•MMP 5•

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tumatakbo akong pumunta sa opisina ni Sir Apollo. Wala akong pakialam kung may
nasasagi akong mga estudyante.

Ang laki ng galit ko sa kanya ng mga sandaling iyon. Feeling ko sasabog ako sa galit. May pahaplos haplos pa sya sa akin sa mukha. Anong feeling nya makukuha nya ako sa ganoon bagay?

Kinilig ka nga eh.

Shut up brain! Di ka nakakatulong. Nang marating ko ang opisina nya ay hindi na ako kumatok at diretso na akong pumasok. Napahiya naman ako dahil may kausap syang matandang lalaki. Nang humarap ang lalaki ay dean pala iyon ng HRM.

  "P-pasensya na po."
Lalabas na sana ako nang magsalita si Dean Perez

  "Mukhang may bisita ka ata Apollo."

Nahiya naman ako kaya lumabas muna ako sandali. Nang lumabas din si Dean Perez ay bahagya itong ngumiti sa akin. Medyo naasiwa ako sa ngiting iyon dahil para bang may ibig sabihin iyon.

  "What do you want from me Ms. Torres?"
Tanong sa akin ni Sir Apollo. Ganoon na lang ba talaga sya kamanhid para hindi mahulaan kung bakit ako nandoon?

  "Pwede ko ho ba kayong makausap?"
Diinan ko ang pagkakasabi ko ng 'makausap'. Nilakihan nya ang bukas ng pintuan at pinapasok ko.

  "So, anong gusto mong pag-usapan?"
Nakataas ang kilay nya nang tanungin nya ako. Ah! Sya pa talaga may lakas ng loob na magtaas ng kilay. Luminga linga muna ako sa paligid ko kung may ibang tao o estudyanteng nandoon, wala naman kaya tinulak ko sya papasok sa opisina nya. Wala akong pakialam kung kasuhan nya ako ng harrassment or whatever.

  "What the?"

  "Alam mo nakakaasar ka eh no? Nakakawalang galang ka na eh. Oo alam ko namang ako ang may mali dahil hindi ako nag-aaral sa subject mo, pero ginagawa ko naman ang lahat para lang makapasa. Sinasagutan ko naman lahat ng pinapasagutan mo kahit na pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kakaaral sa subject mo. Siguro nung nagbuhos ng kabobohan sa math nasalo ko lahat, kaya pasensya ka na kung hindi ko kayang ipasa ang subject na tinuturo mo!"
Hiningal ako matapos ang mahabang speech ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na talaga ako sa pagkapika sa kanya ng mga pagkakataong iyon.

Nanatiling nakatayo si Sir Apollo at nakasandal pa sa lamesa nya. Parang tuwang tuwa pa nyang pinapanood ako. He was smiling wickedly. Napatitig ako sa labi nya. Ganoon ba talaga ka pula ang mga labi nya? Bakit ngayon ko lang iyon?
Teka? Ano bang iyang pinag-iisip mo Nazli?!

  "Iyon lang ba ang sasabihin mo?"
Umikot sya at umupo sa swivel chair. Kinabahan ako nang sumilay ang isang ngiti sa labi nya.

  "O-oo."
Nauutal kong sabi. Hindi ko naman alam kung saan ibabaling ang mga mata ko dahil nadidistract ako sa mga titig nya.

  "First of all, I really admire your guts to push me back then Nazli. Wala pang nakakagawa niyon sa akin sa tanang buhay ko. Second, yes it was your fault kung bakit ka hindi ka nakapasa sa mga subjects mo sa akin. You are easily distracted. Try to concentrate once in a while. Third, you really want to graduate?"

  "Yes sir."

  "Then marry me."

***

  "Pare nauubusan ka na ng panahon. Sa susunod na buwan kukunin na sayo ng bayaw mong hilaw ang kompanya mo pati ang si Red kukunin nya kapag hindi ka pa nakahanap ng magiging asawa."
Paalala ng kaibigan ni Apollo na si Thorn. Nasa bar kasi sila ngayon at uniinom. Tinawagan nya ito para kahit papaano ay may kasama sya.

  "I know pare. At ngayon pa talaga ako iniwan sa ere ni Stephanie."
Nagpupuyos ang galit nya nang banggitin ang pangalan ng fiancé nya. Iniwan kasi sya nito kung kailan malapit na silang ikasal. Ang dahilan nito sa kanya ay ang hindi nito maiwang career sa ibang bansa bilang modelo ng isang malaking modelling agency. Kaya naman ganoon na lamang kalaki ang galit nya para dito.

  "I think you need a back up plan pare."
Ani sa kanya ni Thorn.

Biglang pumasok sa isip nya ang estudyanteng palaging bumabagsak sa subject na tinuturo nya. Alam nyang wala syang puso kung gagawin ang bagay na iyon. But he had no choice. Ayaw nyang mawala sa kanya si Red dahil ito na lamang ang natitira nyang pamilya.

Simula nang mamatay ang kuya nya at sister in law nya ay sya na ang tumayong magulang ni Red. Malaking trauma kasi ang inabot nito dahil kasama ito sa aksidente na ikamatay ng mga magulang nito. Mabuti na lamang ay nabuhay ang bata. Napakalaking milagro iyon. Pero dahil sa traumang iyon ay hindi na nagsasalita si Red.

  "I have a back up plan Thorn."

  "Talaga? At ano naman iyon?"

Tinungga ni Apollo ang laman ng kopitang hawak nya.

Maybe she can help me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro