Pahina 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 25
Growing Feelings

"Kamusta ang pakiramdam mo, Cane?"

Hurricane's Point of View

Nakangiting nilingon ko si Lihtan nang malawak.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Lihtan?" nakangiting tanong ko rin. Para siyang naguluhan sa balik kong tanong.

Natatawang uminat ako at tumalon sa likuran ni Lihtan para sumabit.

"Kamusta, Lihtan?" tanong ni Taki na natatawa rin.

"Ayos ka lang, Lihtan?" tanong ni Tenere at umakbay kay Lihtan na mas lalong naguguluhan. Hahaha.

"Pang-labing isa mo ng tanong 'yan." sambit ni Simone na may tipid na ngiti.

Kada-oras kasi ay tinatanong kami ni Lihtan. Araw-araw niyang tinatanong iyon. Mula ng makilala ko siya at magsama-sama kami ay lagi niya kaming tinatanong.

Aww. Ang thoughtful ng aming Lihtan. Hihihihi!

"G-Ganoon ba?" namumulang tanong ni Lihtan na hindi napansin ang paulit-ulit niyang tanong

"Ang nabago lang naman sa akin ay lalo akong kumikisig, kaya 'wag kang mag-alala sa akin, Lihtan." sambit ni Tenere. Hihihi.

"Asa." bira na naman ni Simone. Hahaha.

"Ayos lang din si Taki dahil kasama niya ang kanyang binibini at ang lahat!" bibong sambit ni Taki.

"Ikaw, Lihtan? Kamusta ka?" makulit kong tanong kay Lihtan.

"M-Mabuti at masaya." namumula niyang sagot at napapakamot sa batok. Hehehe.

"Yiieh! Hahahahahaha!" tawa ko at pinisil pisil ang pisngi ni Lihtan. Ginaya ako ni Taki na malawak ang ngiti na pinipisil din ang pisngi ni Taki nang marahan. Si Tenere na nakangiting ginulo ang buhok ni Lihtan at si Simone...

Biglang napaatras si Lihtan.

"S-Simone..." napapalunok na tawag ni Lihtan kay Simone na nakangiti ng nakakaloko.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tawa namin dahil sa pagkaputla bigla ni Lihtan.

Umatras nang umatras ni Lihtan hanggang sa tinakbuhan niya na si Simone. Hahahahaha! Tawa ako nang tawa habang nakaangkas sa likuran ni Lihtan!

Dahil sa bilis ni Taki ay naabutan niya kami na tinatawanan si Lihtan. Lumapag mula sa pagkakatalon si Tenere sa gilid namin na tawa rin nang tawa.

"S-Shit." sambit ni Simone na parang nahihirapan.

Nanlaki ang mga mata namin nang makita si Simone na nakaluhod at hawak ang tuhod.

"Waaah! Anong nangyari sa'yo, Simone?" tanong ni Taki na mabilis na nilapitan si Simone.

May sinabi si Simone at tumango si Taki na nag-aalalang tumingin sa amin. Bigla akong kinabahan at tumalon sa likod ni Lihtan at sabay sabay naming pinuntahan si Simone.

"Ayos ka lang, Simone?" -Lihtan

Mula sa pagkakayuko ay nakangising nag-angat ng mukha si Simone at binatukan nang mahina si Lihtan.

"Pfft." pigil tawa ni Simone na kinanganga namin maliban kay Taki na kasabwat niya na tawa nang tawa.

Binatukan ko si Simone.

"Damn, Cane!"

"Oh? Bakit?"

Binatukan siya ni Lihtan.

B I N A T U K A N N I L I H T A N S I S I M O N E!!!

Hindi rin 'yon inaasahan ni Simone.

Inosenteng tiningnan siya ni Lihtan at muling binatukan si Simone.

Omygod! Hahahahaha.

Binatukan ni Taki at Tenere si Simone.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" nanlaki ang mga mata ni Simone.

"What the?"

"Pinag-alala mo kami" nakangiting sambit ni Tenere na sinserong nakatingin kay Simone. Ganoon din sina Lihtan at Taki.

"Oo nga! Pinag-alala mo si Taki at ang aking binibini!" nguso ni Taki at ginulo ang buhok ni Simone na parang bata. Hahaha.

Nakaawang ang labi ni Simone at hindi makapaniwala sa pinaggagawa sa kanya ng tatlo. Hahahahahaha!

Pinicturan ko sila sa camera na nakasabit sa leeg ko.

Nakangiti sina Tenere, Taki at Lihtan samantalang si Simone ay hindi maitsura ang mukha.

Napakagandang larawan...

Nakangiting pinagmasdan ko sila.

Ang mga ngiti nilang nakakapagpaganda ng araw sa sino mang makakakita.

Magaan na huminga ako at tahimik na natigilan dahil sa makapal na usok na bumalot sa kagubatan.

Bago pa makarating sa kinatatayuan ko ang mga punyal at pana na paparating ay mabilis na pumalibot sa akin sina Simone, Tenere, Taki at Lihtan na sinangga at hinampas ang mga ito.

Dahil sa puting usok ay nakakapagtago ang mga umaatake sa amin.

"Akong bahala." biglang seryoso na sambit ni Lihtan at binuhat ang tumbang puno at inikot na naglikha ng malakas na hangin na naging dahilan para mawala ang usok.

"Magaling, Lihtan. Tamsap." manghang sambit ni Taki. Ngumiti si Lihtan at nagtamsap din.

Pfft! Nag-tamsap din sina Simone at Tenere na mas lalong kinalawak ng ngiti ni Lihtan.

"Ang galing ng Lihtan naming. Hihihi." naka-tamsap na sambit ko na kinanguso ni Lihtan at ngumiti sa akin na parang bata.

Kalmadong binalik ko ang tingin sa aming paligid.

Mukhang may napasukan kaming hindi tumatanggap ng kahit sino.

"Paumanhin sa hindi sinasadyang pagpadpad namin sa inyong lugar." sambit ko. Nagkatinginan ang mga ito.

"Sino kayo?" malamig na tanong nila.

"Wala kaming intensyon na masama." nakita kong hindi sila kumbinsido sa sagot ko.

"Hindi kami naniniwala! Mga espiya kayo ni Yago."

Yago?

"Sino si kwago?" takang tanong ko.

"Yago hindi kwago." pigil ang ngising pagtatama ni Simone sa akin.

Napanguso ako at umiling sa mga nakahandang paliparan kami ng mga pana at punyal.

"Kung sinuman 'yon ay hindi namin kilala. Hehehe."

Seryoso nila kaming tiningnan

"Kung gano'y sino kayo? At anong ginagawa niyo rito?" tanong ng tanging nag-sasalita sa kanila.

"Ito sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone. Ako naman ay si Cane. Naliligaw kami at walang alam na pupuntahan, hehehe. Walang permanenteng tirahan ngunit masaya naman dahil sama sama! Magandang buhay sa inyong lahat, hihihihi!"

Nagpasya ang mga ito na dalhin kami sa kanilang kuta.

Sumama kami ng walang reklamo.

Mukha silang simpleng mangangaso, pero sa kilos ng mga ito ay para silang mga kawal. Pasulyap sulyap ang mga ito sa amin.

"Ayos lang ba talaga na sumama tayo, aking binibini?" bulong ni Taki sa akin.

Lumapit ako sa tainga niya at sumagot.

"Oo, mukha naman silang mababait at malay mo pakainin nila tayo, hehehe." pagpaparinig ko na kinatawa ni Taki at maging sila Simone.

"Sa tingin mo may masarap na pagkain sila, aking binibini?"

"Oo, habang may buhay may pag-asa. Hehehe."

"Tama, kaya naman pasalamatan na natin sila." suhestyon ni Tenere na ngingiti ngiti sa pinaggagawa naming.

"Wala pa ma'y nagpapasalamat na kami sa inyong kabutihan." -Taki

"Salamat sa pagkain na ibibigay niyo." -Lihtan

"Maraming salamat sa kabutihan niyo, sana mabusog kami." -Tenere

"Salamat." -Simone

"Hehehehe! Salamat po sa pagpapakain niyo sa amin, di pa kami kumakain ang bubuti niyo po."

"H-Ha?"

"May sinabi ba tayo?"

"Sinabi mo?"

"H-Hindi ko alam."

"Pakakainin?"

"Waaah, kawawa naman kami. Di pa kami kumakain, kung labag sa kalooban niyo ay ayos lang magtitiis na lang kami sa gutom." lungkot-lungkutan kong sambit habang hawak namin ang mga tiyan namin.

Sabay sabay na yumuko kami at lumakad.

"M-May handaan ngayon."

"Waaaah! Talaga?" Mabilis na lapit ko sa taong nagsalita na nagulat nang makita ako sa kanyang harapan nang mabilis. Hihihi!

"O-Oo, binibini."

"Makakakain kami?"

"Ah, ang Reyna lamang ang makakapagpahintulot sa inyo."

Reyna?

"Ah, hihihi. Malayo pa ba ang kuta niyo?" tanong ko habang sumusunod ng lakad sa tinatanungan ko. Nakikinig naman sila Simone sa pakikipag usap ko.

"Narito na tayo." sambit nito at hinawi ang mayabong na halaman at tumambad sa amin ang isang maliit na pamayanan.

Mabilis na napunta sa amin ang atensyon ng mga naroroon at nag-atrasan. Mga nagtataka, nakatulala at gulat.

Bumaba ang tingin ko sa batang babae na nasa tatlong taon na nakahawak sa kamay ko at napangiti sa magandang ngiti nito sa akin. Yumuko ako at binuhat ito, hehehe. Ang cute.

Hinalikan ko ang pisngi nito na kinahagikhik nito.

"D-Danda." sambit nito habang nakatingin sa akin. Natawa ako sa paghawak nito sa magkabilang mukha ko.

Nalipat ang tingin ko sa ginang na humakbang at nag-aalalang nakatingin sa batang karga ko.

Nakangiting lumapit ako at maingat na binigay sa bisig ng ginang ang kanyang anak.

"Ang cute ng anak niyo po, hehehe."

"Kyot?" takang tanong ng ginang. Pinigilan kong tumawa.

"Kapag nagagandahan at may nagugustuhan si Cane sinasabihan niya ng 'Kyot'." paliwanag ni Lihtan na nasa tabi ko na pala.

"Sinabihan ako ng aking binibini na kyot. Kyot si Taki."

"Ako rin sabi niya kyot ako." ngisi ni Tenere.

Tumatangong sumang-ayon si Simone at ngumisi.

"Anong masama sa kyot? Kyot naman talaga." nakangusong bulong ko.

Tinawanan lang nila ako. Sinamaan ko sila kunwari ng tingin kaya tumikhim sila at tumigil sa pagtawa pero ngumingiti pa rin.

"Anong mayroon dito?" boses ng isang babae. Gumilid ang mga nasa paligid na mamamayan at nagbigay pugay sa taong paparating.

Huminto sa harapan ko ang...

"Reyna Dalya..." pagbibigay pugay ng mga taong nagdala sa amin.

Tiningnan ako ng kanilang Reyna.

Yumuko ako rito at ngumiti.

"Kinagagalak ko kayong makilala, Reyna Dalya."

"Nakita namin sila sa kagubatan, Mahal na Reyna." tiningnan kami isa isa ng kanilang Reyna.

"Bakit kayo narito?" mahinahong tanong ng kanilang Reyna na tingin ko ay nasa animnapu na pero mukhang malakas pa rin.

"Wala po kaming mapuntahan, Mahal na Reyna." magalang na sagot ko.

"Saan kayo nagmula, kung ganoon?" taka nitong tanong.

"Naglalakbay po kami at wala po kaming intensyon na masama."

Pinakatitigan ako ng kanilang Reyna. Nag-puppy eyes ako at ngumiti nang matamis.

"Hahahaha." mabining tawa nito.

Nakita ko ang pagngiti ng mga nasasakupan niya at nawala ang kanilang agam-agam sa mga mukha.

"Ako ang kanilang kinikilang Reyna. Ako ay si Reyna Dalya, ang Reynang walang kaharian." nakangiting pakilala nito.

Tinanggap ko ang kamay nito at nakangiting nakipagkamay.

"Ako ang kanilang tagapangalaga. Ako ay si Cane, ang babaeng pagala gala at walang permanenteng tirahan, hehehe."

Natawa ito sa pagpapakilala ko at tumingin sa mga nasa likod ko.

"Ako si Lihtan."

"Tenere ang ngalan ko."

"Simone."

"Ako si Taki. Taki! TAKI! TAKI!! SI TAKI NA-"

Tinakpan ni Simone ang bibig ni Taki.

"Hmmp!"

"Tama na." -Simone

Ngumiti na lang nang malawak si Taki pagkaalis ni Simone ng kamay sa bibig niya. Hahaha.

"May salo salo kami. Ang mabuti pa'y sumalo kayo sa amin." nakangiting paanyaya ng kanilang Reyna

Sabay sabay na tumunog ang mga tiyan namin.

Nagtawanan ang lahat dahil sa pag-aalburoto ng aming mga tiyan.

Masayang nakikain kami sa masasarap nilang mga pagkain. Nalaman kong ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kanilang Reyna Dalya at 50 taong gulang na ito.

Masaya at masagana ang kanilang pamumuhay at mabubuti ang lahat sa amin. Nakakataba ng puso ang mainit nilang pagtanggap sa amin na nagpapatunay na maraming tulad nila saan mang sulok ng daigdig.

Pagsapit ng gabi ay...

"Sa aking silid na lamang ikaw matulog, Cane." mabait na sambit ni Reyna Dalya.

"Sige po."

"Tayo na." anyaya nito sa akin.

Napatingin siya sa likuran ko.

"Siya lamang." pigil ang ngiting pagpapaalam ni Reyna Dalya kina Lihtan, Taki, Tenere at Simone na nagulat sa nalaman.

"N-Ngunit ibig sabihin hindi namin siya makakasama buong gabi?" sambit ni Lihtan ng malungkot.

"Waaah! Aking binibini." -Taki

"Hindi ba maaaring sa silid niyo na rin kami matulog? Kahit sa lapag na lang." -Tenere

Napabuntong hininga si Simone at isa isang silang binatukan. Hahaha.

"Ako na ang bahala sa tatlong baliw na 'to. Magpahinga ka na roon, Cane." sambit ni Simone na pinaaalis na ako.

"Hehehe, sige!"

Naglakad na kami ni Reyna Dalya at rinig na rinig namin ang ngawa ng tatlo at ang nangungunsuming saway ni Simone. Hahaha.

"Waaaaah! Aking binibini!"

"Caneeeee."

"Cane."

Pumasok kami sa silid ni Reyna Dalya.

"Nakakatuwa kayong magkakaibigan, Cane." nakangiting sambit ni Reyna Dalya at pinaupo ako sa pahingahan niya. Napangiti ako nang malawak sa tinuran niya.

Napakaswerte ko sa kanila.

"Ang kikisig ng mga ito, may nobyo ka ba sa isa sa mga 'yon?" tukso nito sa akin.

"Wala po." napapakamot sa ulong sagot ko.

"Hmm! May naiibigan ka ba sa isa sa kanila?"

"Mayron po, hehehe."

Nanlaki ang mga mata ni Reyna Dalya. Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko ay namumula ako.

"Sino? Sino?" sabik na tanong ni Reyna Dalya na parang teenager na kinikilig. Hihihi.

"Sikreto lang natin po ito ah?" nahihiyang bulong ko.

"Oo, oo, sino? Hindi ko ipagsasabi." kilig na kilig na pagmamadali ni Reyna Dalya sa akin.

Uwaaah! First ko 'to, ganito pala yung pakiramdam? Amazing.

"Si Simone po, hehehe." ngiting pag-amin ko at napayuko.

Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Reyna Dalya dahil sa pagsigaw nito! Waaaah!

"Kamahalan! Anong nangyayari sa inyo?!"

"Waaaah! Cane?!"

"Reyna Dalya, ayos lang kayo?"

Sigawan at nag-aalalang tanong ng mga nasa labas.

"Walang problema, makakaalis na kayo." sigaw ni Reyna Dalya nang natatawa.

"Cane?" boses ni Simone.

"A-Ayos lang kami, Simone!" sagot ko habang nakahilamos sa mukha.

Si Reyna Dalya kasi iih! Uwaah! Huhuhu.

"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Simone.

"Oo, ayos lang." sagot ko ulit nang kumalma na 'ko at nakangusong tiningnan si Reyna Dalya na mapanuksong tiningnan ako.

"Anong nangyari, Simone?" -Tenere

"May narinig akong sigaw, ayos lang ba si Cane?" -Lihtan

"Waaah! Ayos lang ba ang aking binibini?" -Taki

"Sinong may sabing lumabas kayo? Magsitulog na kayo!" -Simone

"Madaya ka! Lumabas ka para puntahan si Cane 'noh?" -Tenere

"Waaaah! Ang daya mo Simone!" -Taki

"Hindi!" -Simone

"Anong ginagawa mo rito? Malapit sa silid nila?" -Lihtan

"N-Napadaan lang! Nagpahangin!" -Simone

"Tsk! Tsk! Tsk!" -Lihtan, Taki, Tenere

"Doon na nga kayo!" -Simone

"Kasama ka! Daya mo ah!" -Taki

"Bitawan niyo kong mga baliw kayo." -Simone

"Walaaa, tayo na sa kwarto kasama ka." -Tenere

"Masama 'yang ginagawa mo, Simone." -Lihtan

"A-Ano?" -Simone

Sabay kaming natawa sa mga boses nila hanggang sa mawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro