CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

-ATHENA-

Matapos ang laban, ako ang itinanghal na panalo. Tumatagingting na Php 500,000 ang natanggap ko na naka cheque.

"Sabi ko na siya na naman ang mananalo eh, iba talaga pag sexy driver." Narinig ko na sabi ng ilang lalaking kalahok.

"Tyamba nya lang yan girls, next time we will have the championship," ani Barbie na may pairap-irap pa.

Sa hindi kalayuan ay naaninag ko si Troy na papalapit sa akin. Dali-dali niya akong hinigit sa braso at hinila papalayo sa mga tao, dinala niya ako sa likod ng mini bar.

"Are you out of your mind? Bitiwan mo nga ako!" Siyang sigaw ko habang hawak-hawak ni Troy ang braso ko.

"Ako dapat ang magsabi sayo niyan Athena, are you out of your mind?" Mahinahon niyang tanong saka niya binitawan ang braso ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

Hindi mo ako madadala sa tantalizing eyes mo Troy, si Stella oo, matagal nang may gusto sayo iyon eh pero ako? Posible kitang itrato na parang kapatid pero di kita magugustuhan.

"Nangako ako pero hindi ko sinabi na tutuparin ko. Promises are meant to be broken, Troy." pagmamatigas ko saka ko sinabayan ng walk out.

"Athena come back here! Athena Valeen Aragon!" narinig kong sigaw niya nang makalayo ako.

Bahala kang magsisigaw diyan, basta ako gagawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. At 'yon ay ang paghihiganti.

"Hey girlfriend!" bati sa akin ni Stella, nakaupo siya sa may bleacher.

"Hey!" walang ganang bati ko saka ako tumabi sa kanya.

"Here," inabutan niya ako ng cup ng starbucks na may lamang kape. "Capuccino," anito saka ngumiti.

"Thank you, utang muna ha." Agad ko namang kinuha ito at humigop sa pamagitan ng straw.

"Walang utang-utang, bigay ko yan... You look tired, kailangan muna magpahinga. Umuwi ka na, tapos bukas sasamahan kita sa pagdalaw kay Uncle." wika ni Stella.

"No… I'm fine. Ayoko pang umuwi," saad ko, saka ako muling uminom ng kape.

"Gusto sana kita samahan dito eh ang kaso ay pinapauwi na ako ni Kuya Ricky. But I can stay naman if need mo pa ako, magdadahilan lang ako kay Kuya." ani Stella na tinutulan ko. Nakakahiya na kasi eh, hiniram ko na nga si Kenji eh tapos iintayin niya pa ako dito.

"No, ayos na ako. Sige na umuwi ka na, baka magalit pa si Ricky sa iyo." pagtutol ko sa sinabi niya.

"Sure ka? Paano ka uuwi? Malaking pera yung hawak mo baka mahold-up ka or what. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sa iyo." pagdadrama pa niya saka niya ako yinakap.

"Ikaw talaga ang OA mo, kaya kong protektahan ang sarili ko Maria Stella,"

Sinimangutan niya ako nang marinig niya na tinawag ko sya sa buo niyang pangalan. Nagpeace sign lang ako sa kanya.

"Sabi ko naman sayo na wag mo kong tatawagin sa real name ko, tinawag ba kitang Ath----"

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Apaka ingay mo naman," siyang bulong ko sa tenga niya, bago ko tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.

"Sorry na," anito sabay tawa nang malakas. "Nakalimutan ko na ikaw nga pala si Ava Titania sa get up mo na 'yan."

"Sige na umuwi ka na Iste, magte-ten na oh," nginitian ko siya.

"Sure ka ah?" paninigurado niya.

"Oo nga, ang kulit" sabay kaming natawa.

"H'wag kang mag-alala Wynx, ako na ang maghahatid sa kanya." Isang pamilyar na tinig ang narinig namin. Sabay kaming napalingon sa may bandang likuran ko, si Troy kasama ang mga kaibigan niya.

"Bro, close kayo ni Ava T.?" tanong ni Noel.

"Wag ka nang magtanong," si Sky ang nagsalita. Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang boses niya pero hindi ko ito ipinahalata. "By the way, here's my payment. Natalo ako diba?" iniabot ni Sky ang chequeng bayad niya.

"Also here," si Enrique naman ang nag-abot ng cheque pati na ng susi ng kotse niya.

Tumayo ako at pareho kong kinuha ang chequeng hawak nila, pwera sa susi ng kotse ni Enrique. Nangunot ang noo nito na tila ba nagtatanong kung bakit hindi ko kinuha ang susi.

"Sasabay ako kay Zeus, keep your car. Hindi ko kailangan 'yan," nginitian ko lamang silang dalawa.

"Close kayo ni Zeus, Ava T.?" tanong ni Noel.

"Obvious ba?" tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Tama na ang daldalan, tara na Ava." pag-aya ni Troy sa akin.

Bago ako umalis ay bumeso muna ako kay Stella, ganon din siya sa akin. Marahang hinigit ni Troy ang braso ko at hinawakan ako sa kamay saka kami sabay na naglakad paalis ng lugar na iyon.

"Ayos, nakabingwit ng misteryosang sirena na ayaw magpakita ng mukha ang tropa natin," narinig kong sabi ni Noel.

Agad naman siyang binara ni Enrique na animo'y hindi natutuwa sa bawat pagbitiw ng salita ni Noel, "Pwede ba Salamander, manahimik ka na lang."

Mahigpit ang pagkakahawak ni Troy sa kamay ko, para bang ayaw niya na ako pakawalan. Pilit kong inaalis ang kamay ko pero mas lalo lang humihigpit ito.

"I told you not to join the race pero matigas ang ulo mo, ano bang gusto mong patunayan?" Wala kang mababakas na emosyon sa tono ng pananalita niya.

"Gusto ko lang gumanti, ginasgasan ko nga yung kotse ni Sky eh. Kahit na alam ko na wala lang 'yon atleast nakaganti ako kahit papaano, sobrang satisfying non Troy." wika ko saka pineke ang pagtawa ko.

"Stop doing it," anito

"Aba'y teka, galit ka ba?"

"No, I'm not. Just stop doing it, alam mong hindi na maitatama ang isang mali nang isa pang pagkakamali," litanya niya

"Alam ko naman iyon," tanging naisagot.

"Naiayos ko na ang enrollment mo sa school ko bukas. In-enroll na rin kita sa course na gusto mo, makakasalamuha mo si Sky dahil kaibigan ko siya pero h'wag na h'wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan." Muling litanya niya.

"Teka, bakit parang pinoprotektahan mo si Sky? I am your best friend, kung ikukumpara kina Sky, Enrique at Noel. Mas malalim na ang pinagsamahan natin, Troy. You're suppose to act as my brother pero parang mas pinoprotektahan mo si Sky. May kasa---"

Hindi niya hinayaan na ituloy ko ang pagsasalita. Mukhang napurga na siya dahil paulit-ulit ako.

"I know Athena, how many times do I have to listen sa paulit-ulit mong pagbanggit ng kasalanan ng pamilya ni Sky sa iyo? Tell me, I know it's hard to move on Athena, but please kahit ngayon lang. Try listening, mahirap yung pinagdadaanan mo, alam ko. Pero hindi ka naman maipapanalo ng paghihiganti mo eh, mas lalo ka lang mapapahamak." huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Please Athena listen to me, walang alam si Sky sa mga nangyayari sa pagitan ng pamilya mo at pamilya niya. Isantabi mo muna 'yang galit mo." muli niyang tinitigan ako sa mga mata, nangungusap ito.

Wala sa sariling tumango ako at sinang-ayonan ang mga sinabi niya, siguro nga tama si Troy. Maaaring isantabi ko muna ang paghihiganti, pero hindi ko maipapangakong hindi ko gagawin iyon.

"Tara na," aniya at hinubad ang suot niya na jacket at ipinatong ito sa balikat ko.

Bakit parang pinoprotektahan niya si Sky? Hindi ba dapat, ako ang kinakampihan niya. Siyang usal ko sa sarili.

Matapos naming mag-usap ay pareho na naming tinungo ang sasakyan, at dito kami ay sumakay. Tahimik kaming bumyahe pauwi sa bahay nina Troy. Walang ni isang nagsasalita sa aming dalawa.

Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin si Manang Mildred at ang dalawang butler ni Troy.

"Pasaway ka talaga, pati si Manang pinag-alala mo," wika ni Troy bago siya bumaba ng sasakyan.

"Señorito, patawarin ninyo po ako. Hindi ko po nabantayan si Ma'am Athena, nakatakas po siya." nadinig kong sabi ni manang kay Troy.

"Don't worry manang, kasama ko na po siya. Ako na po ang bahala kay Athena," ani Troy.

"Talaga po Señorito? Kasama ninyo po, eh kung gayon ay nasaan po siya?" siyang tanong ni manang.

Liningon ako ni Troy bago siya nagsalita, "Athena, come out" anito.

Aba! loko to ah, utusan daw ba ako eh. Pero sige na nga, baka nga nag-aalala si Manang.

Kaagad akong bumaba mula sa sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Manang nang makita ang suot ko.

"Susmariosep!" anito, "Ano iyang suot mo? Diyos ko! ginoo! Napakalaswa't hapit na hapit sa katawan mo." Napa- sign of the cross si manang ng wala sa oras nang makita niya ako.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy kung kaya ay tinapunan ko siya ng matalim na tingin, nag-peace sign lang siya saka itinuloy ang pagtawa.

"Ikaw nga ay magpalit na, Susmariosep kang bata ka at baka ikaw ay pulmonyahin sa suot mo," sermon pa ni Manang.

"Opo, magpapalit na. Pasensya na po manang." nakangiting saad ko ngunit matalim pa rin ang mga mata kong nakatingin kay Troy.

Si Troy ang nagpresintang maghatid sa akin sa kwarto ko.

"Paano? Bukas na lang ulit, okay? Good night," hinagkan niya ako sa noo.

"Good night din, magpahinga ka na." aniko. Tumango lang siya bago umalis ng kwarto.

Isinarado ko ang pintuan na ang pintuan, tinamad na akong pumasok sa banyo kung kaya't dito na lang ako nagpalit ng damit, pagtapos noon ay natulog na ako.

"H'wag ka nang magmatigas Lorenzo! Ibigay mo na lang ang kailangan ni chairman. Gusto mo po ba yung nasasaktan ka?" wika ng lalaking nakatakip ng maskara ang mukha, nakahawak ito sa kwelyo ni Lorenzo Aragon.

"Tama na! H'wag mo nang saktan ang Papa ko!" sigaw ni Athena Aragon, ang unica hija ni Lorenzo.

"H'wag kang mangielam bata," isang lalaking malaki ang katawan at nakatakip din ng maskara ang mukha ang nagsalita, tinutukan niya ng baril si Athena.

"Oy teka Carding! H'wag mong gagalawin ang batang 'yan," wika pa ng isa pang lalaki.

"Kalma lang Lito, tinatakot ko lang naman!" Carding, iyon ang pangalan ng lalaking nagtutok ng baril kay Athena.

"Ano na Lorenzo? Magmamatigas ka pa rin ba? Ibigay muna ang kailangan ni Chairman Yu para matapos na" sabi pa ng lalaking nagngangalang Lito.

"Hindi ko ibibigay ang pinaghirapan ko!" pagmamatigas ng ama ni Athena, inundayan siya ng saksak sa tagiliran ng isa pang lalaki.

"Papa!!!" tumatangis na sigaw ni Athena.

"Lorenzo!!" sigaw rin ni Aileen.

"G*go ka Gabo! Wala sa plano 'yan!" sigaw ni Lito, ibinagsak niya ang katawan ng duguang si Lorenzo.

"Mas madali na yan! Hoy halughugin ninyo na ang buong bahay!" utos ni Gabo sa iba pang kasamahan.

"Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa Papa ko!" sigaw ni Athena.

"Hoy babae, wala akong pakielam. Wala nang silbi ang Papa mo sa mga Yu." sabi pa ni Gabo saka binaril ang nakahandusay na si Lorenzo.

"Papa!!" napabalikwas ako sa higaan, matapos kong mapanaginipan ang nangyari kaninang umaga. Patuloy sa pag-agos ang mga luha pati na pawis sa mukha ko. Yinakap ko ang mga tuhod at ibinaon roon ang mukha ko,

"Papa, Papa hwag ka nang mag-alala, ipinapangako ko na maghihiganti ako. Hindi pwede maging masaya ang mga hayop na 'yon! Ang mga hayop na nagpahirap sa'yo," pinunasan ko ang mga luhang tuloy-tuloy na rumaragasa sa pisngi ko.

VIVIAN

"Good morning BaViys! It's your girl Vivian! This is such a wonderful day, ask me why. It is because I am with my angels, Amara and Courtney!" I happily focus my camera on my friend that seated beside me.
"Mag-hello naman kayo sa BaViys ko," I plead to them

"Hey there it's your cornflakes girl, Courtney. Don't forget to subscribe on my channel "Angel Courtney PH" and follow me on my social media accounts, on ig: @itscapricourt and twitter @courtneydizon25." Game na game naman na nakijoin si Courtney at nagpromote pa ng sariling chanel niya but yung isa sa amin is super busy na mag-stalk sa kanyang long time crush na si Enrique.

Nagkatinginan kami ni Courtney at nagpakiramdaman. "Wait lang BaViys, I'll be on live ulit mamaya." Pagpapaalam ko sa 100K viewers ko. I turned off my camera para guluhin si Aa.

"Hoy Angelica Mariam Estrada! Anong balak mo? Stalk-stalk pa rin ang drama naten." Malakas na sabi ko nang lingunin ko siya.

"True, hindi ka naman pinapansin ni Enrique eh," mahinahon pero nagmamaldita pa rin 'tong si Courtney #StanCourtneyDizon.

Mahinhin pero maldita, ang galing, ang husay, ang maldita.

"Eh malay ninyo naman, pansinin na ako ni Enrique my loves kasi diba tinatanggap niya naman mga love letterz ko. So may pag-asa pa rin," anito sa maarteng tono.

"Ganda ka dyan Amara?" I said in a sarcastic tone.

" I think…. No," saad pa ni Courtney saka maarteng tumawa.

"Pag ako pinansin, who you kayo sa akin na dalawa. Tandaan ninyo yan ha Vivian Hilary Trinidad, saka ikaw Trina Courtney Marie Dizon," pagbabanta pa ni Amara habang tinuturo kaming dalawa ni Coco.

"O sige who you pala ah, may exam kay Sir Entrep mamaya. Who you ka rin," sabi ni Courtney sabay tawa.

"Si Courtney naman, parang tanga. Parang binibiro lang eh, sige na pakopya na ako, please Court. Besties tayo diba?" aniya at nagpout pa si Amara.

Tinawanan lang namin siya ni Courtney at pinagpatuloy ang pang-aasar.

"Ang arte ghorl, stop mo 'yan di nakakaganda." pang-iinis ko pa.

"Uyyyy! Si Vivian pag nagsalita para nang si Noel," panunukso ni Courtney na ikinagulat ko.

"Ganyan ba talaga pag 4 years nang naglolokohan?" gatong ni Amara.

"Woy! Don't you dare say that Courtney! Baka magkatotoo, kiligin ako." malandi akong tumawa. "Minsan nita na akong niloko, ayoko namg maulit."

"Hi girls!"

A familliar voice just caught my attention. Speaking of that man… kilig tumbong na naman kaming tatlo.

"Speaking of the devil," bulong ni Amara.

"Hey N! Hi Sky! Hello Enrique!" masayang bati naming tatlo.

"Oh bumati na ako ah!" tawang-tawang sabi ni Noel, saka tumabi sa akin.

Kalma Vi, tumabi lang 'yan.

Kalma Vi, boyfriend mo 'yan.

"Hi," mahiksing bati ni Mr. Perfection na si Sky, at umupo sa may bakanteng upuan. Apaka tipid naman nito pero atleast nagreet siya.

Si Enrique naman ay tinignan lang kami at tumango, tapos wala na bumalik na sa pagbabasa ng libro, habang may nakapasak na earphones sa tenga.

Gwapo nga kaso parang pipe, yung totoo Enrique wala ka bang dila?

"Bakit kulang kayo?" tanong ni Courtney, sumipat-sipat pa siya. Obviously, she's looking for Troy.

"Aba! Aba! Si Troy ba ang hinahap mo?" Tanong ng baby ko, este ni Noel ajuju. Stop the kalandian thing Vivian, nasa school tayo.

"Ofcourse, sino lang ba ang nawawala? Andyan ka, andyan si Sky, and present din si Enrique. So obviously, I was looking for Troy." Pagtataray ni Courtney.

"Si Courtney pag ako nagtanong, lagi akong tinatarayan." Sya namang sabi ni Noellie baby ko, na parang nagtatampo. Kung sa akin ka pa nagtampo Noelli ko baka sinuyo pa kita.

"Ang sabi niya, malel-ate siya kasi susunduin niya si Athena." si Sky ang sumagot.

"Athena?" Nanlaki ang mga mata ni Courtney nang marinig ang pangalang binanggit ni Sky, halatang nagselos Courtney namin. Nagkibit balikat lang si Sky.

"Sino si Athena? Girlfriend niya?" Pambubuyo ko habang nakatingin kay Courtney, pinandilatan niya lang ako ng mata.

Victory for Ms. Vivian!

"Probably," tipid na sagot ni Sky, muli niyang pinagtuunan ng pansin ang libro niya. "Probably not..." Ewan pero may laman yung sinabi niya.

"Pero kung girlfriend niya 'yon, sana noon pa niya pinakilala," ang baby ko Noel ang sumagot.

"Hindi naman siya kasing daldal mo Angeles, kaya wala tayong aasahan," Ewan ko ba kung matatawa ako sa sinabi ni Enrique o ano . May point naman kasi siya.

"Target mo na naman ako Enrique, bahala ka hindi kita ilalakad kay Belinda," paninindak ni Noel.

"Belinda? Belinda Miranda? Anong meron sa inyo ni Belle, Enrique ?" Si Amara iyon, bakas sa tono ng voice niya na parang nagselos siya.

Wait, wait, wait, hindi ako nainform na Selos Day pala ngayon. Subukan lang talaga ako pagselosin ni Noel, tatanggalan ko siya ng paa, kamay, at mata.

Méiyǒu rén kěyǐ bǎngjià nuò āi ěr, tā shì wǒ de. (Walang pwedeng umagaw kay Noel, he is mine.)

"Wala," mahiksing sagot ni Enrique.

"Si Noel lang naman ang pilit ng pilit na ligawan ko si Belle, wala naman akong gusto sa babaeng 'yun. May class na babae ang gusto ko, malayong-malayo si Belinda sa mga tipo ko." walang emosyong pahayag ni Enrique akma siya na aalis pero natigilan ng dumating si Troy may kasama rin itong babae, nakasalamin.

In fairness, maputi ang skin at maganda.

"Helloo everyone! Christian Troy Melendez is in the house! Oh san ka pupunta Enrique? Kakarating ko lang pero aalis ka na agad, hindi naman ata tama 'yan." Bumeso si Troy sa akin, kay Amara at syempre sa bebe niyang si Courtney.

#TroyNey. And what to expect? Syempre kilig to the bones ang Ms. Courtney. Nakipag-apir naman siya kina Noel.

"Ipakilala mo naman kami sa magandang binibini na kasama mo Troy," nagniningning ang mga matang tinitigan ni Noel ang babae na kasama ni Troy.

Napakababaero talaga ng baby ko pero gentleman din kasi hindi niya tinawag na "chicks" ang kasama ni Troy kungdi "binibini".

Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Troy, inakbayan niya ang babaeng kasama niya. "Everyone, this is Athena Aragon," pagpapakilala ni Troy. "Athena Valeen Mercado Aragon." Muli niyang pag-banggit niya sa pangalan nito.

Sinipat ng mga mata ko si Courtney, her smile fade away. Sobrang evident ng jealousy sa mga mata niya.

Nagseselos? No.

Sobrang nagseselos...

"Hello, kamusta kayo?" Pag-bati naman ni Athena.

"Hello Athena! I'm Amara Estrada," si Amara ang unang lumapit at nakipag kamay kay Athena.

"Athena Aragon," ani Athena.

"Hello it's me Vivian Trinidad," tumayo ako at nakipag shake hands din kay Athena.

"Nice to meet you, maganda ka pala talaga sa personal Queen Viv," nakangiting sabi ni Athena. hala! ang cute niya tapos pinuri niya pa ako. "Napapanood ko ang mga vlogs mo,"

Matagal kong tinitigan ang ngiti niya bago ako muling bumalik sa upuan. She's indeed a beauty, sobrang may pagka Ice Queen ang dating  ng beauty niya.

"Courtney," mahiksing sabi ni Courtney saka ngumiti, one fake smile. Hindi siya lumapit kay Athena, nanatili lang siya sa kina-uupuan niya at ibinaling ang atensyon sa cellphone niya.

"Siguro naman kilala mo na ako?" Here we go, nagmamahangin si Noel.

"Hindi eh, sino ka ba? Isa ka ba sa security guard dito? Ikaw ba ang alaga kong aso na nagkatawang tao ? Tell me, nagkakilala na ba tayo?" sambit ni Athena, na ikinatawa naming lahat. Kahit si Courtney at Enrique natawa rin.

"Oh loko, nakahanap ka rin ng katapat mo." Pambubuyo pa ni Troy.

"You really don't know me?" Tumayo si Noel, at lumapit kay Athena. "Noel Angeles d' Great," ini-spread pa ni Noel ang dalawang braso niya na para bang nagdedeclamation.

"Ako ang nahihiya para sa bebe mo, Vi," bulong ni Amara sa akin.

"Don't mind him," si Enrique ang nagsalita, tinanggal niya ang earphone saka ibinaba sa lamesa ang hawak na libro at lumapit kay Athena at nakipag shakehand, "Enrique Madrigal," banggit nito sa pangalan.

Teka bakit parang nagtransform bigla si Enrique?

"Kilala kita, Jose Enrique  Madrigal IV, the only son of Mr. Jose and Mrs. Regina Madrigal. The successor of Madrigal's Empire, the best selling wine company in the Asia, right?"

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Enrique, saka ito tumango.

Shet!

Totoo ba 'to?

Kumurap-kurap ako at kinusot ang mata ko.

"Nananaginip ba ako?" tanong ni Noel.

"No, nakangiti talaga ang mailap nating kaibigan," sagot ni Sky na matalim ang tingin kay Enrique at Athena.

Hinanap ng mga mata ko si Amara, malamlam ang mga mata niya. Confirmed, selos day nga talaga ngayon. Buti na lang may kandado na si Noel at nakatali na sa akin.

"Marami akong nababasa tungkol sa pamilya mo and everything is a positive feedback." Pahayag pa ni Athena mas lalong ikinalawak ng ngiti ni Enrique.

Sa tindig at postura ni Athena, masasabi mo na isa siyang matalinong babae. Hindi siya katangkaran pero maganda ang pangangatawan, hindi rin kalakihan ang dibdib niya pero pwede na. Hindi siya maputi, hindi rin maitim, and I admit nakaka akit ang color hazel niyang mga mata. Sa tipo ng mga babae ni Enrique, paniguradong pasok si Athena. Siya lang ang babaeng nakapagpangiti sa lalaking gwapo pero pipe.

"Sebastian Klark Yu, call me Sky for short. If I'm not mistaken, nagkita na tayo noon, nung wake ng mommy ni Troy, right?" Si Sky, hindi ko namalayan na nakalapit na siya kay Athena. Inilahad niya ang mga kamay inaantay na abutin ito ni Athena.

"Yeah, hindi lang once, maraming beses na rin." tinanggap naman ni Athena ang pakikipag-kamay ni Sky pero agad din namang binitiwan ni Athena ang kamay nito.

Napansin kong tila nagbago ang tingin niya, tumalim ito pero mababakas mo rin ang paghanga rito.

"Aragon ang surname mo, diba?" tanong ni Sky.

"Yeah," mahiksing sagot ni Athena

"Are you related to Lorenzo Aragon?" muling tanong ni Sky.

Matagal bago nakasagot si Athena, tango lamang isinagot niya sa tanong. Hindi ko alam pero para talagang may something sa pagitan nilang dalawa.

"Ako lang ba, or talagang mag tensyon sa pagitan nilang dalawa?" Out of nowhere kong bulong kay Noel na kakalapit lang sa akin.

"Feeling ko rin," siyang sagot ko na pabulong din kay Noel.

"Feeling… feeling ko walang feeling si Enrique sa akin,"

Sabay kaming napatingin ni Noel kay Amara na sumesenti mag-isa, tinawanan na lang namin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro