Kabanata 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 31

Clean and Green

Hindi matanggal ang ngiti ko buong weekend. Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kami na ni Wade! Hindi ko alam kung pagsasabihan ko ba si Coreen gayung mukha atang busy siya.

Mataas pa naman ang panahon. Pwede ko pa siyang kwentuhan sa susunod na araw. Mas naging maalaga ako sa katawan. Hindi ko na nga mabilang kung pang ilang session ko na ngayon ito sa derma. Mas naging conscious ako sa buhok ko. Mejo humaba na ang bangs ko kaya hindi na kailangang matabunan ang mukha. Hindi narin ako tinutubuan ng tigyawat.

Napapangiti ako tuwing nag ti-text si Wade. Madalas siyang mag text. Wala na siyang sakit nang umalis ako sa apartment niya sa araw na iyon. Kaya ang ginagawa niya ngayon ay naghahabol ng mga huling lessons. Studious si Wade. Kahit na matalino na siya at mas mukhang ako pa yug kailangang mag-aral.

Nakakapanghinayang nga dahil isang subject lang kaming magkaklase.

"Iba yung kay Aquinas, iba yung kay Augustine. Tignan mo sa hand-out, may nilagay akong table ng similarities and differences ng dalawa." Sabay turo niya sa mga handout.

Tumango ako. I feel so hopeless. Hinayupak! Ako na nga itong panget ako pa itong bobita! Ba't si Wade nasa kanya lahat? Akala ko ba all is fair in love and war? Bakit hindi naging fair ang panginoon sa pagbibigay ng magandang traits? Bakit sinalo niya ang lahat?

Tumango ulit ako at nagsimulang magbasa sa mga isinulat niya.

Nakapangalumbaba siya at tinitignan akong nagbabasa. Sumulyap ako sa kanya sa taas ng papel. Nakita kong seryoso ang mukha niya.

Kinabahan ako sa titig niya. Ayan na naman kasi... nakakapanindig balahibo. Kahit wala naman siyang ginagawa at nakapangalumbaba lang siya sa tabing pinagmamasdan ako, parang kabayong tumatakbo ang puso ko. Unti-unti pa akong lumulutang sa kinauupuan ko. Naka indian-sit kasi siya sa sahig. Ako naman ay parang palakang nakaupo. Pinapalibutan kami ng mga unan. Study session kuno.

"Tapos, Wade, paano itong-"

Hinawi niya ang hand-out sa kamay ko. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Shiz!

"A-Akala ko ba mag aaral tayo?" Sabi ko nang naramdaman ko na ang kamay niyang pumulupot sa baywang ko.

"Anong gusto mong pag aralan?" Bulong niya sa tainga ko.

Naglakbay ang pag tindig ng balahibo ko galing sa likuran hanggang sa leeg.

Para akong unan na hinagkan niya na lang ng basta-basta at pinwesto sa gitna ng mga hita niya. Hindi siya nakatopless ngayon pero bakit damang-dama ko parin ang kainitan ng abs niya? Kaya nga heat-inducing, diba? Kasi mainit talaga. Shiz! Namamanyak na naman yata ako.

"Ano... Syempre itong Philo." Sabi ko.

"Ah! Tama na muna yang pag-aaral. Kanina pa nga ako hindi nakakapag concentrate dito dahil sayo."

Kumunot ang noo ko nang naramdamang mas lalong humigpit ang yakap niya. Nilingon ko siya para tignan ang mga mata niya, "Tapang talaga nito magsalita pag di ko nakikita."

Ngumisi siya at kumindat.

Nahilo ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Nahilo ako sa bango niya. Nahilo ako sa dimple niyang malalim. Natigilan siya nang nakitang napaawang na ang bibig ko at nakatingin sa labi niya.

"Reina, ugh!" Kumalas siya ng bahagya.

Mas naging klaro sakin ang konting pamumula ng pisngi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin pero agad namang hinila ang magkabilang wrist ko. Hinalikan niya ako. Dahan-dahan, lumalalim bawat segundo.

Dahan-dahan akong humilig sa mga unan. Dumilat ako ng konti at nakita ko ang pagkabigla sa ekspresyon niya.

"Reina..." Malumanay niyang utag. "Sabi nang wa'g mo akong tinutukso."

Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nanigas ako na parang timang.

Suminghap siya at itinigil iyun. Yumuko siya at dahan-dahang umupo ng maayos.

Dahan-dahan din akong umupo ng maayos at pinagmasdan siya. Nakita kong pula ang pisngi niya at tinatakpan niya ang labi niya gamit ang taas ng wrist niya. Hindi siya tumitingin sakin.

Mabilis parin ang pintig ng puso ko. Naiisip ko tuloy kung kaya ko bang gawin 'iyon' kasama siya? Hindi pa nga nangyayari, para na akong baliw sa paghuhuramentado at paninigas.

"Alam kong di ka pa ready, kaya wa'g mo akong tinutukso, Reina." Pagtatampo niya.

Paano na yan? Eh... shemay ang sarao iyang tuksuhin. Pero pakiramdam ko masyado pa kaming mga bata para gawin 'iyon'? O masyado pang maaga ang lahat! Diba dapat tsaka na pag kasal na kami? Alam ko namang marami nang nagawa si Wade kasama ang ibang babae.

"Ang hirap naman nito!" Sabay gulo niya sa buhok niya at tinitigan ako.

Mapupungay ang mga mata niya at seryoso ang pagtingin niya sakin. Napalunok ako.

"S-Sorry kung napapahirapan kita."

"Magaling akong magpigil kung gusto ko, Reina. Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa ba."

Napalunok ulit ako at mas lalong kinabahan.

Hinaplos niya ang pisngi ko, "Pero gagawin ko ang lahat... Ipangako mo lang sakin na ako lang at sakin ka lang kasi sayo ako... simula nang napansin kita."

Mabilis akong tumango.

Bumuntong-hininga siya.

"Lika nga dito." Sabay hila sa kamay ko at yakap niya sakin.

Ang sarap ng pakiramdam pagkayakap siya. Para bang protektado ka. Para bang hindi ka kailanman malulungkot.

"Napag isipan mo na ba ang pagpunta sa amin?" Tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan siyang mabuti.

"Oo. Sasama ako." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "Pinayagan ka ba?"

"Uhm... Hindi ako nagpaalam. K-Kasi alam kong di ako papayagan. Ilang oras ba papuntang Alegria?"

"Hay! Reina! Hindi ka pwedeng pumunta dun nang di ka pinapayagan. Ang akala ko ba magpapa search and rescue kung mawala ka? Tsaka, 9 hours papuntang Alegria."

"9 hours?"

"Oo, 9 hours."

"Parang sa Camino Real lang pala."

"Sinong taga Camino Real?" Nanlaki ang mata ni Wade.

"Huh? May farm kami sa Camino Real. Rubber Plantation. Bakit? Alam mo ang lugar na iyon?"

Nilagay niya ang index finger niya sa labi niya. Ugh! So sexy! God! Why?

Naalimpungatan ako sa makamundong pagnanasa nang...

"Kung ganun! Mag bakasyon ka sa Camino Real! Bayan yan pagkatapos ng Alegria, Reina! Malapit lang samin ang Camino Real!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Wade.

Nang nakarating ako ng bahay, agad kong nai-google ang mga lugar na iyon. At nakita ko ngang magkatabi lang sila sa mapa. Matagal nang nakauwi si mommy at daddy galing doon at mukhang napaayos na nila ang plantation namin para sa negosyo nila. Isa din sa sadya ng mommy at daddy ko sa pagpunta dun ay ang pagtutok sa renovation ng resthouse namin.

"So, we're booked?" Tumaas ang kilay ni Dashiel sa hapagkainan.

Minsan lang kami nagtitipon-tipon buong pamilya sa hapagkainan. Palagi kasing wala si mommy at daddy, pati si Dashiel minsan.

Nagkibit balikat si Noah at natamlay na nakapangalumbaba lang si Rozen habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

"Saan, Kuya?" Untag ko.

"Sa Paris, of course!" Nakangiting sambit ni mommy.

"Game!" Biglang uminom si Rozen ng tubig.

Nakita kong kumunot ang noo ni Noah nang sinabi iyon ni Rozen.

"Game din." Sabi ni Noah.

"M-mom." Napatingin si mommy sakin, "Sasama ba kayo?"

"Hindi, baby. Kayo lang magkapatid. Alam mo naman. Ilang buwan din kami sa Camino Real. Kailangan ni Kuya Dash mag bakasyon. Samahan niyo siya."

"Why, Reina? May problema ba?" Tanong ni Kuya Dashiel.

Umiling ako, "P-Pwede po bang sa country side na muna ako magbakasyon?"

Natigilan si mommy.

"That's a good idea. Pero sino namang sasama sayo? Noah?"

Umiling si Noah.

"Rozen?"

SHIT NOT HIM!

"Nah! Bo-ring." Umirap siya.

Inirapan ko rin si Rozen.

"Ako na lang, mommy! Pwede namang ako lang." Sabi ko agad.

Kumunot ang noo ni mommy, "Saan naman?"

Ngumisi ako ng abot tainga. "Sa Camino Real."

Dahil finals week na, busy ang lahat sa pag-aaral. Hindi kami masyadong nakakapagkita ni Wade dahil sa pag-aaral. Tumatawag naman siya sakin pagkatapos mag-aral. Yun lang talaga ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako ngayon sa mundo. Malamig ang boses niya sa cellphone. Kasing lamig ng boses niya tuwing kumakanta.

Nag papractice din sila madalas nina Noah. Kaso, mas naging malimit sa ngayon dahil sa finals. At nang natapos naman ang finals week, agad lumipad ang mga kapatid ko sa France kaya mas lalong wala silang practice sa buong sembreak.

Nakangiti ako at nag stretch sa kinauupuan ko. Hindi ako sigurado kung anong oras na at ilang oras akong natulog pero nakikita ko na ang bukangliwayway sa taas ng "Welcome to Alegria. Keep this place CLEAN and GREEN."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro