Another Extra Chapter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A smile crept on my face.

Nakaupo ako sa balcony habang tahimik na nagbabasa ng mga diary nila na naging libangan ko ng basahin t'wing may oras ako. Nilingon ko ang nakausling ulo na nasa pinto.

"Lihtan, tara dito."

"Cane!" masayang tawag niya sa akin at umupo sa harapan ko. Sinarado ko ang journal na binabasa ko at tinitigan ito, kanina ko pang nararamdaman ang mga mata nito na nakatingin sa akin mula sa pinto.

"May kailangan ka ba?" nakangiting halumbaba ko sa inosente kong halimaw.

"May cooking contest akong sinalihan, Cane! Kaya lang.."

"Kaya lang..?" bahagyang kumunot ang noo ko, at handa ng gumawa ng paraan para mawala ang hadlang sa kasiyahan ni Lihtan nang..

"Kailangan may partner, pwede ba tayong partner, Cane?"

"Oh. Sige! Kailan ba, Lihtan?" Nakahinga ako ng maluwag, nakita kong kumislap ang mga mata nito.

"Sa isang araw, Cane! Ihahanda ko na lahat ng kailangan natin, Cane!"

"Samahan na kita, mag-grocery tayo hehe."

Sunod-sunod na tumango si Lihtan at sabay kaming bumaba ng hagdan at naabutan si Simone na binatukan si Tenere. Pfft. Ano na naman kayang ginawa nito?

"Oh. Hi! Cane! Saan ang lakbay natin?" bati ni Tenere nang makita kami at kumaway kaway.

Salubong rin ang kilay ng asawa ko na nakatingin sa akin.

"May importante kaming lakad. Bawal epal." Sagot ni Lihtan habang nakangiti.

Sabay na sumimangot si Tenere at Simone.

"Pfft."

"Kailangan mo'ng humingi ng permiso ko bago mo dalhin ang asawa ko." Mabilis na nakarating sa tabi ko si Simone at niyakap ako sa likod.

"Waaah! Saan tayo pupunta, aking binibini?!" nakita ko sa harapan ko si Taki na hindi ko alam kung saan galing. May mga maliliit na dahon sa buhok.

"Bakit ba kayo nandito sa bahay namin? May mga sarili kayong bahay bakit lagi kayong nandito sa bahay namin?" nangungunsumi na sambit ni Simone. Tama ang sinabi ni Simone, may mga sarili silang bahay at mga kapitbahay namin silang tatlo at palagi silang nandito pagsapit ng umaga.

Hinawakan ko ang braso ni Simone na nakayakap sa akin.

"Ayos lang na lagi kayong nandito at lagi kong nakikita." Nakangiting sambit ko.

"Walang makakapigil sa amin, Simone!" ngisi ni Tenere sa nakasimangot na asawa ko.

"Tss."

Nagtawanan kami dahil sa di maipintang mukha ni Simone.

"Let's go?" sabay sabay silang ngumiti, mabilis akong tumakbo na kinabigla nila. Hehe! Gusto ko ako ang mag-drive!

"Wife!"

"Caneeee!"

Napahinto ako nang mapansin ang nakagaraheng jeep at napangiti nang maalala ang ginawa namin nong araw na 'yon.

One week ago.

Naglalakad ako mag isa at papunta kay Thunder para mangutang ng kayamanan nang mapatigil ako sa paglakad ang mapatingin sa jeep na huminto sa harapan ko na nagbababa ng mga pasahero. Tagilid ang ulong tiningnan ko ang driver na tagaktak ang pawis dahil init ng panahon at nakalahad ang kamay nang may mag abot ng bayad. Nagkatinginan kami ng driver na tila nagulat nang makita akong nakatingin, sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin.

"S-Sasakay kayo, Miss?" siguro'y dahil sa sobrang init ng panahon ay grabe ang pagkapula ng mukha ni kuya driver. Binuksan nito ang maliit na pinto sa harapan at nakita kong bakante ang upuan sa tabi ng drivers seat.

"Manong, di ka pa ba aanda-" naputol ang sinasabi ng isang estudyante na sumilip sa labas ng bintana.

Mabilis na pumasok ako sa loob ng kotse at manghang sinuyod ang tingin sa loob. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa excitement lalo na ng umandar na ang kotse.

"Bayad po.." sambit ng nasa likuran naming matandang ginang. Nakita kong inabot naman ni kuyang driver.

Kinapkap ko ang bulsa ko at kinuha ang maliit na wallet ko at binuksan. Namutla ako nang makitang walang barya at puro papel ang laman. Nakita kong nakita rin iyon ni kuyang driver.

"Hehehe. Keep the change, kuyang driver." Inipit ko ang isang libo sa lagyanan nito ng mga papel na kita niya.

"M-Miss.." windang na sambit ni kuyang driver na kinatawa ko at tinapik ang balikat nito.

"Ayos lang, kuyang driver. May tatanong sana ako."

"A-Ano po yon?"

"Magkano kita sa isang araw ng pamamasada niyo?"

"Mga nasa 600 hanggang 1000 po, Ma'am.."

"Tawagin mo kong Cane, wag na Ma'am para ka namang others!"

Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga pasahero sa likod. Habang dinadaldal ko si kuyang driver tungkol sa jeep niya ay...

"Ano ba 'yan traffic." Reklamo nung estudyante kanina.

"Bat traffic, tol?" tanong ni kuyang driver sa kapwa niya driver.

"May nagwawalang lalake. Kawawa yung hostage na bata. Tsk!" yamot na sagot ng kausap ni kuyang driver.

Maya-maya pa ay umusog na ulit ang daloy ng traffic. May lumapit na isang pulis sa harapan ng jeep ni kuyang driver at biglang sumaludo.

"Good job! Bye bye!"

"Have a happy ride!" malawak na ngiti ni chief.

Nang makita ko ang pamilyar na condo ni Thunder ay pumara na ako.

"Salamat!" kaway ko at tumakbo, natatarantang nakita ako ng guard at mabilis na inimporma ang pagdating ko hanggang sa makarating ako sa pinto.

Salubong ang kilay na mukha ng kapatid ko ang sumalubong sa akin.

"What are you doing here, lady?" dire-diretso akong pumasok sa loob. Humilata ako sa malambot na sofa.

Naglapag ito ng basong may tubig sa mesa na agad kong nilagok.

"Where's your husband? Why are you here, huh?"

"Cleaning some rebels." Seryosong sagot ko, nasa Dark Realm ang asawa ko maging sina Lihtan, Tenere at Taki na tumutulong rin kay Simone. May kailangan daw silang ayusin. As the Lords of the Realms. Si Simone ang may hawak ng Dark Realm, sina Lihtan, Tenere atTaki naman ang may hawak sa Monstrous Realm. Kahit na ako ang may hawak sa Light Realm ay wala akong ginagawa dahil sila na rin ang gumagawa ng lahat para mangasiwa.

Narinig ko ang pagkawala ng buntong hininga nito.

"And what do want from me?"

"Pautang. Cash."

Malawak ang ngiti kong umuwi. Di ko namalayang madilim na ang langit. May nakita akong isang bulto na nakaupo sa sofa na seryosong nakatingin sa akin.

"Hi, husband!" ngiwi ko at dahan dahang naglakad. Nanatiling madiin ang tingin ng itim na mga mata ng asawa ko na kinalunok ko. Walang kangiti-ngiti ang gwapong mukha nito.

Umupo ako sa kandungan nito at kinakabahang ngumiti. Magkadikit ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"You're having fun with another man." Baritonong sambit niya, kumunot ang noo ko.

"Galing ako sa condo ni Thunder, Simone."

"Alam ko." Napalabi ako dahil alam kong medyo badtrip ito.

"May problema ba sa lakad niyo?" tanong ko.

"Walang problema do'n."

"Problema ng mister ko?" malambing na tanong ko sa nagsusungit kong lalake.

Niyakap ng isang braso ang likod ko at kinuha niya ang brandy na nasa mesa, nakita kong may nakapatong na black folder sa mesa kaya kinuha ko. Namilog ang mga mata ko ng makita ang nasa loob.

Name: Tristan Buan
Age: 23
Status: Single
Occupation: Jeepney Driver

"Tsk."

Di makapaniwalang tiningnan ko ang asawa ko.

"In-imbestigahan mo si kuyang driver?"

"..."

"Simone Giovanni?"

"So what?" napamaang ako at humalakhak. Oh my!

"...bugbugin ko yon e," bulong pang habol nito. Kinurot ko nga sa tagiliran.

"Don't you dare, ang bait at sipag ni kuyang driver."

"Stop talking another man in front of me and don't think of him!"

"Jealous?"

"..."

Pinadausdos ko ang palad ko sa dibdib niya na nakasuot ng puting roba. Nagtaas baba ang adams apple niya at nag aalab na tiningnan ako ng nakakalasing niyang tingin.

"I'm yours already, ilang beses ko na bang pinatunayan? " bulong ko sa tainga niyang, bumigat ang paghinga niya at mahigpit na niyakap ang baywang ko.

"Damn.." mahinang singhal niya at nagmamadaling binuhat ako patungo sa kwarto namin habang maalab na magkadikit ang mga labi.

"Mmh.."

"Mine, mine.." mabilis na nawala ang lahat ng sagabal sa balat ko na gawa ng mabangis na halimaw sa harapan ko. Walang pinalagpas ang mapangahas na labi nito sa bawat pag aari niyang teritoryo at ang bawat mainit na haplos ng hawak nito sa bawat sulok ng teritoryo niya na nagsusumigaw na sa kanya lamang ang lahat.

Nagising ako at nilingon ang asawa kong puno ng pagmamahal na nakatingin sa akin.

"Anong oras na?" mahinang tanong ko.

"11 am.." may ngising sagot niya.

"Kasalanan mo."

"I know, I can't get enough of you.."

--

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong nagkakagulo sa kusina.

"Why don't you destroy your own kitchen, you food monster!"-Simone

"Wala na akong stocks, Simone."-Lihtan

"Magtrabaho ka!"-Simone

"Kaya kami nandito kasi may io-offer na work si Cane."-Lihtan

"Oo nga, oo nga! Wag ka kontrabida, Simone!"-Taki

"Good Morning, Cane!"-Tenere

Sinalubong ako ni Simone na naguguluhan.

"What the hell are they saying?"

Ngumiti ako ng matamis.

"Magta-trabaho kami, Simone."

"You're now going to take your company?"-Simone

"Hindi, mamamasada kami." Nakangiting sambit ko, umawang ang labi nito.

"What?"

Nakarinig kami ng busina.

"Waaaah! Anong gagawin na'tin, Cane?"-Taki

"Malalaman niyo paglabas na'tin."

Lumabas kami habang hila ko si Simone na nakatulala na mukhang may ideya na kung ano ang nasa labas.

"Hahahahahaha!!"-Tenere

--

Hay! Memories, parang kailan lang ng mamasada kami. Ang laki ng kita namin kaya lang hindi kami nagtagal sa larangan ng jeep dahil naging dahilan kami ng matinding traffic at gulo.

"What are you thinking?" pinanliitan ako ng mata ng asawa ko, tinawanan ko ito at pumasok sa drivers seat.

"Anong lulutuin na'tin, Chef?" tanong ni Taki na nakasilip na laptop ni Lihtan. Nasa gitna nila si Lihtan at pareho silang nakasilip ni Tenere sa kinakalikot ni Lihtan. Pinanonood naman ako ng asawa ko habang nagda-drive.

"Gusto ko ito." Turo ni Tenere, tumango-tango naman si Lihtan. Ang cute nila.

Napangiti ako nang makita ang billboard na may mukha ni Tenere. Sikat na sikat talaga ito.

Nakarating kami sa mall at gaya ng inaasahan ay pinagtitinginan kami kahit saan.

"Oh my! Is that Tenere Monstrous?!"

Yeah, their surname are 'Monstrous' kahit na sinabi ko na gusto ko silang maging 'Thurston' and I always respected their decisions. Always.

"Is that his siblings? Lihtan and Taki? Omg! They are so handsome!!"

"I know that guy! Simone Giovanni! The Emperor of Arkhein Country!"

"You mean the ruthless Emperor of the new country?"

"Is it really existing?"

Ruthless? Tumango ako at napanguso. He's really ruthless lalo na sa...gabi.

Sinilip ko ang mukha nito na walang emosyong naglalakad habang hawak ang kamay ko.

This man is the Emperor of Arkhein Country, dahil sa mga nangyari ay tuluyan ng nalaman ng buong mundo ang nasabing bansa na wala sa kaalaman ng lahat. Para maiwasan ang mga posibleng gulo ay napag-desisyonan na kilalanin itong isang bansa. Isang monarkiyang bansa, ang sampung kaharian ay may mga Hari at Reyna pa rin at ang pinaka namumuno sa mga ito ay si Emperor Giovanni, my husband.

Hindi ko alam ang mga nangyari, basta ay nang magising ako sa mahabang pagkakatulog ay ganoon na ang lahat. Basta ay sinabi nilang ganon ang nangyari at hindi ko na kinwestyun pero di ko maiwasang mamangha na pumayag at tinanggap ng asawa ko ang posisyon na iyon.

"Kamusta na sila Reyna Yuka?" tanong ko, nakita kong napatigil si Tenere. Hm?

"They will visit soon, at school." May maliit na ngiting sagot ni Simone.

"Wow! Mag aaral din sila sa school!?" di makapaniwalang tanong ni Taki na halatang excited rin.

"Kasama si Visal, Simone?" tanong ni Lihtan, tumango si Simone.

"What about her?" tikhim ni Tenere.

"Sinong tinutukoy mo Tenere?" nakangising tanong ko at sinundot ang tagiliran niya, namula ang mukha ni Tenere.

"AHA! Huli ka! Sabi ko na nga ba eh! Nililigawan mo si Ate Yuka!" akusa ni Taki.

"Wala kang pake! Magandang lalake ako! A-Ano naman?" namumulang sagot ni Tenere. Patuloy namin siyang tinukso hahahaha!

"Wala ka kasing nagugustuhan! Puro pagkain ang nasa isip mo, Lihtan!"-Tenere

"Single malaya!"-Taki

"Tama! Single malaya kami!"-Lihtan

"Pwee!"-Tenere

Natapos kaming mag-grocery habang nagtatawanan.

"Let's eat." Deklara ng asawa ko at hinila ako sa isang high class restaurant, sumunod naman sina Lihtan, Tenere at Taki.

"Lihtan?" napatingin kami sa isang magandang babae na huminto sa harap ng mesa namin.

"Ley?" pagkilala ni Lihtan sa babae. Nagliwanag ang mukha ng kausap ni Lihtan.

"Coincidence, di rin kayo kakain. Mind if I join you guys?" Nakangiting tanong nito.

"Ah.." tiningnan kami ni Lihtan isa isa. Walang imik naman ang mga kasama namin sa mesa. Huling tiningnan ako ni Lihtan, na parang sa akin nakasalalay ang desisyon.

Bakit ako?

Tiningnan ko yung babaeng nagngangalang 'Ley' na parang napahiya dahil nananatili pa ring nakatayo.

"Sure!" parang nakahinga ito ng maluwag at tumabi kay Lihtan.

Dumating ang mga inorder namin.

"Classmate ko sa isang subject si Ley." Pakilala ni Lihtan sa katabi.

"Nice to meet you, guys!" nakangiting sambit nito at nabura nang mapatingin sa katabi ko.

Palihim na siniko ko si Simone na walang pakealam sa classmate ni Lihtan at hinihiwa ang beef sa plato.

"What?"

Sinenyasan kong tumingin siya sa harap.

"Yeah, nice to meet you." Bagot na bati niya kay Ley na pilit na nakangiti.

Nang matapos siya sa paghiwa ng beef ay nilagay sa harap ko.

"Pfft." Pigil na tawa ni Tenere at Taki.

"Nice to meet you, I'm Hurricane and this is my husband Simone Giovanni." Pakilala ko matapos mag pakilala ni Tenere at Taki.

"Y-Yeah, nice to meet you."

"Thank you for taking care of Lihtan, he's a good boy." Malumanay na sambit ko.

"Yes!" Nakangiting sagot nito at namumulang sinulyapan si Lihtan.

Nagtatakang tiningnan ni Ley ang apat na pinipili ang mga mushrooms na nasa plato nila at nilagay nila sa plato ko.

"What are they doing?"

"Paborito ni Cane ang mushrooms." Nakangiting sagot ni Lihtan.

Nahihiyang nginitian ko si Ley.

"May partner ka na ba Lihtan sa cooking contest?" halata sa mga tingin at binibigay ni Ley ang pagkagusto kay Lihtan na sigurado kaming walang ideya.

"Meron, si Cane." Masayang sagot ni Lihtan, kita ko ang disappointment sa mga mata ni Ley na mabilis na naglaho.

"I remember, every time na kumakain kayo laging may bakanteng upuan but now?"

"Nandito na si Cane, kompleto na kami hehe." Ngumunguyang sagot ni Taki. Pfft~! May gravy pa sa gilid ng labi.

"Oh, she's the one you always talk about.."

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"You didn't know?" di ko alam kung namamalikmata ko pero parang bahagyang tumaas ang kilay nito.

"He's always cooking at sa t'wing may ipapatikim siya ang lagi niyang tanong ay kung magugustuhan mo ang niluto niya. We thought you're his girlfriend because-"

Narinig namin ang pagbagsak ng kutsara.

"Hey, you're noisy, aren't you?" Malamig na bigkas ni Simone.

"S-Sorry.." namumutlang patawad nito.

"I'm sorry, he didn't mean it."

"Tss."

Sinamaan ko ng tingin ang asawa ko.

"Apologize to her." Utos ko.

"Fine, sorry." Walang pusong sunod ng asawa ko ng seryoso.

"Well? It's not surprising to us, Ms. Ley na bukambibig ng kaibigan namin si Cane because she's the most important person in our lives." Nakangiting paliwanag ni Tenere kay Ley na napahiya sa inasal ni Simone.

Hay.

Pero tumaba ang puso ko sa sinabi ni Tenere.

"Oo nga, kung wala ang aking binibini ay wala rin kami ngayon." Sang-ayon ni Taki at inakbayan si Lihtan na tumango rin sa sinabi ni Taki.

"Nangako kami ni Cane na kakain kami ng masasarap kaya nag aaral ako magluto, matakaw kasi si Cane." Napanganga ako sa sinabi ni Lihtan.

"At isa pa lagi akong pinagbabantaan ni Simone na kung papakainin ko si Cane ay dapat walang maging problema. Nakakatakot si Simone kaya kailangan ko galingan." Pagpapatuloy ni Lihtan.

"Pfft."

"Ang sabi pa ni Simone "I'll skin you alive if you upset her stomach, I'll burn you and cook you alive," sinong hindi matatakot?" ngiwi ni Lihtan at ginaya ang boses at mukha ni Simone.

"Kaya kailangan ko ipatikim muna sa iba ang mga luto ko, wala namang problema dahil nauubos nila at gusto ang luto ko. Sila pa ang lumalapit para matikman." Nakangiting sambit pa ni Lihtan. Sabay na nabulunan si Tenere at Taki.

Natapos ang araw namin at nahihiyang nagpaalam si Ley.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro