Pahina 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 30
The Royalties and
The Mysterious Guest



"Cane... Cane..."


Hurricane's Point of View


Nagising ako sa mahina at sunod sunod na tapik sa mukha ko, hinihingal na nagdilat ako ng mga mata at nakita si Lola Dalya na nag-aalalang nakatingin sa akin.


"Kanina pa kitang ginigising, apo. Ayos ka lang?" nilapat nito ang kanyang palad sa aking noo.

Napanaginipan ko siya, ngayon na lang ulit ito naulit.


"Ayos lang, Lola Dalya." nginitian ko ito nang tipid.


Tiningnan niya ang mga mata ko nang diretso, napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.


"Lumabas ka na lamang kapag gusto mo nang kumain." marahang sambit ni Lola Dalya. Tipid na ngumiti ako at tumango.



"Hay!" buntong hininga ko at napapakamot sa ulo na nagtungo sa palikuran. Mukhang tinanghali ako ng gising.


Paglabas ko ay hindi ko matanaw sila Simone, nakita ko si Visal na tulala.

"Kamahalan, kay lalim ng iniisip mo..."

"Prinsesa C-Cane!"

Nginitian ko ito at umupo sa tabi niya. Namula ang mukha niya at kumamot sa ulo.

"H'wag mo akong tawaging Kamahalan, Prinsesa Cane."

"Eh? Bakit naman? Isa kang 'Prinsipe'?"

Natahimik ito at tumingin sa akin at parang may gustong sabihin.

"Naisip kong gusto kong manatili rito."

Saglit na nagulat ako sa sinabi niya, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga nasa paligid.

"Dito, malaya ako. Hindi man madali ang pamumuhay dito ay masaya naman ako. Walang kokontrol sa akin, at nagagawa ko ang gusto ko."

"Hehehe. Nasa iyo ang desisyon, Kamahalan."

"Maaari ba akong manatili dito, Prinsesa Cane?" tanong niya.

"Hahahahaha. Si Lola Dalya ang tanungin mo, pero sa tingin ko nama'y ayos lang kay Lola Dalya. Malapit na rin siya sa'yo." napangiti siya sa sinabi ko.

"Prinsesa Cane, totoo bang magtutungo kayo sa Hydor pagsapit ng dilim?"

"Oo, mag-iimbak kami ng maraming pagkain, marami iyon panigurado."

Natawa ito sa itsura ko, dahil siguro mukha akong takam na takam.

"Gusto kong sumama."

"Akala ko ba, ayaw mo na?" taka kong tanong.

"Gusto ko tumulong at gusto kong makita at magpaalam sa aking kapatid na si Prinsesa Feya." mahinang sambit ni Visal at tumingin sa malayo.

"Batid kong nalulungkot ito, sapilitan siyang ikakasal sa taong hindi niya gusto para sa ikalalawak ng kapangyarihan ng aking Ama."

Uso ang arranged marriage sa kanila. Ang complicated ng lovelife nila.

Napabuntong hininga ako, nilingon ko si Visal na titig na titig sa akin.

"Bakit?"

"Napapaisip ako, Prinsesa Cane. Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ng aking kapatid?" kuryosong tanong ni Visal at matamang tumingin sa akin.

E?

Tumingala ako sa kalangitan at pumalakpak nang makita si Dino na lumilipad, napangiti ako nang lumapag ito sa aking tabi.

"Kung mapupunta ako sa sitwasyon ng iyong kapatid?" napanguso ako sa tanong na iyon, na napakalabong mangyari sa akin.

"Hindi naman ganoon ang aking mga magulang. Malaya kami sa pagpili ng magugustuhan naming pero kung ako ang nasa sitwasyon ni Prinsesa Freya?" huminga ako nang malalim at ngumisi habang haplos si Dino sa kandungan ko at nilingon si Visal na nag-aabang sa isasagot ko.

"Lalabag ako." umawang ang labi nito at napahalakhak ako sa itsura nito.

Nakarinig ako ng palakpak sa likuran namin.

"As expected." rinig kong komento ni Simone na nasa likura na namin. Nilingon ko sina Simone, Tenere, Lihtan at Taki na katatapos lang maligo at basa ang mga buhok. Pumapalakpak sila na para bang proud na proud sa sagot ko. Naririnig ko ang hagikhikan at impit na tila ng mga kababaihan.

These sinfully gorgeous men, really...

Lumipad si Dino sa balikat ni Lihtan.

"Delikado na sa himpapawid si Dino, h'wag muna natin siya madalas paliparin." sambit ko, ngumiti si Lihtan at tumango. May nakita kasi akong patay na mga ibon, oras na mahuli ko ang mga may gawa no'n...

Binalik ko ang tingin kay Visal.

"Hahahaha. Inaasahan ko na ang magiging sagot mo, Prinsesa Cane." natatawang sambit Visal at kumamot sa kanyang kilay.

Bakit may mali ba sa sagot ko?

"Seryoso ako, hihihihi!" hagikhik ko pa. At kung sakaling ikasal ang taong gusto ko? Walang pagdadalawang isip na itatanan ko ito. Napangisi ako sa naiisip ko, hahaha.

Muli silang natawa sa sinabi ko.

Sinulyapan ko si Simone at nagkatinginan kami, maangas na kinindatan ko siya. Hehehehe.

"Ano pa nga bang aasahan natin kay Cane?" -Tenere

"HAHAHAHA! IBANG KLASE ANG AKING BINIBINI!" -Taki

"Hahahahaha. Si Simone lang naman ang walang bilib sa akin eh."

"Aybilib, Cane." sambit ni Lihtan.

"Tama, PAYTING, AKING BINIBINI!!" -Taki

"PAYTING!!" -Lihtan/Tenere/Visal

Sinamaan ako ng tingin ni Simone.

"Hahahahaha."

"Tss, naniniwala akong gagawin mo 'yon, Cane. You're a rule breaker." sambit ni Simone, at nag-iwas ng tingin at ngumisi.

Napangiti ako at binagsak ang sarili at inunan ang dalawang braso ko habang nakatingin sa kalangitan.

"Ayokong magsisi sa huli, na hindi ko ginawa ang gusto ko, ang makakapagpasaya sa akin na habang buhay kong tatanungin sa sarili ko kung bakit hindi ko ginawa ang lahat. Hindi ako matatahimik, hindi ko masasagot ang lahat ng katanungan. Gagawin ko ang lahat ng makikita kong paraan, kung walang paraan? Gagawa ako ng maraming paraan nang walang pagsisisihan..."

Napadilat ako nang may maalala at umayos bigla ng upo.

"Kamahalan, para saan nga ulit ang selebrasyon?"

Tiningnan kami isa isa ni Prinsipe Visal. Mabagal na nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa amin.

"Ang usap-usapang babaeng may pulang buhok at ang apat nitong halimaw ay nasa Kaharian, at nasa ilalim ng aking Ama. Maraming naging interesado, maging ang mga namumuno sa sampung Kaharian. Imbitado ang lahat ng mga Reyna, Hari, Prinsesa, Prinsipe at Maharlika, maliban sa mga maralita o ordinaryong mamamayan lamang." paliwanag ni Visal na titig na titig kanila Simone, Tenere, Lihtan at Taki.

Nakangusong sinilip ko sila Simone na kunot ang mga noo na nakatingin kay Visal.

"Problema mo, bata?" malamig na tanong ni Simone.

Natatawang siniko siya ni Tenere.

"May gusto ka bang sabihin?" nakangiting tanong ni Tenere.

Nakahalumbaba pareho sina Lihtan at Taki habang nakikinig at nakatingin kay Visal.

"K-Kayo ba?" utal na tanong ni Visal, at nalipat ang mga mata niya sa akin. Pinanliitan ko ng mga mata si Visal, at napahagikhik ako sa kabado niyang mukha. Hahahaha.

"Anong mukha 'yan, Kamahalan?"

Nagtawanan kami, maliban kay Simone na seryosong nakatingin kay Visal na nakangangang nakatingin sa amin na nagtatawanan.

"Anong gusto mo malaman, Visal?" tanong ni Lihtan ng humupa na ang tawa namin.

"K-Kayo ba ang usap-usapang mga halimaw?"

Humalumbaba ako at tinitigan si Visal.

"Bakit mo naman nasabi?" inosenteng tanong ko, ngumisi nang sabay sina Taki, Lihtan, Tenere at Simone. Hehehe.

"H-Ha?" gulat na bulaslas ni Visal at nanlaki ang mga mata at napalunok.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" hindi ko na rin napigilang matawa nang marinig ang tawa ni Taki.

"Bully." bulong ni Simone, at umiiling na tiningnan ako.

Binalik ko ang tingin kay Visal ng nakangiti.

"Kamahalan, paniwalaan mo ang nakikita mo." makahulugang sambit ko.

"K-Kayo nga?"

"May sinabi ba ako?"

"Prinsesa Cane naman eh!" maktol nito na kinahalakhak ko, ginulo ko ang buhok niya.

"Hahahahaha. Marunong ka bang sumayaw?" tanong ko kay Visal.

"Hey..." boses ni Simone na kinakabahan.

Bumulanghit muli ang tawa ko dahil sa namumutlang mukha ni Simone.

"Sasayaw ulit tayo, Cane?" tanong ni Lihtan.

"Hahahahaha. Sasayaw ulit tayo, Simone. Hahahahaha." -Tenere

"WAAAH! SASAYAW TAYO, AKING BINIBINI? SAMA TAKI!" -Taki

Tumayo ako at tumakbo patungo kanila Sabel.

"Sabel! Sabel!"

"O, Binibining Cane." nakangiting humarap ito.

Nakangiting bumaba ang tingin ko sa Onymus na kasama niya. Ang mga 'Onymus' na natagpuan ko sa kagubatan, kasama na rin namin silang naninirahan sa kuta namin. Marami sila at maaamo, malaking tulong sila sa lahat. May nakikita akong mga paslit na sumusakay sa likod ng mga ito at mga nakikipaglaro. Ang iba naman ay tumutulong sa pagkuha ng mga sinibak na kahoy. Nakakatuwa ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat. Gumawa sina Taki at Lihtan ng maaaring matuluyan ng mga Onymus, isang kweba. Hehehe, ang galing nga nila.

"Sabel, maaari mo ba akong tulungan na makaanyaya ng...uh limang babae? Hehehe."

"Hahahaha. Para saan, binibining Cane?"

"Tuturuan naming sumayaw sila Tenere."

Biglang kumislap ang mga mata nito at wala pang isang kisap mata ay marami ng babae sa harapan ko.

Uh-oh?

"Binibining Cane, ako na lang ipares mo kay, Ginoong Taki. Hihihi."

"Binibini, Binibining Cane, ako ang ipares mo kay Ginoong Tenere~"

"Sa akin si Ginoong Lihtan, hihihi."

"Kahit sino sa kanila, ayos lang kung ipapares mo ako kay Ginoong Simone."

"Akin si Ginoong Simone!"

"Aah ano ba? Ako nauna kay Ginoong Taki!"

Napasapo ako sa aking noo dahil nagkakagulo na sila.

Hindi ko inaasahan ito. Huhuhuhu.

"S-Sandali lang." napabuntong hininga ako dahil hindi nila ako naririnig.

"MAKINIG KAYO!!!" malakas na sigaw ko habang nakapikit.

Nagsitahimik ang buong paligid at tanging huni ng mga ibon lamang ang naririnig ko.

Pagdilat ko ay parang nag-freeze ang lahat.

"Pfft." umikot ako at nakita ang pigil tawa ni Simone.

Amaze na amaze na nakatingin sa akin sina Tenere, Lihtan, Taki at Visal.

Pagharap ko ng tingin sa mga babaeng kanina ay nagsasabong at magugulo ang buhok. Ngayon ay mga maayos na ayos ng mga buhok at nakatayo ng diretso at diretso ang tingin na parang mga militar.

Binilang ko sa mga mata ko ang mga ito. 24 silang lahat ang kailangan ko lang ay lima.

"Magkakaroon ng paligsahan, ang limang matitira ay ang makakasayaw nila." mahinahong sambit ko.

"Naiintindihan namin, binibining Cane." mahinhin nilang sambit nang sabay sabay.

Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko na nagkukumpulan ang lahat at nanood sa mga mangyayari.

"Okay. Ah, hahatitiin ko kayo sa dalawa, kakailanganin natin ng mahabang mesa."

Mabilis na nagkaroon ng malaki at mahabang mesa. May mga upuan na rin na nakapagpalunok sa akin.

"A-Ayos, hehehe. Magaling. Napakabilis, kahanga hanga." mabagal na palakpak ko.

Paanong nangyayari ito? Natatawang napasapo ako sa noo ko.

"Ganito ang gagawin niyo, magpupunong braso at ang mga matitirang dalawampu ay sasalang sa pangalawang round, ah ang ibig kong sabihin ay pagsubok! Tama, hehehe, ganoon na nga."

Nagsimula na nga sila.

"Hahahahahaha, apo masaya akong makitang nagkakasiyahan muli kayo. Ngayon na lang ulit nagkaroon ng paligsahan dito, tingnan mo ang mga sabik nilang mukha." sambit ni Lola Dalya.

Doon ko lang nakita ang tuwang tuwa na mukha ng lahat.

"Parang gusto ko rin niyan, maglaban tayo Simone!" aya ni Tenere na narinig ko habang papalapit sa amin.

"Tss, Lihtan hinahamon ka ni Tenere." -Simone

"Huh?" -Lihtan

"Tapos yung ipanglaban mo, Tenere yung paa mo laban sa kamay ni Lihtan HAHAHAHAHAHAHA!!" -Taki

Natawa kami sa usapan nila.

Nang ibalik ko ang tingin sa mga nagpapaligsahan ay nagtatalunan ang mga babaeng nanalo at tuwang tuwa habang natatawang pumapalakpak ang mga nanonood.

"Mukhang maayos na ang pakiramdam mo." biglang sambit ni Lola Dalya, tipid na ngumiti ako rito.

"May nangyari ba kay Cane?" tanong ni Tenere ng nag-aalala.

"Wala 'yon, hahaha. Sandali lang pupuntahan ko ang mga nanalo."

Umalis ako at pinagpatuloy ang paligsahan hanggang sa lima na lang ang matira.

Bumalik ako sa pwesto nila Simone kasama ang mga nanalo.

"Simulan na natin ang ensayo niyo sa pagsasayaw." nakangiting sambit ko nang makalapit.

Nalipat ang tingin ko kay Simone na nakahalukipkip at seryosong nakatingala sa akin habang nanatiling nakaupo.

"Ayoko sumayaw."

"Hehehe. Sasayaw ka kaya tumayo ka riyan."

"Ayoko."

"Maiiwan ka rito, at kami lang ang magtutungo sa Hydor."

"..."

"Sige kami na lang."

"F-Fine!" suko niya at nakasimangot na tumayo.

"Hehehe. Hindi ka naman gigiling tulad noon, mahal. Hahaha." kantyaw ni Tenere. Sinamaan siya ng tingin ni Simone.

"Waaah! Gumiling kayo, Lihtan?" -Taki

Nakita ko na namula si Lihtan nang alugin at kulitin siya ni Taki. Hahaha.

"Patingin ako ng giling niyo, Lihtan." -Visal

Mas lalong namula si Lihtan sa pangungulit ni Taki at Visal. Hahaha.

"Igiling giling, igiling mo ng matunaw ang taba~" kanta ko pa nang natatawa. Hahaha.

Nagsimula na kami.

Ang kapares ko ay si Visal. Mabilis na nakakasunod naman sila sa tinuturo ni Visal maliban nga lang kay Simone at sa kapares niyang si Edna na nanginginig ang mga kamay at pulang pula ang mukha na nakatingin kay Simone. Walang gana at paminsan minsan na nakakasunod naman si Simone.

Tumigil muna ako at tinanguan si Visal.

"Edna? Ayos ka lang?" tanong ko nang makalapit.

"H-Ha?"

"Visal, si Edna muna ang kapares mo." Sambit ko.

"Sige, halika rito, Edna." mukhang ayos na ayos naman si Edna kay Visal.

"At ikaw, umayos ka." nilagay ko ang kaliwang kamay ni Simone sa baywang ko, habang ang kanan ay hawak ang kamay ko. Mabilis niya akong hinapit sa kanya na mahina kong ikinatawa. Nilagay ko ang isang kamay ko sa balikat niya.

"You know that I'm not comfortable with any woman, Cane, except you." malamig na bulong niya sa tainga ko, at tanging ako lang ang nakakarinig.

Bumungisngis ako ng tawa.

"Tss. You're really enjoying this, huh?"

Tumango ako at tiningnan siya na mula sa pagkakasimangot ng mukha niya ay biglang sumupil ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Tss. Yung paa mo, ang bigat mo." ngisi ni Simone.

Pinatong ko kasi ang mga paa ko sa paa niya. Hahahaha.

"Ha? May sinasabi po kayo, Ginoong Simone?" parang bata kong tanong.

"What the? Hahahaha." tawa niya.

Narinig ko ang hagikhikan ng mga babaeng kasayaw nina Tenere, Lihtan, Taki at Visal.

"Narinig mo 'yon, Ginoong Lihtan?" makulit na tanong ni Taki at tumingin kay Lihtan. Hahaha.

"Oo, Ginoong Taki, narinig kong tumawa si Ginoong Simone, hindi ba, Ginoong Tenere?" nakangiting tanong ni Lihtan at tumingin kay Tenere.

"Nagbibinata na ang mahal kong Ginoo. Hahahaha, aruy!" halakhak ni Tenere.

"Parang namumula si Ginoong Simone." ngisi ni Visal.

"Damn these crazy monsters. May dumagdag pa." bulong ni Simone. Hahahaha.

Nakangiting tiningala ko si Simone at pinaghiwalay ang salubong niyang kilay. Hehehe.

"Ang sarap marinig ng tawa mo, Simone." bulong ko sa kanya, at matamis na ngumiti.

Hindi siya madalas tumawa. Ngumingiti siya, minsan pigil ang ngiti, o di kaya ay ngisi and it is really mesmerizing.

Isang oras bago kami magtungo sa Kaharian ng Hydor ay nakaupo ako sa labas ng silid ni Lola Dalya at inaabangan ang paglabas nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na nagbibihis. Pinasuot ni Lola Dalya ang magagarbong kasuotan ng namayapa niyang asawa.

Nilingon ko si Visal at hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na matawa.

"Prinsesa Cane naman."

"Hahahahahaha. Hindi ka na talaga makikila niyan sa Hydor."

"Ikaw rin, hahahahahaha."

Tinawanan namin ang mukha ng isa't isa. Ang balat namin ni Visal ay naging tan, umitim dahil sa ipinahid namin, mabilis naman iyong matatanggal at sa mukha lang ang nilagyan namin. May nunal si Visal sa pisngi at ako naman ay sa ilalim ng kaliwang mata, mabilis ding alisin hehehe at may kakapalan ang mga kilay namin. Hahaha.

Natigil ang tawanan namin sa isa't isa nang isa isang lumabas ang mga hinihintay namin.

Napasinghap kaming lahat!

Umawang ang labi ko nang matunghayan ko silang apat.

Napatakip ako ng bibig ko.

"Sino kayo?" tanong ko at tinuro sila isa isa.

"Ayos ba, Cane?" kindat ni Tenere at nagtilian ang mga nasa paligid.

"Tamsap." sambit ko at nag-tamsap sa kanila.

Napangiti sila at nag-tamsap rin.

"Yeeeh! Tamsap!" -Taki

"Pismbam." -Lihtan

"PISBAM!!" nagpisbam kaming lima. Hahaha.

"PAYTING!" -Taki, Lihtan, Tenere at ako

"Payting!" -Simone

"Waaah! Picture, sandali kukuhaan ko kayo ng litrato!" tumakbo ako sa silid ni Lola Dalya at kinuha ang camera ko at lumabas.

"Smile!"

Nakangiting tiningnan ko ang kopya. Hehehe.

"Hahahahahaha. Apo, baka hindi na pauwiin ng mga Prinsesa ang mga kasama mo." sambit ni Lola Dalya habang nakangiting nakatingin sa apat na nagkukwentuhan at pinagtitilian ng mga kababaihan at buong paghangang tinitingnan ng lahat, maging si Visal na nakatulala pa rin.

Natawa na lamang ako.

Umalis na kami, kasama ang apat na onymus na nagsisilbing tagahila ng aming sinasakyan. Nasa labas si Visal dahil siya ang nakakaalam ng daan, na natuklasan niya kamakailan lang.

Bukod sa amin ay may nakasunod din na dalawang karwahe.

Ngiting ngiti na tiningnan ko sila.

"Ah, may ibibigay pala ako sa'yo, Lihtan." kinuha ko sa bulsa ko ang makapal at magandang tela na hinabi ko na sasakto sa kamay niya, kulay itim iyon at pares.

"Salamat Cane." tuwang tuwa na sambit niya at tiningnan ang binigay ko. Hehehe.

"Waaah! Aking binibini, bakit hindi ka kasama?" ngawa ni Taki at inalog ang dalawang balikat ko nang mahina.

"Akala ko pa naman maisasayaw kita, Cane." nakasimangot na sambit ni Tenere.

"Ako rin, ako rin!" -Taki

"Gusto ko rin isayaw si Cane at makita na nakasuot ng maganda at mahabang bestida." Nag-angat ng tingin si Lihtan mula sa pagtingin sa kamay niya at ngumuso.

E?

"Gown? Pupunitin niya lang 'yon." bulong ni Simone.

Hindi talaga ako mahilig magsuot ng gown. Hehehe.

"B-Bukas magsasayaw tayo kahit maghapon pa 'yan. Hehehe."

"Waaaah! Sabi mo 'yan ah?" -Taki

"Oo nga, pingke twer." -Lihtan

"PINGKE TWER!!"

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa Kaharian. Sa likod kami huminto dahil may alam na sekretong lagusan si Visal.

"Dito lamang po kayo ah?" nakangiting sambit ko sa dalawang naiwan na sina Mang Ado at Mang Tenor.

"Mag-iingat kayo, binibini" -Mang Ado/Mang Tenor

"Tayo na." aya ni Visal.

May hinawing damo si Visal at may binuksang pinto.

"Wow, hindi halatang may pinto." manghang sambit ko.

"Hehehe. T'wing tumatakas ako ay dito ako dumadaan. Ako at ang aking Ama ko lang ang nakakaalam nito."

"Hehehe. Bata ka pa lang matigas na ulo mo, Kamahalan."

Napanguso si Visal sa sinabi ko.

Naglakad kami sa tila tunnel na lagusan, parang katulad sa Mysterium ang daan ngunit mas malawak nga lang itong dinaraanan naming secret passage.

Wala pa man kami sa loob ay naririnig na namin ang musika sa loob.

Isinuot na nila ang kanilang mga maskara. Masquerade kasi ang tema, na naaayon sa amin.

Nang makapasok kami ay agad na nakaagaw ng atensyon ang apat na makikisig na kasama namin, yumuko kami ni Visal na parang umaalalay sa mga ito. Humiwalay ako sa kanila ng daan tulad ng plano.

Magpapanggap akong alipin, at magpapanggap na tagasunod si Visal nina Simone, Tenere, Lihtan at Taki.

Sumunod ako sa mga nakapilang babae at gumaya ng yuko.

Ako ang magsisilbing tainga sa labas habang sila sa loob at si Visal ang magbabantay sa mga maiimbak naming pagkain, kasangkapatan at iba pang mapapakinabangan. Hindi naman pagnanakaw ang gagawin namin dahil alam naman ni Visal hehehe, at isa pa kusa nilang ibibigay ang kailangan namin. Alam kong magagawa nila Simone iyon.

Huminto kami sa isang kwarto.

Ginaya ko lang ang mga kasabayan ko at yumuko.

Nang buksan ang magarang pinto ay bumungad sa amin ang maraming naggagandahang Prinsesa. Nagsigilid kami nang isa isa itong naglabasan. May ilang natira sa loob.

Isa sa mga dumaang Prinsesa sa harapan ko ang Prinsesang di ko malilimutan, si Prinsesa Shea at maging si Prinsesa Yuka na seryoso pa rin ang mukha, at malamig ang mga mata, mabilis na tumabi sa tabi niya si Kasmar at Tasyo na seryoso rin ang mga mukha.

"P-Prinsesa Feya. Kailangan niyo ng-"

"H'wag mo akong uutusan at pakikialaman! Umalis kayo sa harapan ko!" narinig kong sigaw sa malapit sa kinatatayuan kong mga pinto. Katulad ng magarbong pinto, ay gawa rin 'yon sa ginto. Ang pinagkaiba lamang ay may dalawang kawal sa labas ng pintong iyon.

Umamba ako ng hakbang ngunit may pumigil sa braso ko.

"Kung gusto mo pang magtagal ay hindi ko na itutuloy ang pagpasok roon, kapwa ko alipin."

Nang ibalik ko ang tingin sa pintong kinaroroonan ni Prinsesa Feya ay luhaan na lumabas ang tatlong alipin.

"Nakita mo ba 'yon? Masama ang ugali ni Prinsesa Feya." sambit ng pumigil sa akin.

"Ngunit tayong mga alipin ang mananagot kapag hindi natin nakumbinsing lumabas si Prinsesa Feya." sambit ng iba sa kanila.

"Ako...papasok ako sa loob." sambit ko na kinagulat nila.

"Nasisiraan ka na ba? Hindi mo alam kung paano mag-isip si Prinsesa Feya. Naka masaktan ka rin, kung hindi ka lalabas na luhaan ay sugatan ka namang lalabas."

Nginitian ko lamang sila, at unti unting inalis ang kamay na nakahawak sa braso ko.

"Kung ganoon ay patas lamang kami. Hehehe." sambit ko at tinalikuran ko sila na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako pinigilan ng dalawang kawal at ngumisi pa.

Nginisihan ko nga rin. Gulat sila. Hehehe.

"Prinsesa Feya." sinamaan ako nito ng tingin

Nakaupo siya sa harap ng malaking salamin, nagkalat sa kama niya ang mga magaganda niyang kasuotan.

Sinuklian ko siya ng ngiti.

"Anong karapatan mong ngitian ako?!"

"Ha? Wala ba akong karapatan ngumiti?" taka kong tanong ditto.

Nakita ko na natigilan ito, at maya maya'y nagsalubong na ang mga kilay. Bago pa man ako nito masigawan ay inunahan ko na ng salita.

"Maaari ka ring ngumiti, Prinsesa Feya, yung mas malaki at malawak sa ngiti ko."

"Anong ibig mong sabihin?" malamig na tanong niya pero hindi maitatago ang kuryosidad.

Pfft. Pinigilan kong matawa sa reaksyon nito, magkapatid nga sila ni Visal.

"Hmm, gawin mo ang makakapagpasaya sa'yo. H'wag kang magpakasal sa Hari ng Tamir."

Napanganga ito sa sinabi ko at maya maya'y humalakhak nang hindi maipaliwanag kung maiinis o matatawa sa sinabi ko.

"Ibang klaseng alipin, anong karap-"

"Oy, oy, oy! Kinukwestyon mo na naman ang karapatan ko, magtigil ka, Prinsesa Feya ah." napanganga ito sa sinabi ko.

Hindi makapaniwalang tumayo ito at suminghap sa harapan ko.

Natatawang lumapit ako sa kama niya at tiningnan ang magaganda niyang mga kasuotan.

"Bagay ito sa'yo, Prinsesa Feya oh! Hehehehe! Suot mo na ito dali!"

"A-At bakit kita susundin?!"

"Uh. Dahil bakit mo nga ba ako susundin? Mag-iisip muna ako ng dahilan." huminga ako nang malalim at napanguso. Bakit nga ba niya ako susundin? Waaaah!

"Prinsesa Feya! Di ko rin alam kung bakit! Paano 'yan?" problemadong tanong ko.

At muli na naman itong natawa at inagaw ang hawak kong maganda niyang damit.

"Baliw."

"Yieeh! Susuotin niya na, tulungan na kita. Hehehe." hinayaan naman ako nito.

"Salamat." sambit ni Prinsesa Feya, at nginitian ako sa salamin.

"Hehehe. Wala 'yon, ngunit Prinsesa Feya, seryoso ako kanina." tiningnan ko ang mga mata niya sa salamin.

"Ikaw ang may hawak ng kasiyahan mo, karapatan mong maging masaya." sambit ko rito.

"K-Kahit kamatayan ang hatol sa akin?"

"Lalaban ka sa kamatayan na 'yan. Mamamatay kang lumalaban o mamatay kang duwag, tumakas o tumakbo?" nakangiting bulong ko rito.

Natigilan ito sa sinabi ko.

"Sino ka? Sino ka?" naguguluhang tanong ni Prinsesa Feya.

"Uh, isang ordinaryong mamamayan lang. Hehehe."

Halata ritong hindi kumbinsido at huminga nang malalim na parang iniisip ang sinabi ko.

"Hindi ka namin alipin dito, ngayon lang kita Nakita."

"Hehehehe."

Nagsalubong muli ang kilay nito.

"Anong kailangan mo?"

"Uh...pagkain?"

"Pagkain?" nakasimangot na tanong nito.

Totoo namang pagkain eh.

"Dahil napasaya mo 'ko kahit papaano ay ibibigay ko na sa'yo ito." nagulat ako ng ibigay niya sa akin ang kahon niyang puno ng alahas.

"Baka pagbintangan akong magnanakaw?"

"Hindi ka naman mukhang nababahala." ngiwi nito at natawang muli.

"Ibigay mo sa akin ang palad mo."

Binigay ko ang palad ko at may tinatak siya doon.

"Marka ko 'yan, katunayan na ipinagkatiwala ko sa iyo 'yan. Ipakita mo lang 'yan, wala nang problema." paliwanag nito habang nagsusuot ng alahas.

"Salamat, maganda ka na, mabait pa. Hehehe."

"Pakiramdam ko, inuuto mo ko." ngisi ni Prinsesa Feya.

"Hindi ah, totoo 'yon. Napakaganda mo." nakangiting sambit ko.

"Hmmp! Salamat"

"Prinsesa Feya, gusto mo itakas kita rito?" para itong hihimatayin sa tanong ko.

Natawa na naman ako. Hahaha.

"Masisiraan ako ng ulo lalo sa mga sinasabi mo, alipin. Ah, basta haharapin ko ito at lalaban, hindi ako papayag na makasal." nakangising humarap ito sa akin.

"Sumunod ka sa akin." sambit niya.

Dalawang beses niyang sinipa ang pinto at binuksan ito ng mga kawal.

Gulat na gulat silang nakatingin sa amin. Maging ang mga kasama kong pumipigil sa akin kanina. Mas lalo silang nagulat sa hawak ko.

"Prinsesa Feya, ngumiti ka. Hehehe." bulong ko dahil pinagtitinginan siya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Inuutusan mo ako?"

"Oo, inuutusan kitang ngumiti."

Natawa na naman ito. Parang nakakita ng multo ang mga nadadaanan namin.

"Palaban itong si Prinsesa Feya, pak na pak. Hahahaha."

"Hahahahahaha."

Nahagip ng mga mata ko si Visal na nakatulala sa kapatid niyang tawa nang tawa at sa akin. Gusto ko man siyang kawayan ay may hawak ako.

Pasimpleng sinuyod ko ang magarbong paligid at hinanap sina Simone, Lihtan, Taki at Tenere.

Di naman ako nahirapan dahil pinagtitinginan sila, magkakaiba ang mesa nila.

"Tara..." aya ni Prinsesa Feya. Pansin ko ang kakaibang tingin sa amin ng mga nasa paligid, wala naman akong pakialam sa tingin na ibinibigay nila kung hindi kay Prinsesa Feya.

"Hindi ka dapat magpa-apekto, itaas mo ang mukha mo." sambit ko sa kanya na siya lang ang nakakarinig.

Ngumisi si Prinsesa Feya, at buong pagmamalaki na naglakad. Hay, mabuti naman! Nakahinga ako nang maluwag.

"Sino itong pangit mong alipin?" harang ng isang Prinsipe sa harapan namin?

"Umalis ka sa harapan ko, Prinsipe Rodolpo! O gusto mong ipakaladkad kita palabas sa aming palasyo?" mataray na banta ni Prinsesa Feya, nabura ang nakakalokong ngisi ng tinawag na Prinsipe Rodolpo ni Prinsesa Feya.

Gustuhin ko mang bumulanghit ng tawa ay pinigilan ko.

Iniwan naming tigalgal ang mayabang na Prinsipe. Buti nga. Hehehe.

"Gusto mo masahe, Prinsesa Feya? Hehehe."

"Tss. Mayabang talaga ang Prinsipe ng Dessertium na 'yon."

Dessertium? Dessert? Yung cake?

Kakatakam ,

"H'wag kang aalis sa tabi ko, maraming mapagsamantala at masasamang Prinsipe sa paligid." seryosong babala ni Prinsesa Feya.

Tumango na lamang ako.

Napakaraming tao, nahagip ng mga mata ko si Prinsipe Lucien at Prinsipe Hasil na seryosong nag-uusap.

Umupo si Prinsesa Feya, sa tabi ng isang lalaki.

"Prinsesa Feya, mabuti naman at lumabas ka na." ngiting sambit ng katabi niya.

"Masyado kang naliligayahan, Prinsipe Rael. Hindi dahil sa'yo kaya ako narito." malamig na sambit ni Prinsesa Feya rito.

Rael? Prinsipe Rael. Siya ang tinutukoy ni Visal. Ang nagtangka na patayin siya, at nagtapon sa kanya sa karagatan. Tiningnan ko ito nang mabuti, hmm. Mukhang napakabuti, at hindi mo aakalaing kayang manakit.

"Alipin, anong karapatan mong titigan ako nang bulgar?" malamig na tanong ni Prinsipe Rael.

Muntik na akong bumulanghit ng tawa.

"Hahahahahaha." halakhak ni Prinsesa Feya.

Nakangusong umiwas ako ng tingin. Karapatan na naman?

Inabala ko ang sarili ko sa paghanap sa mga kasama kong sina Simone, Tenere, Lihtan at Taki.

Sa mga mesang kinauupuan nila ay napapaligiran sila ng mga magagandang binibini, ang iba siguro'y Prinsesa? Hehehe. Napangiti ako ng makita na nakikipag usap sila, at parang masaya sa sinasabi. Maliban sa isang ginoong seryoso ang mukha, at pinaglalaruan ang hawak na kopita at pilit na kinukuha ang kanyang atensyon ng mga Prinsesa, at mga maharlikang binibini.

Biglang tumingin si Simone sa direksyon ko. Ngumiti na lamang ako. Pumirmi ang mga mata niya sa akin at umayos ng upo. Ay, ang sabi ko kumbinsihin niya ang mga Prinsesang katabi niya na magbahagi ng pagkain o mga mapapakinabangan. Sa nakikita ko, hindi siya nag-abalang bigyang atensyon ang mga katabi niya.

Biglang may kumalabit sa braso ko, bumaba ang tingin ko sa nakaupong si Prinsesa Feya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ah...Diaz. Hehehe."

"Diaz..." tango ni Prinsesa Feya at ngumiti.

Nginitian ko rin siya. Hehehe. Naputol ang ngitian namin nang may tumawag sa pangalan ni Prinsesa Feya.

Napansin ko ang pagdilim ng mukha ni Prinsesa Feya.

"Prinsesa Feya." malamig na tawag sa kanya ng bagong dating.

"Amang Hari." malamig na bati ni Prinsesa Feya rito, tumayo silang magkapatid at yumuko.

Yumuko rin ako.

Ang nasa harapan ko ngayon ay si Haring Daimon, ang ama ni Visal at ang pumaslang sa dating Hari ng Hydor, ang asawa ni Lola Dalya.

Tumagos ang mga mata ko sa mga taong nasa likuran ni Haring Daimon.

Babaeng may pulang buhok, at apat na katabi niyang lalaki.

Huminto ang musika, umugong ang bulungan tungkol sa kanila, mga nakamaskara ang mga ito.

Anong motibo nila para gayahin kami?

"Ituloy ang kasiyahan! Hahahahaha!" halakhak ni Haring Daimon at nagsi-upuan na ang mga ito.

Napansin ko rin ang mas lalong pagtaas ng tensyon sa paglabasan ng mga sa tingin ko ay Hari.

Hari ng iba't ibang Kaharian. Isang Hari lang ang kilala ko, si Haring Agnol na walang emosyon ang mukha.

Hindi nakatulong ang musika para itago ang bigat ng tensyon.

"Diaz..." tawag ni Prinsesa Feya sa akin, yumuko ako.

"Umalis ka na sa kinatatayuan mo." mahinahong bulong ni Prinsesa Feya. Nakuha ko ang ibig sabihin niya at tipid na ngumiti rito.

"Masusunod..." mahinang sambit ko at umalis nang hindi masyadong napapansin.

Nagtungo ako sa kinatatayuan ni Visal.

Kumunot ang noo ko ng makita itong tulala sa kawalan at namumutla. Binilisan ko ang lakad ko.

"Visal!" tawag ko sa kanya nang makalapit.

"C-Cane.,." namumutlang tawag niya sa akin

Kinabahan ako sa ekspresyon niya.

Hindi mapakaling tumingin siya sa paligid at hinila ako sa isang silid.

"Anong...problema, Visal?"

"Prinsesa Cane, wala akong alam. Maniwala ka sa akin." natatarantang sambit ni Visal

"Ang alin?"

"N-Narinig ko ang pinag-uusapan ng mga kawal kanina! Narinig ko na naghihingalo na ang Dating Hari, si Valdemor. A-ang asawa ni Reyna Dalya!"

Natulala ako sa sa narinig ko.

"Palihim na sinundan ko sila, at nakitang nakakulong ito at binabalot nila ng tela, P-Prinsesa Cane. Anong gagawin natin? Patay na ba siya? H-Hindi ko alam." sinabunutan niya ang kanyang sarili.

Suminghap ako ng hangin, sa hindi inaasahang nalaman at tumango ng isang beses.

Umupo ako sa kama, at yumuko.

Bumaba ang tingin ko sa mga magagarang kasuotan na naupuan ko.

"Visal, antayin mo ako sa labas."

"Ha?"

"May naisip na akong plano."

Nakaharap ako ngayon sa repleksyon ko. Tinuklap ko na rin ang nagsisilbi at nagpapaitim sa mukha ko. Tinanggal at binura ko rin ang ibang nilagay ko sa mukha ko. Sinuot ko ang hikaw, kwintas at porselas na binigay ni Prinsesa Feya sa kanyang kahon. May pinulot akong maskara, na tumatakip sa kalahati ng mukha ko at ang tanging nakikita lang ay ang labi ko.

Ngayon na lamang ulit ako nagsuot ng ganito. Sinuklay ko ang buhok kong umabot hanggang baywang at hinayaan lang na nakaladlad.

Seryosong tiningnan ko ang sarili ko at tinahak ang daan palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro