•MMP 17•

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

  "Omg bes! This is it! Gagraduate na tayo!"
Taas kamay na wika sa akin ni Majho. Halata sa mukha nya ang pagkasabik. Ngayon kasi ang araw ng graduation namin. Isa sa pinakamasaya at malungkot na araw para sa akin.

  "Oo nga, kanina ka pa di mapakali eh."
Natatawang sabi ko sa kanya. Hinawakan nya ako kamay.

  "Bes, alam kong malungkot ka ngayon, hindi mo iyon maitatago sa akin."

Nangilid na naman ang luha ko sa sinabi ni Majho. Tiningnan ko ang paligid ko. Halos lahat ng mga estudyante doon ay kasama ang mga magulang nila. Maging si Majho ay kasama nya ang mga magulang nya at kapatid. Pinunasan ko ang mga mata ko at ngumiti.

  "Alam kong masaya si Nanay kung nasaan man sya ngayon kasama si Tatay, ito ang pangarap nya para sa akin."

  "Kaya wag na nega. Hindi yan nakakaganda."

Matapos kasi ang gabing muntik ako tumalon sa veranda ng kwarto ko sa bahay ni Apollo ay dinala nya ako sa isang psychiatrist. Hindi ko naman aakalaing dadalhin nya ako kay Sir Albert. Noong una ay naiilang ako pero kalaunan ay naging komportable na ako sa therapy ko. He also prescribed me medicine para makatulong sa paggaling ko.

Natanggap ko na din ang pagkawala ni Nanay. Paminsan-minsan ay naaalala ko sya pero sabi ni Sir Albert ay normal lang iyon. Kasama iyon sa proseso ng pagtanggap. At isa pang naging dahilan ko ng paggaling ko ay ang panunumbalik sa pagsasalita ni Red. Sa loob ng ilang linggo ay matatas na ulit ito magsalita. Maging si Apollo ay hindi makapaniwalang nakakapagsalita na ulit si Red. Sa bahay na din ni Apollo ako tumutuloy. Ayaw kasi nyang bumalik pa ako sa dati naming bahay dahil alam nyang malulungkot at iiyak lang ako.

  "Teka. Si sir Apollo ba yun? Yung may kasamang bata?"
Pagtuturo ni Majho sa likod ko. Lumingon naman ako. Heck! Si Apollo nga. Kasama si Red. Lumilingo ang ulo na para bang may hinahanap.

  "And who's the hot guy beside him."
Segunda pa ni Majho. It was Thorn. Anong ginagawa ng mga ito sa graduation nya? Hello? Si Apollo lang naman ang may-ari ng Sherman University.

  "Nazli!"
Sigaw ni Red nang makita ko. Bumitaw ito kay Apollo at tumakbo palapit sa akin.
Pinagtinginan naman si Apollo at Thorn ng mga estudyanteng nandoon.

  "Red!"
Niyakap ko si Red at kinarga. Pinugpog ko ito ng halik sa pisngi. Nalimutan ko namang katabi ko si Majho.

  "Nazli?"

  "Ha?"

  "May nililihim ka ba sa akin?"
Makahulugang wika nya sa akin. Bago ako makasagot ay lumapit sa direksyon namin si Apollo at Thorn.

  "Hey Nazli. Glad we meet again."
Kinindatan ako ni Thorn. Pinandilatan ko ito ng mga mata.

  "Miss Torres."

  "Sir."
Tumango naman ako. Kinuha nya sa bisig ko si Red.

  "See you later Miss Torres."

  "Bye Nazli!"
Kumakaway na sabi ni Red. I also waved back. Hinila naman ako ni Majho sa gilid kung saan wala masyadong tao.

  "Sino Nazli? Bakit ka kilala nung bata? Anak ba iyon ni Sir Apollo? Nazli, I smell something fishy. Tell me Nazi."
Sunod sunod na tanong ni Majho. Huminga naman ako ng malalim.

  "Okay okay. Sasabihin ko na ang lahat."

  "Anong lahat Nazli?"

Lumunok muna ako bago magsalita. Kwinento ko naman lahat kay Majho kung paano nag-umpisa ang relasyon namin ni Apollo. Hindi sya nagsalita at natingin lang sa akin. Nang matapos ako sa pagkukwento ay isang malakas na batok ang natanggap ko sa kanya.

  "Gaga ka talaga kahit kailan. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ha?"

  "Eh kasi natatakot ako eh. Baka magalit ka sa akin."

  "Tingin mo hindi ako nagagalit ngayon sayo?"

Nakangusong wika nya at sinabayan ng irap at halukipkip. Niyakap nya ang kaibigan.

  "Sorry na Mahjo. Sorry kung nilihim ko sayo."

  "Naku talaga Nazli. Kung hindi lang tayo magbestfriend baka hindi lang batok ang aabutin mo sa akin."

  "I love you friend."

  "Ewan ko sayo. Hmp."

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Majho. Mahal na mahal ko ito na para bang kapatid ko na dahil hindi nya ako iniwan nito noong halos mawala sya sarili ko dahil sa pagkawala ng aking ina.

Tinawag na kaming mga graduates upang pumila dahil magsisimula na ang palatuntunan. Nang makapasok sa loob ng auditorium ng PICC ay sinimulan ang graduation rites namin ng  isang dasal. At saka isa isang tinawag ang mga pangalan ng graduates. Habang nakapila ay hindi halo halo ang nararamdaman kong emosyon. Nandoon ang tuwa, lungkot, at excitement. Marahil kung nandoon si Nanay ay hindi magkamayaw ang tuwa nito. Baka nga nagtatatalon pa ito sa tuwa.

Mas lalo akong kinabahan dahil nasa entablado din si Apollo. Dahil sya ang may-ari ng Sherman University, ay kailangan ang presensya nya. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang kaba. Lalo na nang tawagin ang pangalan ko.

Isa isa kong kinamayan ang mga Dean at Head ng Sherman University. Huli kong kinamayan ay si Apollo.

  "Congratulations Nazli."
Bati sa akin ni Apollo.

  "Thank you sir."

Bahagya nyang pinisil ang kamay ko at bumulong.

  "We'll celebrate later my love."

Parang may gumapang na kuryente sa buong katawan ko nang sabihin nya iyon. Napalunok ako at inalala ang nangyari sa amin sa Las Vegas. You are in big trouble Nazli.

Nang matapos ang pagtawag sa bawat pangalan ng mga estudyante ay tinawag ng emcee si Apollo sa platform para sa speech nito. Apollo looks sharp and intimadating. Dahil katabi ko si Majho ay siniko ako nito at kumindat. Napahawak ako sa kamay ko may singsing. I can't believe that this man is my husband.

He discussed how Sherman University started and it's goal and mission. Lahat ay namangha sa speech nya. He even commemorate his late brother and sister-in-law. After his speech ay nagpalakpakan ang lahat. Kahit malayo ay kitang kita kong tumingin sya sa direksyon kung nasaan ako.

***

  "Congratulations Nazli. I'm so proud of you."
Pagbati sa akin ni Sir Albert after ng graduation ceremony. Matapos kasi ang palatuntunan ay maraming nagpicturan kasama ng bawat pamilya nila. Dahil hindi pa makalapit sa amin si Apollo dahil kausap nito ang mga Dean ay si Thorn ang kumuha sa akin ng litrato kasama si Red. Marami namang babae ang nagbubulungan dahil na din sa gandang lalaki ni Thorn. Hindi ko naman sila masisisi. Maging si Majho ay nagpapacute dito.

  "Thank you Sir Albert, sa lahat. Sa pagtulong mo sa akin."

  "I'm always open to help you Nazli."

Naputol naman ang pag-uusap namin ni Sir Albert nang umeksena si Majho sa gitna namin.

  "Picture tayo guys!"

  "Kayo na lang Majho. Ako ang kukuha."

  "Ano ba naman Sir Albert. Ang KJ nyo naman."

  "At ako pa ngayon ang KJ ah."

  "Dali na kasi! Say cheese!"

Ngumiti kami at nagflash ang camera ni Majho. Nakailang picture pa kami dahil na din sa pamimilit ni Majho. Kung hindi ito nilapitan ng mga magulang nito ay hindi ito titigil. Kinongratulate naman ako ng mga magulang ni Majho.

  "Maraming salamat ho tita."

  "Oh sya, mauuna na kami Nazli. Mag-iingat ka palagi."

  "Opo."

  "Oy bes, yung usapan natin ah. Sa susunod na linggo."
Paalala nya sa akin.

  "Oo na. Text text na lang."
Wika ko naman. Muli ay niyakap ako ni Majho.

  "Sige na. May date pa ata kayo ng hubby mo."

  "Shhh."

  "Ay tsuri tsuri."
Humahagikhik na wika nya sa akin.

Lumapit naman sa akin si Thorn at Red.

  "Anong meron next week?"
Tanong ni Thorn.

  "Uhm, job interview namin ni Majho sa isang kompanya sa Makati."

  "Alam na ba ni Apollo na magtatrabaho ka na?"

  "Hindi pa. Humahanap pa ako ng tyempo."
Ani ko dito. Bago kasi ang graduation namin ay nagkaroon ng job fair sa university namin at isa kami sa napili ni Majho sa isang malaking accounting firm sa Makati. Prelimenary interview pa lang ang ginawa sa amin at ang final interview namin ay sa susunod na linggo na. Hindi pa ito alam ni Apollo. Ang gusto nya kasi ay magtrabaho ako sa Diaz Shipping Lines. Ayoko naman doon magtrabaho dahil paniguradong malalaman ng mga empleyadong asawa ko ang big boss nila.

Ilang minuto din naming hinintay si Apollo. Nakita kong nagpaalam na ito sa mga Dean at Head ng Sherman University. Naglakad ito palapit sa amin.

  "Sorry for keeping you waiting."
Wika nya at kinuha ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin ang mga babaeng estudyante doon.

  "Don't mind them Nazli. You already graduated remember?"

  "Oo pero--"

  "Let's go my love."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro