Pahina 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 19
Poisonous Taki (2nd Part)

Taki's Point of View

Nagbago ang walang direksyon kong mga araw nang mahagip siya ng mga mata ko. Ang pulang buhok niya na mabilis makakuha ng atensyon.

Isa ako sa mga dagat ng mga tao na nanonood sa kanila.

"Prinsesa ako! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan?! Isa ka lang mababang uri! Lapastangan! Lapastangan!!"

"Wala akong pakialam sa posisyon mo, pero sa oras na dumapo ang palad mo sa mukha ko. Tandaan mong may lilipad na kamao sa mukha mo. Hindi ako nananampal, nananapak ako."

Labis akong humanga sa naging sagot mo sa Prinsesang kaharap mo at ang pinakanakapagpatigil sa aking mga paang walang patutunguhan ay ang halimuyak ng iyong dugo.

Kakaiba sa lahat at hindi ko maintindihan kung bakit. Naaakit ako.

Huli na nang mapigilan ko ang sarili ko na tikman ang dugo mo, natakot ako sa ginawa ko. Lalo na ng mawalan ka ng malay.

Isa akong lason, isang delikadong lason na nakakamatay. Napasabunot ako sa sarili ko.

'Bakit ko ginawa 'yon?'

Kahit kailan ay hindi ako tumikim ng dugo ng tao. Kaya kong kontrolin ang pagkauhaw ko sa dugo at mga hayop lamang ang nagpapapawi ng uhaw ko.

Isa akong halimaw. Bakit ba ako nabubuhay? Gusto ko nang mamatay pero bakit hindi ako mamatay-matay? Bakit naiiba ako?

Nang malaman kong ligtas ka ay nakahinga ako nang maluwag. Ibig na kitang layuan pero bakit hindi ako makaalis palayo sa'yo?

Lalo na nang ngitian mo ako.

Yung ngiti mong tumatak sa isip ko, habang pinagmamasdan kang palayo sa sakay niyong karwahe. Hindi ko na naman mapigilan na sundan ka dahil nag-aalala akong hindi ko na muling makita ang pagngiti mo sa akin.

Palihim ko kayong sinundan. Napahanga na naman ako sa mga sinabi mo sa Hari ng Hideus. Nakita ko kung paano mo pahalagahan sina Simone, Lihtan at Tenere. Nakita ko kung gaano ka kabuti. Ang napakagandang pagkatao mo, aking binibini.

"Nagmamakaawa ako h'wag mo 'ko lapitan, Cane. A-ayokong mamatay ka."

Tanda ko pa ang gabing tumatangis ako at nagmakaawa ako sa'yong h'wag mo akong lalapitan ngunit lumapit ka sa kinababagsakan ko at binalot ako ng yakap.

Sinabayan mo akong umiyak na parang magkaisa tayo ng nararamdaman. Na nararamdaman mo ang sakit, lungkot at paghihinagpis kong ilang taon kong kinimkim. Naubusan ako ng lakas at labis na nanghina, at para bang sumisigaw ang buong pagkatao mo na ikaw ang kuhaan ko ng lakas. Na ayos lang umiyak dahil iiyak ka ring kasama ko. Na ayos lang maging mahina dahil ikaw ang magsisilbing lakas ko.

Wala akong naramdamang sakit dahil ang makita ka lang ay parang kaya kong gawin lahat. Na kaya kong tiisin lahat nang hindi nag-iisa.

At sa mga oras na ito ay huminto ang mundo ko nang makita ang pagbaon ng mga pana sa likuran mo. Ang maliit mong katawan na yumakap sa akin nang mahigpit.

Aking binibini...

Nakapikit nang mariin ang iyong mga mata at umiinda sa sakit. Naamoy ko ang nakakahalina mong dugo na naramdaman at nakita ko ang pagtulo. Gusto ko ang dugo mo dahil nang matikman ko 'yon ay tila dumoble ang lakas ko ngunit hindi ko kayang makitang duguan ka! Hindi ko kaya, Cane. Hindi ko kaya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha sa sinapit mo. Ang sakit na para sa akin ay inagaw mo.

Hindi ko maatim na makita kang ganito...

Para akong pinapatay sa sakit.

Cane...

"Tama na, Taki. Tama na. Ayos na ako, ayos lang ako. Tama na..." hikbing pakiusap mo.

Bakit mo ako pinigilan, Cane? Bakit? Gusto kitang ipaghiganti. Wala silang karapatan na saktan ka. Ngunit paano ko magagawang tumutol sa pakiusap mo? Sa hikbing pakiusap mo?

Sa muling pagkakataon ay naluha na naman ako. Nanghihina ako pagdating sa'yo, aking binibini. Ikaw ang lakas at kahinaan ko na tulad ng kahilingan mo ay pinilit kong tumigil.

"Ang Prinsesa. Si Prinsesa Shea."

Nakita ko ang mabilis na pagtungo mo sa Prinsesa at pagsampal mo rito nang malakas.

"Ikaw ang kauna-unahang sinampal ko." malamig na sambit mo Cane sa Prinsesang bumagsak sa lakas ng iyong sampal.

"-Hindi ko alam ang magagawa ko kung tumama kay Taki ang mga panang 'yon. Pasalamat ka, ako ang tinamaan dahil kung hindi, ibabaon ko sa maliit mong utak ang dalawang pana at lalatiguhin kita nang paulit ulit hanggang sa magmakaawa kang patayin na lang kita."

Cane...

Bakit sa mga oras na 'to ay ako pa ang inaalala mo? Ngunit ang nakapagpakaba sa akin ay ang huling tinuran mo...

"Cane..." seryosong tawag ni Simone sa'yo at hinila ka palayo na para bang may gagawin ka.

"You need to fvck'n calm down." pagpapakalma ni Simone sa nanginginig mong kamao.

"Bakit hindi na lang tayo ang magpatayan ngayon? Nang wala nang madamay pang iba dahil ako naman ang kailangan mo."

Nagpumiglas ka sa mahigpit na hawak sa'yo ni Simone.

"B-Binibini..." -Haring Agnol

"Bitiwan niyo ako!! Papatayin ko ang babaeng 'yan!! Hinding hindi ako titigil sa pagtugis sa'yo!! Walang makakapigil sa akin!!! Wala!!! Wala!!!" -Prinsesa Shea

*paaak*

"A-Amang Hari..." gulat na sambit ng Prinsesa sa pagsampal ng Hari rito.

Hurricane's Point of View

Ang kaninang galit ko ay bahagyang nabawasan.

"Dakpin siya at ikulong sa kanyang silid." makapangyarihang utos ni Haring Agnol.

Kumirot ang puso ko dahil ni minsan ay hindi ako pinagbuhatan ng aking Ama ng kamay. Alam kong masakit 'yon para kay Prinsesa Shea ngunit alam kong ginawa 'yon ni Haring Agnol para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Napabuntong hininga ako at tumalikod at hinarap ang mga kasama ko. Rinig na rinig ko ang pag-iyak ng Prinsesa...

"Binibini, ang simbolo na nasa iyong likuran..." gulat na sambit ni Haring Agnol sa likod ko na may maliit na punit.

Ang tinutukoy niya ay ang aking tattoo. Ang simbolo ng pagiging Henderson at Thurston ko na sumasakop sa likod ko.

Seryoso, malamig at mariin ko siyang tiningnan sa mga mata at nginisihan.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang lumuhod.

"Patawad! Patawad!" paulit ulit na sambit nito.

"Amang Hari!!" -Prinsipe Hasil

"Haring Agnol..." -Prinsipe Lucien

Nagtungo sa tabi niya ang dalawang Prinsipe at itinayo ito.

Hindi ko maintindihan.

Pero isa lang ang naiisip ko. Pamilyar siya sa emblem na nasa likuran ko at maaaring kilala niya ang mga magulang ko.

"Kamahalan, anong ginagawa mo?" mahinahong tanong ko rito.

"Ang nasa likuran mong mga simbolo, anong koneksyon mo sa kanila, binibini?"

Mariin ko itong tiningnan sa mga mata.

"Sa kanila ako nagmula."

Naestatwa ito sa kanyang kinatatayuan at natulala sa akin.

"I-Ikaw ay anak nila..."

Nginitian ko ito.

Mas nagulat ako sa sunod nitong ginawa...

Tinakbo ako ni Haring Agnol at niyakap.

Naramdaman ko ang tahimik na pag-iyak nito sa aking balikat.

"K-Kamahalan..."

Lumayo ito sa akin ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nito.

"Ito marahil ang dahilan kung bakit panatag ang loob ko sa unang kita pa lamang sa'yo, binibini. Ang presensya mo ay tulad din ng iyong ama't ina."

Nakangiting lumayo ito sa akin. Ako nama'y wala sa sariling napakamot sa batok.

"Kung iyong mamarapatin, binibini. Iniimbitahan ko kayo sa aking Kaharian. Wala akong gagawin at sinisiguro ko ang kaligtasan niyo." umaasang sambit ng Hari.

Tumingin ako sa mga kasama ko. Kalmado na sila kaya nakahinga na ako nang maluwag. Binalik ko ang tingin kay Haring Agnol.

"Kailangan na naming umalis. Ikinalulungkot kong tanggihan ang imbitasyon mo, Haring Agnol."

"Ipagagamot ko ang inyong mga-"

"Ayos lang, wala naman silang tama at kaya akong gamutin ni Simone." sambit ko rito at tinapik ang balikat nito.

"Aalis na kami." paalam ko at tinangunan ang dalawang Prinsipe at si Heneral Sen.

Naglakad ako patungo sa mga kasama ko ngunit hindi pa ako nakakalimang hakbang nang...

"T-Taki..."

Sumangga ang braso niya sa espadang hawak ni Prinsesa Shea.

Madilim ang mukha ni Taki. Ang pula nitong mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa nasa harap. Nanginingig ang panga ni Taki sa galit at nakita ko ang pag-angat ng kamay niya na mabilis kong inagapan.

Nasaksihan ko ang nangyari sa mga kawal na nadikitan ng kanyang dugo. Umiling ako kay Taki.

Mapapatay niya ang kaharap. Hindi ko hahayaang makapatay sila na habambuhay nilang dadalhin. Ayokong mabahiran ang mga kamay nila ng dugo. Dugo na sila ang may gawa. Kailanman ay hindi pa sila nakakapatay, alam ko 'yon.

"BITAWAN NIYO AKO!! PAPATAYIN KO ANG BABAENG 'YAN!!"

Hindi ko na alam ang mga nangyayari basta ang alam ko lang ay kailangan ko na silang ilayo.

"Aalis na tayo." hinila ko ang kamay ni Taki.

"Tayo na Lihtan, Taki, Simone."

Pero hindi sila umalis sa mga kinatatayuan nila na kinakaba ko.

"H'wag niyong dungisan ang mga kamay niyo, nakikiusap ako..." nakayukong sambit ko.

"-umalis na tayo." mahinang sambit ko at unti unting bumitaw sa kamay ni Taki, pero mahigpit niya iyong hinawakan.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa harapan ko na silang apat.

"Tenere..." tumango si Tenere kay Simone.

Nagulat ako nang buhatin ako ni Tenere na seryosong nakatingin sa akin.

"A-nong..."

Mas nagulat ako nang maglakad siya at tumalon. Umawang ang bibig ko sa sobrang taas. Nakita ko pa ang lumilipad na si Dino.

Bumaba ang tingin ko sa pinanggalingan namin na hindi ko na makita sa sobrang layo.

"S-Sina Lihtan, Simone at Taki..." nag-aalalang sambit ko.

Seryosong bumaba ang tingin sa akin ni Tenere.

"Susunod sila." mahinahong sambit niya ngunit may kalamigan.

Pero hindi nabawasan ang pagkabahala ko.

"Wala silang gagawin, h'wag ka nang mag-alala." seryosong sambit niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Wow, ang ganda." sambit ko habang iniikot ang ulo ko.

"Maganda ito lalo sa t'wing sasapit ang gabi." sambit ni Tenere na kinangiti ko.

"Talaga?"

"Sa oras na gumaling ang mga sugat mo, ipapakita ko sa'yo." nakangiting sambit ni Tenere.

Sa wakas, ngumiti na siya.

"Sinusundan mo ba si Dino?" puna ko dahil kanina ko pa napapansin.

"Siya ang magdadala sa atin sa KIN Palacio, kabisado ni Lihtan ang kagubatan roon at mabilis tayong makararating sa..."

"Sa?"

"Saan ba tayo pupunta, Cane?" tila ngayon niya lang naisip.

"Hehehehe, hindi ko rin alam."

Mahina siyang natawa kaya natawa rin ako. Lumapag kami sa kweba kung saan nakatira si Lihtan noon.

"Napakaganda pa rin ng lugar na ito." sambit ko at naupo sa kumikinang na mga bato.

Kung alam lang ng mga naninirahan dito ang kahalagahan ng mga batong ito.

Napatingin ako kay Tenere na nakatingin lang sa akin at nakatayo.

"Hindi ba masakit ang sugat mo?"

Umiwas ako ng tingin at napanguso.

"Kaya kong pamanhirin ang katawan ko."

"Ano?" narinig kong boses ni Taki na nasa likuran ni Tenere at parehong hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Napabuntong hininga ako at napapangusong tumingin sa pampang.

"Anim na taon pa lang akom alam ko na kung paano pamamanhirin ang katawan ko sa sakit para hindi na mag-alala ang pamilya ko sa akin."

"Sa una, masasaktan ako pero kung itutuon ko ang isip ko na h'wag maramdaman at isipin ang sakit, wala akong mararamdamang kahit ano. Pero tulad ng iba, manghihina rin ang katawan ko."

Naramdaman ko ang pagdating nina Simone at Lihtan.

"H'wag kang matulog." simangot ni Simone nang makita ang papikit pikit kong mata pero hindi ko na mapigilang mapahikab. Ganito ang manghina. Inaantok.

Nagsusungit na naman si Simone.

Yari.

Mas nilakasan ko pa ang hikab ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Nagtatakang sinundan nina Lihtan, Tenere at Taki si Simone na hinahalungkat ang bag niya.

Nagtungo si Simone sa likuran ko matapos makuha ang kailangan niya sa kanyang bag. Naramdaman ko ang paggupit niya sa likuran ng damit ko.

"WAAAAAAH!!! ANONG GINAGAWA MO SA AKING BINIBINI!!"

Di siya pinansin ni Simone na namumula ang mga tainga.

Ganoon din sina Lihtan, Tenere at Taki na namumula ang mga mukha at hindi malaman kung titingin o iiwas.

"Hahahahahahahahahaha!" tawa ako nang tawa sa mga itsura nila.

Ang cute nila!

"Tss." singhal ng nasa likuran ko.

"Galingan mo, Simone ah." mas lalong namula ang tainga niya na umabot na rin sa kanyang mukha.

Tsk. Simone, di pa masanay. Pfft.

"Ayos ka lang ba talaga, Cane?" tanong ni Lihtan na nag-aalalang nakatingin sa sugat ko.

"Oo naman. Hahaha."

Nakita ko na titig na titig sila sa tattoo ko at manghang mangha.

"Maganda ba?" ngiting tanong ko at sabay sabay silang tumango na mas lalo kong kinangiti.

"You're using yourself too much." sermon ni Simone.

"Hehehehe. Taki, dito ka." Tawag ko kay Taki habang tinapik ang tabi ko.

Sumunod naman siya. Kinuha ko ang braso niya at sinuri. Ang galing. Tumitigil nang kusa ang pagdudugo tulad ng sugat niya kagabi pero ramdam ko rin ang panghihina niya at nakita ko ang iilang butil ng pawis sa noo niya.

"Namumutla siya. Ayos ka lang, Taki?" tanong ni Lihtan at nag-aalalang nakatingin kay Taki.

Nagulat ako nang dumiretso ito ng tayo at tumalon sa ilog!

"WAAAAAAH!!! DI AKO MARUNONG LUMANGOOOY!!!"

"Ay tanga." -Simone

"BWAHAHAHAHAHA." -Tenere

Sunod na tumalon si Lihtan. Tawa kami nang tawa sa itsura ni Taki na nakasakay sa likod ni Lihtan na nagpipigil rin ng tawa.

Yakap na yakap siya kay Lihtan. Hahahaha.

"Ang bigat mo, Taki." -Lihtan

"WAAAAH!! H'WAG MO 'KO IWAN. HUHUHUHU."- Taki

"HAHAHAHAHAHAHA!!"

"WAAAAAH!!"

Natawa kami lalo nang lumubog si Lihtan at napasama si Taki sa kayang paglubog. Nang muling umahon si Lihtan ay sakal sakal na siya ni Taki.

"A-Ackk, Taki. Pfft!"- Lihtan

"ANONG KASALANAN KO SA'YO, LIHTAN? AKALA KO MAHAL MO 'KO." -Taki

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Mas lalo kaming napahagalpak ng tawa sa itsura nila.

Oh my Lihtan and Taki!

"Lubog mo ulit, Lihtan." -Simone

"WAAAAAH!! AKING BINI-"

Muli na namang lumubog si Lihtan. Gusto ko rin lumangoy.

Sa huli ay tinuruan ni Lihtan si Taki na lumangoy. Ang cute nila.

Mabuti naman at mukhang nawala na sa isip nila ang nangyari kanina. Wala na ang galit nilang mga mukha.

Pero kapansin-pansin ang malayong agwat ni Taki sa akin. Kapag tatabi ako sa kanya lilipat siya sa tabi nina Simone, Lihtan at Tenere.

E?

"Taki? Bakit?" taka kong tanong dahil sa nanlalaki nitong mga mata sa akin at paatras nang paatras sa bawat paglapit ko.

"Anong kabaliwanan na naman 'yan?" kunot noong tanong ni Simone na nasa gilid ko habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang baywang.

Napangiwi si Taki kay Simone.

"Anong nangyayari sa'yo?" napatalon siya sa gulat sa tanong ni Tenere na katabi si Lihtan.

"WAAAAH!!! LUMAYO KA SA AKIN AKING BINIBINI!!"

"Huh???"

Bigla na naman siyang kumaripas ng takbo. Naiwan akong naguguluhan.

"Simone? Mabaho na ba ako?" inamoy ko ang sarili ko at sa tingin ko katanggap tanggap pa naman ang amoy ko.

"Hahahaha." biglang tawa ni Tenere mag-isa.

"May kakaiba sa gubat na 'to, nababaliw na isa isa." -Simone

"Habulin natin." ngising suhestyon ni Tenere na parang may binabalak.

"Waaah! Sige! Gusto ko 'yan!" palakpak ko. Sa wakas makikita ko na silang naghahabulan!

At kasama ako. Hihihihi.

Humanda ka,Taki. Hahahahahahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro