kuya nagcelebrate. Umuwi sila sa kanya-kanyang pamilya para i-celebrate ang bagong taon. Kalungkot lang wala na si mama. Pero naging masaya naman kami ni kuya ng beri layt. Bumalik sila ng bahay two days after ng bagong taon.

At ngayon, back to school. Ang aga naming pumasok. Bagong taon, bagong buhay. Agad na sumalubong samin si Sunny sa gate pa lang.

"Kung eto bubungad sa bagong taon ko, babalik na lang ako last year." sabi ni Felix

Nagpout naman si Sunny.

"Kunyari naiinis." bulong ko pero agad akong siniko netong babaeng ito

"Hayss lika nga." sabi pa nito at hinatak ako

"Saan mo dadalhin kapatid ko?" tanong ni kuya

"Sus. Kala mo naman concern. Maaga pa naman eh." sagot ni Sunny kaya wala na akong nagawa

"So?" tanong ko nang nakakalayo na kami

"Cherry's chatting me." diretsa niyang sabi

"Oh?" tangi kong nasabi

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako kaya napatigil na rin ako.

"Bakit? Bessy na kayo?" tanong ko

"Aish! That girl! Gustong gusto ko siyang iblock kaso..."

"Kaso?"

"She threatened me."

"Natakot ka?"

"Syempre sasaktan ka raw niya. Alam mo naman yun, baliw. Baka kung anong gawin sayo." napataas naman ako ng kilay "Ba't mo kasi siya binlock? Yan tuloy lalong naginit yung ulo sayo."

"Wait, huh? Anong---



Bumaba ako ulit at nakitang pinagkakaguluhan nila yung phone ko. Wala kasing password kaya nabuksan nila agad.

"Oy! Oy! Ginagawa niyo diyan." saway ko dahilan para magulat sila at pagpasa-pasahan yung phone ko hanggang sa mahagis ito na Felix



"Bakit?" tanong ni Sunny nang mapansing natigilan ako

"Hindi ako nagblock sakanya. Wala akong alam." sagot ko










"Bakit niyo naman ginawa yun?" naiinis kong tanong sakanila

Nandito kami ngayon sa isang table sa canteen. Recess na kasi.

"Sorry na." sabi ni Hyunjin, nakoo matitiis ko ba 'to? "Ako nagblock sakanya. Inaaway ka kasi eh. Pero nandito naman ako para ipagtanggol ka."

"Wafu kasi ni papsy Hyunjin eh. Haba ng hair." sabi ni kuya

"Pero tama siya. Nandito kaming lahat para damayan ka. Sabihin mo lang kung kelan natin reresbakan." sabi ni Jisung

"Pero kahit na. Hiniram niyo na nga yung phone ko ng walang paalam tas pinakialaman niyo pa." sabi ko

"Sorry na nga eh~"

"Hay nako. Kung hindi lang.."

"Kung hindi lang ano?"

Kung hindi lang kita crush Hyunjin nako.

"Kung hindi lang magta-time na aawayin ko pa kayo kaso patapos na recess so bye~!" paalam ko

"Ay teka lang!" biglang sumabay sakin sa paglakad si Hyunjin

"Bakit?" tanong ko

"Pwede ba kitang makausap mamayang uwian? Tayo lang? Sa library?"

Omayghad! Eto na ba?! Magcoconfess na ba siya ng feelings niya sakin?! Magiging kami na ba?

"O-okay."








"Ngiting ngiti ka diyan ah!"

Hindi maalis sakin ang abot tengang ngiti ko kahit sa classroom. Hindi ko napansin na biglang tumabi sakin si Yoona. Absent kasi yung seatmate ko sa kanan. Sa kaliwa ko si Jeongin.

"Siyemp-- uhh? Kailangan mo?" sagot ko

"Ayaw namin ng gulo." singit ni Jeongin

Tumawa si Yoona na halatang peke "Chill! Si Cherry ang may gusto ng gulo, Hindi ako si Cherry. Okay? Pero ang landi mo naman. May Hyunjin na, may Jeongin pa."

"Ano bang kailangan mo?" inip kong tanong

Nag-lean forward siya sakin at bumulong "I know your secret."

"What do you know?" ewan ko ba pero kinakabahan ako

"Na you're living with Jeongin, Hyunjin, Felix, and Jisung. Sheyt gang bang na this." muli nitong bulong "Kala ko ka-live in mo talaga si Hyunjin."

Tiningnan ko ang paligid at mukhang walang nakakarinig kahit na si Jeongin na katabi ko. Eto ang ayoko eh.

"Ano bang sinasabi mo?!" pasigaw kong bulong

Umayos na siya ng upo "Done worry. I won't tell anyone even Cherry."

"How can I be sure?" pati ako napapa-english dito

Kinuha niya ang phone niya "I'll send you a nude pic of Cherry. Now we're quits. Ipagkalat mo pag pinagkalat ko."

"What?! No!" ngunit huli na. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa.

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?"

"Matalino ka naman diba," she smirks "Tuwing may assignment sayo lang ako kokopya ha?"

Wala na akong nagawa kundi tumango.










Uwian na. Inaya nga ako ni Jeongin na sabay daw kami ulit paguwi ngunit sabi ko'y may gagawin pa ako sa library at kaya ko naman umuwi magisa. Despite of stress dahil kay Yoona, nakangit pa rin ako dahil... THIS IS IT PANCIT!

Konti lang ang tao sa library. Sa likurang bahagi ko piniling umupo. Tuwing may papasok sa pinto ay siya ang inaasahan ko. Mga tatlong tao ang pumasok bago siya. Umayos ako ng upo at naghawi ng buhok. Hihi pavivi pa ihh~

Nang makita niya ako'y ngumiti siya sakin that makes my heart flutter. Naglakad na siya papunta sa direksyon ko at umupo sa katapat kong upuan.

"Nami," panimula niya

"Hmm? Ano ba yung sasabihin mo?" nakangit kong tanong kahit kabog na nang kabog ang puso ko

Mahina siyang tumawa at tumingin sa baba "Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan."

"Ano ba yun? Kinakabahan ako sayo." napatawa na rin ako kahit kabang kaba na ako na sinabayan pa ng sobrang bilis ng tibok ng puso ko

"Gusto ko lang sabihing," nagangat siya ng tingin "May gusto ako.... sa bestfriend mo."

Napaawang ang bibig ko.

"Pwede mo ba akong tulungang manligaw sakanya?"



















===================================

Aww naiyak ako ㅠ^ㅠ

Promote ko lang yung bago kong story entitled "Former Friends". Hihi~ Sorry na~ Tagal na nga nung huling nagupdate tas magpopromote pa😂 Kafal ni otor😂

Anyways, cutie ni Seungminnie sa mutlimedia~😍😍

03-05-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro