CHAPTER 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Courtney…"

"Tara na Athena, umuwi na tayo bago pa mag-amok ang kuya mo Troy." ani Courtney nang makaharap ako sa kanya.

"Well, what to expect? Basagulero ang lalaking 'yon."

"Pero mahal na mahal mo---"

"Di nga lang ako mahal…."

Nagkatinginan kami ni Courtney saka sabay na tumawa.

"Namiss kita luka ka," sabi pa niya. "Tara nga dito payakap,"

Bago ako makalapit sa kanya ay naagaw ng isang kasambahay n nagpapanic ang atensyon naming dalawa.

"Ma'am! Ma'am! Yung kasama ninyo po saka si Señorito Enrique nag-susuntukan sa labas!" humihingal nitong sabi.

"What?" we both asked in unison

"Let's go, baka kung ano pa ang gawin ni Troy kay Enrique," nag-aalalang sabi ni Courtney, tumango lang ako at sabay kami na lumabas mula sa kwarto at nagmamadaling bumababa ng hagdanan.

"Gago ka! Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo tapos gagagohin mo lang akong tang**a ka!" narinig kong sigaw ni Troy.

"Bro, I'm sorry…"

"I'm sorry I'm sorry, I'm sorry mo mukha mo! Bro traydor ka!"

Nasaksihan ko kung paano bugbugin ni Troy ang hindi lumalaban na si Enrique.

"Tama na 'yan! H'wag mong saktan ang apo ko!" pag-awat ni Lolo Joe.

Napahinto ako nang makita kong napalupasay si Enrique, nakaramdam ako ng awa ata guilt. Alam kong kasalanan ko rin…

"Athena…"

"Hindi deserve ni Enrique ang sapak at suntok ni Troy, Court…" dali dali akong bumaba ng hagdan at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa.

Akma sana na susuntukin pa ulit ni Troy si Enrique pero humarang ako kaya hindi ito natuloy.

"Tama na!" sigaw ko nang makalapit ako sa kanila.

"Athena…" ang kaninang mala-halimaw na boses ni Troy ay biglang lumambot nang makita niya ako, ibinaba niya ang kamao na ipangsusuntok niya dapat kay Enrique.

"Tama na, dalawa kaming may kasalanan Troy,kaya dapat tanggapin ko rin ang mga suntok mo."

"Athena…" malamlam ang mga mata na tinitigan ako ni Troy.

"Suntukin mo ako… Kung iyan ang magpapagaang sa loob mo, Troy"

Umiling lamang siya saka ngumiti, lumapit siya sa akin para yakapin niya ako.

"Pinag-alala mo ako…"

"Uuwi rin naman kasi ako, OA ka lang talaga…"

"Alam mo naman na hindi ko kaya na nawawala ka sa tabi ko diba? Sa susunod magpapaalam ka…"

Habang yakap ako ni Troy, muling naging aktibo ang haraya ko, muling sumagi rito ang eksena namin kanina ni Enrique, habang parehong hubad sa kama…

Hindi ko ma-imagine ang magiging reaksyon ni Troy kung sakali na sabihin ko ang nangyari sa pagitan namin pero ayoko rin naman na ilihim ito sa kanya.

"Sa susunod magpapaalam ka… sobra akong nag-alala sa'yo," muling sabi ni Troy bago kumalas pagyayakapan namin.

"Pangalawang beses mo na ginawa ito Quen, isang isa na lang Enrique. Sa susunod na kuhanin mo ulit si Athena, hinding hindi na ko magdadalawang isip na pasabugin ang bungo mo," pagbabanta ni Troy.

"Troy tama na, kaibigan mo siya, atsaka isa pa. Ligtas naman ako dito…W-Walang nangyaring masama sa akin. H'wag kang mag-alala."

"Alam mo naman na nangako ako sa parents mo,"

"Alam ko 'yun pero hindi rin naman yata tama na saktan mo si Enrique…"

Nangunot ang noo ni Troy, "Pinagtatanggol mo ba ang isang 'yan ha Athena?"

"H-Hindi naman sa ganon…"

"Eh ano?" nagtaka ako dahil sa tono niya ay may pagka-iritable ito.

"Troy, magkaibigan kayo saka wala namang ginawang masama sa akin si Enrique hindi niya naman ako sinaktan."

" Really? Wala siyang ginawa sa'yo. Then mind telling me this," kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya saka iniharap sa akin…

Nanlaki ang nga mata ko matapos kong makita ang likurang bahagi ng aking katawan.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Nakaramdam ako ng hiya at pagkaguilty…

At pagkamuhi kay Enrique …

Kahit naman wala ang mukha ko roon ay wala pa rin siyang karapatan na ipost ang hubad kong litrato.

"Troy, it's not Athena's fault. Wala siyang kasalanan." si Enrique ang nagsalita.

"I deserve every punch that I get from you, naging careless ako sa feelings ko. Aminado ako doon, kaya h'wag mong pagbuntunan ng galit si Athena."

"Alam ko, at hindi ko magagawa na magalit sa kanya. Sayo, oo pasalamat ka dahil malaki ang utang na loob ko sayo, at sa pamilya mo. May iniingatan lang akong partnership with your Dad, Enrique. Pero kung wala 'yon, baka pinaglalamayan ka na ngayon." Matigas na sabi ni Troy, "Tara na Courtney," hinigit niya ang braso ko matapos ay hinila niya ako papalabas.

"T-Troy… I'm sorry…"

"Don't explain, alam ko naman na hindi mo ginusto 'yon." Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Athena, pwede ba na mangako ka sa akin na hindi mo na lalapitan si Enrique kahit kailan, hayaan mong si Amara na lang ang mabaliw sa kanya. H'wag na ikaw, sasaktan ka lang niya."

"T-Troy… may nangyari sa amin… Paano kung malaman ni Amara? Paano kung---"

"Shhh… don't think too much, okay?" he cupped my cheeks. "Walang makaka-alam, Ikaw, Ako, si Courtney at Enrique lang ang makaka-alam. Bukod pa sa atin, hindi ko hahayaan na lumabas iyon."

"Don't worry Athena, 2 hours na ang nakakalipas mula ng burahin ni Enrique ang IG story na 'yon. H'wag ka nang mag-isip ng kung ano pa," wika ni Courtney.

Tumango lamang ako, still hindi pa rin ako panatag.

"Tara na, mahaba-haba pa ang byahe natin. Saka isa pa, baka gabihin na tayo sa daan." Aya pa ni Troy.

Habang lulan ng sasakyan ay hindi ko pa rin mawaglit sa isipan ko kung bakit parang may isa pang kumukontrol sa isipan at katawan ko.

Pakiramdam ko ba'y parang mababaliw na ako.

Si Ava, matagal na siyang patay. At isa pa imposible na sumapi siya sa akin.

Hibang na ba ako? O baka naman sadyang naghahanap lang ng paraan ang isipan ko para mapagtakpan ang kagagahang ginawa ko kasama si Enrique.

Paano na si Amara? Kung sakali na malaman niya. Baka kamuhian niya ako at iwasan…

Ayoko pa naman ng kaaway….

Si Vivian… kamusta na kaya siya? Sana naman ay nakalabas na siya mula sa ospital.

May long test nga pala kami ngayon, nakalimutan ko na…

"Malapit na pala ang oras ng dinner. Saan ninyo gusto kumain? Courtney, Athena, just say it ililibre ko na kayo." tanong ni Troy habang nagdadrive, nasa tabi niya ako sa front seat habang su Courtney ay nasa passenger seay.

"Ayos lang ako kahit saan," sagot ko. "Eh ikaw Courtney?" Sinulyapan ko si Courtney, nakatingin sa labas at para bang malayo ang tingin. "Court?"

"Courtney, you okay?" tanong naman ni Troy nang mapansin niya ang hindi pagsagot ni Courtney.

"Courtney," ani ko saka ko mahinang tinapik siya sa hita.

"H-Huh? B-Bakit?" gulat na tanong nito.

"Ang layo ng iniisip mo, may problema ka ba?"

Ngumiti lang siya saka umiling,"Gutom lang,"

"Saan mo ba gusto kumain?" tanong naman ni Troy.

"Hmm… Kahit saan, basta kasama kita… saka si Athena…"

"Ehem…" peke akong umubo.

Alam ko naman na si Troy lang ang gusto nitong makasama Di bale, magkakaroon din kayo ng quality time mamaya.

"Oo nga pala, maalala ko lang. Court, naalala mo si Ady Reyes?" tanong ni Troy.

"Ady? Adriano Suprelalla Reyes tama?" tanong rin ni Courtney.

"Oo, yung mayabang na senior natin dati." sagot naman ni Troy.

"Ah! 'Yung sinapak mo kasi nahuli mo na sinisilipan si Amara." natatawang sabi ni Courtney.

"Oo siya nga, tapos siya rin yung nahuling nagnakaw ng panloob ni Vivian noong Earth fest, at nagtago ng bag mo kasi crush ka nya at balak ka kidnapin."ani Troy saka tumawa ng malakas.

"Grabe, sobrang problemantic ng lalaki na yon noon. Nandidiri pa rin ako kapag naaalala ko yung blind date namin, pero thankful ako kasi dumating ka at tinakas mo ako sa kanya. Habang binubugbug siya nila Sky…" sabay sila na tumawa.

"Syempre, ikaw pa ba? Malakas ka yata sa akin." sabi pa ni Troy at muli silang tumawa.

Sige lang, mag-usap lang kayo. Kunwari wala ako dito, ito na 'yon Courtney.

"Bakit mo nga pala sya naalala?" tanong ni Courtney.

"Nagbukas kasi siya ng sariling restaurant, akalain mo ang dating basag-ulong lalaki Chef na ngayon .Doon na lang kaya tayo kumain. Marami daw masarap na pagkain doon eh." sagot ni Troy, "What do you think Athena?" anito saka tumingin sa akin.

"Huh? Sige… Ikaw ang bahala" dagling sagot ko.

"Gusto ko kasing matikman ang pinagmamalaki nilang cajun shrimp and chicken pasta" anito saka tumingin sa akin. "Bawal ka sa shrimp, kaya chicken, veggie, at steak lang ang pwede mong papilian."

"Aware ako, ano pa ba ang best seller nila? Ayokong magsuffer ng tatlong araw dahil sa allergy,"

"Check their fb accounts, nakapost lahat doon," ani Troy.

Tumango lang ako ay kinapa sa bulsa ng suot ko na dress ang cellphone ko.

Shit…

Wala yung cellphone ko…

Sinubukan ko na kapaan itong muli pero wala.

F*ck…

Ultimo ang maskara at dami na ginagamit ko na pang race wala…

Naiwanan ko yata sa bahay nila Enrique.

"Athena, what's the matter?"

"Naiwanan ko lahat ng gamit ko sa bahay nina Enrique,"

"Don't worry, I'll just buy you a new phone, and a new outfit for Ava Titania…" huminto siya at saka lumingon kay Courtney, "…Siguro naman aware ka na sa katauhan niya na 'yon."

"Ofcourse," wika ni Courtney, "Don't worry I'll help you with your new costume."

"You should trust Courtney, siya ang fashionista sa squad. You will learn from her," tila may amazement sa tinig ni Troy.

Inlove na ang kuya mo Troy …

"Opo," sagot ko.

"Andito na pala tayo," wika ni Troy saka inihinto ang sasakyan,"Pumasok na ko, I'll just find a space para makapagpark."

"Ako na ang bahala kay Athena," wika ni Courtney at bumaba ng sasakyan. Tinungo niya ang side ko saka binuksan ang pintuan ng front seat.

"Let's go," aya ni Courtney nang makababa ako sa sasakyan. Hinigit niya ako sa braso saka sinamahan na makapasok sa loob ng resto.

Namangha ako sa kakaibang disenyo ng resto. Magkahalong Asian at Western, magkahalong kulay ng silver at pula ang makikita mo.

"Ang ganda dito Courtney…" ani ko habang manghang-manghang nakatingin sa kisame na puno ng chandeleir, at pader na may iba't ibang paintings.

"Indeed Thena, indeed. How I wish na ayain ako ni Troy dito…" sagot ni Courtney.

"Inaya ka naman ah, kasama nga lang ako." pabirong sabi ko.

"Ayos lang naman, basta sa ibang lugar ka makikitable," sabay kami na tumawa.

"Courtney? Oh my God! Ikaw nga hija!" isang magandang babae na naka itim na semi formal dress at may mga pearl na alahas ang lumapit sa amin at yinakap si Courtney. Maganda ang babae pero halata na sa mukha niya ang edad niya, tansya ko ay nasa 50s na ang babae.

"Tita Loreen, kamusta po?" ani Courtney nang pareho silang humiwalay sa pagkakayakap.

"Maayos naman ako…" anito saka tinignan ako na para bang sinuri niya ang kabuuan ko. "How about you young lady? Would you mind to introduce yourself to me?"

"Hello po," pinilit ko na ngumiti, mukha siyang sopistikada pero feeling ko naman hindi siya matapobre. "I'm Athena Aragon po,"

"Aragon?" She snatched "Daughter of Aileen and Lorenzo Aragon?"

Nagulat ako mang banggitin niya ang pangalan ng parents ko "Opo… Kilala ninyo po ang parents ko?"

Nginitian niya ako ng napakalapad, "Ofcourse, Aileen and I were college bestfriends. So, ikaw na pala si Yna. Aba! You grew up so fine, napakaganda mo hija."

"S-Salamat po…"

"Baka nakalimutan mo na, my name Loreen Yu. I'm the mom of Sky Yu,"

Sky….

Siya ang mama ni Sky….

Siya ang asawa ng lalaking nag-utos na ipapatay ang Papa ko. Isa sa mga tao na dapat kong kamuhian…

"Hija, natahimik ka yata. What's the matter?"

Pineke ko ang pag-ngiti, "Wala naman po,don't worry"

"Tita Loreen, you're also here." si Troy na kararating lang. Yumakap at bumeso siya sa babae.

"Itian, ikaw pala 'yan. Hindi na nagkukwento ang Sky ko, hindi ko na tuloy alam kung nagbago ka na ba or hindi," tumawa pa ang babae, the way she laugh expresses how elegant she is.

"Tita naman, Troy po. Hindi na po ako bata. And yes po! Good boy na po ako!" pagmamayabang ni Troy.

Talaga ba? Kanina nga lang, halos mapatay mo si Enrique at kahapon, baka nga nakabaon na sa hukay si Ivan ngayon eh.

"Troy, do you mind if I invite Athena na sumabay sa amin? Gusto ko lang makipagkwentuhan sa kanya while having a dinner ."

May kaba sa dibdib na tinignan ko si Troy, sinulyapan niya lang ako saka muling ibinaling ang tingin sa ina ni Sky.

Sh*t…

No…

Ayoko!!!

Saka na kayo magbebe time Troy, kapag hindi na pamilya ni Sjy ang sasamahan ko.

"Sa akin po ayos lang, well… Courtney and I need a little quality time together," anito saka inakbayan si Courtney. Si Courtney na halatang nagulat sa ginawa ni Troy, "Hindi ko lang po talaga maiwan si Athena," Tumingin sa akin si Troy at ngumisi

Eh hay*p!

"Really? Great! Oh siya, let's go Athena." ani ng Mama ni Sky saka hinigit ag braso ko.

"H'wag ka nang makithirdwheel sa kanila. Pwede ka naman sa anak ko, irereto na kita ka Sky. Single iyon at ready to mingle."

Hindi na ako nakatanggi sa Mama ni Sky dahil hawak-hawak na niya ako sa braso ko at hila-hila habang papunta sa kinaroroonan ng mga kasama niya.

Kasama niya kaya si Sky?

No

No

No!

Wag kang malandi Athena! Umayos ka! Please umayos ka!

"You are really beautiful Athena, bagay na bagay kayo ng anak ko. Ang bunso ko gwapo, tapos ikaw naman maganda. I can't wait sa magiging reaksyon ni Sky kapag nakita ka niya." masayang sabi ni Mrs. Yu habang paakyat kami sa second floor.

"Siya nga pala, pinareserve namin ang VIP room na 'yon, kaya kami lang ng pamilya ko ang naroroon. And you ofcourse, soon to be member ka na rin," anito saka tumawa. "Ikaw naman, sobrang tahimik mo. Manang-mana ka sa Ama mo, magkwento ka naman, anong kurso ba ang kinukuha mo?"

"Uhm… Basic Education Major in English po." sagot ko.

"Wow! Really? I also took that course. Ang kaso hindi ko natapos dahil ipinagbuntis ko sina Star at Storm, I really hope na natatandaan mo pa sila."

"O-Opo… tanda ko pa po…"

Ang totoo hindi na, everything about the Yu family. Kinalimutan ko na, after what they did sa Papa ko at mga ari-arian namin.

Paano nila nagagawang magpatay-malisya sa nangyayari?

Parang wala lang ganon?

While my dad, wala pa ring malay. Nakaratay sa ospital.

Okay fine, I'll pretend na lang rin. Tutal you guys are pretending na wala kayong kinalaman eh. At nagbabait-baitan pa kayo. Magpagalingan na lang tayo sa pagpapanggap.

Nang makarating kami sa pintuan ng VIP room, biglang may kung anong kaba akong naramdaman. Kaba na hindi ko alam kung ano ang pinagmulan, kaba na hindi maipaliwanag.

"Athena, you okay?" may pag-aalalang tanong ng Mama ni Sky. Tumango lamang ako. "You sure?" Muli akong tumango at ngumiti, "Okay, nga pala I want to surprise them especially Sky. Mauuna ako na pumasok okay? Sasabihin ko na lang kung pwede ka na pumasok."

"S-Sige po…"

"Great!" sabi pa niya bagi naglakad papasok sa VIP room. "Everyone! I have a special surprise to all of you."

"Mom, ano na naman po 'yan?" may isang babae na nagtanong, palagay ko ay si ang ate ni Sky na si Star.

"Let me guess, new bags and shoes?" isang lalaki naman ang sumagot na sa palagay ko ay ang kuya Storm ni Sky.

"Nope, better than those things. " ani Ms Yu saka humarap sa anin. "Come in Athena,"

Ako naman ay marahan na pumasok sa loob ng VIP room.

"Everyone, meet Athena Aragon. The only daughter or Aileen and Lorenzo Aragon." masayang pagpapakilala sa akin ng Mama ni Sky.

"Wow! Really si Athena na siya?" ani ng isang lalaki na nakaupo sa may bandang dulo ng hapag kainan.

Edison Yu…

"Kaya naman patay na patay si--- Ah! Ma si Sky oh naninipa!" ani Ate Star na animoy batang nagsusumbong.

"Star, Sky have some manners." pigil ang pagtaas ng boses ni Mrs. Yu.

Napako ang atensyon ko sa lalaking biglang tumayo, tumingin siya nang diretso sa akin.

"Sky, anong dapat mong gawin?"ani Mrs. Yu.

"Escort her here anak, and guide her para maka-upo siya." ani pa ni Edison Yu.

Talagang patay malisya silang lahat.

"Hindi na po, kaya ko po…." wika ko.

"Yumi, please move to your Ate Candice' side. Uupo ang Tita Athena mo," utos ni Mrs. Yu sa isang batang babae na maybe 6 years old na ang edad,at nakasuot ng purple na dress. Agad naman na sinunod ng bata ang utos ni Mrs. Yu, umupo siya sa tabi ngisang batang babae na posibleng 9 years old ang edad na nakasuot naman ng puting crop top at itim na pantalon.

"Take your sit here hija," ani Edison at iminuwestra ang bakanteng pwesto sa tabi ni Sky.

Pagbigyan mo na Athena, malay mo may malaman ka na pwede nila ikasira. Pwede mong gamitin iyon laban sa kanila.

This night will going to be awkward but let it be, Athena.

Nang maka-upo ako ay patuloy pa rin ang pagtitig ni Sky sa akin na para bang sinusuri niya ako.

"Sky, baka matunaw." isang biro ang pinawalan ng Ama ni Sky, dahilan para pamulahanan ito ng pisngi at mag-iwas ng tingin.

"Eat with us Athena, Sky ipagserve mo si Athena. Be a gentleman Sebastian, at ikaw naman Athena hayaan mo na pagsilbihan ka ng anak ko," may diin ang huling katagang sinabi ni Mrs. Yu bago tinutok ang atensyon sa pagkain.

"Anong gusto mong kainin?" mahinang tanong ni Sky.

"Anything, wag lang shrimps…" sagot ko naman.

"Allergies?" tanong niya.

"Fucking allergy," mahinang sabi ko na sapat lang para ako at si Sky lang ang makarinig.

"Starting today, I will gonna hate those fuck*ng shrimp," mahina siyang tumawa saka kumuha ng slice ng kung anong karne na nasa pinggan, "Try this,"

"Ano 'to?"

"Pagkain…"

Pinandilatan ko siya, "Alam ko,"

Ngumisi ito, "Italian Fiorentina steak," anito saka ini-slice ang steak na sinasabi niya at tininidor.

"Kaya ko na," ani ko saka ko kinuha ang tinidor.

"Mabuti naman at magkasundo kayong dalawa, ang akala namin magiging awkward kayo sa harapan namin. And by the way Athena, where's your parents?"

Wow! Just wow! Osige papatulan ko ang shenanigans ninyo Mr. Edison Pua Yu.

"Nasa ospital po ang dad ko, same with my mom…"

"I'am so sorry to hear that hija." ani Edison.

"Ilang araw na?" tanong ni Mrs. Yu.

"Almost 1 week na rin po…"

"Ganon ba? Kamusta naman ang lagay niya?" tanong muli ni Edison.

"Sa ngayon po hindi ko alam, ayaw po kasi ako payagan ni Mama na pumunta sa ospital. Sa hindi malamang dahilan"

"Bale pala, mag-isa ka ngayon sa bahay ninyo?" tanong ulit ni Mrs. Yu.

"No po, wala na po kaming bahay. Naremata na po, nakikitira po ako ngayon kay Troy, kasi mag-isa na lang rin po si Troy sa bahay nila."

"You and Troy live on the same roof?" halata ang pagkagulat sa boses ni Sky nang tanungin niya ako, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Yeah, I don't have any choice kasi," wika ko saka ibinaling ang atensyon sa pagkain.

"P-Pero wala naman kayong relasyon diba?" tanong muli ni Sky.

"Wala, kung magkakaroon man brother to sister relationship lang." wika ko saka isinubo ang piraso ng steak at nginuya. Saglit kong sinulyapan si Sky na animoy nakahinga ng maluwag nang marinig ang sagot ko.

Weird…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro