Pahina 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 42
Sovereign


Hurricane’s Point of View

Ninamnam ko ang nakakaginhawang dala ng mabangong tubig na pinagbababaran ko, may ilang pulang petals ang lumulutang...

Kinuha ko ang isang petal at nakangiting pinagmasdan.

Sa mga sandaling ito ay alam kong natanggap na nila ang pinadala kong mensahe at mahihirapan silang hindi sumunod sa gusto ko.

Sa pamamagitan ni Dino, nagawa ko.

Lumabas ako sa aking silid. Malalim na ang gabi at bukas ay magtutungo na kami sa Dessertum.

"Dino..." tawag ko kay Dino na nakapatong sa sanga at mabilis na lumipad patungo sa likod ng palad kong nakaangat.

"May ipagagawa ako sa’yo, kaibigan." marahang sambit ko at pinakatitigan ang mga mata nito at huminga nang malalim.

Hindi ko itataya sila Simone, Lihtan, Tenere at Taki. Susubukan ko ang lahat ng paraan kahit imposible at malabo at kahit gaano pa ito kadelikado.

"Maaari mo ba itong dalhin sa taong ito?" kinuha ko ang kwintas ko na nakasabit sa leeg ko parati at binuksan kung saan may larawan ng mga magulang ko.

Nakita ko ang pagtitig ni Dino sa larawan at muling tumingin sa mga mata ko na parang pinararating na gagawin niya ang lahat. Napangiti ako at tumango.

Nilagay ko sa paanan ni Dino ang maliit na telang may nakasulat na mensahe gamit ang aking dugo at sa kabilang paa nito ay ang ilang maliliit na litrato.

"Mag-iingat ka, Dino, ah? Ayoko mapahamak ka baka magalit si Lihtan sa akin." pagkausap ko pa. Importante si Dino kay Lihtan kaya nagdadalawang isip pa ako nung una.

Sira na kasi ang selpon na dala ko noon ditto. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil di ko naingatan sa bag ko.

Napabuntong hininga ako at tinanaw si Dino na lumilipad sa madilim na kalangitan.

Nang makaharap ko ang mga Hari sa tangkang pananakop ay palihim na nakahinga ako nang maluwag at napangiti nang makita si Dino na bumalik na mula sa paglalakbay at ipinadala sa akin ang mensaheng dala niya nang nasa kwarto na ako.

'SOVEREIGN'

Tipid na napangisi ako. Marahang pinaglandas ko ang mga kamay habang tinatapik tapik at pumikit.

Kapangyarihan gamit ang digmaan.

Nakakalungkot at nakakatawang isipin ang batayan.

Walang pinagkaiba sa lugar na pinanggalingan ko. Nagpapatayan para sa kapangyarihan.

Ngumisi ako habang nanatiling nakapikit pa rin nang marinig ang paglangitngit ng pinto tanda na may pumasok nang walang pahintulot.

Mabilis na hinablot ko ang kwelyo nito nang makalapit at hinalikan.

Sandaling nanigas ito at kalaunan ay gumanti ng halik. Niyakap ko ang sarili ko sa kanya at mabilis niyang binalot ang basa kong katawan.

"I miss you too, baby." nakadilat at ngiting sambit ko at nilapat ang isang palad ko sa tapat ng dibdib niya kung saan dama ko ang mabilis na tibok ng puso niya.

Muli niya akong binalot ng mahigpit na yakap.

"You're so unfair, you know that huh?" hingal na bulong niya at pagsiksik sa leeg ko.

Napabuntong hininga ako at ngumuso.

"Yes, sorry, Simone. I love you too." sagot ko at sinuklay suklay ang kanyang buhok at nagtagumpay naman akong mapakalma siya.

Nilayo niya ang kanyang mukha sa leeg ko at masama akong tiningnan at bumaba ang masama niyang tingin sa labi ko.

Mabilis niyang tinawid ang pagitan ng mga labi namin at muli akong hinalikan. Hinapit niya pa lalo ang baywang ko.

Mapang-akin ang bawat halik na binibigay niya na sinuklian ko gaya niya. Kinabig ko pang lalo ang batok niya.

Oh...my man is jealous? Dahil ba kanina?

Pfft~!

Siya na rin ang unang kumalas ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makalayo at mabilis muli siyang kinabig muli upang halikan sa mabagal na paraan.

"Binibining Cane? Hindi ka pa tapos?" narinig kong boses ni Prinsesa Andrea habang kumakatok.

Saglit na humiwalay ako at lumingon sa pinto.

"Hindi pa, baka matagalan ako." seryosong sagot ko.

"Ah ganoon ba? Mauuna na kami ni Brena sa kainan." -Prinsesa Andrea

Nang marinig ko ang yapak ng tuluyang pag-alis ni Prinsesa Andrea ay binalik ko ang atensyon sa nobyo kong nakatulala at namumula.

Ngumiti ako nang matamis.

"M-Magbihis ka na..." tatayo na sana siya nang pigilan ko ang braso niya.

"E di balutin mo ako ng yakap para di ako ako lamigin at magkasakit." kunwaring seryoso kong sagot.

Umawang ang labi niya at marahas na napalunok. Hehehe.

"Stop teasing me woman."

"Aww. Paano ka lalabas niya'n basang basa ka?" nakangusong tanong ko nang makaalis na siya sa tubig.

Di siya sumagot at kinuha ang roba kong nakasabit. Nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa mga mata ko nang unti unti akong makatayo. Hindi bumaba ang seryoso niyang mga mata sa katawan ko kahit na may telang nagsisilbing pang ilalim (underwear).

So cute.

"I'm fine. Kumain ka na." mahinahon na niyang sambit at dinampian ng halik ang noo ko.

"Okay sabi mo eh." nakangiting sambit ko at tuluyan nang nagbihis nang makalabas na siya.

Paglabas ko ng silid ay natawa ako nang makita sina Lihtan, Tenere at Taki na nagpapanggap na kawal at kahit na may suot na harang na metal sa ulo ay kilalang kilala ko pa rin.

Nagsisikuhan sila at hindi mapakali. Pfft! Mamaya ko na sila kakausapin. Haharapin ko muna ang mga Hari at Reyna.

"Paumanhin sa paghihintay." sambit ko nang makarating sa kainan. Sa mahabang mesa na puno ng iba't ibang pagkain.

Siguradong magugustuhan nila ito lalo na ni Lihtan. Hihihi.

Natapos ang kainan nang tahimik at may mapanuring tingin.

"Maaari ba akong magdala ng pagkain? Hehehe, ang sarap kasi!"

Naguguluhan man ay napapayag ko sila.

Nakanganga pa sila nang makita ang hawak kong malaking tray na puno ng pagkain.

"Salamat! Mabuhay!"

Habang naglalakad patungo sa aking silid ay tinanguan ko ang apat na bantay at pagpasok ko ay nakita ko ang mga kasama ko na...

"Waaaah! Aking binibini!!!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tray kung hindi mabilis na humarang si Simone.

Natatawang nilapag ko ang tray.

"Cane, ikaw nga." yakap agad ni Lihtan sa akin.

"Waaah! Aking binibini." sunod na damba ni Taki.

Natawa ako nang ilayo ni Tenere ang dalawang mukha ni Lihtan at Taki at pumalit ng yakap.

"Mabuti naman ayos ka lang, Cane." nakangiting sambit ni Tenere.

Huminga ako nang malalim at nakangiting tumango.

"Aking binibini, ang lungkot lungkot ko talaga nang wala ka! Hindi ako makatulog nang maayos. Tingnan mo 'yung mata ko, dapat maawa ka kay Taki!" panunumbong at pangongonsensyang ngawa ni Taki habang inaalog ang kaliwang balikat ko.

Aww! Pi-nat ko ang ulo nito at pigil pigil ko ang matawa nang malakas sa itsura nito na tinuturo ang mata niya.

"Pumayat ako, Cane, tingnan mo di ako makakain nang maayos, di ka ba naaawa, Cane?" dagdag na pangongosensya ni Lihtan na nakakapit din sa kanang balikat ko na parang dapat talaga akong maawa sa kanya.

"BWAHAHAHAHAHA!" -Tenere

Nakita ko ang pag-ngiwi ni Simone kay Lihtan at Taki na parang gusto nang manakal.

"Hahahahaha. K-kasalanan ko nga, mapapatawad niyo ba ako?" ngiting ngiting paumanhin ko.

Sabay nagliwanag ang mga mukha nila at tumango

"Oo naman, Cane, basta wag mo na uulitin ah?" ngaral ni Lihtan at masunuring tumango naman ako.

"Pinapatawad na kita, aking binibini. Pinapatawad ka na ni Taki." muling yakap nito sa akin na parang bata.

"Pingke twer, Cane?" itinaas ni Lihtan ang kamay niya.

"Waaah! Pingke twer." gaya ni Taki.

"Hehehe, pingke twer." hingang malalim at malawak na ngiti kong pagtaas ng kamay ko.

"Sovereign." mahinang basa ni Simone na hawak ang kapirasong tela at seryosong tumingin sa akin.

"Ano 'yan, mahal?" akbay ni Tenere kay Simone habang nakatingin sa hawak nito.

"Alam mo, Cane? Ang weird ni Simone." sambit ni Lihtan.

"Pfft~ weird?" manghang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ni Lihtan at Taki na may kasamang mahinang singhap.

"Hindi mo 'yon alam, aking binibini?" gulat na tanong ni Taki na parang di makapaniwala.

"Huh?" natatawang usal ko.

"Yung weird, Cane yung kakaiba." turo ni Sir Lihtan. Mwehehehe.

"Ahh~"

Nakakaintinding tumango ako at binalik ang tingin kay Tenere na tawa nang tawa at Simone na nakasimangot.

"Totoo 'yon, Cane. Weird si Mahal." binatukan siya ni Simone.

"Isa ka pa."

"Mahal naman ih!"

"Alam mo ba, aking binibini? May humarang sa aming mga kawal ng Tamir nung papaalis na kami kila Reyna Yuka, tapos alam mo ba? Bigla na lang isa isang tumumba!" -Taki

"Hanggang sa makarating kami rito, di kami nahirapan, Cane. Ang weird di ba?" -Lihtan

"Ito pa! Ito pa, aking binibini! Bigla na lang kaming pinapasok nung mga kawal sa labas ng silid mo na ito tapos tapos tapos si Simone sinabihan niya yung mga kawal na wag magpapasok dito! Naguguluhan na talaga akong binibini, weird talaga!" -Taki

Napakurap-kurap ako sa bilis nilang magsalita. Di ko namalayang nakahawak na ako sa dibdib ko.

"W-weird nga."

"Weird ako, weird siya. Bagay kami." seryosong sambit ni Simone.

Pfft~!

"Naku! Simone, h'wag mong idamay ang aking binibini sa pagiging weird mo!"

"What the-" -Simone

"Oo nga, Simone, wag mo idamay si Cane." -Lihtan

"Ako, Mahal, bagay tayo. Mwahahahahahaha!" -Tenere

Napangiti ako sa kakulitan nila.

"Wag kayong mag-alala, kilala ko sila." agad naman silang napatingin sa akin na puno ng katanungan ang mga mata maliban kay Simone na seryosong humiga sa pahingahan ko.

"Anong ibig mong sabihin, Cane?" tanong ni Tenere.

"Hindi ko alam kung gaano sila karami." nguso ko, sa ugali ng mga kapatid kong 'yon...

"...ang totoo niyan bago tayo magtungo sa Dessertum ay nagpadala ako ng mensahe sa pamilya ko. Pinadala ko kay Dino." sumulyap ako kay Lihtan.

"Pasensya ka na, Lihtan"

"Ayos lang, Cane. Maaasahan si Dino." nakangiting sambit ni Lihtan. Nakangiting tumango ako.

"Anong mensahe, aking binibini?"-Taki

"Hehehe." Napakamot ako sa kilay ko. Paano ko ba ipapaliwanag? Sa paraang maiintindihan nila?

"Nagpadala siya ng batas." biglang sambit ni Simone na nakangising nakatingin sa kisame.

"Batas?" sabay sabay na tanong nila kay Simone.

"Batas na proteksyonan tayo, anuman ang mangyari." seryosong tumingin si Simone sa mga mata ko habang nakahiga pa rin.

"Tama ba, Young Goddess?" malamig na tanong niya.

"Simone..." mahinahong tawag ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya at may halong tampo na umiwas ng tingin.

"Nagsisisi akong iniwan ka pero mas magsisisi ako kung makakasagabal kami sa plano mo at suwayin ang batas na nilatag mo nung araw na 'yon. Unang beses. Unang beses mo kaming inutusan at sinabi mong inaasahan mo kami. Paano kami makakatutol?" seryosong sambit ni Simone.

Tahimik lang din sila Lihtan, Tenere at Taki na nakayukong umiwas ng tingin.

"Dahil totoong inaasahan ko kayo nung mga panahon na 'yon at kaya kayo nandito dahil kailangan ko kayo." sabay sabay nila akong nilingon.

Di ko alam pero kumikinang ba ang mga mata nila? Maging si Simone.

"Talaga, Cane? Kailangan mo kami?" -Lihtan

"Waaah! Anong gagawin natin, aking binibini?" -Taki

"Hahahahaha, sabi ko na eh kailangan mo kami." -Tenere

Iniisip ba nilang di ko sila kailangan? Hindi ko alam na...

Iwinaglit ko muna ang mga iniisip ko.

"Ikatlong araw na bukas at kinabukasan no’n ay magsisimula na ang digmaan sa pagitan ng mga Kaharian."

Buong atensyon at seryoso silang nakikinig sa akin.

"Isang pagkakamali ang mga nangyayari."

"Pagkakamali?" tumango ako kay Tenere.

Tumalikod ako sa kanila at walang emosyong kinuha ang metal na pana.

"Masyadong perpekto ang metal na pana na ito." tukoy ko sa panang ginamit ni Haring Arturo.

"Hindi ito gawa sa lugar na 'to." binigay ko sa kanila ang pana.

"Ang mga Hari ng Montanus, Werran Tribe at Bestia ay mga pumalit na Hari, sampung taong na ang nakakaraan." hindi nila nakaharap si Eros at Eve, ang mga magulang ko maliban kay Haring Arturo at Haring Esteban.

Naaalala ko pa nang malaman nila ang tungkol sa pagkatao ko. Ang reaksyon nila na nahuli ko.





"Ikaw ay anak ni Eros?" di makapaniwalang tanong ni Haring Esteban.

"Sino ang taong 'yon, Haring Esteban?" tanong ni Haring Hester.

Nasa hapag-kainan kami nang biglang itanong ni Haring Arturo ang tungkol sa magulang ko. Dahil wala naman akong nakikitang dahilan para itago ay inamin ko.

"Isang kahanga-hangang kaibigan." halos di komportableng sagot ni Haring Arturo at mula sa gilid ng mga mata ko habang sumusubo ako ay nakita ko ang mabilis na pag-sulyap ni Haring Arturo kay Haring Esteban.

"Matagal na kaming walang balita sa iyong ama, binibini. Kamusta sila?" nakangiting tanong ni Haring Esteban.

"Malakas pa rin." tipid na ngising sagot ko at ngumuya nang mabagal. Hindi na nila muli akong tinanong matapos no’n...




"Nasabi mo nga sa amin na nakapunta na ang mga magulang mo rito, Cane. Bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga Haring nakakakilala sa kanila?" tanong ni Lihtan.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam." nakangusong sagot ko, hehehe.

"May koneksyon sila sa labas." tinanguan ko si Simone.

"Tama. Maraming posibilidad, ngunit nasisiguro kong may koneksyon sila sa labas ng bansang 'to."

Huminga ako nang malalim. Hindi ito ordinaryong digmaan.

"Sino ba talaga ang kalaban?" napatingin kami kay Taki na halatang nag-iisip.

"Naisip mo 'yon? May isip ka pala." ngisi ni Simone.

Napangiwi si Taki.

"Ano akala mo sa akin? Walang isip!" -Taki

"Isip bata." -Simone

"Weird ka lang kaya ganoon!" -Taki

"Wag kayo maingay, nagpapaliwanag si Cane para kayong mga bata." saway ni Lihtan.

Eh? HAHAHAHAHAHA!

Pfft~!

"Hahahahahaha. Makinig kayo kay Lihtan mga isip bata." gatong ni Tenere.

Pakiramdam ko kakabagan na ako kakatawa.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.

"Nakilala at naobserbahan ko sina Haring Nix, Han at Hester. Nakikita kong wala silang ideya sa mga pinaplano ni Haring Arturo at Haring Esteban. Napag-alaman kong maraming pagkakataon nang natulungan ni Haring Esteban sina Haring Nix, Han at Hester. Bilang kabayaran ay ginamit nito iyon upang makuha ang suporta ng mga ito sa pananakop."

"Kung ganoon hindi si Haring Arturo?" umiling ako kay Taki.

"Nasa ilalim ni Haring Esteban si Haring Arturo."

"Si Haring Esteban ang kalaban?" -Tenere

"Siya nga at may mas malaking tao sa likod ni Haring Esteban. Mas makapangyarihan at delikado." seryoso sambit ko.

Umupo ako sa magarang upuan na nakaharap sa kanila.

"At iyon ang aalamin natin..." sumandal ako at ngumiti.

"Alam kong susunod kayo dahil kailangan ko kayo. Hindi ko rin hahayaang mawala kayo sa paningin ko habang nasa gitna tayo ng digmaang ito. Magtiwala kayo sa akin dahil may tiwala rin ako sa inyo."

Sabay sabay silang nakangiting tumango sa akin.

"Magaling, magsimula na tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro