Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SIMULA nang pumunta sila sa amusement park. Hindi na siya naiilang kausapin si Heather. Hindi rin naman kasi masamang maging kaibigan ito. Kahit si Kale ay nakakausap niya rin kahit ilang beses sabihin nito na baka magalit si Arche kapag nakita sila.

Binabalewala na lang niya ang mga sinabi ni Kale sa kaniya dahil hindi naman gano'n tao si Arche para magalit dahil kinakausap niya ang kaibigan nito. Lalo na at kaibigan lang naman ang gusto niya sa binata at hindi katulad sa relasyon niya kay Arche.

Alam niyang maiintindihan iyon ni Arche. Sana talaga ay maintindihan ito ng binata.

It was weekend. Dumako ang paningin niya sa entrance nang tumunog ang chimney sa glass door. Napaayos siya ng tayo nang pumasok si Heather sa loob ng coffee shop na pinagtatrabuhan niya.

Pumunta ito sa cashier kung nasaan siya. "Good afternoon," bati niya rito. Tumingin naman ito sa menu board sa itaas.

"I don't really like coffee." Heather laughed. "But I want to buy it for the guys."

Tumango siya rito. "Eury likes to drink Iced Americano," maingat niyang saad. Baka kasi masyado niyang pinapangunahan si Heather at baka alam din pala nito.

Ngumiti ito sa kaniya. "Okay, one tall iced americano and—" Nag isip ito at binalik ang tingin sa menu board. "One tall matcha soy milk and one cheese cake, please."

Mabilis siyang nag tipa at kinuha ang pera nito habang pinanood lang siya ni Heather. Medyo nailang pa siya dahil hindi talaga umalis ang tingin nito sa kaniya. Actually, napagtanto niya na mahilig mag masid ni Heather.

Observant itong tao at maunawain sobra. Kahit na, may pagkamataray ito sa una kapag nakilala naman ito nang tuluyan ay binababa na nito ang tinayo nitong wall sa sarili.

Nang matapos ito umorder ay nag tungo ito sa bakanteng lamesa para hintayin ang order nito. Inasikaso naman niya ang sumunod sa customer sa dalaga habang ang gilid ng mata niya ay ino-obserbahan si Heather.

"Salamat," saad niya sa customer. Walang sumunod dito. Kaya binalik niya ang tingin kay Heather kung saan tumayo na ito para kunin ang inorder.

Bumaling si Heather sa kaniya. "Ibigay ko lang 'to kala Kale at Arch tapos sabay tayo umuwi?" Nagulat siya sa biglaan nitong tanong sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot dito.

"If that's okay with you? Or Arch will—" Winagayway niya ang kamay sa harapan nito. "It's fine with me at hindi makakasabay si Eury since may tinatapos siyang research."

"Sige, sabihan ko na lang siya na sa 'kin ka sasabay."

Ang alam niya ay nasa campus ang tatlo dahil sina Kale at Heather ay may klase tuwing Sabado habang si Arche naman ay nag aasikaso ng research paper.

Tumango siya. "Sige, salamat." Ngumiti ito sa kaniya bago lumabas ng coffee shop bitbit ang binili niyong order.

TRUE to her words. Bago matapos ang shift niya ay pumunta si Heather sa coffee shop. Hinintay siya nito matapos mag asikaso bago sila sabay lumabas ng café.

Dahil walking distance lang naman ang apartment niya galing sa university at coffeee shop ay nag lakad lang sila ni Heather.

"Matagal ka na nag wo-work sa café?" tanong nito sa kaniya.

Umuo siya rito. "First year pa lang pero actually nag work na rin ako sa café malapit sa high school namin no'ng nag legal age ako."

"I see. Nakaka-inspired ka."

"Hindi rin. Kailangan ko lang talaga mag work dahil walang mag papa-aral sa 'kin," huli na nang masabi niya iyon. Natahimik si Heather sa kaniyang tabi pagkatapos ay kinawit ang braso nito sa braso niya.

"Don't worry. 'Wag mo isipin 'yon. Maayos ako. Tanggap ko na 'yong buhay. Kaya nga, nakukwento ko 'to sainyo nang hindi ako nalulungkot."

"I know and I see you. Andito lang kami If you need any help," saad nito sa kaniya. Nag pasalamat naman siya rito. Parang may humaplos din sa kaniyang puso nang sabihin iyon ni Heather. Natutuwa siya na magkaroon ng panibagong kaibigan.

Marami pa sila napagusapan. Hindi na rin napunta ang usapan nila sa kanilang pamilya. Hindi rin nila namalayan nasa tapat na pala sila ng apartment niya.

"Salamat, paano ka pala?" nag aalala niyang tanong dito. Nakalimutan niya na malayo pala ang apartment ng mga ito sa kaniya.

"Eury will pick me up," nang sabihin iyon ni Heather ay ang pagtigil ng isang puting wrangler. Bumaba rito si Arche.

Naka-ngiti ito sa kanila. "Hi!" bati nito sa kaniya. Lumapit ito kay Heather at hinalikan ang noo nito pagkatapos ay nilapitan siya nito.

Niyakap siya nito at hinalikan ng mabilis ang labi niya. Nagulat pa siya dahil akala niya ay hahalikan lang siya nito sa noo katulad kay Heather.

"I missed you," bulong nito sa kaniya. Hinalikan naman niya ang dibdib nito na may tee shirt at jacket.

"I miss you, too."

"Gusto mo sumama kumain sa 'min?" tanong pa nito sa kaniya. Umiling siya rito. May kailangan pa kasi siya tapusin.

"Next time na lang." Pagkatapos ay bumaling siya kay Heather na kanina pa nanonood sa kanila. "Mag ingat kayo sa pag uwi."

She smiled. "Thanks. See you at school."

Bumitaw si Arche sa kaniya at hinalikan naman ang noo niya. "Mauna na kami. I'll call you later."

Pinakawalan niya ang buntong hininga nang makaalis sina Arche at Heather sa kaniyang harapan. No'ng una ay nag seselos at nalulungkot siya sa tuwing kasama nito si Heather pero simula no'ng nag amusement park sila. Umayos lahat.

Hindi din naman pala masama ang magkaroon ng kahati sa pagmamahal dahil never niyang naramdaman na may kahati siya. Arche never failed to make her feel loved.

KINABUKASAN. Nagulat siya nang pumasok si Kale sa coffee shop. Kahapon si Heather at ngayon ang binata naman. She couldn't help but ask what is happening?

Pinanood niya si Kale na pumuwesto sa bakanteng upuan. Hindi katulad ni Heather ay hindi ito nag tungo sa counter. Nginitian lang din siya nito bago nilabas ang laptop nito.

Ang alam niya may pasok ito kahapon pero hindi niya alam kung may pasok ito ngayon.

Lumipas ang ilang oras na gano'n lang ang ginawa ni Kale. Hindi ito umorder o kumausap sa kaniya. Nang matapos ang shift niya ay ang pagligpit ni Kale ng gamit nito.

"What are you doing?" she asked nang makalabas na sila ng café.

"Studying?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "May library sa university?"

"Sa mas gusto ko sa coffee shop, eh. May problema ba do'n?"

"Yeah, you don't even try to order a drink!"

"Galit ka dahil hindi ako umorder man lang?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Huminto siya at hinarap ito. Umikot ang mata niya.

Hindi na niya ito sinagot dahil wala rin naman siya mapapala. Nag patuloy siya sa paglalakad. Sinundan siya nito at sinundot ang tagiliran niya.

Hinarap niya itong nanlilisik ang mata. "Ano ba, Kale?!"

"Sorry na. Sa susunod mag o-order na ako. Sa 'yo pa ako mismo lalapit."

"Natural, ako kaya cashier!" Natawa ito sa kaniyang sinabi. Tinigil na rin nito ang pag susundot sa kaniyang tagiliran.

"Ang init ng ulo natin, ah," asar pa ulit nito sa kaniya.

"Sa 'yo lang naman mainit ulo ko." Mas binilisan niya ang paglalakad. Natatawang lakad takbo na sinundan siya ni Kale. Sumisipol pa ito.

Minsan maayos itong kausap pero madalas na may saltik ito. Nag kakasundo lang sila minsan kapag kasama nila si Scout.

Natigil siya sa paglalakad nang may tumawag sa kaniyang pangalan. Nilingon niya ito at nagulat siya nang makita si Arche. Mabilis tuloy siyang umusog palayo kay Kale.

"Hey," bati nito nang makalapit. Hindi rin nawala sa paningin niya ang pagdako nito kay Kale sa kaniyang tabi.

"What are you doing?" may inis na tanong ni Arche kay Kale.

"Nothing," may pag-uuyam na sagot ni Kale. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang braso ni Arche. Pinaharap niya ito sa kaniya. Nakakunot ang noo nito pero nang dumako ang mata nito sa kaniya ay unti-unti ito nawala.

"Hatid mo ako?"

"Of course." Nagulat siya nang halikan siya nito sa labi sa harap ni Kale. Simula mag amusement park sila ay mas nagiging PDA na ito sa kaniya.

Namumula na lang siya sa hiya pero kahit gano'n ay gusto niya ang ginagawa nito para sa kaniya.

"Sama—"

"You're not coming with us!" Arche hissed at Kale. Natigilan naman si Kale pero mas lalong lumawak ang ngisi nito.

"So possessive," komento pa ni Kale. Sasabat sana si Arche nang hilahin na niya ang kamay nito palayo kay Kale.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro