CHAPTER 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             CHAPTER 13

THIRD PERSON’S P.O.V.

“Ohh, dre. Ano’ng handa mo? Hindi ka ba magluluto? Hindi ka magpapainom?” tanong ni Wilbert kay Kyle.

“Bakit ako maghahanda at magpapa-
inom? Ano bang meron?” Napakunot na lamang ng kaniyang noo si Kyle. Hindi niya kasi alam kung anong mayroon, kung bakit kailangan niyang maghanda at magpainom.

“Birthday mo ngayon ah. Birthday mo hindi mo maalala?” hindi makapaniwalang ani ni Wilbert.

“Anong petsa ba ngayon?” Napatanong din bigla si Kyle dahil nagulat siya sa tanong ni Wilbert, limot niya kasi ang petsa ngayon. Sama-sama sila ngayon bumili ng gamit nila sa school, pasukan na kasi nila sa school. Second semester na nila, patapos na rin dahil finals na nila ngayon, buti nga nang hindi sila pinayagan na pumasok sa school nila ay tapos na sila ng exam sa midterm ng second semester.

“It’s February 10 na ugok!” Binatukan ni Wilbert si Kyle.

“Makakalimutin na ’yang kaibigan natin,’ singit naman ni Albert.

"Birthday ko na pala ngayon, bakit hindi ko maalala?" nagtatakang tanong ni Kyle. Hindi na sumagot ang mga kaibigan niya pero nakatanggap siya ng tig-iisang batok galing sa mga ito. Ang mga kaibigan niya tuloy naalala na birthday niya, siya hindi.

Sabay-sabay sila na naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Nag-uusap-usap tungkol sa pagbabalik nila sa kanilang eskuwelahan. Pare-pareho ang iniisip na maraming activities kaagad ang sasalubong sa kanila. Tinatamad pa naman silang magsulat nang marami.

Pare-pareho silang matatalino, pare-pareho ring tamad. Pero kahit tamad sila, wala pa rin namang ibang nangunguna sa kanilang section, kung hindi sila. Sadyang tamad lang silang gumawa ng activities kapag bago pa lang ibigay. Sumasagot sila kapag oras na talaga nang pasahan. Ang iba umaasa na lang sa sagot ng kaibigan, tinatamad na silang mag-isip ng sagot kaya nangongopya na lamang sila sa iba na nakasagot na. P’wera na lang kay Kyle at Hance, hindi sila nangongopya, kusa silang sumasagot, pinapakopya na lamang nila ang kanilang mga kaibigan dahil nga sa tamad ang mga ito. Mga matatalinong tamad.

Hindi naman tumagal ang paghihintay nila sa terminal ng jeep dahil kaagad naman silang nakasakay ilang minuto lang ang nakararaan simula nang dumating sila sa terminal ng jeep. Sila lang naman ang lulan ng jeep kaya malaya silang nagkakausap sa lakas ng boses na gusto nila.

“Paalam ka Kyle kay Mama mo na mag-iinunan tayo,” suhestiyon ni Wilbert kay Kyle.

“Papayag ’yon, Kyle. Sabihin mo kahit kaunti lang. Hindi naman tayo maglalasing,” dagdag naman ni Albert na nakangiting tumingin kay Kyle.

“Ang babata niyo pa pero inom kaagad ang iniisip niyo,” nagtataray na ani ni Angel.

“May pasok na tayo bukas mga ugok. Paano kapag nalasing tayo, edi hindi tayo niyan makakapasok?” Pangangaral naman ni Alexa.

Tama naman si Alexa, hindi sila makakapasok bukas kapag nalasing sila.

“Bakit ba gusto niyong uminom? Paano kapag nalasing nga tayo? Duda ako sa kaunting ’yan, kapag napasarap ang inuman natin siguradong ’yang kaunting ’yan, dadami nang hindi natin namamalayan,” mahabang pahayag naman ni Hance na nasa tabi lang ni Kyle.

“We can celebrate my birthday without drinking alcohol,” komento ni Kyle na pinaglalaruan ang ballpen na hawak niya.

“Wow! English, Dre! Asensado!” eksaheradong anas ni Albert, kahit kailan talaga ang lalaking ito parang sira. Buti sanay na sa kan’ya ang mga kaibigan niya.

“Tsk! Parang timang ka Albert. Is it bawal magsalita ng English?” conyong saad ni Angel saka tinarayan si Albert.

Hindi alam nina Angel at Albert na pinag-s-ship na sila ng mga kaibigan nila sa mga isip nito.

“Magluluto na lang tayo sa bahay,” suhestiyon ni Kyle na isa-isang tinitigan ang mga kaibigan.

“Gusto ko ’yan. Huwag na rin tayong umiinom ng alak. Sapat na ang juice, yakult o kahit chuckie lang. Bawal tayong uminom ngayon, mahirap na baka malasing tayo, hindi pa tayo niyan makapasok bukas. Nakakahiya ’yon sa part natin. Kesyo ’yong mga honor student hindi pumasok sa klase tapos ang rason lasing.” Natauhan naman ang lahat sa sinabi ni Hance kaya sabay-sabay na tumango sila, pero si Albert at Wilbert ay ngumingisi habang tumatango.












ALIGAGA naman si Janna sa kakaisip kung itutuloy niya ba ang balak na sagutin na si Kyle na mas kilala niyang Clyde dahil sa RPW lang sila.

Kagabi niya pa iyon pinag-iisipan pagkatapos nilang mag-usap ni Kyle. Seryoso na siya sa nararamdaman para sa binata. Mahal niya na ito kaya balak niya nang sagutin ito. Ayaw niya nang patagalin pa ang panliligaw nito sa kan’ya kasi naiisip niya na bakit pa papatagalin kung sasagutin niya rin naman. Saka relasyon naman ang kailangang patagalin hindi ang panliligaw.

“Sasagutin ko na siya, seryoso na ito,” ani ni Janna sa kan'yang sarili.

Katatapos niya lang maligo pero dahil sa init ng panahon ay namamawis kaagad siya. Lalo pa siyang namawis sa isipin na sasagutin niya na ang lalaking mahal niya. Hindi pa naman gaano katagal silang magkakilala pero hindi iyon hadlang para hindi niya gustuhin at mahalin ang binata. Sapat na ang mga pinaparamdam nito sa kan’ya para mahalin niya ito.

Handa na siya sa mga posibleng kahahantungan ng mga plano niya. Handa na siyang masaktan. Kung mangyayari man iyon, nariyan naman ang unan at panyo para maging kasama at sandalan.

Wala siyang balak mag-online ngayon dahil wala naman siyang ka-chat. Nagpaalam si Kyle sa kan’ya na gabi na ito makakapag-online dahil marami itong aayusin para sa pasok nito sa eskuwelahan bukas.

Mamayang gabi niya na rin balak sagutin ang binata. Tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa isiping sasagutin niya na ang binata. Tuwa dahil magkakaroon na sila ng label at magkakaroon na siya ng karapatan para angkinin na kan’ya na nga ang binata, na pag-aari niya na ito. Kaba naman dahil sa hindi niya alam kung paano sasabihin na sinasagot niya na ang binata.

Takot siyang masaktan sa pekeng mundong ito pero ayaw niya naman na mawala sa kaniya si Clyde. Mahal niya ito. Kahit ano pang pagtatanggi niya, hindi niya na ito maikakaila pa. Pag-aari na ng binata ang kaniyang puso na hindi niya lubos akalain na titibok para sa lalaking sa Role Player World niya lang nakilala.

Naniniwala na talaga siya sa kasabihang ‘expect the unexpected’.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro