Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ikaw si Nanami diba?" binigyan ko ng sino-ka-at-bakit-kilala-mo-ako-stalker-ka-ba look ang aking seatmate na new student. Hindi naman ako famous kaya nakakapagtakang kilala niya ako. Hindi pa naman kami nagpapakilala sa get-to-know-each-other routine tuwing first day dahil wala pa ang teacher namin. Wala rin naman akong nametag. Isa lang naman akong dakilang introvert.

"Oo? Ako nga. Bakit mo 'ko kilala?"

"Ay! Yang Jeongin nga pala." Sabi nitong lalaking nakabraces at nakipagkamay pa sa akin

Binigyan ko naman siya ng so?-tinatanong-ko-ba look bago ito tinanggap. Wala namang masama kung makikipagkaibigan ako diba? "Nanami Kim or Kim Nami. Can call me Nami."

"Diba ikaw yung kapatid ni Seungmin hyung?" teka, paano niya—

"Oo. Isa ka ba sa mga kabanda niyang lumipat dito?" tanong ko pabalik

Ngumiti naman ito, revealing his dimples at tumango "Nice to meet you."

"Nice meeting you too." At sinuklian siya ng isang ngiti

~o~

Sabay kaming lumabas ni Jeongin ng room pagtuntong ng recess at saktong lumabas na rin sina Sunny, ang nagiisang bestfriend ko simula high school at ngayon lang kami hindi naging magkaklase kung kelan ga-graduate na kami, ng room nila na may kasamang dalawang lalaki na sa tingin ko ka-miyembro rin ng banda nina Jeongin. Close kasi si Sunny sa banda nila dahil pinsan niya yung isang miyembro dun. Ano ba pangalan ng pinsan niya? Yoojin? Woojin? Sa pagkakaalam ko kasi sabay sabay lumipat dito yung apat na kabanda ni oppa sa school namin na kapwa pare-pareho kami ng grade level. Yung ibang members daw kasi nila senior high at collage na kaya sila lang ang lumipat. Wala namang senior at college dito sa school namin.

"Hey bessy! Namiss kita!" at niyakap pa ako ni Sunny

"Nga pala, sila si—ay wait! Kayo na magpakilala sa sarili niyo. May taga-pagpakilala pa ah." Turo niya sa dalawa niyang kasama

"Hi! I'm Felix Lee. Nice to meet you." Pagpapakilala nitong may pagka-Australian accent kung magsalita at inilahad pa ang kanyang kamay

"Kim Nami. Nice meeting you too." At tinanggap ang kamay niya

"Hello Nami! Han Jisung nga pala." Nakangiti niyang pagpapakilala. Ngumiti rin ako sakanya bilang tugon.

"Ayan na pala sila hyung." Turo ni Jeongin kila Seungmin oppa at sa kasama nito na kakalabas lang rin ng classroom nila

"Hyunjin hyung, kapatid ko nga pala. Nami, si hyung." Pagpapakilala ni kuya

Teka, uso ba magpakilala sakin? Matatandaan ko kaya agad pangalan nila. Mukhang ako na lang talaga di nila kilala dito.

"Annyeong Nami!" bati niya at kumaway pa sakin. Kinawayan ko rin siya.

Omo ang awkward! Or ako lang? Di kasi ako sanay sa maraming nakatingin sakin at makipagkausap sa mga di ko kilala or kakikilala ko pa lang.

"Ganyan talaga si Nami, mahiyain." At inakbayan pa ako ni Kuya "Ano? Tara na sa canteen."

Homayghad! This year, mukhang mawawala pagka-introvert ko.

===================================

Hope you enjoy! OT9!


This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of my wild imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events, or locales is entirely coincidental. Every part of this is purely mine. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. No copying. Plagiarism is a crime. God is watching you.

All rights reserved, 2017

12-06-17
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro