CHAPTER 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

This chapter is dedicated to aly-Ross

                           CHAPTER 15

THIRD PERSON’S P.O.V.

Napakaraming notifications ang bumungad kina Janna at Kyle pagkabukas na pagkabukas pa lang nila ng kanilang rp account, dahil iyon sa in a relationship status nila.

Walong daang reacts at mahigit limang daang mga komento mula sa mga kaibigan nila at random rp’er. Lahat lang naman iyon ay kino-congratulates sila and wishing their relationship to be stronger.

Pareho nilang ni-reply-yan ang mga ito ng pasasalamat. Mayroon pang nakita si Janna na pang-aasar galing sa mga ka-hood ni Kyle.

“Good morning, Hon.” Bati ni Kyle kay Zyrie

“Good morning din. Dapat naligo ka na, baka ma-late ka pa. Inuna mo pa ang pag-chat sa akin kaysa maghanda para sa pagpasok sa eskwela.” Sermon ni Janna. Dahil doon ay napakamot si Kyle sa ulo niya dahil ang aga-aga ay nakatanggap kaagad siya ng sermon galing sa kaniyang nobya.

“Maaga pa naman, Hon. It’s 6 o’clock pa lang, 8:00 am pa first class namin.”  Pagdadahilan ng binata. Matigas talaga ang ulo nito kaya mahirap itong pasunurin.

“Kahit na, sana naligo ka na para magbibihis ka na lang. Kapag ikaw na-late hindi talaga kita kakausapin o hindi ako mag-o-online nang isang linggo.” Pananakot ng dalaga na para bang iyon ang pinakamagandang panakot para mapusunod ang kasintahan.

“Walang ganyanan, Hon. Okay fine. Maliligo na ako. Nakapag-almusal na ako sana ikaw din. Sige maliligo muna ako. Bye for now, Hon.” Paalam ng binata saka nag-offline.

Pagka-offline na pagka-offline ni Kyle sa RPA niya ay kaagad na siyang naghanda para maligo. Nakangiti siya dahil maganda ang simula ng umaga niya, una niyang nakausap ang kan’yang kasintahan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na girlfriend na niya ang babaeng pinapangarap niya. He will do everything huwag lang mawala ang babaeng pinakamamahal niya.

Nagsimulang maligo si Kyle na may ngiti sa mga labi.











HABANG naghihintay si Janna na mag-online ang kasintahan ay inaayos niya ang kan’yang higaan. Kanina gusto niya pang matulog dahil sa medyo inaantok pa siya pero nang mag-chat sa kan’ya si Kyle ay nawala ang antok niya, kaagad na sumigla ang mukha niya nang makausap niya na ang kaniyang kasintahan.

Mahal niya ang binata kaya hindi siya nagdududa na baka masaktan lamang siya nito, ramdam niya na mahal din siya nito kaya hindi siya natatakot na masaktan dahil sigurado siyang hinding-hindi iyon mangyayari.

Habang nagliligpit ng hinigaan niya si Janna ay biglang tumunog ang messenger niya, RPA niya ang naka-log in sa messenger niya kaya hindi na siya nagtaka nang tumunog ito. Iniisip niya na baka si Clyde na ito kaya itinigil niya muna ang pagliligpit nang hinigaan niya at kaagad na kinuha ang cellphone niya saka binuksan ang kaniyang messenger.

Tama nga ang akala niya, si Clyde nga ang nag-chat sa kaniya pero nalungkot siya nang mabasa ang chat nito. Hindi na raw ito makakapag-online ngayong umaga, baka raw hapon na ulit, dahil sa inaya na ito ng mga kaibigan na pumunta na ng school.

Dahil sa nabasa ay bumalik na lang si Zyrie sa pagliligpit ng hinigaan niya. Nakanguso siya habang nagliligpit, hindi katulad kanina na ang sigla-sigla niya na para bang nakuha niya ang kaniyang paboritong kendi.

Nang matapos siya sa pagliligpit ay naupo siya sa kawayang upuan sa kuwarto niya. Balak niyang maligo pero iniisip niya na baka malamig ang tubig kaya nagbago ang isip niya, mamayang tanghali na lang siya maliligo.

Tumunog ang cellphone niya na nasa mesang maliit. Matamlay niya itong kinuha dahil alam niyang hindi iyon ang kaniyang kasintahan.

ACE sent you a message.

Iyon ang nabasa niya sa notification, nagtaka siya dahil sa chat ng binata. Akala niya hindi na ito magpaparamdam pang muli dahil mahigit dalawang linggo na nang nag-usap sila ng binata. Kaagad niyang binuksan ang messenger niya saka binasa ang chat ni Ace.

“Hi, how are you? In a relationship ka na pala,” basa niya sa chat ng binata.

Mabilis naman siyang nagtipa para i-reply sa tanong nito.

“Oo, I’m already in a relationship. Kaya kung nanliligaw ka pa rin, itigil mo na. Huwag ka nang manggugulo pa.”

“Hindi ako madaling sumuko, Ms. Zyrie.”

Bakit pakiramdam niya ay nakangisi ang lalaking ito? Nababaliw na yata siya.

“Please stop, Ace. Wala ka namang mapapala e. Mahal ko ang boyfriend ko, kaya please lang, huwag kang manggulo.” Napipikon na siya kaya bawat tipa niya ng letra sa kaniyang keyboard ay diin na diin.

“I will do everything I can to steal you from him. I will steal you from him, keep that on your mind. Bye. Will Chat you again kapag may free time na ako. Magiging akin ka rin, Zyrie. What Ace wants, Ace gets.”

Kaagad na nabalisa si Janna sa chat ni Ace. Nanginginig ang kaniyang kamay habang nagtitipa nang i-r-reply sa binata.

“Hindi mo ako maaagaw dahil hindi ako magpapaagaw.” Kaagad niya itong isenend. Nang ma-i-send na ay kaagad niya nang ni-back ang kan’yang messenger at nilapag ang cellphone sa dating kinalalagyan nito no’ng nagliligpit pa lang siya ng kanyang higaan.

Dahil sa irita niya kay Ace, ang planong mamayang tanghali siya maliligo ay nabulilyaso, ngayon niya na mismo gustong maligo para mawala nang kahit kaunti ang init ng kaniyang ulo na dinulot ni Ace.











DAHIL SA may pasok sa eskwelahan si Kyle naging boring ang mag-hapon ni Janna. May mga random boy rp’ers ang nag-cha-chat sa kaniya ngunit hindi niya ni-r-reply-yan isa man sa mga ito dahil wala siya sa mood para sa mga ito. Kahit nga ang i-seen ang mga chat nito ay hindi niya magawa dahil nga sa wala siya sa mood. At saka hindi naman ang mga ito si Kyle na nobyo niya kaya wala siyang panahon para i-entertain isa man sa mga nag-chat sa kaniya.

Scroll lang siya nang scroll sa news feed niya, binabasa ang mga nakaka-interasadong post ng mga co-rp'ers niya. Mayroon din siyang nabasa na isang maikling akda na obra ng isang rp'er na manunulat.  It's about RPW love story. Dahil nga sa tungkol ito sa RPW nakuha nito ang atensyon niya. K’wento iyon tungkol sa dalawang  rp’er—boy rp’er at girl rp’er, na naging magkasintahan ngunit pinaglaruan ng tadhana kaya nagkahiwalay. That two rp’ers are already in a relationship in real world pero naging mag-ex sa RPW. Nawalan sila ng communication sa isa't-isa after they broke up in RPW. Magkasabay din nilang i-denelete ang kanilang RPA. Pero nang malaman iyon ng magkasintahan nagulat sila at tinawanan na lamang ang break up nila sa RPW pero isa iyon sa tinuring nila na hindi nila makakalimutin na nangyari sa buong buhay nila.

Dahil sa nabasa nagsimulang humiling si Janna na sana ganoon din ang mangyari sa kanila ni Kyle. Iyong kahit mag-break silang dalawa pero gagawa ang tadhana para magkakilala sila ni Clyde sa real world or in person.

Wala nang makita pa si Janna na nakaka-interesado kaya nag-log out na lang siya at naisipan lamang na matulog.

“Mamayang gabi na lang ako mag-o-online ulit dahil online na rin no’n si Clyde. Makakapag-usap din kami,” bulong ni Janna saka inayos ang higaan para makahiga na siya. Nang makahiga ay kaagad na niyang ipinikit ang kaniyang mata hanggang sa makatulog siya.











“KUMUSTA first day niyo?” tanong ng nanay ni Kyle sa kaniya.

“Ayos naman po, marami nga lang activities,” sagot niya rito saka nagmano.

Kakauwi niya lang galing school umupo lang naman siya sa upuan buong maghapon pero pagod na pagod siya dahil sa sandamakmak na activities ang pinagawa sa kanila ng mga teachers nila.

“Mag-meryenda ka na pagkatapos matulog ka muna para makapag pahinga ka, huwag kang mag-c-cellphone ah.”

“Okay po, Mama.”

Nilagay niya muna sa sofa ang kaniyang bag at hinubad ang uniform, tanging puting sando at slack na lang ang suot niya, pati black shoes.

Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape. Nang makatimpla ay kaagad niyang kinuha ang tinapay sa ibabaw ng refrigerator na sigurado niyang kabibili lamang.

Hindi naman tumagal ang pagmemeryenda niya. Kaagad din naman siyang natapos kaya naman nagmadali siyang pumanhik sa kaniyang kuwarto. Nang makarating siya ro’n ay kaagad niyang inilagay sa kaniyang higaan ang kaniyang bag saka iyong uniform na hinubad niya kanina.

Miss na miss niya na si Janna pero pinagpapahinga muna siya ng Mama niya kaya hindi muna siya mag-o-online.

Hinubad niya ang suot na slacks at pagkatapos ay sinunod ang kaniyang black shoes saka medyas. Tanging boxer at brief na lang ang suot-suot niya.

Inayos niya ang mga hinubad at nilagay ito sa basket na lagayan ng mga labahin. Gusto niyang maligo dahil sa init na nararamdaman pero tinatamad siya, kaya nama'y nahiga na lang siya na naka-boxer lang.

Bago siya makatulog ay pumasok sa isip niya na ngayon ang first day nila ni Zyrie bilang magkasintahan. Dahil doon ay napangiti siya. Bago siya gupuin ng antok at makatulog isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Hindi rin tumagal ay ginupo na siya ng antok at dahil sa pagod sa unang araw ng klase niya para sa finals ng kanilang second semester, kaagad siyang nakatulog.












“HAVE YOU EATEN?” Kyle asked to Zyrie as he opened his RPA.

“Already done. How’s your first day in school?”

“It's fine, a little bit tiring because of an activities given by our subject teachers.”

“Kawawa naman pala ang hon ko. Kumain ka na?” Sweet ang pagkakachat no’n ni Janna kay Kyle.

“Nakapagpahinga naman ako pagkauwi ko kanina kasi pinatulog muna ako ni Mama after ko mag-meryenda. Tapos na akong kumain sana ikaw din, Hon.”

“Tapos na rin ako. Wala ka bang assignments?”

“Tapos ko nang gawin bago ako mag online.”

Hindi gaano ka-sweet ang conversation nila pero sapat na iyon para mapadama na interesado sila na pag-usapan ang nangyari sa buong maghapon nila lalo na kay Kyle na nagsimula na ang pagpasok sa school.

“Good, Hon. Ano’ng ginagawa mo ngayon aside from chatting me?”

“Heto nakadapa lang sa kama ko. Pagkatapos ko kasing kumain ay pumasok kaagad ako rito sa kuwarto ko para mahiga at mag-online para makausap ka na, na-miss kita nang sobra eh.”

Totoo nga iyon. Umaga pa lang at kakasimula pa lang ng first subject nila na Contemporary Art from the Regions. Boring ang subject na iyon para sa kan’ya dahil wala siyang hilig sa art, buti nga hindi mababa ang grade niya roon kahit minsan ay wala siyang naipapasang activity sa subject na iyon.

“Miss din kita.”

“Happy Daysarry, Hon.”

“Daysarry?” nagtatakang tanong ni Janna dahil sa first time niya pa lang na-encountet ang salitang iyon.

“Oo, Daysarry. Ito ang unang araw natin as couple, ’di ba?”

“Sira! Walang daysarry, pauso to.” Natatawa si Janna sa pinagsasabi ni Kyle.

“Syempre guwapo eh. Ano naman kung walang daysarry na word, para sa akin meron at ngayon iyon naimbento. Daysarry, a word invented by Clyde the handsome.”

“Ang hangin mo, Hon.”

“Mahal mo naman.”

“Sobrang mahal kaya nga kita sinagot eh.”

“Ibig sabihin hindi mo ako sasagutin kung hindi mo ako mahal?”

“Bakit kita sasagutin kung hindi naman kita mahal? Bakit ako makikipag-relasyon sa iyo kung hindi naman kita mahal? Pipiliin ko na lang na saktan ka kapag hindi kita sinagot dahil hindi naman kita mahal kaysa sagutin kita at makipag-relasyon sa iyo na hindi naman kita mahal.”

“Salamat dahil natutunan mo akong mahalin kahit hindi ako matino. Mahal na mahal kita, Hon. Hindi ako perpektong nobyo pero gagawin ko ang lahat huwag lang kitang masaktan.”

“Mahal na mahal din kita.”

“Happy daysarry. Huwag mo nang kontrahin ang new word ko ahh.”

“Okay po. New word unlocked came from my handsome boyfriend.”

Humahaba ang humahaba conversation nila Janna at Kyle. Puro kalokohan lang ang mga nasasabi ni Kyle kaya puro tawa si Janna. Magka-chat pa nga lang sobrang saya na nila, paano pa kaya kung magkasama na sila?

“Hindi ka pa inaantok?” tanong ni Clyde nang wala na siyang maisip na kalokohan.

“Hindi pa eh. Kausap pa kita kaya siguro hindi pa ako dinadalaw ng antok.”

Ewan ba ni Janna kapag kausap niya si Kyle nagiging masigla at ang tagal niya nang antukin.

“Pero 10:00pm na. Dapat natutulog ka na Hon. Ayaw kong nagpupuyat ka, masama iyon sa kalusugan.”

“Ikaw dapat ang matulog na dahil may pasok ka pa bukas.”

“Paano ako matutulog kung alam kong online ka pa?”

“Edi matutulog na rin ako para matulog ka na rin. Baka kapag nagpuyat ka, tanghaliin ka na nang gising dahilan para ma-late. Hindi puwede iyon kakasimula palang ng pasok niyo ang pangit kapag na-late ka. Huwag mong iisipin na mawawalan ka ng oras sa akin dahil naiintindihan ko naman, at saka para naman ’yan sa future mo. Magiging kontento ako sa oras na ibibigay mo, promise hindi ako mag-d-demand.”

Mahaba ang chat na ’yon ni Janna kaya medyo natagalan si Kyle na mag-reply sa kasintahan dahil binasa niya muna iyon. Natuwa si Kyle matapos na basahin ang chat ng kasintahan dahil doon lalo niyang naputunayan sa sarili na mahal na mahal niya ng sobra ang dalaga at suwerte siya dahil pag-aari niya ang babaeng iyon.

“Ang sweet ng hon ko.”

“Hindi rin. Ayaw ko lang na masakal ka sa akin kaya hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakal mo. Uunawain kita hangga’t maaari. Mahal na mahal kita. Matulog ka na ah, may pasok ka pa bukas.”

“Okay, Hon. Lets sleep na.”

“Sure. Goodnight. I love you.”

“I love you too. Goodnight. Sleep well. Kiss your forehead.” Huling chat ni Janna at nag-virtual kiss and hug.

Hindi na nag-reply pa si Janna kasi baka humaba pa ang conversation nila. Ayaw niya na magpuyat si Kyle dahil may pasok pa ito bukas. Gusto niya itong makausap pero iniisip niya na hindi iyon maaari dahil may pasok ito, ayaw niya na tanghaliin ito ng gising dahil baka ma-late pa ito at baka nga hindi pa makapasok.

She’ll understand him dahil future nito ang nakasalalay rito at saka kontento siya sa oras na ibinibigay ng kasintahan. No need na mag-demand siya ng oras dito. Oo nga’t mag-kasintahan sila pero hindi iyon sapat para maging hadlang siya rito. She love him kaya susuportahan niya ito hanggang kaya niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro