Pahina 53

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pahina 53
Immortal Gods


Hurricane's Point of View

Nakita ko ang ama kong nakatingin sa digmaang nagaganap. Nasa mataas na tore kami ng Mysterium. Naglakad ako patungo sa tabi ng aking ama na sa mga oras na 'to ay ramdam ko ang kaseryosohan. Suot nito ang maskara na sinusuot lamang nito sa t'wing magtutungo siya sa isang laban na tatatak muli sa kasaysayan ng Underworld.

Tiningnan ko ang nagkalat na tauhan ng aming organisasyon. Ang mga reapers, ninja, assassins at maging ang mga malalakas na gang.

Hindi ko inaasahan ang bilang ng mga apektado, kumalat ang virus sa lahat ng kaharian. Maging ang mga kawal na namatay sa digmaan, sa hindi inaasahan ay biglang nabuhay na kahit tadtarin ng ordinaryong bala ay hindi tumutumba at higit sa lahat triple ang bilang ng mga ito kumpara sa mga tauhan ng organisasyon.

"When you were a child, I was always worried. You don't like asking for help. You always do things on your own and sometimes I'm wondering what's going on your mind. You are really like your Mother." napangiti ako habang nakikinig.

"Daughters cause so much worry." buntong hininga nito pinatong ang kamay sa ulo ko habang nananatiling nakatingin sa digmaang nagaganap.

"I'm always feeling sorry for you. Look how dangerous and ruthless the world we are living. I did not want this kind of life for my family."

I know, Dad...

"My child."

"Yes, Dad."

"What do you think of becoming a God?"

Natigilan ako sa tanong na narinig ko. Ito ang unang beses na nakarinig ako ng tanong na napakalabong mangyari. Napanguso ako, is he testing me?

"I don't like to be a God, Dad. Hehehe!" sagot ko na lang dahil hinihintay nito ang magiging sagot ko.

"Hm, why?" kalmadong tanong ng aking ama. Tumingin ako sa digmaang nagaganap.

"Dahil isa lang akong tao, at masyadong mabigat ang responsibilidad." tiningnan ako sa mga mata ni Eros Thurston, ang aking Ama

"Tama ka, mabigat na responsilidad iyon. Paano kung para maprotektahan ang gusto mong pangalagaan ay kailangan mong tanggapin ang mabigat na responsibilidad na 'yon?" dinagundong ako ng kaba dahil sa Tagalog na tanong ng taong kaharap ko dahil sa oras na magsalita ito ng ganito ay seryoso ito.

"Paano kung para manalo ay kailangan mong maging ganap na panginoon?" seryosong tanong muli nito.

"What are you talking about there?" nagising ako sa pagkatulala nang marinig ang boses ng aking ina.

"M-Mom." lunok kong tawag dito.

"Hey, Eros! Anong pinag-uusapan niyo nang seryoso? Ba't hindi mo 'ko sinasali?"

"Wife, come here. Let me hug you."

"Wag mo akong idaan sa panlalambing mo!"

What do you mean, Dad?

Pakiramdam ko, napakalalim at puno ng kahulugan ang mga sinabi nito sa akin. Tiningnan ko ang mga magulang ko, sa kanila ako nagmula at may mga panahong napapaisip ako kung sino sila?

May ideya ako tungkol sa ninuno ng aking ina pero misteryo pa rin ang pinagmulan ng aking ama.

I knew he is the Master of all the leaders and bosses. Everything is under his command. Yun lang ang alam ko.

Umalis ako nang hindi nila namamalayan. Kailangan ko nang magsimula sa plano ko. Sa sarili kong plano. Hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi ng aking ama.

Napatigil ako nang makarinig ng kalansing ng espada at tunog ng baril. Natigilan ako nang makita ang mga kapatid ko na tinuturuan sina Lihtan, Tenere at Taki kung paano gamitin iyon. Nagpakawala ako ng buntong hininga at tipid na napangiti.

Mukhang magiging ayos lang sila.

'Binibini.'

(Anue?) Laking gulat ko nang marinig ko ang boses nito dahil ang tagal ko nang walang balita.

'Narinig ko ang sinabi ng iyong ama. Hindi ako makapaniwalang makakaharap ko muli ang nilalang na iyon at higit sa lahat, siya ang iyong ama.' malamig na sambit ni Anue Knight.

'May ideya na akong siya at ang nilalang na nasa isip ko ay iisa ngunit hindi pa rin ako makapaniwala nang makumpirma.' seryoso muling litanya nito.

(Sabihin mo sa akin, anong nalalaman mo tungkol sa aking Ama?) Hindi ko maiwasang kabahan.

'Kilala ang iyong ama sa mundo ng mga immortal, binibini.'

'Kilala ang iyong ama sa mundo ng mga immortal, binibini.'

'Kilala ang iyong ama sa mundo ng mga immortal, binibini.'

'Kilala ang iyong ama sa mundo ng mga immortal, binibini.'

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa nakaawang kong labi. Muntik pa akong maduwal sa kinatatayuan.

"What the..." singhap ko.

(Yan na siguro ang pinakahindi kapani-paniwalang narinig ko sa buong buhay ko, Anue Knight.)

Narinig ko ang buntong hininga nito.

'Hindi ko masisisi ang reaksyon mo, binibini. Dahil tulad mo, hindi rin ako makapaniwala. Kaya hindi kita maharap. Ako na ang pinakamapalad na Knight sa aming henerasyon!'

"Cane?"

"Cane!"

Gulat na napatingin ako sa sumigaw. Nakita ko sina Lihtan, Tenere at Taki na nag-aalalang nakatingin sa akin samantalang nakatingin nang seryoso sa akin ang mga kapatid ko.

"Did I ever say that our family are amazing, brothers?" hindi makapaniwalang sambit ko, kumunot ang noo nina Storm, Rain at Thunder.

"We already knew that, you just realized it now?" nakangising tanong ni Thunder at pinag-krus ang bisig.

Ngayon ko lang napansin na puro sila walang suot pang-itaas at pawisan. Napasulyap ako sa mga nakabantay sa bawat sa pasilyo, ang ilang mga babae naming tauhan ay hindi nakaligtas sa pamumulala habang nakatulala sa mga lalaking ito.

These sinfully sexy beasts.

Hindi nila alam ang epekto nila sa paligid.

"Bakit hindi na muna kayo kumain at magpahinga?" baling ko kila Lihtan.

"Sasabay ka sa amin kumain, Cane?" -Lihtan

"Sasamahan muna kayo nila Storm. May kailangan akong kausapin." pinat ko ang ulo nilang tatlo, nakangusong tumango sila.

Pinanood ko ang pag-alis nila at pumasok sa training room na pinanggalingan nila kanina. Napangiwi ako sa lasog lasog na punching bags, pati ang iba't ibang makinarya. Kinuha ko ang espada ko sa tagiliran ko.

Sumalamin ang repleksyon ko sa espada.

(Anue Knight.)

Winasiwas ko ang espada ko.

'Binibini.'

(Ipagpatuloy mo ang kwento.)

'Patawad, ngunit hanggang doon lang mailalahad ko, binibini.)

(Huh?)

Napatigil ako sa diretsong tutok ng espada.

(Anong ibig mong sabihin?)

'Mahigpit ang restriksyon patungkol sa katauhan at sa mga impormasyon na may kinalaman sa mundo ng immortal, binibini. Sa oras na magsalita kaming mga hindi karapat-dapat ay siyang katapusan namin.'

Nahimigan ko ang kilabot ni Anue Knight.

(Kung ganoon, isa ba sa mga immortal ang ama ni Simone?)

Pinagpatuloy ko ang pagwasiwas ng espada ko, ilang segundo bago ito sumagot.

'Tama, isang immortal ito.'

Alam kaya ito ni Mom?

'May paraan kung gusto mo malaman, binibini.'

(Anong paraan?)

'Magtungo ka sa mundo ng mga immortal.'

Natigilan ako sa sinabing 'yon ni Anue Knight.

(Anue Knight, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Paano ako makakapunta roon?)

'May isang dahilan kung bakit ko ito sinasabi kahit napaka-delikado, binibini. Ayoko man ito ipaalam sa'yo ngunit...'

'-nasa mundo ng mga immortal si Ginoong Simone.'

"Anong ginagawa niya ro'n?!"

'Bilang isang 'Knight' may kakayahan akong magtungo sa mundo ng mga immortal dahil ako'y isang soul o kaluluwa na lamang.'

Kung ganoon, iyon ang dahilan kung bakit parang may kakaiba sa espada ko. Hindi ko maramdaman ang presensya ni Anue Knight.

'Ang mga Immortal Gods ay may mga sariling Realm at ang pinamumunuan ng Ama ni Ginoong Simone ay ang Dark Realm, ang nangunguna ngayon sa mundo ng immortal.'

Napasapo ako sa noo ko, parang sasabog ang utak ko sa dami ng nalaman ko. Pinakalma ko ang sarili ko at pinroseso ang mga nalaman.

(Paano ako makakapunta roon?) Mahinahon kong tanong. Kung nandoon nga si Simone, mas lalong kailangan kong pumunta.

'Hindi lang ikaw, binibini, kailangan mong isama ang tatlong halimaw dahil sila ang magdadala sa iyo roon.'

"Anong ibig mong sabihin?"

'Dahil espesyal ang iyong mga kaibigang halimaw, sila ay nabibilang sa Monstrous Realm.'

Mons...trous Realm?

"Aking binibini! Dinalhan ka namin ng pagkain." -Taki

"Cane! May dala akong ayskrem!" -Lihtan

"Mga masisibang bata." -Tenere

Awang ang bibig na pinagmasdan ko ang cute kong mga halimaw.

'Sina Ginoong Lihtan, Tenere at Taki ay kagalang-galang na lahi sa mundo ng mga immortal, binibini. Dahil may dugo silang immortal.'

Paulit-ulit na kumurap ako at kahit na gusto kong magsalita ay hindi ko maibuka ang labi ko at hindi ko mahanap ang boses ko.

"Cane? Ayos ka lang?" walang muwang na tanong ni Lihtan.

"Hah..ah?"

"Alam ko na! Gusto mo, subuan ka namin?" pinasok ni Taki sa bibig ko ang hawak niyang sandwich.

Bigla akong nabulunan!

Natatarantang tiningnan nila ako.

"Tubig, kumuha ka ng tubig! Bilis Taki!" -Tenere

"WAAAAAH! TUBIIIIG!" mabilis na nakabalik si Taki at may hawak na tubig.

"Ayos ka na ba, Cane? Gusto mo bang sapakin ko si Taki para sa'yo?" -Lihtan

"O gusto mo sipain ko na rin, Cane?" -Tenere

"U-UWAAAAAH!!! Aking binibini!" -Taki

Nakatulalang pinanood ko sila at natatawang napasapo muli sa noo. Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyong nalaman ko. Napakaraming bagay ang hindi ko alam sa mundong ito. Sa palagay ko ay kailangan ko nang masanay.

"Pfft~ Okay, tigilan niyo na si Taki. May sasabihin ako sa inyo. May pupuntahan tayo."

Sabay sabay na nagliwanag ang mga mukha nila.

"Makikita na ba natin si Mahal, Cane?!" -Tenere

"Talaga?! Aalis na tayo?! Waaaah!" -Taki

"Gusto ko na rin makita si Simone, makokompleto na tayo!" -Lihtan

Hinayaan ko silang magsaya. Ngayon ko na lang ulit nakita silang ganito kasaya.

Sa mga lumipas na araw mula nang mawala si Simone, binuhos nila ang mga sarili sa pagsasanay sa tulong ng mga kapatid ko. Mala-impyerno pagdating sa pagsasanay ang mga kapatid ko at bukod kay Simone ay sina Lihtan, Tenere at Taki lang ang nakatagal at nakatapos hanggang sa huling lebel ng pagsasanay.

Tuwang-tuwa pa sina Thunder, Rain at Storm. At dahil ayokong nahihirapan ang mga ito ay muntik ko nang pasabugin ang mga pinakamamahal nilang koleksyon.

Sa huli ay wala akong nagawa nang makiusap si Lihtan, Tenere at Taki sa kagustuhan nilang magpaturo.

"Paano natin mahahanap si Simone, Cane? Hindi ba't nang puntahan natin ang sinabing lugar ni Dr. Marquis ay wala ito roon?" -Lihtan

Bumalik sa alaala ko ang nangyari nang magtungo kami sa Kahariang kinaroroonan ni Simone. Ngunit nang magtungo kami roon ay wala ni isang anino ni Simone ang naroon at wala rin ang tinutukoy ni Tenere na nakalaban nila na kapatid ni Simone. Si Lucifer.

Doon ko nakitang magwala nang todo si Tenere. Tulad nina Lihtan at Taki, nagising na rin ang kapangyarihan ni Tenere.

Si Lihtan na may pambihirang lakas ng kamao, at kayang pumuksa sa isang angat ng kamay at kayang magpaangat ng kamay sa isang kumpas.

Si Taki na kayang itago ang sarili nang hindi nakikita, may pambihirang bilis at malakas na pandinig at amoy. Kayang kumitil nang walang nakakaalam. Higit sa lahat ay ang makamandag nitong dugo na kaya niyang gawing armas.

At si Tenere, na may pambihirang lakas ng mga paa na kaya ring magpaguho at dumoble rin ang lakas nang pagtalon nito at higit sa lahat kaya na rin nitong manatiling naka-angat sa himpapawid. Si Tenere ang nagpaguho sa higanteng palasyo at ang nag-iisang tumapos sa lahat ng mga alagad ng ama ni Simone.

"Alam ko na kung nasaan siya."

"Ang galing ng aking binibini! Sabi sa'yo Tenere eh! Mahahanap na aking binibini si Simone!"

Tiningnan ko si Tenere na nakayuko at kumamot sa batok.

"N-Nasaan si Simone, Cane?" tanong ni Tenere.

Napabuntong hininga ako. Paano ko ba ipapaliwanag?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro