Pahina 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 22
Only One...


"Doon tayo!"

Hurricane's Point of View

Sumunod kami kay Taki, napakaraming manonood. Sa pangatlong hilera kami umupo. Mabuti na lang mabilis nakahanap si Taki ng magandang upuan.

Ako|Lihtan|Tenere|Taki

"Ilang manlalahok ang maglalaban?" tanong ko.

"Tatlumpu, pang dalawamput-anim si Simone," sagot ni Tenere.

Oh, tumango ako at sinuyod ng tingin ang napupuno ng mga upuan. Umangat ang tingin ko at may nakitang magandang binibini, sa postura niya ay nakikita kong isa itong 'Prinsesa'. Seryoso ang mukha nito. Sa dalawang gilid niya ay may mga nagpapaypay sa kanya, at nakayukong may hawak na prutas. Gaano katagal yuyuko ang isang 'yon? Nakakangalay 'yon sigurado. Napabuntong hininga ako.

Biglang lumingon sa akin ang magandang binibini. Ang seryoso niyang mukha ay nakakunot noo. Aww, mukhang ayaw niyang tinitingnan. Agad akong umiwas ng tingin.

"Anong tinitingnan mo, Cane?" tanong ni Lihtan.

"Hehehehe, yung magandang binibini sa itaas ayaw na tinitingnan. H'wag niyo na tingnan baka magalit," tumango sila sa sinabi ko.

Binalik ko ang tingin sa nagsisilbing battleground sa harapan namin at pinagkrus ang mga braso ko sa aking dibdib at bahagyang nagseryoso.

Nagulat ako ng may dumungaw na babae sa mukha ko.

"Napakaganda mo naman, binibini! At napakakisig ng mga kasama mo! Bakit nakataklob ang mga mukha niyo? Kanina pa kayong pinagmamasdan ng mga tao!"

"Ha?"

Inikot ko ang ulo ko at nakitang pinagtitinginan nga kami.

Binaba ni Tenere ang taklob niya at nginitian ang babaeng katabi ko.

"Uwaah! N-Napakakisig!"

Napatakip ako sa bibig ko at humagikhik sa pagkindat ni Tenere. Mygod.

Inalis rin ni Taki ang taklob niya at sabay na pinikit bukas ang mga mata niya. Double wink? Hahahaha. Ang cute, hihihi.

Dumami ang hagikhikan ng mga babae sa paligid.

Sunod ay si Lihtan na napapakamot sa ulo. Oh, Lihtan, hahaha.

"Napakakikisig nila!"

"Tama ka, gusto ko sila iuwi."

"Ako rin, iimbitahan ko sila at kailangan bago sila makaalis ay dala ko na ang mga anak nila!"

"Magpapabuntis na rin ako."

Nakita ko ang sabay sabay na paglunok nina Tenere, Taki at Lihtan. HAHAHAHAHAHAHA! Omygod!

Aalisin ko na rin sana ang taklob ko nang ipatong nilang tatlo ang mga kamay nila sa ulo ko.

"Huh?"

"Hehehe, aking binibini, di maaari!" -Taki

"Bawal?"

"Cane..." -Lihtan

"Aww."

"Cane k-kasi..." -Tenere

"AWWWW."

"WAAAH! WAG KA NA MALUNGKOT, AKING BINIBINI. LUNGKOT DIN SI TAKI."

Malungkot na tiningnan ko sila.

"Hayaan na natin siya, Tenere." sambit ni Lihtan.

"Sige..." iling ni Tenere na kinangiti ko.

"Yey!" tuluyan ko nang tinanggal ang taklob ko. Nagulat ako nang punasan ni Lihtan ang pawis ko sa noo gamit ang may balot niyang kamay.

"Salamat Lihtan, hehehe."

"Sino ang binibining 'yon?"

"Napakagandang binibini!"

"Nakakabighani ang ganda."

Biglang tumayo si Taki.

"HEHEHE. MAWALANG GALANG BINIBINING KATABI NG AKING BINIBINI, MAAARI BANG UMUPO SA TABI NIYO?"

"S-Sige."

"SALAMAT!"

Nang makaupo sa tabi ko si Taki ay tiningnan niya sina Lihtan at Tenere at para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Ang galing!

Ano kayang pinag-uusapan nila? Pati si Simone! Bakit ako di ko maintindihan?

"Anong pinag-uusapan niyo?" singit ko sa mukha ko sa magkakadikit nilang mukha. Hehehehe!

Nagulat sila sa ginawa ko. Nginitian ko sila nang malawak habang magkakadikit ang mga mukha naming apat.

Bumuntong hininga sila nang sabay sabay kaya nakigaya rin ako na kinatawa nila.

"MAGANDANG ARAW, MGA MAMAMAYAN NG MYSTERIUM!!"

Umingay ang buong buong paligid sa sigawan ng mga tao.

"NGAYONG ARAW AY MASASAKSIHAN NATIN ANG PAGTUTUNGGALI NG TATLUMPONG KALAHOK!! KANILANG IPAPAKITA ANG GALING NILA SA ESPADA AT PAKIKIPAGLABAN! ANG MANANALO AY BIBIGYAN NG PABUYA!!"

"WOOOOOH!!!"

"SALUBUNGIN NATIN NG MASIGRABONG PALAKPAKAN ANG ATING MGA KALAHOOOK!!!"

Nakangiting sumabay din ako sa nakakabinging palakpakan.

Maingay na lumabas ang mga kalahok maliban kay Simone na bagot ang mukha at tahimik lang habang gumagala ang mga mata. Tumayo ako at kinaway dalawang kamay ko para makita niya kami.

"SIMONE!! PAYTING!" sigaw ko

Napabuntong hininga siya sa ginawa ko na kinanguso ko pero ilang saglit pa'y ngumiti siya nang tipid. Hihihihi. Nakita ko rin ang pagtango niya kanila Lihtan, Taki at Tenere.

Bumalik ako sa pag-upo.

"HAHATIIN SA DALAWANG GRUPO ANG TATLUMPONG KALAHOK AT MAGLALABAN-LABAN. ANG MATITIRANG LABINGLIMA AY MULING HAHATIIN HANGGANG SA DALAWA NA LANG ANG MATIRA AT ISA ANG MANANALO!! IPINAGBABAWAL ANG PAGPATAY!! ANG SINUMANG LUMABAG AY MAY KARAMPATANG PARUSA!!"

May ilan akong narinig na apela sa mga manonood.

"Mawalang galang na, ngunit para saan ang ganitong paligsahan?" tanong ko sa babaeng kanina na katabi ko at titig na titig kay Taki.

"Ha? P-para sa magbigay aliw kay Prinsesa Yuka. He...he."

Prinsesa Yuka. Pasimpleng sumulyap ako sa itaas. Mukhang siya iyon.

"Aking binibini, bakit ganyang siya tumingin sa akin?"

"Magandang lalaki kasi si Taki."

"Talaga? Magandang lalaki ako sa'yo, aking binibini?"

"Oo naman, magandang lalaki at cute ang Taki ko. Hihihihi."

Bigla siyang natulala at ngumiti sa kawalan.

"Taki ko... Hehehehe. Taki ako ng aking binibini."

"Paano naman ako, Cane? Matapos ni Simone, si Taki naman ang umaagaw sa titulo ko!"

"Magandang lalaki ang Tenere ko at Lihtan ko. Habang tumatagal, gumaganda kayo sa paningin ko dahil mabubuti kayong tao." sinserong sambit ko at tumingin kay Simone na nakaupo na matapos ang iisang atake na nagpatumba sa kanyang kalaban.

"Sa'yo lang kami, Cane? Sabi mo yan ah." sambit ni Lihtan na kinatawa ko kasi nakadungaw sa akin na parang inosenteng bata na naniniguro. Natawa ako at pinisil ang ilong ni Lihtan.

"Pero mas may karapatan pa rin kayo sa sarili niyo, nandito lang ako para sa inyo. Hangga't nakatayo ako, hindi ko kayo iiwan at bibitawan." nakangiting sambit ko sa mga ito.

H'wag kayo tumulad kay Simone na ako lang ang nakikitang dahilan sa buhay para mabuhay. Bumabalik na naman sa alaala ko ang pagbigay niya ng sarili niya sa akin. At sino ako para hindi siya bigyan ng dahilan para mabuhay? Ang gusto ko lang naman ay mabuhay siya nang masaya at maayos no'n pero nagising ako isang araw na nakaluhod siya sa harapan ko at sa harapan ng pamilya ko.

Simone...

Napabuntong hininga ako. Nakita ko na lumingon si Simone sa akin, ngumiti ako sa kanya na lagi ko ipinapakita para makita niya na. Ganito ngumiti, Simone. Maging masaya ka rin. Kung alam ko lang ang makapagpapasaya sa'yo, Simone. Gagawin ko ang lahat mabigay ko lang sa'yo.

"Salamat sa inyo, Lihtan, Tenere at Taki dahil lagi niyong pinapasaya si Simone." may bara sa lalamunamg sambit ko at bumuntong hininga para pigilan ang namumuo kong luha.

"Ngayon ko lang siya nakitang nagbukas sa iba maliban sa akin. Hindi siya palangiti, pero sa oras na ngumiti siya totoong totoo. Lagi siyang seryoso, hindi na rin singlamig tulad noon ang mga tingin niya at hindi na lang ako ang mahalaga sa kanya. Kaya masaya ako para sa kanya. Wag natin siya pababayaan."

Hindi ko sila narinig na sumagot at pare-pareho silang nakatingin sa direksyon ni Simone. Napatingin ako sa babaeng katabi ni Taki na nakatulala sa akin at kanina pa palang nakikinig sa amin at biglang namula sa biglang pagngiti ko.

"Isa ka bang anghel?" tanong nito.

"Ha?"

"K-Kilala mo ba ang lalaking 'yon?" turo nito kay Simone na nilalapitan ng mga babae para magbigay ng pamunas at inumin. Daming chix.

"Si Simone?"

"A-Anong relasyon mo sa ginoong iyon?"

"Pag-aari ko, hehehe!"

Umawang ang bibig nito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"A-At s-sila rin?" turo niya kanila Lihtan, Tenere at Taki.

"Nasa pangangalaga ko sila." ngiting sambit ko.

"At sa kanya lamang kami!" -Taki na umakbay sa akin

"HAAAAA?"

Hindi ko maintindihan ang mukha ng babaeng katabi ni Taki.

"Narinig niyo 'yon?"

"Oo, nakakainggit naman!"

"Sana ako rin."

"Sana lahat."

Umikot ang ulo ko sa likod namin at nakatapat ng mukha ko ang mga babae sa likuran namin.

"Uwi na tayo..."

"Pwede bang iyo na rin ako!"

"Ang ganda mo naman, binibini!"

Sambit ng tatlong babae sa likuran namin. Nginisihan ko sila at kinindatan. Bigla silang nagtilian.

"Angkinin mo na 'ko, binibini."

"Ako rin. Ako rin!"

"Lalaki pala ang kasarian ko hindi na 'ko babae!"

Inikot ni Tenere ang ulo ko paharap.

"Tumigil ka na, Cane baka matuluyan na ang mga 'yan!" -Tenere

"Ang sama ng tingin ni Simone." -Lihtan

"HAHAHAHAHAHAHA! Ibang klase talaga ang aking binibini!" -Taki

"Ginaya ko yung ginagawa ni Tenere kay Simone, hehehehehe!"

Bumagsak ang panga ni Tenere.

"Pfft!" -Lihtan

"HAHAHAHAHAHAHA!!" -Taki

Nagsimula na ulit ang pangalawang round. Kasama si Simone sa 15 na kalahok.

Ngumiti ako nang malawak nang makita na nauna na naman siyang umupo matapos talunin ang kalaban at tumingin sa amin. Seryoso siyang nakatingin sa amin, bumuntong hininga at tipid na ngumiti.

Simone's Point of View

She's smiling from ear to ear again. Seeing her makes me smile too.

Kinontrol ko ang sarili ko na hindi itaas ang mga kamay para kawayan siya. That girl.

Sabayan pa ng mga baliw.

"PAYTING SIMONE! PAYTING!!!" rinig na rinig ko ang sigaw nila.

Mas lalo silang nakakaagaw ng atensyon.

"GALINGAN MO, MAHAL KONG SIMONE!" Sigaw ng baliw na si Tenere.

What the hell.

Humanda sa'kin 'to mamaya. Gusto ko siyang ibalibag sa pader tulad ng ginawa ko sa kanya dati dahil pinagtitinginan ako ng ibang kalahok na kasama ko. Nakakahiya.

Bwisit ka, Tenere.

Nakita ko na tawa siya nang tawa. Ang babaeng 'yon tuwang tuwa t'wing naaasar ako. Napahawak ako sa sintido ko.

'Gusto ko rin siya sabayan tumawa.'

Damn, Simone... I sighed again.

I think I will finish this quickly para makabalik agad sa tabi niya, at para mabatukan ang tatlong baliw na 'yon.

Tiningnan ko ang kaharap ko. Dalawa na lamang kami.

"Anong pangalan mo?"

Malaki ang pangangatawan, may takip ang isang mata at may katandaan na rin ang kaharap ko.

"Simone." malamig na sagot ko.

"Ikaw ang isinisigaw ng magandang binibini na 'yon..." napatiim bagang ako sa ngising sambit ng kaharap ko.

"Anong pangalan ng binibining 'yon?"

Malakas na hinampas ko ang espadang hawak niya at tumalsik. Nakita kong hindi niya 'yon inaasahan.

"N-NAKITA NIYO 'YON?!"

"KATAPUSAN NA NI KASMAR!!"

"DUMATING NA ANG ARAW NG PAGKATALO NIYA! ANG YABANG NIYAN! TALUNIN MO 'YAN BATA!!"

Tss...

"SIMONE!! SIMONE!! SIMONE!! SIMONE!!!!~"

"KASMAR!! KASMAR!! KASMAR!!!!"

"SIMONE! SIMONE! SIMONE!!!!!!"

Nakakabinging sigawan pero mas nangingibabaw at malinaw sa pandinig ko ang boses niya. Nilingon ko sila na nakataas ang mga kamay.

Ayan na naman sila sa kanilang 'Payting!'

Napahiga ako sa sapak na tumama sa kabilang pisngi ko.

"Fvck."

"H'wag kang kampante bata! Ako ang kalaban mo!"

Tss...

"SIMONE!! SAPAKIN MO RIN!! PAYTING!! PAYTING!!" rinig kong utos ni Cane.

Pfft. As you wish.

Sinapak ko rin ito nang malakas, at isa pa, pangalawa, pangatlo at pang-apat sana.

"ANG NAGWAGI! SI GINOONG SIMONE!!!"

"WOOOOOH!!! ANG GALING MOOO!!!"

"SIMONE!!! SIMONE!!! SIMONE!!! SIMONE!!!"

"SIMONE!!!!! SIMONE!!!! SIMONE!!! SIMONE!!!!"

Nakita ko silang nagtatatalon.

"ANG GALING NG MAHAL KO!!"

Hayop ka, Tenere. Uupakan kita mamaya.

Nalipat ang tingin ko sa huling nakalaban ko at malamig na tiningnan at inabot ang kamay ko.

"Ha! Ha! Ha! Mahusay! Salamat, bata!"

"Hindi ako bata."

"Ha! Ha! Ha!"

"Tss. Saan ko makukuha ang premyo ko?"

"Sa Prinsesa. Kay Prinsesa Yuka!" takang sagot niya.

Tinalikuran ko na ito at binalik sa likuran ko ang espada ko.

"Hindi kayo taga-rito, Simone?"

"Sino diyan ang Prinsesa?"

"Yung magandang binibini na nasa itaas! Sino pa bang inaakala mong ibang Prinsesa rito?"

Hindi ko pinansin ang mga naririnig kong tanong at sigawan at umakyat sa hagdan kung saan ko makukuha ang premyo ko.

Mas madali kumita ng ganito, kaysa sumayaw at gumiling.

Nilahad ko ang palad ko sa Prinsesang sinasabi ni Kasmir.

"Ang premyo ko." seryosong sambit ko.

Hindi ito sumagot at nakatulala sa akin. Napabuntong hininga ako, ayokong mag-aksaya ng oras ditto. Kailangan ko nang bumalik sa kanila.

"Gusto kong makuha ang mga pilak." malamig na sambit ko at muling napabuntong hininga dahil nanatili itong nakatulala sa akin.

"Gusto kitang maging personal na taga-prorekta ko," seryosong sambit ng Prinsesang kaharap ko at lumunok

"Ayoko." mabilis na sagot ko at kinunutan ito ng noo. Hindi ito makapaniwala sa naging sagot ko.

There's no fvcking way.

"Anong karapatan mong tanggihan si Prinsesa Yuka!"

"Lapastangan!"

"Anong ginagawa mo, bata? Mapalad kang mapili!" bulong ni Kasmar.

Tss...

"Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo." sambit muli ng babaeng nasa harapan ko.

"Hindi ako interesado."

Tinalikuran ko ito at bumaba ng hagdan.

"Bata, ang premyo mo." habol na sigaw ni Kasmar.

Nang makababa ako ay tinaas ko ang tingin sa mga ito.

"Isang tao lang sinusunod ko, at poprotektahan buong buhay ko. Hindi magbabago ang isip ko mamatay man ako." seryosong sambit ko at naglakad paalis.

"H-H'wag siyang hahayaang makaalis!" sigaw nito.

Sakit sa ulo ang mga Prinsesang ito.

Bumaba ito at humarap sa akin. Ang kaninang maingay na paligid ay sobra nang tahimik.

Nakita ko ang pagtalon ni Cane sa mataas na harang, kasunod ang mga baliw. Nasa kanya lang ang mga mata ko habang pinanonood ang paglapit nila sa akin.

"Simone..." nakangiting tawag ni Cane sa akin pero may...kakaiba.

Nakangiting tiningnan niya ang Prinsesang kaharap ko ngunit seryoso ang mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Magandang araw, Prinsesa Yuka. Hehehe!"

"Siya ba ang pino-protektahan mo?" seryosong tanong nito sa akin.

Tiningnan ko lang ito ng malamig at tumabi sa gilid ni Cane.

"PAG-AARI NG AKING BINIBINI SI SIMONE!"

Tiningnan ko si Taki. Magaling, Taki, may sinabi ka ring matino.

"At ako naman ang mahal ni Simone!"

Sinamaan ko ng tingin ang siraulong nasa tabi ko. Siraulo.

Tiningnan ko si Lihtan na nginitian ako. Buti naman.

"Gusto mo si Simone." sambit ni Cane habang nakatingin sa Prinsesa.

"Gusto ko nga siya, gusto kong mapasakin siya." Diretsong sagot nito sakanya.

Ano ito?

"Simone, ito na ba yung parte na itatakbo kita palayo?" ngingiting tanong mo pa sa akin. Ang babaeng 'to lagi akong binibigla sa mga sinasabi.

"Anong gusto mo gawin ko, Simone?" seryoso mong tanong.

My heart is pounding really damn hard and fast, Cane. Ganito lagi ang epekto mo sa akin.

Damn...you can take me anywhere, Cane.

"Hmm, mahihirapan kang makuha siya, Prinsesa Yuka." masamang tiningnan siya nito.

"Magkano ang kailangan mo para ibigay siya sa akin?!"

"Kahit lumuhod at magmakaawa ka, hinding hindi ko siya ibibigay sa'yo. Hangga't gusto niyang manatili sa akin, mananatili siyang sa akin lamang."

Cane...

Hindi ko mapigilang mapangisi sa t'wing nakikipagsagutan ka at lagi pa rin akong natutula at nabibigla.

Wala akong ibang pupuntahan, Cane...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro