•MMP 3•

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dahil pasado alas otso na ng gabi ay wala nang tricycle sa labas ng university namin. Kaya naman mapipilitan ako netong maglakad papuntang sakayan ng jeep. Malayo layo pa naman iyon.

Kinuha ko ang earphone ko at nagpatugtog para kahit papaano ay maaliw ako habang naglalakad. Nang makarating ako sa sakayan punuan naman ang jeep kaya nahirapan akong sumakay. Tumawag na sa akin si Majho at tinanong ako kung nasaan na ako, ang sabi ko na lang ay nakauwi na ako. Magagalit kasi ito sa akin kapag nalaman nitong ginabi na ako. Kaya pala hindi sya nakapunta sa clinic noong nandoon ako kanina ay dahil tinawagan sya ng papa nya. May family dinner kasi sila ngayon dahil anniversary ng magulang nya.

Habang nakikipagbuno ako makasakay lang ng jeep ay may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko. Nang bumukas ang bintana niyon ay nagulat ako nang makita ko si Sir Apollo.

"Nazli what are you doing here?"
Tanong nya sa akin. Nakiusisa naman ang mga katabi kong babae sa pila.

"Sir Apollo? Bakit po kayo huminto?"
Tanong ko naman. Bakit nga ba iyon ang natanong ko?

"Get in."

"Po?"

"I said get in, before I get you myself."

Nahiya ako sa sinabi nya kaya naman napilitan akong sumakay sa sasakyan nya.

"Wear your seatbelt."

"Po?"

Laking gulat ko nang kunin nito ang seatbelt sa gilid ko at isinuot sa akin. Amoy na amoy ko naman ang pabangong gamit nya. Pakiramdam ko ay magkakasala ako kapag sininghot ang amoy nya. Napakalapit kasi ng mukha nya sa mukha ko. Isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na sya.

Muling sumibol ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Parang bumabalik ang kabang nararamdaman ko dati para sa kanya. Tama si Majho, noon kasi ay may pagtingin ako kay Sir Apollo, naputol lang iyon simula noong ipahiya nya ako sa buong klase. Ang pagtinging iyon ay napalitan ng galit.

"Saan ka nakatira?"
Punit nya sa katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan.

" Sa may Espana lang po."

"Okay."

Iyon lang at hindi na syan muling nagsalita. May mumunting tinig na bumubulong sa akin na tingnan sya pero pinipigilan ko iyon. Kaya naman inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.

Dahil malapit lang ang university namin sa bahay namin ay nakarating kami agad. Nagtaka ako dahil hindi hininto ni Sir Apollo ang sasakyan sa dapat kong pagbabaan. Nagpatuloy ito sa pagdadrive.

"Sir Apollo, baba na po ako."

"I'm starving. We need to eat."

Teka? Kakain? Kaming dalawa? Date ba itu?

"Hindi na po. Busog pa naman po ako."
Bigla namang kumulo ang tyan ko at malakas iyon kaya naman rinig na rinig nya ang pagkalam ng sikmura ko.

"Well your stomach disagrees."

Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang. Huminto kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Bumaba na kami. Laking gulat ko pa nang pagbuksan nya ako ng pintuan.

Teka ano bang meron? Bakit ang bait nya ata ngayon?

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng waiter.

"Table for how many sir?"
Tanong waiter.

"Two please."

"This way sir."
Giniya kami ng waiter patungo sa table na uupuan namin.

Inalalayan ako ni Sir Apollo na makaupo. At umupo na din ito. Kaagad kaming inasikaso ng mga waiter na nandoon. Lalagyan sana ng wine ang baso ko nang magsalita si Sir Apollo.

"She's not drinking wine. Give her orange juice."
Utos nya sa waiter.

"Right away sir."

Bumaling naman sa akin si Sir Apollo.

"Choose whatever you want."
Tipid nitong sabi at saka kinuha ang menu.

Kinuha ko din naman ang menu na nasa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang presyo ng mga pagkain. Mas mahal pa ata sa monthly tuition ko ang pagkain dito. Naisara ko ng wala sa oras ang menu.

"Is there a problem?"
Kunot noong tanong ni Sir Apollo sa akin. Pilit akong ngumiti at umiling.

"Don't mind the price. Just pick what ever you want."

Ngumuso sa dahil sa pagiging antipatiko nito. Muli kong binalikan ang pagpili ng pagkain sa menu. Eh kung magsoup na lang kaya ako? Oo nga magsosoup na lang ako.

Bumalik ang waiter dala ang orange juice ko.

"May I get your order Sir?"
Sabi nito sa amin.

"I want a seared lamb medallions and seafood risotto and glass of Pascal Jolivet."

Laglag ang mga panga ko sa mga order ni Sir Apollo. Pangalan pa lang ay mukhang ginto na ang presyo. Bumaling sa naman akin ang waiter.

"Your order Ma'am?"

"Uhh ano."
Tiningnan ko ulit ang menu. Tiningnan ko ang souo list. Ang pinakamura ang pinili ko.

"Seabass soup lang."

"Seabass soup? What are you thinking Nazli? You need to eat decent meal."

Okay pahiya na naman ako.

"Give her tenderloin steak, well done, a mashed potato and a mushroom raviolli."
Sabi ni Apollo sa waiter.

Inulit nang waiter ang mga order namin at umalis na. Uminom ako ng juice para kahit papaano ay umayos ang pakiramdam ko. Napawi naman ang uhaw ko sa orange juice, infairness masarap sya.

"Apollo is that you?"
May lumapit na matandang lalaki kay Sir Apollo.

"Mr. David good to see you here."
Tumayo si Sir Apollo upang batiin ang matandang lalaking lumapit sa kanya.

"I didn't expect to see you here with a gorgeous lady."
Sabi sa kanya ng lalaki at saka tumingin sa akin. Ako? Gorgeous? Gusto kong matawa sa sinabi ng matandang lalaki.

"Yeah, I'm with a date."

Nagulantang naman ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Sir Apollo kay Mr. David.

"Oh, sorry for bothering you two. Don't sorry Apollo, I will not bother you anymore. I must be going."

"Have a great night Mr. David."
Nakangiting sabi ni Sir Apollo sa matanda.

"You too Apollo."

Umalis na si Mr. David at umupo na din si Sir Apollo.

"Sir bakit nyo naman po sinabing date nyo ako? Baka kung ano pong isipin ni Mr. David."

" I don't have time to explain personal life Nazli. And besides I'm already famished. All I want is to eat."
Nawala sa labi nito ang ngiti na kanina lang ay nasilayan ko.

Ilang minuto lang ay dumating na ang order nila. Sinerve na iyon ng waiter. Nagutom ako sa amoy pa lang ng pagkain. Marami rami iyon. Mukhang mapapasabak ako neto sa pagkain. Well, libre naman iyon. Ibig sabihin ay makakauwi ako ng busog.

Nagsimula na kaming kumain ni Sir Apollo. As expected tahimik kaming kumain. May pagkakataong tinitingnan ko si Sir Apollo sa pagkain, sunod sunod ang pagsubo nya, mukhang gutom nga talaga ito.

Sabay lang kaming natapos kumain ni Sir Apollo. Feeling ko matatanggal ang butones ng pantalon ko sa sobrang busog. Pero syempre dahil nasa restaurant kami kailangan sosyal lang kunwari.

Tinawag na ni Sir Apollo ang waiter upang kunin ang bill namin. Ayoko nang alamin pa ang bill namin dahil alam kong ginto iyon.

Matapos bayaran ni Sir Apollo ang kinain namin ay lumabas na kami at sumakay sa sasakyan nya. Habang nasa loob ng sasakyan ay walang nagkikibuan sa amin. Bakit nga naman kami magkukwentuhan? Close ba kami?

Nang marating namin ang Espana ay huminto ang sasakyan ni Sir Apollo. Tumingin ito sa akin.

"Where's your house?"

"Po?"

"I said where's your house, ihahatid na kita dahil gabi na."
Ani nito sa akin. Winasiwas ko ang kamay ko.

"Nako sir, wag na po. Baka kung anong isipin ng mga kapitbahay namin kapag napadpad ka sa lugar namin."
Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo nito at mukhang nagalit.

"Mas mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa seguridad mo?!"
Ani nito sa mataas na boses. Napayuko ako.

"Hindi naman po sa ganoon, ano po kasi--"

"Ituro mo sa akin ang daan."

Wala naman akong magawa kundi sundin sya. Lihim ko syang inirapan. Napaka antipatiko talaga neto. Nang marating namin ang barangay kung saan ako nakatira ay kitang kita ko na sa sasakyan ni Sir Apollo nakatingin lahat ng kapitbahay namin.

"Dito na lang po Sir Apollo."
Mahinang sabi ko. Hininto nya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Halos magkagulo naman ang mga tsismosa naming kapitbahay. Parang ayoko tuloy bumaba ng sasakyan.

"Nazli, we're here."

"Ah, opo."
Tinanggal ko ang seatbelt na suot ko. Tumingin ako kay Sir Apollo upang magpasalamat. Nahigit ko ang aking paghinga dahil kanina pa pala sya nakatingin sa akin.

"Maraming salamat po Sir Apollo, sa dinner at sa paghatid."

"It's nothing. Have a good night Nazli."

"G-good night din po."
Sabi ko at bumaba na. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay namin. Kumakabog ng husto ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagbati ni Sir Apollo o sa pagtitig nya sa akin.

Oh no! Wag naman po sana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro