•MMP 14•

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

  "Your hands are cold."
Wika sa akin ni Apollo habang nasa sasakyan kaming tatlo papunta sa mayor's office ng Las Vegas. Hawak hawak nya kasi ang kamay ko.

  "Kinakabahan ako."

  "I'm here."
May bahid ng paniniguro sa boses nya. Pilit akong ngumiti. Kesa magconcentrate sa kabang nararamdaman ko ay inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw ng mga building mula sa bintana ng sasakyan. Kasama namin sa sasakyan si Red na nakaupo sa tabi ni Apollo at si Thorn na nakaupo naman sa passenger seat sa harap.

  "We're here guys."
Narinig kong wika ni Thorn at huminto na ang sasakyan sa harap ng isang establisymento. Ito na siguro ang mayor's office. Lalong lumakas ang kaba ko. Feeling ko nasa lalamunan ko na ang puso ko.

Bumaba na kami. Nanatiling nakaalalay sa akin si Apollo. Inangkla naman nya ang kamay ko sa braso nya habang nakahawak naman ang isa nyang kamay kay Red.

  "Let's go inside?"
Ani nya. Tumango ako. Okay. Kalma Nazli. Shet! Paano ako kakalma kung ikakasal na ako?

Pumasok na kami sa loob. Nakatingin sa amin ang mangilan-ngilan taong nakakasalubong namin.

  "Don't mind them."
Bulong sa akin ni Apollo. Sumakay kami ng elevator. Thorn was the one who pressed the button.

  "Smile Nazli. You look stressed."
Pagbibiro ni Thorn.

  "Thorn."

  "Oh sorry bro. Iyang misis mo kasi parang najejebs."

  "Thorn that's gross."

  "Kaderder ka Thorn."
Sakay ko sa biro ni Thorn. Natawa ito.

Huminto ang elevator. Hudyat iyon na narating na namin ang mayor's office. Pagkalabas namin ng elevator ay sinalubong kami ng isang blonde babae. Marahil ito ang sekretarya.

  "Good to see you again Mr. Diaz and Mr. Anderson."

  "Thank you Alice. Is everything ready?"
Sabi ni Apollo dito.

  "Yes Mr. Diaz. Your lawyers are both inside."
Wika ng babae at iginiya kami papasok ng opisina. Dalawang lalaki ang nasa loob at isang matandang babae.

  "Apollo. There you are, at last."
Wika ng matandang babae na nasa likod ng Mayor's table. Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ito. Ito ang mayor na magkakasal sa amin ni Apollo. Carolyn Goodman. Iyon ang nakalagay sa nameplate nito sa table.

  "Carolyn. Good to see you again."

  "And you must me future Mrs. Diaz."
Baling ng mayora sa akin. She offered her hand for a handshake. Kinuha ko naman iyon.

  "Thank you Madam Mayor."

  "I like her Apollo."
Wika nya kay Apollo. Parang matagal na magkaibigan ang mga ito dahil ganoon na lang ang batian nila. Ipinakilala din ako ni Apollo sa dalawang attorney na nandoon na magiging witness namin.

  "Shall we start?"
Wika ni Apollo. Sumang-ayon naman ang lahat.

At nagsimula na nga ang seremonyas. Nagdasal muna kami. Kasunod niyon ang exchange of vows na manggagaling sa mayor at saka namin babanggitin.

  "I, Phoebus Apollo Diaz, take you, Nazli Torres, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy law, and this is my solemn vow."
Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa kamay ko habang binabanggit nya ang vow. Feeling ko anytime ay tutulo ang luha ko.

  "Ms. Torres, your turn."
Ani ni Mayor Goodman. Parang may bumara sa lalamunan ko. Tumikhim ako.

  "I, Nazli Torres, take you, Phoebus Apollo Diaz, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy law, and this is my solemn vow."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak. Inabutan ako ni Thorn ng panyo. Kinuha iyon ni Apollo at sya ang pumunas ng luha ko.

Pagkatapos ng wedding vows namin ay ang exchange of rings nya. May kinuha si Apollo sa bulsa nya. Isang kwadradong box na naglalaman ng singsing. It's a white gold band.

  "This ring I give you, in token and pledge of our constant faith and abiding love."
Wika ni Apollo at isinuot sa akin ang singsing. Kasyang kasya iyon sa palasingsingan ko. Paano nya nalaman ang sukat ng daliri ko? Kinuha ko naman ang natirang singsing mula sa box at binanggit katulad na vow na sinabi nya. Matapos kong isuot ang singsing sa kanya ay may pinirmihan kaming papeles na nagpapatunay na legal ang kasal namin.

  "And now, I pronounce you husband and wife."
Kinikilig na wika ni Mayor Goodman. Humarap sa akin si Apollo. Teka? Hahalikan...

At nagtago nga ang mga labi namin. It was just a light kiss. But it was my first kiss. Nagpalakpakan naman sila. Maging si Red. Bakas sa mukha ng bata na masaya ito. Kinarga ko ito at hinagkan sa pisngi. Binati kami ni Mayor Goodman at ng attorney ni Apollo, maging si Thorn din.

  "Let's call this a celebration bro. I have this resevation in this restaurant. Magugustuhan panigurado ni Nazli."

Tumingin sa akin si Apollo. Nagkibit balikat ako. Wala naman akong magagawa. Sayang naman ang reservation ni Thorn.

  "Okay then. My wife says yes."
Wika ni Apollo. Nanibago ako sa itinawag nya sa akin. Ang ipokrita ko na kung sasabihin kong hindi ako kinilig. Okay. Kinilig ako ng bongga. Masama ba?

***

After we ate ay bumalik na kami sa suite. Bukas kasi ay babalik na kami sa Pilipinas. Miss ko na din si mama. Kahit ilang araw lang kami sa Vegas ay feeling ko isang taon na akong nandoon.

Nakatulog na din si Red dahil sa pagod. Matapos kasi naming kumain ay dinala kami ni Apollo sa isang park. Doon ay nakakipaglaro kami sa kanya. Para nga kaming ewan dahil nakabihis pa kami. Nakatingin tuloy ang mga tao sa amin. Ang iba pa nga ay binati kami ng congratulations. Marahil nasense nila na bagong kasal kami.

Naligo na ako at nagbihis ng pantulog. Tinabi ko ang damit na isinuot ko. Nakahiga na ako sa kama at pinagmamasdan ang daliri ko na may singsing nang marinig kong may kumatok sa pinto. Bumangon ako at binuksan iyon.

  "Apollo."

  "Sorry for bothering you. Uhm, I just can't sleep. Can I talk to you for a minute?"

  "Sige."
Lumabas ako ng kwarto at sumunod sa kanya. Hinawakan naman nya ang kamay ko.

  "Want a drink?"
Alok nya. Umiling ako. Nagsalin sya ng inumin sa baso nya at uminom.

  "Anong gusto mong pag-usapan?"
Tanong ko. Umupo ako sa sofa habang nakatingala sa kanya.

  "Nazli about the contract."

  "Hmm?"

  "Fvck it."

Narinig kong wika nya. Tumayo ako at hinawakan sya sa balikat.

  "Apollo? Anong problema?"

  "Fvck Nazli."

He cupped my face ang kissed me. I was shocked. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinunod ko ang sa tingin ko ay tama. I wrapped my hands around his nape. I kissed him back. Alam kong mali dahil wala naman iyon sa kontrata. Pero bakit ko ba iniiisip ang kontrata?

Lumalim ang halik na ibinigay nya sa akin. He carried me, not breaking the kiss. Namalayan ko na lang ay nasa kwarto nya na kami. Inihiga nya ako sa kama.

  "Tell me to stop Nazli. Please."
His voice croaked. May mumunting tinig sa isip ko na mali ang ginagawa ko. Pero mas nanaig ang sigaw ng puso ko na sa tingin ko ay tama.

  "Don't stop."

What the hell I am thinking?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro