CHAPTER 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                            CHAPTER 17

THIRD PERSON’S P.O.V.

TAPOS NA ang mga gawain nina Kyle at Janna kaya kaagad na nilang hinawakan ang kani-kanilang cellphone at nag-online na sa RPA nila.

Ang plano nila na mag-online sa umaga ay naging gabi dahil masyado silang napagod sa mga gawaing bahay. Sa sobrang saya nila ay inatake sila ng kasipagan na pinagtaka ng kanilang mga magulang.

Pasado alas syete na ng gabi nang mag-online sila.

“Happy monthsarry, Hon.” Magkasabay na bati nila sa isa’t isa kahit chat lang iyon.

“Check my post, Hon. Naka-tag ’yon sa ’yo.” Tuwang-tuwa si Kyle habang hinihintay ang reply ni Zyrie.

Kaagad namang tiningnan ni Janna ang sinasabing post ni Kyle. Madali niya iyong nahanap.

Mabalis na nangilid sa mukha ni Janna ang luha ng mapanood niya ang mga video na sigurado siyang inedit pa ni Kyle. Akala niya walang gagawin ito dahil busy ito sa mga school activities pero nagkamali siya, dahil merong ginawa ang kan’yang kasintahan. Nagawa pa rin nitong gumawa ng mga edited video with couple pictures kahit sobrang busy ito.

Mayroon pa siyang nakita na mga edited text na may black background na template. Nakalagay roon kung paano sila nagkilala at bawat text na iyon ay may petsa kung kailan nangyari iyon. Hindi niya pa binabasa ang caption dahil sa mahaba iyon, sa mga videos at edited text muna siya naka-focus. Nang matapos ay sa caption naman siya.

“Happy 1st Monthsary, Hon. First of all I want to say thank you dahil hinayaan mo akong pumasok sa buhay mo kahit takot kang masaktan. Sorry kung rude ang pagpapakilala ko sa iyo pati ang pagsabi ko na gusto kitang ligawan. Ganoon talaga ako kapag interesado ako sa isang tao. Una pa lang na makita ko ang pangalan mo sa add friend list ko ay naging interesado na ako sa iyo kaya kaagad kitang inadd friend para magpapansin sa iyo.

Nang sinagot mo ako, iyon ang pinakamagandang regalong natanggap ko no’ng birthday ko. Hindi man materyal na bagay pero labis-labis ang tuwang naramdaman ko dahil sinagot ako ng babaeng mahal ko. Sobrang saya ko dahil nakilala kita rito sa RPW, pekeng mundo sabi nila. Pekeng mundo man ito, sinisigurado ko na ang nararamdaman ko para sa iyo ay totoo. Mahal kita, Hon. Peke lang ang mundong ito pero asahan mo na ang nararamdaman ko para sa iyo ay seryoso.

I’m happy that I met you here in RPW. Meeting you in RPW was the best thing that happened in my entire life. Kung hindi ko yata nadiskubre ang tungkol sa RPW, siguro hanggang ngayon boring na boring pa rin akong nagf-facebook. Thanks to my friends kung hindi dahil sa kanila, ’di ko sana mararamdaman na mahalin ng sobra. May labis ngunit walang kulang.

Sabi ko noon hindi ako mag-n-nobya pero ito ako ngayon hulog na hulog at nagmamahal sa babaeng nakikilala ko lang sa RPW.

Always remember that I love you so much, Hon. Busy man ako dahil sa study ko, pangakong gagawa ako ng paraan para makausap ka at ibibigay ko ang oras na nararapat sa ’yo at deserve mo.

Nakakatamad na mag-type. Happy 1st Monthsary, Hon. I love you so much. Stay strong to the both of us.”

Iyon lamang ang nabasa ni Janna pero tumagos iyon sa puso niya. Umiyak siya matapos basahin iyong long sweet message ni Kyle. Medyo natawa siya sa last part pero dumagdag lang iyon para lalo pa siyang maging masaya dahil sa long sweet message na iyon.

Dahil nga maraming reactor ang kan’yang kasintahan, umabot kaagad sa dalawang daan ang post nito kahit limang minuto pa lang ang nakalilipas simula nang ma-i-post iyon ng binata.

Marami ang bumati ng happy monthsarry sa kanila.

Naalala niya na may i-p-post din siya kaya agad niya na iyong pinost. Isang video lang iyon na may couple pictures with their name at dalawang picture ng cake na pinagawa niya sa kan’yang Tita.

“Happy 1st Monthsarry, Hon. Thanks for loving me kahit pilit kitang ni-r-reject noon. Pero dahil sa matigas ang ulo at napakakulit mo nanligaw ka pa rin. Sino ba naman ako para di pumayag?

Ito lang ang nakaya ko. Sana magustuhan mo. Happy monthsarry. Stay strong sa atin. I love you.”

Iyon lang ang caption niya. Nang posted na iyon ay mabilis siyang pumunta sa message ng fb lite.

“I’m happy that I met you here in RPW. Meeting you in RPW was the best thing that happened in my entire life. Kung hindi ko yata nadiskubre ang tungkol sa RPW, siguro hanggang ngayon boring na boring pa rin akong nagf-facebook. Thanks to my friends kung hindi dahil sa kanila, ’di ko sana mararamdaman na mahalin ng sobra. May labis ngunit walang kulang.”

Iyan kaagad ang bumungad kay Janna. Nabasa niya na iyon doon sa long sweet message sa post ni Clyde pero parang bago pa rin iyon sa kaniya.

“I hate you, Hon.”

“Why?”

“Pinapaiyak mo ako sa ka-sweet-tan mo.”

“Asus ikaw nga riyan ang gumastos pa sa pagbili ng cake. Kinikilig tuloy ako roon. May name pa natin.”

“Hindi na iyon pinabayaran sa akin ni Tita, kaya hindi ako gumastos.”

Totoo iyon. Babayaran niya na sana iyong cake pero hindi kinuha ng Tita niya at sinabi nito na bigay niya na lamang ito.

“Buti naman. Mahal na mahal kita, tandaan mo ’yan. Kahit gaano man ako ka-busy, gagawa pa rin ako ng paraan para bigyan ka ng sapat na oras para hindi ka magtampo o magalit sa akin.”

“Naiintindihan ko naman kung bakit ka busy. Para iyon sa future mo kaya hindi ako magagalit kahit minsan lang tayo mag-usap. Graduating ka na sa Senior High kaya kailangan mo talagang maging busy. Handa naman akong maghintay kung kailan ka may free time para makapag-usap tayo.”

“Thanks sa pagiging understanding, Hon. Next month graduation na namin konting tiis na lang. I will study hard para sa future natin.”

“Future mo lang sira!”

“Future natin.”

“Paano ka nakakasigurado na tayo ang magkakatuluyan?”

“Ramdam ko lang. Bakit ayaw mo ba na magkatuluyan tayo?”

“Syempre gusto pero hindi natin alam ang takbo ng tadhana, malay mo pinagtagpo lang tayo.”

“Let’s change the topic. Hindi ko gusto itong topic natin.”

“Sinasabi ko lang naman ang posibleng mangyari, Hon.”

“Let's enjoy our monthsarry, Hon. Huwag na muna natin isipin ang mga posibleng mangyari. Kung maghiwalay man tayo edi gagawa ako ng paraan para magkabalikan tayo, pero sisiguraduhin ko na sa real world na iyon hindi na sa pekeng mundong ito. Mahal na mahal kita, kung hindi mag-work ang relasyon natin dito sa RPW edi subukan natin sa RW.”

Hindi mapigilan ni Janna na maluha dahil sobra siyang nasisiyahan sa mga sinasabi ng binata.

“Sabagay. Pero hindi nga natin kilala ang isa’t isa sa RW.”

“Edi mag-share-ran tayo ng RA, p’wede rin ibigay mo sa akin ang lugar at complete address mo. Pupuntahan kita kahit gaano man ’yan kalayo. Para sa RW na lang natin ituloy ang relasyon natin kung sakali mang maghiwalay tayo rito sa RPW.”

“May magagawa ba ako eh may plan ka na ehh.”

“Kinikilig pa rin ako sa cake na iyon. Sana matikman ko iyon. Huwag mong kakainin babe, ’saka na kapag nagkita na tayo.”

“Baliw! Edi masisira ’yon. Plano nang kainin ni Mama bukas ehh.”

“Ayos lang si Mama naman pala ang kakain. Ikain mo na lang din ako.”

“Mama ko lang oyy. Grabe maka-Mama.”

“Magiging Mama ko rin naman ’yang Mama mo soon. Manifesting. Ikain mo ako ng cake, Hon.”

“Oo na po.”

Parang hindi nauubusan nang pag-uusapan ang dalawa kahit kanina pa sila nag-uusap. Kahit ang oras ay hindi na nila napapansin dahil sa nasa isa’t isa lang ang buong atensyon nila.

Kapag magkausap sila puro saya lang ang nararamdaman nila. Mahal na mahal nila ang isa’t isa kahit pa sa pekeng mundo lang sila nagkakilala.

“Hon, 11:00 pm na. Matulog ka na, may pasok ka pa bukas.” Chat ni Janna kay Kyle nang mapansin niya ang oras.

“Mamaya na. Hintayin na natin mag 11:11, may i-w-wish ako.”

“Ano naman?” curious na tanong ni Janna.

“Secret.”

“Matulog ka na. Huwag na mag-wish.”

“Okay.”

“Matulog na tayo. Goodnight, Hon. Happy monthsarry ulit. Sleep well.”

“Goodnight. I love you too and happy monthsarry. */Kiss your forehead. Dream of me, Hon.” Nag-virtual act pa si Kyle bago mag-log out.

Nang makapag-log out na sila ay kaagad na silang nahiga sa kani-kanilang higaan.

Pero si Kyle ay hinintay muna na mag 11:11 bago niya ipikit ang kan’yang mga mata.

“Sana huwag na mawala pa sa akin ang babaeng mahal ko ngayon. Sana hindi kami magkahiwalay.”

Iyon lang ang wished ni Kyle nang mag 11:11 na saka dahan-dahang ipinikit ang kan’yang mga mata hanggang sa makatulog siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro