Pahina 33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 33
Scared Monsters

Prinsesa Feya's Point of View

Patungo ako ngayon sa silid ng aking kapatid at nakita ko ang dalawang bantay niya na pumasok sa loob ng silid kung saan naroroon si Prinsipe Visal.

"Saan ka pupunta?" mataray at taka kong tanong sa tagasunod kong si Diaz.

"Huh? Hindi ba't doon tayo patungo sa kwarto ng iyong kapatid?"

Ang alipin na 'to, walang takot na sumasagot, nagtatanong at kinakausap ako. Ngayon naman ay inuunahan pa 'ko! Ibang klase!

Napabuntong hininga ako at naglakad na rin. Nang makapasok kami sa loob ay natigilan ako sa naabutan ko.

"Ano...ito?"

May kalaro ang aking kapatid ng ahedres (chess) at nakaupo sa lapag. Ang dalawa niyang bantay kanina sa labas ay kumakain sa gilid nila habang nanonood. At ang pang-apat na bantay niya ay bagot na nanonood at salubong ang kilay.

"Ate Feya." mas lalong lumaki ang mga mata ko sa pagtawag ni Visal sa akin. Ate? Kailanman ay hindi niya ako tinawag na 'Ate'.

Mula nang magbalik ang kapatid ko ay hindi ko na makilala at nabibigla pa rin ako sa mga inaasal niya.

Nagulat ako nang sabay sabay silang tumayo at dinamba ng yakap ang alipin ko maliban sa isa na nanatiling nakatayo at nakatulala sa kanya.

"Anong karapatan niyong yakapin ang alipin ko?" sabay sabay na nagulat ang mga ito at hindi makapaniwala.

Hinila ko papunta sa tabi ko ang alipin ko! Ngunit hindi pa man napupunta sa tabi ko ay may apat na kamay na ang humawak rin sa kabilang braso nito.

"Ano ba? Sino ba kayo para pigilan ako?! Saan mo ba nakuha at nakilala ang mga 'yan, Visal?!"

"Ate Feya, huminahon ka at bitawan niyo siya, nasasaktan na si Prinsesa Cane!"

Sabay sabay na bumitaw ang apat na bantay ni Prinsipe Visal at parang natataranta na sinuri ang braso ng alipin ko. Hindi ko namalayang nabitawan ko na rin ito. Nakita kong namumula ang braso nito at bumakat ang kuko ko na sumugat sa balat nito.

"Pfft! Ayos lang ako, h'wag kayong mag-alala." mahinahong sambit ng aking alipin at ibinaba ang suot na manggas hanggang sa pulso nito.

"Magkapatid nga kayo, Visal." -Lihtan

"Hindi niyo makukuha ang aking binibini." -Taki

"Sa'min lang si Cane." -Tenere

"Tss." -Simone

Sinamaan ko ang mga ito ng tingin. Hindi ko sila maintindihan!

"Prinsesa Feya, may ipagtatapat ako sa'yo." napunta ang atensyon ko sa aking alipin na nakatingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin, Diaz?" naguguluhang tanong ko.

"Diaz?" sabay sabay na tanong nila na kinataas ng kilay ko.

"Hindi ako isang alipin, isa lamang akong pagala-gala at sila ang mga kasama ko. Sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki. Ako si Cane." nagulat ako ng isa isa niyang tinanggal ang kilay, itim na tuldok sa ilalim ng kaliwang mata niya at pinunasan ang buong mukha niya.

Nag-iba ang mukha niya. Umawang ang mga labi ko nang masilayan ang totoo niyang mukha! Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala. Naramdaman kong may humawak sa mga kamay ko at nakita ko siyang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"H'wag ka sanang magalit, Prinsesa Feya. Paumanhin kung itinago ko sa'yo ang tunay kong katauhan."

Napahinga ako nang malalim at tumango. Parang nakahinga naman ito nang maluwag ngunit nakasimangot pa rin ang mga kasama niya, tss.

Nag-paliwanag din si Prinsipe Visal. Mula nang mawala siya hanggang sa hindi niya inaasahang pagbabalik dito. Hindi ako makaniwalang magagawa 'yon ni Prinsipe Rael.

"Kung ganoon ay mga impostor ang nandirito at kasama ni Ama." sambit ko.

Tumingin ako kay Visal

"...at wala kang balak na bumalik."

"Patawad, aking kapatid, ngunit nagbago na ang aking hangarin." nakangiting sambit ni Visal at hinawakan ang mga kamay ko at tumingin sa mga nasa harapan namin.

"Mananatili ako rito at hindi kita pababayaan. Pangako 'yan, aking kapatid." sinserong sambit ni Visal.

Hindi ko namalayang bumagsak na ang luha ko.

Hindi ko na napigilang yakapin ito nang mahigpit at mas lalo akong naluha dahil sa pagyakap nito sa akin pabalik.

Ito ang unang pagkakataong naramdaman kong may pamilya akong natitira at may kapatid. Na may magpaparamdam na may kakampi ako at po-protekta sa akin. Mukha lang akong matapang ngunit takot na takot akong makasal sa taong hindi ko gusto lalo na dahil alam ko ang reputasyon ng Hari ng Tamir at ang kahahantungan ko roon.

"Waaah! Aking binibini, wag ka nang umiyak. Iyak din si Taki." -Taki

"Oo nga, Cane." -Lihtan

"Mga iyakin." -Tenere

"Sira, umiiyak ka rin." -Simone

"Hindi ko mapigilan, huhuhu." -Cane

Hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura nila. Nakapalibot sila kay Cane at di ko malaman kung nagtatalo o pinatatahan ang isa't isa. Kakaiba ang grupong ito, hindi ko maipaliwanag. Ngunit hindi maikakaila ang pagpapahalaga nila sa isa't isa.

Pakiramdam ko, umatras lahat ng luha ko dahil sa kanila.

"Cane..." tawag ni Visal dito.

"Magiging mahusay at mabuti akong Prinsipe at magiging Hari ng Hydor. Maraming salamat sa lahat ng tulong at aral na binigay at itinuro sa akin. Maraming salamat dahil may nakita kang kabutihan sa akin at binuksan ang puso, isip at tainga ko sa lahat. Salamat, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng kabutihan niyo, maraming salamat dahil nakilala ko kayo."

Nagulat ako nang lumuhod at yumuko si Visal sa harap ng mga ito.

"Hindi ko kayo bibiguin, Prinsesa Cane, Simone, Lihtan, Tenere at Taki!"

"Tumayo ka at humarap sa amin, Kamahalan." mahinahon at seryosong utos ni Cane.

Hindi ko maintindihan ngunit parang napakataas nitong tao nang sabihin 'yon. Nakangiti naman ang mga kasama niya, maliban sa lalaking nasa tabi niya na laging seryoso pero mararamdaman mong masaya.

"Prinsesa Cane."

Ginulo ni Cane ang buhok ni Visal habang nakangiti.

"Aasahan ko 'yan, Kamahalan. Masaya kaming makilala ka at ikinararangal naming mapagsilbihan ka." -Cane

"Ayaw mo ba talagang makasal sa akin, Prinsesa Cane?" -Visal

"Hahahaha. Hindi maaari." natatawang sagot ni Cane at ako lang ang nakakita ng pasimpleng sulyap nito sa katabi niyang lalaki na seryoso at nakasimangot ngunit biglang namula dahil sa pagsulyap ni Cane.

"Manigas ka. Sa amin lang siya. Sa amin ang aking binibini!" -Taki

"Hindi mo siya binibini!" -Visal

Napanganga ako sa pakikipagtalo ng kapatid ko. Para silang mga bata.

"Aking binibini siya! Siya lamang ang nag-iisang binibini ko sa buhay ko!" -Taki

"Hindi siya sa'yo!" -Visal

"WAAAAH! Siya lang ang aking binibini hanggang sa pagtanda ko." pagmamaktol ng kabangayan ng kapatid ko na kinangiwi ko.

Nahihiwagaan naman ako lalo sa mga ito. Nakangiting pinanonood lang nila na nagtatalo ang dalawa.

"Kahit na anong mangyari siya lang ang aking binibini!" naglalambing na yumakap ito kay Cane na parang bata.

Binatukan naman siya nung seryosong nasa gilid.

"Aray naman! Simone!" nakangusong reklamo ni Taki.

"Nababaliw ka na naman. Aayos ka o sasapakin kita?" sambit nung Simone.

"Hihihi, brutal ng mahal ko." sambit nung Tenere.

"Lihtan, inaaway ako ni Simone, batukan mo!" -Taki

"Ikaw nakaisip, Taki, ikaw gumawa. Bati kami ni Simone ngayon." -Lihtan

"Waaaaah! Madayaaaa!" -Taki

Nakita kong nakangiting nanonood si Cane sa mga ito at nagniningning ang mga matang nakatingin sa mga kasama niya.

"Nakakatuwa sila." nakangiting sambit ni Visal. Tumango ako, bilang pagsang-ayon.

May bigla akong naalala.

"Sila ang mga usap-usapang misteryosong bisita na dumulog sa pagdiriwang." nakumpirma ang hinala ko sa pagtango ni Visal.

"Sila nga." sagot ni Visal na parang may inaalala habang nakatingin kay Cane.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman." tipid na ngiting sambit ng aking kapatid.

Natahimik kami dahil sa talong beses na katok.

Kumunot ang noo ko dahil sa paglusot ni Cane sa ilalim ng pahingahan ni Visal. Gumaya at sumunod din yung apat.

"Bakit tayo nandito, Cane?" -Lihtan

"Hahahaha. Di ako maaaring makita sa itsura ko ngayon, bakit kayo gumaya?" -Cane

"Sumunod lang ako sa'yo, aking binibini. Hehehe." -Taki

"H'wag kayong malikot. T-tss." -Simone

"Pfft~! Hahahahahaha!" -Tenere

Natawa ako sa mga bulungan nila at ilang saglit pa'y pinagbuksan ni Visal ang kumatok.

"Prinsipe Rael, Amang Hari." seryoso at walang emosyong bati ni Visal.

Yumuko ako nang bahagya sa mga ito at dumiretso ng tingin.

Sa likod nila ay kasama nila ang babaeng pula ang buhok at ang apat na lalaking kasama nitong sa simula pa lang ay alam kong hindi mapagkakatiwalaan lalo na ang mapaglarong ngisi na nakaguhit sa mga labi ng mga ito.

Anong ginagawa nila rito?

Pumasok ang mga ito. Nakita kong sinuri ng babaeng pula ang buhok ang silid.

"Anong ginagawa mo rito, Prinsesa Feya?" tanong ng aking Ama.

"Nais kong makita ang susunod na Hari ng Hydor upang kamustahin." nakangising sagot ko. Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Prinsipe Rael. Tulad ng kanyang Ina na masama ang budhi at sakim si Rael. Magkaiba kami ng Ina, at pareho ang Ina namin ni Visal at kahit kailan, hindi naging magaan ang loob ko sa demonyong 'yan.

Binalingan ng aking Amang Hari si Visal na malayo sa kanina na masaya ang mukha. Ang nakikita ko ngayon ay ang Prinsipe Visal na malupit, seryoso, walang emosyon at mabagsik ang mga mata.

"Nababatid mo ang sadya ko." mariin at malamig na sambit ng aming Amang Hari habang madilim na nakatingin kay Visal.

Hindi ko maiwasang mag-alala, ngunit kalmado at walang mababakas na takot ang mukha ni Visal. Hindi siya nagpapanggap dahil pinantayan niya ang madilim at mabagsik na mukha ni Haring Daimon. Sa aming magkakapatid ay si Visal lang ang nakakagawa nito.

"Naiintindihan ko, Haring Daimon. Patungo na rin ako sa'yo, naunahan mo lamang ako." nakangising sagot ni Visal.

Parang nakahinga naman nang maluwag ang aming Amang Hari. Nakangisi nang nakakaloko na lumipat ang tingin ni Visal sa ibang panauhin, hindi ko rin maiwasang mapangisi habang nanonood.

"Isang karangalang mabisita ng mga tinitingala at usap-usapang binibining may pulang buhok at ang apat nitong halimaw."

Ngumisi rin nang nakakaloko ang apat na lalaki habang seryoso naman ang babaeng pula ang buhok.

"Kinagagalak ka naming makilala, Prinsipe Visal." sagot ng babaeng pula ang buhok. Nagulat ako nang abutin ni Visal ang kamay nito at dampian ng halik, halatang nagulat din ito at ang lahat sa ginawa ni Visal.

Saan niya natutunan 'yan?

"Kinagagalak rin kitang makilala nang harapan." nakakapangilabot na sambit ni Visal na hindi mawala wala ang ngisi.

Dumagundong ang halakhak ng aming Amang Hari.

"Anak nga kita, mabagsik at magaling pumili." sambit ng aming Amang Hari. Dumilim ang mukha ni Prinsipe Rael.

Parang nailang ang babaeng pula ang buhok at nabawasan ang nakakaintimida nitong presensya. Ibang klase ka, Prinsipe Visal.

"Gusto kong mas makilala pa ang binibining ito, Haring Daimon. Maaari ba?" nakangising tanong ni Visal.

"Ikaw ang bahala, nasa iyo ang desisyon. Mauuna na ako at magpahinga ka na."

"Salamat, Haring Daimon."

Nang makaalis na ang mga ito ay dali daling pinunasan ni Visal ang labi niya.

Lumabas mula sa pinagtataguan sila Cane.

"Saan mo natutunan 'yan?" nakataas kilay na tanong ko.

May tinuro siya.

"Si Tenere." sagot niya.

"H-Hoy! Inosente ako! Aaaraaay!" pinaghahampas ko ang braso nitong Tenere.

"Kung anu-anong kalandian ang tinuturo mo sa kapatid ko?!"

"Pag hindi ka tumigil hahalikan kita!"

Hindi ako tumigil at napasinghap ako nang hawakan ng isa nitong kamay ang dalawa kong kamay at hapitin ang baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nang malapitan ang mukha nito. Salubong ang makapal na kilay, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi at ang kayumanggi nitong mga mata na nakakapanghina sa ganda. Hindi ko maalis ang mga mata rito. Tumigil ang paghinga ko at kumabog ang dibdib ko.

Parang napakaliit ko sa mga bisig nito. Bakit hindi ako makagalaw?!

Bakit?!

Bigla itong ngumisi at suwabeng bumitaw sa akin.

Nakanganga lang ako at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko! Masamang tiningnan ko ang ginoong lapastangan na humawak sa akin!

"Damn this notorious playboy." bagot na sambit nung Simone habang umiiling.

"Tss, gandang lalaki ko talaga." mas lalo akong naasar sa narinig kong sagot dito.

"Ang kapal." naiinis na sambit ko. Naramdaman kong may umikot na braso sa braso ko.

"Hehehehe. Ginawa lang ni Tenere 'yon dahil nakiusap akong turuan sila." sambit ni Cane at tinuro ang mga kasama niya.

"Ngunit..."

"Dapat mong maintindihan at maunawaan, Prinsesa Feya, maraming iba't ibang taong hindi natin alam ang hangarin. Mabuting tao si Tenere." nakangiting sambit ni Cane.

Pagbalik ko ng tingin sa Tenere ay tinaasan ako ng kilay.

"Likas na malandi 'yan, ingat ka." seryosong sambit nung Simone.

Kumalma na ako nang kaunti, dahil unti unti ko nang nauunawan pero masama pa rin ang tingin ko sa Tenere na 'yon. Hmmp!

"Tenere." tawag ni Cane rito. Parang maamong tupa na bumaling ito kay Cane.

"Bakit Cane?"

"H'wag mo masyadong asarin si Prinsesa Feya, ayokong nang-aaway kayo ng babae." pananaway niya. Ngumuso ito at tumango.

"Paumanhin." sinserong sambit ni Tenere, habang kumakamot sa buhok.

Ngumisi yung Simone.

"Ang babae, iniingatan, d iba Simone?" baling ni Cane kay Simone.

"Y-Yeah." namumulang sagot nung Simone.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Cane at Simone.

"Cane, kain na tayo." -Lihtan

"Kaya pala ang tahimik niyo, may pagkain na naman kayong kaharap." -Tenere

"Sige, nagugutom na rin ako." Umupo sila sa lapag. Unang beses kong uupo nang ganito.

Sumubo si Cane at biglang nagsalubong ang kilay.

"Saan ito galing?" seryosong tanong ni Cane.

"Damn. Wag niyong kainin 'yan." sambit ni Simone.

"K-Kanina niyo pa ba ito kinakain?" namumutlang tanong ni Cane.

"Bagong kuha namin 'yan. K-kumain kami kanina." sambit ni Lihtan at tinuro ang plato nito na hindi pa nauubos. Kinuha 'yon ni Cane at inamoy.

"May iba pa ba kayong kinain?" sunod na tanong ni Cane na hindi mapakali at bakas ang matinding pag-aalala. Maging ako ay kinakabahan.

"W-Wala na." sagot ni Taki

"Sigurado kayo? May ininom ba kayo?"

"Nagpakuha pa lamang ako, Cane." nababahalang sagot ni Visal.

Nabalot ng katahimikan ang silid.

"Kumikilos na sila." sambit ni Cane sa kawalan at huminga nang malalim.

"H'wag kayong basta basta kakain at iinom." sambit ni Simone.

Kinakabahan ako sa mga nangyayari.

"Naiintindihan namin." sagot nina Lihtan, Tenere at Taki nang seryoso.

Paano niya nalaman na may lason?

Bahagyang napaigtad ako nang gumawi ang tingin ni Cane sa akin.

"H'wag kang aalis sa tabi ko, Prinsesa Feya. Kayong magkapatid ang puntirya." Kalmado ngunit may otoridad na sambit nito sa akin. Napalunok ako at tumango.

Anong nangyayari?

Pinaglaruan ni Cane ang hawak na kopita nang seryoso. Maging ang apat na nasa tabi niya ay nanatiling seryoso. May kakaiba talaga sa mga ito.

Nakarinig kaming muli ng katok.

"Nandirito ang Prinsipe ng KIN Palacio at Hideus, Kamahalan." sambit ng mga kawal sa labas.

"Papasukin mo." sagot ni Visal nang seryoso.

Nakita kong natigilan ang dalawang Prinsipe. Tumaas ang kilay ko sa mga ito.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Prinsipe Visal at tumayo.

"Binibining Cane." sabay na tawag ng dalawang Prinsipe at parang kumikinang pa ang mga mata habang nakatingin.

Nginitian sila ni Cane. Nakasimangot naman yung apat.

"Kailangan namin ang tulong niyo." sambit ni Prinsipe Hasil at tumingin sa grupo nila Cane at napalunok nang sunod sunod dahil sa malamig na tingin na binibigay ng apat na kasama ni Cane. Maliban kay Cane na kalmadong nakatingin sa dalawang Prinsipe.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Prinsipe Visal.

"Si Haring Agnol, hindi namin alam ang nangyayari sa kanya. Bigla na lamang sumusuka ng dugo, may liham at gamot ang nagpapadala sa kanya na nagpapabuti ng pakiramdam nito ngunit makalipas ang dalawang araw ay bigla na lang bumabalik ang pagsusuka niya ng dugo." nagulat ako sa sinambit ni Prinsipe Lucien.

"Anong nakasulat sa liham?" mahinahong tanong ni Cane nang seryoso.

"Kung susunod ang aking Ama ay ibibigay nila ang gamut." nababahalang sagot ni Prinsipe Hasil.

Tumango si Cane na parang may malalim na naiisip at bumuntong-hininga at nag-angat ng tingin kay Prinsipe Hasil.

"Gaano katagal na itong nangyayari?"

"Mag a-apat na araw na." nanghihinang sagot ni Prinsipe Hasil.

Napabuntong-hiningang muli si Cane.

"Hindi ko maintindihan." sambit ko habang nakatingin sa kanila.

Napatingin silang lahat sa akin. Tinanong ko sa kanila ang kanina pang tumatakbong tanong sa isipan ko.

"Bakit sa kanila kayo humihingi ng tulong?" tanong ko na nakapagpatahimik sa mga ito.

Nahihiwagaan ako sa mga nangyayari, sa mga ikinikilos nila at higit sa lahat sa pagkatao ng mga taong nasa harapan namin.

Tumigil ang mga mata ko kay Cane dahil sa biglang pagngiti nito na parang natutuwa sa naguguluhan kong mukha.

"B-Bakit?" tanong kong nauutal.

"Hehehe. Di ko rin alam kung bakit." sambit ni Cane na kinanguso ko. Ang babaeng 'to talaga.

"Kung ganoon ang pakay niyo talaga ay humingi ng tulong sa kanila?" tanong ni Prinsipe Visal.

Sabay na tumango ang dalawang Prinsipe at napakamot sa ulo.

Parang kailan lang ay laging nag-aaway ang dalawang Prinsipe na 'to, ngayon magkasundong-magkasundo na.

"Susubukan ko kung may maitutulong kami." nakangiting sambit ni Cane, parang nabuhayan ang dalawang Prinsipe sa sinabi ni Cane.

Yayakap sana ang dalawang Prinsipe pero agad na sinamaan sila ng tingin nung apat.

"Aking binibini, kung apat na araw na...may posibilidad na hindi lang si Agnol ang nakakaranas nito." nakangusong sambit ni Taki

"Tama si Taki, Cane at itong mga nakahain ngayon ay maaaring plano rin ng taong nasa likod ng kalagayan ni Agnol." sambit ni Lihtan.

Agnol?

Sabay na napangiwi si Prinsipe Hasil at Prinsipe Lucien

"Ganoon na nga." sambit ni Cane at huminto ang tingin kay Tenere na tahimik lang.

"Ayos lang ako." tipid na ngiting sambit ni Tenere.

"Simone." baling ni Cane kay Simone.

"Pasayahin mo si Tenere, hehehe." namilog ang mga mata ni Simone.

"Oo nga, Simone! Payting, Simone!" -Taki

"Galingan mo, Simone." -Lihtan

Biglang humilig sa balikat ni Simone si Tenere na nakangisi.

"Narinig mo sila, mahal?" malanding tanong ni Tenere na kinanganga ko lalo na nang daganan niya si Simone.

"Waaaaah! Sali Taki!" -Taki

"Ako rin." -Lihtan

"What the hell? D-Damn."

Dinaganan nila si Simone habang tawa ng tawa.

"Dadalaw ako mamaya kay Haring Agnol." sambit ni Cane.

"Salamat, binibining Cane." -Prinsipe Hasil

"Mauuna na kami, masyado na kaming nagtatagal." nakangiting sambit ni Prinsipe Lucien.

"Hanggang sa muli, binibining Cane." sambit ni Prinsipe Hasil.

Umalis na ang dalawang Prinsipe.

"Kailangan na nating umalis, Prinsesa Feya." baling ni Cane. Tumigil ang ingay ng mga kasama niya at parang mga batang iiwan.

Isa isa niyang ginulo ang mga buhok ng mga ito.

"Magkikita pa tayo. Mag-iingat kayo ah?" bilin niya sa mga ito na masunuring tumango. Ginulo niya rin ang buhok ni Visal at tinanguan ito.

Nakatingin ako sa likuran niya habang naglalakad at napangiti, at sumabay ng lakad.














Kinabukasa'y...

"Kamahalan! Kamahalan!"

Prinsipe Visal's Point of View

Malamig na tiningnan ko ang kawal na walang pakundangan na binuksan ang pinto ng aking silid. Kasama kong nagpupulong ang aking Amang Hari, Prinsipe Rael at ang ilang Prinsipe ng iba't ibang kaharian.

Nakita ko ang pagkawala ng kulay ng kawal nang makita kami at nanginginig na lumuhod. Maraming galos ang katawan nito at madumi ang kasuotan.

"Nasa panganib ang mga Prinsipe at Prinsesa na nagsasanay sa silangan ng Hydor. Gumuho ang lupa, at nakulong sila k-kuweba." nanginginig sa takot na sambit nito.

Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang malipat ang mga mata ko sa apat na nakatayo sa pintuan. Napalunok ako nang sunod sunod sa itsura nila Simone, Lihtan, Tenere at Taki na parang napako sa kinatatayuan. Magkasama si Prinsesa Feya at Cane sa mga nagtungo sa silangan kasama ang tatlong Prinsipe at dalawang Prinsesa upang mamasyal at mag-ensayo.

"Magpadala ng maraming kawal!" mariing utos ni Haring Agnol.

Agad akong tumalina ng tayo dahil sa paghila ni Simone sa kawal na nakaluhod at seryosong tumingin sa akin.

"Sasama kami." malamig na sambit ni Simone, at hindi pa man ako nakasasagot at nakababawi sa pagkagulat ay dinala na nila ang kawal na naguguluhan.

"Ngayon ko lamang nakita ang kawal na 'yon, sino ang apat na 'yon?" tanong ni Prinsipe Iro.

"Tss. Hindi mo na kailangan pang alalahanin 'yan, Iro." malamig na sagot ko.

"Tila may kakaiba sa pakikitungo mo sa apat na 'yon, aking kapatid." sambit ni Rael na ngayon lang nagsalita, nginisihan ko ito.

"H'wag mo akong simulan, Rael, hindi pa ako nagsisimula sa'yo." makahulugang banta ko at tumayo.

"Sasama ako sa pagsagip sa mga naroon." sambit ko.

"Kami rin." sabay na pagtayo ni Lucien at Hasil, tinanguan ko ang mga ito. Sabay naming nilisan ang kwarto.

"Sana ay maayos lang si binibining Cane." nag-aalalang sambit ni Lucien.

Sana nga...

Nang makarating kami ay hindi ko inaasahang hindi simpleng pagguho lang ang nangyari dahil parang hindi na mabubuhay ang sinumang nabagsakan no'n.

"Damn! Hurricane!"

Nanlamig ako nang makita ang nakakatakot na itsura nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na nahihintakutang nilalayuan ng mga kawal. Bumagsak ang malakas na ulan, walang tigil nilang binabayo nang malalakas na pwersa ang mga malalaking bato gamit ang mga malaking palakol na hawak nila.

Dumudugo na ang mga kamay nila ngunit wala silang pakialam. Si Simone na parating seryoso ay hindi mo kakayaning salubungin ng tingin sa dilim ng mukha. Si Lihtan na inosente at kalmado parati ay hindi mo makikila sa sobrang dilim ng mukha. Si Tenere na laging may ngisi at ngiting mapaglaro ay nakakatakot din ang dilim ng mukha at si Taki na laging masigla at nakatawa ay tiim-bagang na nang-gigil din sa paghampas.

Hindi ko namalayang hindi lang ako ang nakasasaksi no'n. Maging ang mga makakapangyarihang Hari, mga natirang Prinsesa at Prinsipe sa Hydor.

"Cane! Cane!" paulit-ulit nilang sigaw na mababakasan ng matinding takot, panghihina at pagkataranta.

At kahit na umuulan ay nasisiguro kong umiiyak sila sa pamumula ng mga mata nila.

Huminga ako nang malalim at tumulong sa paggiba ng mga naglalakihang bato. Nasa loob ang kapatid ko at si Cane.

"Cane! N-Natatakot ako." sambit ni Taki at nakita ko ang panginginig ng mga kamay nito maging nina Simone, Tenere at Taki.

Bahagya akong natigilan...

Sumunod si Prinsipe Hasil at Lucien sa paggiba. Sa unang paghampas pa lang ay napaigik na ako at nakakailang hampas na ako ngunit hindi man lang mabiyak kahit kaunti ang bato. Nakita kong ganoon din sina Lucien at Hasil. Ang mga kawal ay ganoon din.

Cane, kailangan mong maging ligtas dahil kinakabahan na ako.

Ilang saglit pa ay maraming kawal na ang tumulong. Nanatiling nakamasid ang aking Ama na si Haring Daimon at ang iba pang mga Hari.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

"Nasaan si binibining Fauna at ang apat nitong Halimaw na may pambihirang lakas?" narinig kong tanong ng isa sa mga kawal.

"Narito na sila!" sigaw ng mga kawal.

Nilingon ko ang mga paparating.

"Nasa loob ang aking anak, iligtas niyo sila." sambit ni Haring Daimon.

Tumigil ang lahat at nakaabang sa gagawin ng mga ito, maliban kina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na walang tigil sa paggiba.

"Ipakita mo Ginoong Guten ang pambihirang lakas ng iyong kamay."

"Tama, maililigtas na sila dahil sa inyo."

Namutla ang ang mga ito habang napapalibutan ng maraming kawal. Nagkatinginan kami ni Prinsipe Lucien at Prinsipe Hasil sa mga nangyayari, dahil hindi ko maintindihan. Kinikilabutan ako sa mga itsura ng mga kawal na sabik makita ang gagawin ng mga ito.

"Ano pang hinihintay niyo? Gusto namin masaksihan!" sambit ng mga kawal at hinila ang mga ito.

Wala namang reaksyon ang mga Hari at iba pang Prinsipe at Prinsesa na seryosong nanonood.

Prinsesa Feya's Point of View

Napatingin ako sa babaeng humawak sa kamay ko na nanlalamig at marahang ngumiti. Nalipat ang tingin ko sa braso nito na dumudugo dahil sa pag-protekta sa akin sa mga gumuho at nagbagsakang mga bato kanina.

"Paano mo nagagawang maging kalmado?" mahinang tanong ko.

"Dahil may darating na tulong." sambit niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango.

"Ang braso mo..." namumutlang puna ni Prinsipe Rodolpo.

"Ayos lang ako, hehehe." sagot ni Cane.

Nahuli kong kanina pang nakatingin ang mga ito kay Cane. Di ko sila masisisi, dahil pambihira ang ginawa nito. Sa aming pito ay siya lamang ang nasaktan.

"P-Paumanhin sa kapangahasan ko nang una tayong magkita, alipin." paumanhin ni Prinsipe Rodolpo.

Napangisi ako. Kung wala kami sa ganitong sitwasyon ay magagawa ko itong inisin. Likas na walang galang ito.

"Walang problema." nakangiting sambit ni Cane na nakapagpangisi kay Prinsipe Rodolpo, parang nakahinga nang maluwag. Napasimangot ako sa bilis magpatawad ni Cane. Dapat pinahirapan niya muna.

"Paano mo nalamang ligtas dito at hindi guguho?" tanong ni Prinsesa Alissa.

"Hula ko lang, hehehe."

Hula?!

Napabuntong hininga si Cane habang nakatingin sa apoy na ginawa niya upang magsilbing liwanag namin.

"Hahaha."

"Bakit ka natatawa?" tanong ko.

"Naalala ko ang mga kasama ko, t'wing nasa harap kami ng apoy ay naglalaro kami at ginagawa ito." nakangiting sambit niya at itinaas ang kamay.

Namangha kami nang makalikha siya ng ibon na lumilipad sa anino.

"Mahal na mahal mo talaga sila." wala sa sariling sambit ko dahil sa kislap ng mga mata nito habang nagku-kwento.

"Paano kayo nagkakilala ng mga kaibigan mo?" tanong ni Prinsesa Brena.

"Hindi ko sila tinigilan, sa kakulitan ko kaya siguro nabuo kami? Nang makilala ko sila ay kahit unang kita pa lang namin ay hindi ko na sila maiwan-iwan. Parang may parte sa pagkatao ko na hindi mapalagay na iwan sila. Gusto ko lagi silang masaya, kasi sumasaya ako t'wing masaya sila."

Hindi ko mapigilang mapahanga sa babaeng nasa harapan namin. Alam kong hindi lang ako.

"Maswerte sila sa'yo, alipin." sambit ni Prinsipe Mazi na bahagyang kinataas ng kilay ko. Ngayon ko lang din siyang narinig magsalita. Suplado at malamig pa sa yelo ang isang ito.

"Mas maswerte ako sa kanila." tipid na ngiting sambit ni Cane habang nakatingin sa apoy.

"Binigyan nila ng kahulugan ang buhay ko." sinserong sambit ni Cane habang nakangiti nang malawak.

Napatalon kami sa gulat nang biglang mabiyak ang bato na nasa gilid ni Cane.

Bigla na naman niyang hinarang ang sarili sa harapan namin.

"CANE!! C-CANE? NANDYAN KA BA?"

"CANE! NANDITO NA KAMI. NASAAN KA NA!!"

"CANE...CANE!!"

"CANE, NASAAN KA?"

Lumabas kami nang tumakbo palabas si Cane. Napasinghap kami nang makita ang mga kasama niyang basa ng ulan at nabitawan ang mga hawak na malalaking palakol. Duguan ang mga kamay.

"Cane!"

Sabay sabay nilang tinakbo ang kinatatayuan ni Cane at mahigpit na niyakap ng nanginginig nilang katawan si Cane na parang napako sa kinatatayuan. Nakayakap sila kay Cane na parang nakasalalay doon ang buhay nila.

Mula sa pagkabigla ay marahang ngumiti si Cane at hinaplos ang buhok ng mga kasama.

"Tahan na." malumanay na sambit ni Cane.

"Hindi na kami aalis sa tabi mo, Cane." -Lihtan

"Aking binibini, wag mo na kami iiwan. Takot si Taki." -Taki

"Wag mo nang ulit uulitin i-ito, C-Cane." -Tenere

"Ikakadena ka namin." -Simone

"Waaaaaah! Dumudugo ang braso mo, aking binibini." -Taki

"Bakit hindi mo sinabi agad, Cane?" -Lihtan

"Oo nga!" -Tenere

"Ang tigas ng ulo mo." -Simone

Nakangiti lang si Cane habang sini-sermonan ng mga ito. Doon ko lang napansin na natagtag na ang pagbabalat-kayo ng kanyang mukha at nakikita na ang maamo at magandang mukha nito.

At sa pag-ikot ko ng paningin ay doon ko lang napansin ang dami ng nakasaksi.

Huminto ang ulan...umaraw.

"Hahahahahaha, ayos lang ako." tawa nang tawa si Cane. Nang mga sandaling nakita namin ay pagpula ng buhok niya...p-pulang buhok? Pumula ang buhok?!

"Prinsipe Taki." -Prinsesa Veron

"Prinsipe Lihtan." -Prinsesa Alissa

"Prinsipe Simone." -Prinsesa Brena

S-Sandali...Prinsipe?! Sila ang hinahanap ng tatlong Prinsesang ito?! A-Anong nangyayari?!

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga ito. Napatingin ako kay Tenere na nakangiwi at nagkatinginan kami nang bigla akong taasan ng kilay.

Arrrgh! Tss.

Nag-uunahang lumapit ang tatlong Prinsesa. Humarang naman ako. Sa akin napunta ang atensyon ng lahat.

Magaling, Feya.

Tinaasan ko ng kilay sina Veron, Brena at Alissa.

"Kailangan na nilang magamot sa lalong madaling panahon." mataray na sambit ko.

"Mga kawal! Dalhin sila at bigyan ng paunang lunas." utos ko nang hindi inaalis ang tingin sa tatlo na pinapatay ako ng tingin.

Napalunok ako sa isipan ko. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Bakit ko ba ito ginagawa? Nagulat ako nang may humila sa braso ko. Paglingon ko ay ang nakangiting mukha ni Cane ang nakita ko.

"Cane?"

"Kailangan mo ring magamot." sambit niya.

"Wala nama-"

"Cane?" sabay sabay na sambit nina Alissa at Veron habang si Brena ay titig na titig din kay Cane.

"Ako nga, kilala niyo ako?" naguguluhang tanong ni Cane at nakaturo sa sarili.

"Kilala mo siya?" tanong ng tatlo sa isa't isa.

"Hindi ko kayo kilala." sabay sabay kaming napanganga kay Cane at ang mga nakarinig no'n. Nahihiyang napakamot sa ulo si Cane at napanguso.

"Hindi mo na dapat sinabi 'yon, Cane." -Simone

"Ganoon ba dapat 'yon? Hala." -Cane

Hihimatayin ako sa mga sinasabi ng mga ito.

"Paano nila ako nakilala?" naguguluhang tanong ni Cane.

"Bakit hindi mo itanong sa dalawang madaldal?" nguso ni Tenere kay Taki at Lihtan.

"Hehehehe." -Taki

"Kung ganoon ay kaibigan niyo sila?" pumapalakpak na sambit ni Cane at nagniningning ang mga matang nakatingin sa tatlong Prinsesang hindi maipaliwanag ang mukha.

"Magandang buhay! Kinagagalak ko kayong makilala! Ako si Cane!" nakataas ang dalawang kamay na kinawayan niya ang mga ito.

Napakurap kurap ang tatlong Prinsesa. Kahit naman sino ay talagang matutulala.

"Hindi niyo nasabing may mga magagandang Prinsesa kayong kaibigan." sambit ni Cane sa mga kasama at bumaba ang tingin sa mga kamay ng mga ito.

"Kailangan na nating magamot ang mga kamay niyo, tara na." nasama ako sa paglakad nila dahil hawak ni Cane ang braso ko.

Nilisan namin ang lugar, parang wala lang sa kanila na naroroon ang mga Hari, Prinsipe at Prinsesa. Hindi sinadadyang napatingin ako sa babaeng pula ang buhok na si Fauna at ang apat na lalaking kasama niyang namumutla? Ngayon ko lang sila napansin. Bumalik ang atensyon ko sa mga kasama ko.

Ngayong nakalantad na ang tunay na mukha ni Cane, at nakita ng lahat ang mga nangyari ay hindi ko maiwasang kabahan para sa kanila...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro