Marupok

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Naglalakad ako pauwi sa bahay, dahil walang hiyang lalaking gusto ko ay isang matalinong nerd, na walang ginawa kundi saktan ako.

Ano bang mali sakin, bukod sa lagi na nga syang pinupuri ni mama, na ganyan gayahin mo yan si Jasper, sumama ka kaya dyan lagi para mahawaan ka naman ng kasipagan.

Pero lalabas lang yan sa tenga ko, bat pa ko lalapit kung naiirita sya sa presenya ko.
Bat pako gagaya eh, di rin naman ako magugustuhan.

Bakit di nya ko magustuhan? Grade ko ? Ayun pasang awa, mahilig ako mag inom, at mag cutting classes kahit babae ako. Lahat naman ito ginagawa ko dahil wala syang paki sakin. Mahilig din ako makipag away daig ko pa lalaki.

Nakarating nako sa bahay, diretsong pumasok sa kwarto ko, at humiga sa kama kahit di pa nakakapag bihis.

Iniisip ko nanaman ang mga katangahan ko kanina sa kanya kung pano ako nakipag away sa babaeng kasama nya.

Kanina kasi naglalakad ako papuntang canteen dahil nagugutom nako, at di ko sinasadyang makita sa garden sina Jasper at Mica. Nakita kong sobrang lapit ni Mica Kay Jasper pero masayang tumatawa lang siya. Nag init ang ulo ko at biglang nawala ang gutom ko.

Lumapit ako sa kanila at walang pakundangan na sinampal ko si Mica. Nakita kong namumula ang kanyang mata. Pero wala akong paki..
Galit na galit sakin  si Jasper tinanong kung bakit ko ginawa Yun!?
Hindi ba obvious na ginawa ko yun para sa kanya.
Sinabihan nyakong magsorry kay Mica, Pero diko ginawa nakita kong naiyak na si Mica.
Tumalikod ako, dahil diko na makontrol ang galit! Bakit di ba nyako magustuhan? Dahil ganto ako ? I can change for him sabihin nya lang.

Hindi pako nakakaalis sa garden ng hinigit nya ang kamay ko, at pinisil. Di nya ata alam na  sobrang nasasaktan ako sa paraan ng pagkakataon nya.

"Ano bang problema mo?!  Kate, ganyan kanaba talaga?!" Mariing tanong nya.

" Bakit ganon kayo kalapit hah. "
Tanong ko pabalik

" Wala kang paki, sawang sawa nako sa ugali mong yan, kaya yata di kita magustuhan. "

Kahit nasaktan ako, tinago ko nalang at pinilit na bawiin ang kamay ko. At sisiguraduhin kong magkakamarka ito.

"Bakit ba? Di moko magustuhan? Jasper dahil bobo? Mabisyo? Pala away ako ? " Tanong ko

" Tskkk... You're not  my type, you're not even pass in my standard. Atsaka tingnan mo sarili mo? Outside look lang maganda sayo. Kaya pano kita magugustuhan hah? Ganyang Pag uugali dapat di minamahal.! " Mariin nyang sinabi.

Durog na durog ang puso ko. Nginitian ko sya, na ikinagulat nya.  Pinigilan kong lumuha.

"Okay " malakas kong binawi ang kamay ko at nakita kong may marka roon. Sinulyapan ko si Mica at nakayuko lang sya.
Tinalikuran ko silang dalawa. 

Pinapangakong ito na ang huling araw na ng katangahan ko sa kanya.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa akin at tumayo sa kama't nagbihis.

Kinaumagahan maaga akong pumasok, dahil maaga naman akong natulog  kagabi.

Pagpasok ko sa room, Gulat na napatingin sakin sina Jasper at Luke ang kaibigan nya. Malamig kolang silang tiningnan. Dumiretso ako sa upuan ko, pinakahulihan at pinakadulong upuan. Sinalpak ko pa ang earphone ko habang wala pang klase.

Uwian na! Ang kanina kopang hinihintay.
Kanina pa sakin nakatingin ang mga kaklase ko sa katahimikan ko, Alam ko di sila sanay na diko pinapansin si Jasper at lalong lalo na di ako nag iingay.

Naglakad ako palabas sa room. Nagpasyang  maglakad nalang pauwi. Habang naglalakad ako may humintong kotse sa tabi ko. Di ko nalang pinansin. Dahil kilala ko kung kaninong may ari yan.

" Kate ! " Di ko sya nilingon at diretso pading naglakad.

" Kate !"

Wag kang  lilingon, wag marupok! Kate!

May biglang humigit sa may pasa kong  kamay

" Aray " napasigaw ako sa sakit.  Napaharap ako sa kanya, at kita ko ang pagsisi at lungkot sa kanya.

" Sorry Kate! "

" Ano ba kasi yon? Jasper ? " Malamig kong tanong, at inalis ko ang kamay nya sa kamay ko.

" Bakit di mo nako pinapansin? " Tanong nya, aba iba din pala utak nitong gagong toh.

" Why do you care?! Ayan naman ang gusto mo right? "

Umiling nalamang sya.

" I'm so sorry sa nasabi ko kahapon, at salahat ng mga pantataboy na ginawa ko sayo noon. Pinagsisihan ko ang akala ko kasi trip mo lang ako, na di mo ako seseryosuhin, matagal nakong may gusto sayo, Simula 1st year college natin,  kasi kapag umamin ako sayo, baka mapahiya lang ako, dahil trip mo lang ako, patawad kaya nasabi ko lahat saiyo ang masasakit di ko alam na nasasaktan na pala kita, nagalit ako kahapon dahil sinampal mo ang pinsan ko "

Napatunganga lang ako sa kanya, at lahat ng tampo, inis, at galit ko ay natabunan ng saya at pagmamahal sa kanya ..

Ma sorry ka, magiging asawa ko ang gusto mong icompare sakin..

" I love you Kate "

" I love you too, Jasper " sorry marupok ako 🤧💕

Let's go to the Church...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro