•MMP 22•

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

  "Uy bakla. Lunch time na, di ka pa ba kakain?"
Untag sa akin ni Majho habang abala ako sa pag-eencode. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. It's already 12 pm. Lunch time na nga. Halos isang buwan na nang mahire kami ni Majho sa kompanyang ito. So far maayos naman ang pagtatrabaho namin. Hindi ko aakalaing magiging accounting assistant ako sa malaking kompanyang ito. Si Sir Richard ang Manager namin at under nya kami ni Majho.

  "Eto na. Tinatapos ko lang ito."

  "Sumunod ka na lang sa cafeteria okay?"

  "Sige sige. Susunod ako."
Wika ko sa kanya. Nauna na si Majho sa cafeteria kasama ng mga katrabaho namin. Naiwan naman ako doon. Ako kasi ang nakatoka sa mga payables kaya medyo mahirap magbalanse ng pera.

  "Nazli."

  "Ay kabayo!"
Nagulat naman ako nang may humawak sa balikat ko. It was Sir Richard.

  "Hindi ka pa maglalunch?"
Tanong nya sa akin. Tiningnan nito ang computer ko.

  "Mag-lalunch na Sir. Tinatapos ko lang po ito."

  "Let's go."

  "Po?"

  "I said let's go to the cafeteria."
Hinawakan nya ang kamay ko. Nagitla naman ako sa ginawa nya. Tumayo naman ako at kinuha ang wallet ko.

Sumakay kami ng elevator at nakahawak pa din sya sa kamay ko.

  "Sir."

  "Yes?"

  "Iyong kamay ko po."

  "Oh. I'm sorry."
Binitawan nya iyon. Walang namang umiimik sa aming dalawa. Sa isang buwan kong pagtatrabaho ko doon ay paminsan minsan ay pumunpunta si Sir Richard sa floor namin upang icheck kami. Well responsibilidad naman nya iyon bilang manager ng accounting department. At kapag nagpupunta iyon sa amin ay dumadaan ito palagi sa cubicle ko. Ayoko namang bigyan ng malisya iyon. Isa pa alam naman nyang may asawa na ako. Pero minsan ay inaasar ako nila Majho kay Sir Richard. Iba daw kasi ang tingin nito sa akin. Winawaksi ko na lang iyon.

Tumunog na ang elevator at bumukas iyon. Pagkabukas ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

  "Apollo."
Anas ko. Madilim ang mukha ni Apollo. Para itong galit.

  "Apollo. You're here."
Wika ni Sir Richard sa kanya. Hinawakan ni Apollo ang kamay ko.

  "I'm here for my WIFE."
Apollo emphasize the word wife. Shit. Hindi ito maganda.

  "Oh, I see. See you around Mrs. Diaz."
Ani ni Sir Richard at naglakad patungong cafeteria.

  "Let's go."

  "Teka saan tayo pupunta?"
Tanong ko kay Apollo habang hawak-hawak nya pa din ang kamay ko.

  "It's your lunchbreak right?"

  "Oo."

  "Then we will eat."
Hindi pa din maipinta ang mukha ni Apollo hanggang makasakay kami ng sasakyan.

  "Apollo."

Hindi ito kumikibo. Tinusok ko ang mukha nito.

  "I'm driving Nazli."

  "Galit ka ba?"

  "No."
May pagkadefensive ang tono ng pananalita nito. Napangiti ako. Muli kong tinusok ang pisngi nya.

  "Ang cute naman magselos ng asawa ko."

  "So says I'm jealous?"

  "Kitang kita sa mukha mo oh. Ayan oh."
Sa tagiliran ko naman sya kiniliti. Napaigtad ito.

  "Nazli stop it."

  "Nagseselos ka nga."
Tinigil naman nya ang sasakyan sa gilid at humarap sa akin.

  "Hell yes! I'm jealous. Masisisi mo ba ako? You look beautiful Nazli. Any guy will drool over you. At ayoko ng ganoon."

Natawa ako sa sinabi ni Apollo. Okay ako na mahaba ang hairlalu. Pero shemay para akong high school na kinikilig. Dumukwang ako palapit sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

  "Ikaw lang naman ang mahal ko. Pakialam ko ba sa iba dyan."

  "Talaga?"

  "Oo naman. Okay ka na?"
I saw smiled. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at muli syang hinalikan sa labi.

  "You are my life Apollo. Ikaw lang."

  "I love you Nazli."

  "I love you more my love."

Abot tainga naman ang naging ngiti ni Apollo nang sabihin ko ang palagi nyang tinatawag sa akin. My love, because he's the love of my life.

Dinala ako ni Apollo sa restaurant na malapit lang sa Ammex. Isang oras kalahati naman ang breaktime namin kaya matagal kaming nakapag kwentuhan. We talked about my work and his. May mga sandaling napapatingin ako sa paligid dahil nakatingin sa amin ang karamihan ng mga babaeng customer. Well hindi sa akin nakatingin kundi kay Apollo.

Matapos naming kumain ay hinatid na nya ako pabalik ng Ammex. Nagpupumilit pa nga itong ihatid ako sa cubicle ko. Kaya wala akong magawa kundi magpahatid na lang dito. Para daw malaman ng lahat na off limits na ako.

  "I'll see you tonight, okay?"

  "Okay."

  "I love you."

  "I love you more."

He planted a kiss on my forehead before leaving.

  "Ay ibang level ka girl! May pahalik-halik pa sa noo."
Pang-aasar sa akin ni Melody. Isa sa mga katrabaho ko.

  "Ang hotness ng afam mo girl! Parang sarap papakin."
Komento naman ni Justine a.k.a. Janice.

  "Hoy! Kay Nazli lang si Apollo. Kaya wag kang assumer Justine."
Sabi naman ni Majho.

  "Eto naman binibiro lang si Nazli. At hindi ako si Justine. I'm Janice."

  "Hay nako, kayo talaga. Tama na yan. Bumalik na tayo sa trabaho bago pa tayo maputukan ni Sir Richard."
Wika ko naman. Nagsipagbalikan na kami sa bawat trabaho namin.

Nang mag-uwian ay nakatanggap na ako ng text mula kay Apollo na naghihintay sya sa ibaba. Nag-ayos na ako ng mga gamit ko at in-off ko na din ang computer.

  "Majho baka di ulit ako makasabay sa iyo ah. Nandyan si Apollo eh, susunduin ako."
Sabi ko kay Majho. Ngumuso naman si Majho.

  "Oo na. Magpapasundo na lang ako kay--"
Natigilan si Majho sa sasabihin. Tumaas naman ang kilay ko.

  "Teka. Sinong sumusundo sayo?"

  "Wala."
Nag-iba ng tingin si Majho na para bang may tinatago. Alam ko ang mga ganyang galawan dahil eksperto ako doon.

  "Anong wala. Halatang halata dyan sa mukha mo."

  "Secret."

  "Si Sir Albert ba yan?"
Nakita kong pinamulahan ng pisngi si Majho. Tama nga ako. May something sa dalawa.

  "Hindi no!"

  "Anong hindi! Kelan pa yan?"

  "Basta."

  "Anong basta. Ikaw ah, naglilihim ka sa akin."
Humalukipkip ako.

  "Wow ah. Kaya pala nilihim mo din sa akin ang relasyon nyo ni Apollo."
Sarkastikong wika nya sa akin. Niyakap ko si Majho.

  "Eto naman. Joke lang. Pero di nga? Kayo na?"

  "Hindi pa. Hindi ko pa sinasabi sa kanya."

  "Ang alin? Pero sinusunod ka nya?"

  "Ewan. Basta. Complicated."

  "Walang komplikado-komplikado kapag nagmamahal ka."

  "Ay wow naman. Coming from you."

  "Ewan ko sayo. Tara na nga."

Nagpaalam na kami ni Majho sa mga kasamahan namin na mag-oovertime. Mabuti na lang natapos ko agad ang trabaho ko. Akala ko kasi mag oovertime din ako. Pagkababa ko ay nandoon na nga si Apollo. Nakasandal ito sa sasakyan nito. He looks like a prince waiting for his princess to come down. Nakatupi ang sleeves nito at bakat na bakat ang muscles. Kaya lahat ng babaeng empleyado doon na lumalabas ay nagpapacute sa kanya.

  "Ayan na ang prince mo. Hinihintay ka na."

  "Sige na. Ingat ka pag-uwi."

  "Don't worry, Albert will take care of me."
Kinikilig na sabi ni Majho. Natawa na lang ako napailing. Naglakad na ako palapit kay Apollo. Nagbulungan naman ang mga nakakakita sa amin.

Mainggit kayo. Char!

  "Love."
Tawag ko kay Apollo at hinalikan ito sa labi. Yumakap sya sa bewang ko.

  "I miss you."

  "Miss me? Eh di ba kaninang lunch magkasama tayo?"

  "Bakit? Masama bang mamiss ka Mrs. Diaz?"

  "Bolero."

Hinampas ko sya sa balikat. Natawa naman ito sa ginawa ko. Bigla namang tumunog ang cellphone nya.

  "Sino yan?"
Tanong ko. Nakita kong unregistered number iyon.

  "Wala. Di ko kilala."

  "Bakit di mo sagutin?"

  "Wag na. Let's go home?"

Tumango ako. Sino naman kaya ang tumatawag sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro