Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGMAMADALI na pinulot niya ang mga damit nasa sahig at sinuot ito sa kaniyang katawan. Hindi siya makapaniwala nasa apartment si Kale at nahuli sila nito nag se-sex ni Arche sa loob ng sala.

Punong-puno ng kahiyaan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kung kanina ay hindi mag function ang kaniyang utak ay sa mga oras na iyon ay gusto na niya magpakain sa lupa.

"Cres," tawag ni Arche sa kaniya. Nag mamadali rin itong mag suot ng damit habang sinusubukan abutin ang kamay niya.

Hindi naman siya nag patinag. Nilagpasan niya sina Kale at Scout nasa bukana at nag mamadali siyang lumabas ng apartment ng mga ito. Narinig niya pa na ilang beses siya tinawag ni Arche ngunit hindi niya ito nilingon.

Agad siya nag para ng taxi nang may dumaan. Huli na nang makalabas si Arche dahil agad na niya sinabihan ang driver patakbuhin ang sasakyan. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang panoorin ang pagtakbo ni Arche para habulin ang taxi na sinakyan niya.

Pinunasan niya ang luha nang tuluyan huminto ang binata sa pagtakbo. Binalik niya ang tingin sa unahan at tinatagan ang sarili.

HINDI siya nakatulog nang maayos kinagabihan no'n. In-off niya rin ang cellphone dahil walang tigil sa pag tawag at text si Arche sa kaniya.

Hindi niya muna ito gusto makausap. Gusto niya muna makapagisip nang maayos. Hindi gumagana ang kaniyang utak sa mga oras na iyon.

Palaging bumabalik ito sa nangyari kanina. Kung paano siya nagulat nang makita si Kale sa kanilang likuran habang nanonood. Kung paanong dapat bumitaw siya kay Arche ay hinahayaan niya pa mag patuloy sila sa kanilang ginagawa.

Sinabunutan niya ang buhok. Naguguluhan siya. Gulong-gulo. Hindi niya maintindihan kung bakit siya mas lalong na-arrouse habang pinapanood sila ni Kale kanina. Kung bakit disappointed siya na hindi man lang siya hinawakan kanina ni Kale at tanging ginawa lang nito ay panoorin sila.

Umiling-iling siya. This is not right. Parang ang dating ng mga pinagiisip niya ay pinagtataksilan niya si Arche. Hindi niya dapat iniisip ang mga iyon.

Pagod ang buong katawan niya nang bumangon siya sa pagkakahiga. Umaga na siya nakatulog at kailangan niya pa pumasok sa part time job niya dahil weekend na ngayon.

Wala siyang gana na pumasok sa kaniyang part time job. Buong araw ay hindi siya umimik maliban na lang kapag kausap niya ang kanilang customers. Tahimik niyang ginawa ang trabaho.

Gustuhin man niya maging occupied ang isipan ay hindi niya magawa. Kahit busy siya sa pag aasikaso sa trabaho ay lumilipad ang utak niya sa nangyari kinagabihan.

Hindi dapat iyon nangyari. Paulit-ulit niya sinabi sa kaniyang isipan.

Natapos ang shift niya na may masamang tingin ang ilang katrabaho niya sa kaniya. Wala kasi siyang sa mood sa buong araw at nadamay ang mga ito sa pagiging gloomy niya.

"Sa susunod kung papasok ka na ganyan ang itsura. 'Wag mo na lang ituloy. 'Wag mo idala sa trabaho ang problema mo sa labas. Nakakasira ka ng araw."

Matapos siya pagalitan ng manager nila ay lumabas na siya ng café. Lumabas lang sa kabilang tainga niya ang sermon nito sa kaniya. Kung normal na mga araw iyon ay baka damdamin niya pero that day was different from others.

Marami siyang iniisip at malalim ito na hindi niya namalayan ang isang binata na humarang sa kaniyang harapan. Umangat lang ang paningin niya rito nang tawagin ulit ang pangalan niya.

"Crescent, can we talk?"

"Ayoko makipagusap ngayon, Eury." Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan nito ang kamay niya. Pinigilan siya nito. Mabilis naman niyang inalis ang kamay dito.

Bumuntong hininga siya. "Sige, ano 'yon?" tanong niya rito.

"About last time. Let's talk about last nig—"

"I don't want to talk about it."

"I'm sorry." Umikot ang mata niya nang hindi siya nito sinunod. "Hindi ko alam na uuwi agad si Kale kagabi. Kung alam ko lang, hindi mangyayari 'yon."

"But it happened, Eury."

"I know at alam ko rin ikaw unang nakakita sa kaniya pero hindi mo pinigilan. Dahil ba natuwa ka na makitang pinapanood ka niya? O baka gusto mo siya?"

"W-what?!"

"Ayon 'yong rason mo, hindi ba? You didn't stop me because you like him. Nag kikita kayong dalawa lang dahil gusto mo siya. Hindi na ba ako? Siya na ba ang gusto mo, Crescent?"

Mariin niya binilog ang kamay habang pinanlilisikan si Arche. "How could you say that to me? Ikaw 'yong nag sinungaling sa 'kin na may karelasyon ka sa ibang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyon na 'to! Sinaktan mo ako but I chose to stay! Tapos may gana kang mag tanong sa 'kin ng ganyan?!"

Pinagsusuntok niya ang dibdib nito sa sobrang inis. Tinanggap naman iyon ni Arche. Tumutulo na rin ang kaniyang mga luha. Hindi tumitigil ang mga ito sa pag luha.

"Ikaw 'yong mahal ko, Eury! Ikaw lang! But what were you doing? Tinanong mo ako kung gusto ko si Kale?! That's fucking bullshit! Bakit hindi mo makita na ikaw 'yong taong gusto ko?!"

"Crescent."

"No! I'm not done! I researched a lot para intindihin kung anong klaseng relasyon mayro'n kayo! I am innocent from all of these shit but I chose to understand dahil mahal kita at hindi kita kayang ipaubaya sa iba."

Hinawakan ni Arche ang kamay niya na hindi tumitigil sa pag hampas sa dibdib nito.

"But of course, you still asked me if I like Kale! For your information, I tried to stop you!" Mas nilakasan niya ang hampas dito sa dibdib. He stumbled a little but quickly regained his balance.

Lumayo naman siya rito. Pinatitigan niya ito sa mata. Hindi siya makapaniwala na may tumutulong luha rin sa mata nito.

"I.. I need space to think," parang venom na saad niya sa binata.

Nanlaki ang mata ni Arche. Hahawakan sana ulit siya nito pero pinili nitong ibaba ang dalawang kamay. May pait na tumango siya.

Masakit man para sa kaniya ay nag desisyon siyang talikuran ang binata. Kailangan niya makapagisip sa lahat ng nangyari sa kaniya these past weeks.

Nadudurog man ang puso niya. Alam nilang dalawa ni Arche. They both needed this.


hi, made 4 you is already published in immac publishing house. you can avail the physical book on their shopee account. thank you.

Shopee link: https://shopee.ph/product/117562192/25834388566/

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro