Chapter 16 (Part 3)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

C H A P T E R   S I X T E E N   |   B A T T L E   B E T W E E N   P O W E R S   [  P A R T   T H R E E  ]


Asher's Point of View

This is not seems to be me, ano ba itong nangyayari sa'kin? This is probably the last day here o aabutan kami ng bukas. Ngunit may apat pa akong hindi nalalabanan, same as Neah, dahil lagi ko siyang sinusundan. Before someone can touch her, nilalabanan ko muna. Malulumpo muna sila bago sila makalapit kay Neah.  Hini ako to! Ano bang pake ko sa babaeng yun? That argh.

Palihim ko nalang siyang sinusundan. Hindi nakikisama ang utak ko same as my heart. Baka kasi pag hindi ko siya sinusundan, baka hindi na naman iinom ng medicine, stubborn as always. 

May taong nakasunod sa kanya kaya agad ko itong nilapitan at naglaho kami.

"What the fvck," Mura niya.

"Bakit mo ako hinila?" Inis na tanong niya.

"Fight me first before you can touch her." Sabi ko. Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Really? You cared for her huh?" What? Me cared on that stubborn woman? Tss.

"Does it matter? Why don't you take of your mask you're wearing." I seriously muttered.

Bigla siyang namutla, akala siguro hindi ko alam ang tinatago niya. But not yet, alam kong may dahilan siya oh I mean sila. They're four spies here.

"W-what do you mean?" Nauutal niyang tanong.

"You know what I mean bastard." I won't let him win, lalampahin ko muna siya. Alam ko rin kung bakit sila nandito. The four of them want Neah, at mas matindi pa doon. Close nila si Neah at ang babaeng iyon naman hindi marunong makiramdam.

That's why it's better to be with her always.

Neah's Point of View

Bigla akong nakaramdam ng parang may biglang sumunod sa'kin kaya napatingin ako sa likuran ko pero wala naman. Kaya nagpatuloy nalang ako, malapit ng magtanghali kaya kumain muna ako. Bakit kaya walang nagtatangkang kumalaban sa'kin ngayon? I mean this is probably the last day of the battle or tomorrow.

"Neah, hello!" Bigla akong nagpatama ng apoy sakanya.

Bakit ba naman kasi sya nagugulat.

"Easy Neah." He chuckled.

"Akala ko kung sino." Sabi ko kay Enoch.

Ang bilis namang dininig ng panalangin ko may kalaban na agad ako.

"Shall we?" He said.

Tumango ako at agad na pumusisyon.

Gumawa ako ng shield para sa sarili ko. Mukhang ganoon din siya.

"Neah I will remind you, hindi kita lalabanan ng pisikalan." What? Pareho lang sila ni Kemuel.

"Why?" I asked.

"Maka why ka jan! Basta hindi period." Well that will be his loss.

Pinalindol niya kaya biglang bumitak ang lupa. Lumutang agad ako, nagpalabas ako ng mga ugat ng puno para posasahan ang kamay niya pero napigilan niya ito. Naglaban kami gamit ang mga ugat ng puno walang gustong magpatalo. Bigla akong naglaho at pumunta sa likuran niya. Pinalabas ko ang bow at arrow ko, pinakawalan ko ang arrow at napaaray siya. Umalis ako sa likuran niya at lumipat sa kabila. Nagpakawala ulit ako ng palaso this time napigilan ito ng mga ugat ng puno.

I transform bombs ito earth balls, at sabay-sabay itong pinakawalan. Nabasag ang shield na ginawa niya. Bago pa siya maka gawa ng counterattack ay pina lindol ko na at sunod na nagpakawala ng ugat ng puno at ginapos siya.

"Wha the-- wala kang patawad Neah." Reklamo niya.

Of course, that's me.

Lumapit ako sakanya at dahan-dahan siyang nilason gamit ang invisible flower na ginawa ko. Biglang namutla ang katawan niya, umepekto yata agad ang invisible flower na ginawa ko.

"N-neah, w-what d-did y-you d-do t-to m-me?" Nahihirapan siyang magsalita.

Bigla nalang suyang dumuwal ng mga iba't-ibang uri ng insekto. Hindi ko siya kinulam ha. Gross!

Pinakain ko ulit siya ng invisible flower this time, pampatanggal na iyon ng lason. Nasusuka din akong pinapanood siyang dumuduwal ng mga insekto.

Umalis na ako doon at iniwan siya, pero bago pa ako makalayo ay may kutsilyong paparating sa'kin mabuti nalang at agad ko itong naramdaman. Kaya nailagan ko ito bago pa tumama mapit sa may chest ko, imbis na puso ko ang matamaan iyong tagiliran na tinamaan ni Carla iyong natamaan.

Walang utang na loob pagkatapos ko siyang tulungan. Lumingon ako sakanya at umiling, lumapit ako sakanya.

"Huwag mo akong tirahin patalikod." Seryosong sabi ko.

Well this is a battle, I can't stop him.

Agad ko siyang pinatid, pinuluputan ko ng mga ugat ng puno ang katawan niya para hindi siya makawala.

"H-hey y-you're so cruel." Sabi niya.

"So am I." I replied.

Umawang ang labi ni Enoch sa sinabi ko. Iniwan ko na siya doon, kaya na niya ang sarili niya. Mabuti nga at hindi ko siya pinuruhan. Naglaho na ako doon.

Ginamot ko muna ang sugat ko at pumunta sa puno ng mangga. Pagdating ko doon, may kalaban si Freah and that was Carla. I used invisibility para makalapit sa puno.

Rinig na rinig ko ang mga mura ni Freah na sobrang lutong.

"Fvck let me out in this freaking tree!" Si Freah.

"Give me mangoes first."

"No!" Madaling sabi ni Freah.

"Madali akong kausap, magdusa ka jan hanggang sa may tumulong sa'yo." Sabi ni Carla.

Nagsimula na akong mamitas, bahala sila jan.

"Sino ka?" Tinignan ko si Carla kong ako ba ang tinitignan niya at ako nga.

Agad akong naglaho doon, marami rami na rin naman ng nakuha ko. Kasya na siguro to para mamayang hapon at bukas ng umaga.

"Neah is that you?" I heard a voice kaya napalingon ako.

That's Eli, puno siya ng sugat kaya agad ko siyang nilapitan ngunit nakaramdam ako pagod at napahawak sa tagiliran ko. Kaya napatigil ako, great! This is the disadvantage because I shut down my other senses para hindi ako makaramdam ng sakit sa sarili.

"May sugat ka Eli." I muttered. I composed my myself para lapitan siya, dahan-dahan akong naglakad papunta sakanya.

"Bakit hindi mo ginamot iyang sugat mo?" Tinanong ko siya nong makalapit na ako sakanya. Malala ang mga sugat niya.

Bigla akong napahawak sa tagiliran ko, ang sakit. Pero hindi ko dapat ipakita sakanya na nasasaktan ako baka mag-alala lang siya.

Ngunit mas pinag-alala ko siya, kasi ang dami niyang sugat. Where did she get that?

"Nasaan ang medicine mo?" Tanong ko sakanya.

"Ubos na." Sagot niya. What? Hindi ko pa nakakalaban si Eli tapos wala na siyang medicine?

Kinuha ko ang medicine ko at inabutan siya, pero inilingan lang niya ako.

"Sa iyo yan Neah, and despite kailangan pa nating maglaban." Sabi niya.

"Kahit na, marami kang sugat kailangan mo pa ng pahinga. Just get this Eli, kahit na magkalaban tayo konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa'yo." Hindi ko hahayaang mapahamak siya.

"Neah huwag na." Ang tigas ng ulo.

Nagpalabas ako ng ibon at inutusan ko siyang maghanap ng mga dahon na maaring makagamot kay Eli.

"N-neah maglaban na tayo para matapos na." Nahihirapan niyang sabi.

"No, magpahinga ka muna." Tutol siya sa sinabi ko, gumawa nalang ako ng paraan para makatulog siya. Hindi pa dumadating ang ibon na inutusan ko. Nasaan na ba iyon?

Tinignan ko si Eli, mahimbing siyang na natutulog parang walang iniindang sakit. Pero yung katawan niya punong-puno ng sugat. Hindi ko matiis na nasa ganitong kalagayan siya kaya linapitan ko siya at kumuha ako ng isang medicine at pinakain sakanya. Tsaka naghilom ang mga sugat niya.

Bigla na namang sumakit ang tagiliran ko, someone appeared on my front. Yumuko ako kasi ang lapit ng mukha niya baka mahalikan niya ako ng wala sa oras.

"Alam mo hindi ka talaga nagtatanda noh," sabi niy at tumabi sa'kin.

Bigla na naman akong nailang.

"Yung iba tinutulungan mo pero yung sarili mo mismo pinapabayaan mo." Bigla namang dumating ang ibon ko dala ang dahon na maaring maka gamot sa'kin.

Ayaw kong makipagtalo sakanya, nakakarindi siya. Kaya lumapit nalang ako sa ibon at kinuha ang mga dahon. In a snap of my finger the bird disappeared.

May kumuha ng dahon na nasa kamay ko.

"Lumapit ka sa'kin," Sabi niya, umatras ako.

He's back with his cold aura again, bakit ba siya ganito. Mukha siyang nag-alala na hindi sa'kin, umatras ako.

"Sabi ko lapit, hindi atras," Oh Neah sasabunin ka na naman nito. Makinig ka nalang.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sakanya ng bigla niyang hapitin ang bewang ko. Napaaray ako ng tumama ang dahon sa sugat ko.

"The pain will ease later." He whispered on my ears.

Bigla siyang tumingin sa'kin at ngumisi tsaka niya ako binitawan. What was that?

"Thanks." I muttered.

"Magpahinga ka na." Bigla akong nakaramdam ng antok pagkatapos niyang sabihin iyon sa'kin.

Hapon na ng magising ako, nilibot ko ang paningin ko. Nandito parin ako kung saan ako iniwan at ginamot ni Asher. Minsan talaga hindi ko siya mabasa.

"Neah." Nakarinig ako ng boses sa likuran ko kaya lumingon ako. Nakita ko si Eli na may dalang pagkain.

"Eli ikaw pala." Akala ko umalis na siya.

"Neah, salamat sa paggamot sa'kin." Sabi niya. I smiled at her and muttered "you're welcome."

"Eto pagkain, bilang pasasalamat ko sa'yo." Sabi niya.

"Thank you." Sabay kaming kumain na dalawa sa dala niyang pagkain.

Dati akala ko talaga normal lang yung mga kaibigan ko sa mortal world but it turns out na nandito din sila. Magkasama kami ngayon. It's really expect the unexpected. Natapos kaming kumain, tsaka nag-aya si Eli na maglaban na kami.

She's right tho, hindi pa kami nakakapaglaban. Tumayo na ako, sumunod din siya, hindi ko siya pwedeng lagyan ng maraming sugat dahil mahihirapan akong gamutin siya gamit ang mga dahon na meron ako ngayon.

Biglang lumakas ang hangin sa paligid namin, agad akong gumawa ng shield para sa sarili ko. Ganon din si Eli, siya ang unang umatake sa'kin hininaan niya ang hangin na nasa katawan ko. I did a counterattack hindi ko pinayagang makalabas ang eagle niya.

Sunod kong nilabas ang air bow at arrow ko, medyo nagulat siya sa pagpapalabas ko. Nilagyan ko ng tatlong palaso ito at hindi ko siya pinatamaan kung hindi sa kaliwa niya papunta ang isang palaso habang ang isa naman sa kanan at ang isa papunta sa taas.

Mukhang nakahinga siya ng maluwag sa ginawa ko, I saw curiosity in her face. Hindi niya yata mapapalabas ang air eagle niya.

"How?" She asked cluelessly.

Dahil sa ginawa ko pinalakas niya ang hangin dahilan upang matangay ako at hindi pa siya natapos doon gumawa siya ng hurricane at pinatama ito sakin.

Nabasag ang shield ko sa lakas ng impact ng hurricane buti nalang at nailagan ko at kaliwang braso lang ang natamaan ko dahil kung hindi baka wala na akong malay ngayon.

Naglaho ako at pumunta sa likuran niya agad naman niya akong naramdaman dahil hangin ang kapangyarihan niya. Walang tinatago ang hangin sakanya.

Gumawa ako ng palaso na may blades at pinakawalan ko ito sunod akong nagpakawala ng air blades papunta sakanya. Nililihis ito ng hangin na kapangyarihan niya.

"Eli watch out." I said napatingin siya sa likuran niya. Napangisi ako Naglabas ako ng air blades at pinakawalan ko ito kasabay ng tatlong palaso. Nanlaki ang mata ko pagkatapos, Natamaan siya sa tagiliran niya pati narin ang kanang paa at braso niya may nakatusok na air blades ngunit ang isang palaso ay nakabaon sa tagiliran niya.

I want to cursed myself napasobra ata ako. Wala na siyang gamot tapos iyon pa ang ginawa ko sakanya. Natumba siya kaya agad ko siyang pinalutang bago pa siya mapunta sa buhanginan. Nilapit ko siya sa'kin tsaka ko siya nilapag.

"Eli," I tried to wake her up.

"Eli I'm sorry, wake up please," I muttered.

Naglabas ulit ako ng ibon at inutusan siya.

"Please come back as soon as you can, my friend needed those leaves." I said.

Umalis na ang ibon, tinignan ko si Eli ang dami niyang sugat dahil sa'kin. Pinatong ko nalang ang mukha ko sa tuhod ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Neah know the purpose of your power." Inangat ko ang tingin ko para hanapin iyong nagsalita. Pero wala akong nahanap.

What's the purpose of my power? To fight the darkness that's the purpose I think. Naalala ko na ang Diyosa pala ang nagsabi sa'kin niyan. Peri sabi niya may mas malaking purpose pa ang kapangyarihan ko. Hindi niya ako binibigyan ng kasagutan hanggang ngayon. Sabi niya ako lang makakasagot nito.

"What the hell." Nakarinig ako ng taong nagmura kaya agad akong nabalik sa ulirat.

While having those thoughts I almost forgot Eli.

"Eli wake up!" Pagyugyog sakanya ng kapatid niya.

"I'm sorry." Napayuko ako habang sinasabi iyon.

"Don't this is a battle, nagawa ko din iyan sa kapatid ko nasugatan ko din siya. Pero hindi ganito ka lala. Fvck where's her medicine?" Si Enoch.

"Ubos na daw, kaya nag-utos ako ng ibon para kumuha ng mga dahon na maaring makatulong sakanya." Sagot ko.

Napamura ulit siya.

"Thank you, but you can leave my sister to me." He give me an assuring look kaya tumango nalang ako.

Umalis na ako doon, hoping that Eli will be well. Hindi ko alam kung saan ako nakarating pero ang daming apoy na nakapalibot dito. Naamoy ko ang pabango niya kaya agad ko siyang hinanap.

"Chance," Nagulat siya kaya pinatamaan niya ako ng fire ball. Buti nalang at nailagan ko iyon.

"Easy." I chuckled

"Neah, I almost hurt you." Sabi niya.

"Ayos lang hindi naman ako natamaan." Sabi ko.

"Why you're here? Are you going to fight me?" Diretsong tanong niya.

Hindi ko naman talaga plano na pumunta dito, naglaho lang ako tapos dito ako napunta. Well do I have a choice? Siya at si Asher nalang ang hindi ko nakakakalaban.

Natatakot akong kalabanin silang dalawa sa hindi malamang dahilan.

"Neah I'll let you used any kind of power." He said.

Agad akong pumrotesta ss sinabi niya.

"No I'll used fire to be fair with you." I said.

"You don't have to Neah."

"I have to Chance." Hindi ako nagpatalo sakanya.

"Neah hindi kita kayang saktan." He said.

Likewise Chance.

"K-kailangan, this is a battle." Yumuko ako, baka mahalata niyang nauutal ako.

Pumusisyon na ako, pinrotektahan ko ang sarili ko. Ganon din ang ginawa ni Chance pero nagtitinginan lang kami sa isa't-isa. Walang gumawa ng unang atake. Dahil alam kong hindi siya gagawa ako na ang unang gumawa. Gumawa ako ng malaking fire ball para tupukin ang shield niya.

My plan did work kaya madali kong natupok ang shield niya. Agad na gumawa ng counter attack si Chance nagpakawala siya ng malakas na apoy sa gawi ko, lumutang agad ako at naglaho. Pumunta ako sa likuran niya at nagpakawala ng fire blades.

Nailagan niya ang fire blades pero hindi niya nailagan ang fire bomb na ginawa ko kaya napaso ang halos kalahati ng kaliwang braso niya. Hindi ko gustong tignan ang ginawa ko kay Chance.

Dahil hindi ako mapakali hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Bigla akong nailang kaya umatras ako. Ngunit nahawakan niya ang bewang ko at niyakap.

"I'm not going to hurt you, I promise." He whispered.

Teka nga bakit niya ba ako niyakap?

Hinawakan niya ang kaliwang braso ko na may sugat. May naramdaman akong kirot pero agad ding nawala iyon. Ang braso ko na yon ay may sugat dahil sa laban namin ni Eli. Biglang humiwalay si Chance sa'kin.

Tinignan ko ang braso ko, how did he do that?! Nawala ang sugat ko.

Pati narin ang sugat sa braso niya.

"Paanong?" I asked cluelessly.

"It's for you to find out." He replied.

Tsaka siya naglakad paalis, sandali hindi pa tapos ang laban namin.

"Chance wait, we're not yet done!" I shout.

"Tapos na Neah, natamaan mo na ako, hindi nga sabi kita kayang saktan." Tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Chance we're same but this is a battle. But that's your choice, wala akong magagawa.

"Bakit hindi nalang tayo?" Napalingon ako sa nagsalita. Ang dilim ng aura niya, para siyang galit.

"Gusto mo ng kalaban diba? Then let's have a battle," He said seriously.

Bigla akong kinabahan sa mga binitawan niyang salita. Ang seryoso kasi niya.

"Iniwan ka na niya at wala na siyang balak na balikan ka, and I'm the only choice who's willing to fight you." Pagpapatuloy niya.

Walang siyang pasabi at bigla-bigla nalang diyang nagpakawala ng air knives.

"Fine, let's have a battle." I said.

Kahit kinakabahan ako hindi ko iyon pinakita sakanya. Gumawa ako ng air tornado at sa loob nito ay mga invisible bombs. Sa oras na matangay siya puputok ang bomba sa loob it's up to him kung paano siya makakalabas.

Pero hindi ko inakala na makakagawa agad siya ng counterattack and guess what? He also made a tornado. Bigla kong naalala na maari siyang makabasa ng mga iniisip ko. Great Neah! Agad ko itong sinarado.

"You'll lose I assure you that." He said.

"I'm not going to win but I'll going to beat you." I murmured.

Gumawa ako ng bomba at pinamukha ko itong air balls. Pinakawalan ko ang mga ito at nilabas ko ang pana at palaso ko pinatamaan ko ang isa sa mga bomba at pumutok ito kaya pareho kaming napaatras. I tried to nullify his eagle, pero nahihirapan ako kasi masyado itong malakas.

Sa oras na napalabas niya ang eagle niya kawawa ako, at mapipilitan akong gumamit ng iba't-ibang kapangyarihan para talunin siya. Nagtitinginan lang kaming dalawa. Biglang tumaas ang gilid ng labi niya. I feel my heart beast so fast, hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.

Bigla siyang naglaho, kaya mas lalo akong kinabahan. Pinakiramdaman ko siya ngunit wala siya sa dito. Dahil sa inis ko nagpakawala ako ng malakas na hangin. Dahilan upang tangayin ang ibang puno at nag form ito ng tornado. Ang buhangin rin ay tinatangay nito. Oh no what the hell I've done?

Kasal-anan to ni Asher dahil tinakasan niya ako.

"What the--" nakarinig ako ng mura sa tabi ko kaya nagtapon ako ng air blades.

"Shit!" Ang lutong ah, nakita ko siyang hinahawakan ang braso niyang dumudugo.

Naramdaman ko na para akong tinatangay tangina bakit ako nadadadamay? Pinipigilan kong matangay ako sa abot ng makakaya ko.

"Hold my hands," he said.

Walang pag-alinlangan akong huwamak sa kamay niya

"Control your power!" He shouted.

Na co control ko naman ang kapangyarihan ko ah.

"Damn! Yung emosyon mo!" He shouted again.

"Pwede bang wag kang sumigaw." Inis kong sabi.

Bigla niyang hinapit ang bewang ko at mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa niya. My heart beat so fast, He damn kiss me! 

Hindi ako naka react.

'Hold my hand,' he talk to me through mind.

'Damn hold my hand Neah, oh gusto mong dalawa tayong mamamatay sa ginawa mo.' Inis na wika niya.

Napahawak ako sa kaliwang kamay niya dahil ang kanang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko. Nakahalik parin siya sa'kin, gusto ko sanang tapusin ang paghalik niya sa'kin pero pinigilan niya ako.

Parang may dumaang kuryente sa kamay naming magkahawak papunta sa katawan ko at umakyat ito papunta sa labi ko. Hanggang sa naramdaman kong parang nagsalita si Asher sa gitna ng paghalik niya sa'kin.

"Por el beso,
Ella estará tranquila.
Sellado eso,
Hasta que los desastres que ella hizo desaparecer." Kasabay ng paghiwalay ng labi niya sa labi ko ay nawala ang ginawa ko.

(Because of the kiss,
She will be calm.
Sealed it,
Until the disasters she made disappear.)

Madiin ko siyang tinignan, sinalubong niya ang tingin ko.

"I will not going to explain," I said.

"Gamutin mo ang sarili mo." Tsaka siya naglakad paalis.

Pero pinigilan ko siya, I paralyzed half of his body. Kinuha ko ang meds na natira ko, isa nalang ito. Kaya agad ko itong sinunog.

Agad siyang nagmura ng napakalutong dahil sa ginawa ko.

"Explain." I seriously muttered.

"Wala akong ipapaliwanang Neah." Matigas na sabi niya.

"Magpapaliwanag ka o iiwan kitang ganyan? The choice is all yours." Seryoso ako sa sinasabi ko.

Bakit kailangan niya akong halikan? What's the purpose.

"Speak!" I almost shouted.

"Bakit kailangang sunugin mo pa ang gamot mo? Tanga talaga." He tried to change the topic but I won't let him.

"That's not the issue here Asher." I muttered.

"Ano bang issue dito? Wala naman." Ang sarap niyang sunugin.

"Stop the freaking drama spill the tea, why did you kiss me?!" Galit na sigaw ko.

"Bakit ba ang big deal sa'yo ng halikan kita?" Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako.

"Putangina Asher umayos ka. Bakit kailangang umabot sa halik?" Tanong ko ulit sakanya.

Gusto kong maiyak sa hindi malamang dahilan. Baka nakita niya ang paghalik ni Asher sa'kin, ang gulo ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Kung hindi ko iyon ginawa pareho tayong mamamatay," Tinignan niya ako ng diretso sa mata.

"Hindi basta-basta ang pinalabas mong kapangyarihan kanina Neah. Bago ka sana maglabas ng kapangyarihan mag-isip ka muna, think if how risky it could be." Walang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa sinabi niya.

The fault is still mine, he's right after all. Hindi man lang ako nag-isip sa posibleng epekto. Tanga talaga Neah.

"Now that you know my reason will it change the past?"

"At ang tanga mo rin sinunog mo ang medicine mo," That's explain how dumb I am. Napamura nalang ako ng mahina.

"Gamitin mo ang kapangyarihan mo, para gamutin ang sarili mo." Sabi niya.

Paano? Dahil hindi ko alam kung paano pinakawalan ko nalang siya.

"That won't work." I replied.

"It will."

"Paano?" Tanong ko.

"Think that you can heal yourself, that's the other purpose of your power. Focus." Dahil sa sinabi niya sumagi ulit sa'kin ang sinabi ng Diyosa ng Diwa.

The other purpose of our power is to heal us.

Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro